MasukIntroducing, Bella McClaire! Sino siya? Abangan!!! Samahan niyo pa po ako sa next chapter. Salamat!
Paano kung may nabago na?Paano kung hindi na sila kasing bilis ng dati, kasing tibay, kasing handa sa biglaang panganib?Hindi sila superhero. Tao pa rin sila. Nasasaktan. Napapagod. Pwedeng magkamali.Si Kuya Lualhati naman ang kabaligtaran nila sa paraan ng pakikipaglaban. Hindi kamao ang sandata
Mitch“Ate Honey…” humihikbi kong tawag habang tuluyan na niya akong niyakap, parang hindi na niya hinintay pang tuluyang bumigay ako bago niya ako saluhin.Sa sandaling iyon, lahat ng pilit kong kinukubli—lahat ng takot, pangamba, at pagod ay parang sabay-sabay na bumuhos palabas.Dama ko ang marah
“Maupo ka muna, Mitch…” mahinang sabi ni Ate Honey habang marahan niya akong inaalalayan palapit sa sofa.Hindi ko na tinutulan. Para akong nawalan ng lakas bigla, kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak sa upuan na katabi lang din naman ng crib. Magkatabi kaming naupo, pero ramdam kong pa
MitchNarinig ko pa lang ang boses niya, parang may kumalabit na agad sa dibdib ko.“Mitch!” bulalas ni Ate Honey nang makita niya ako matapos niyang buksan ang pintuan.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos tumakbo na ako papasok, dala-dala ang dalawang linggong bigat na parang nakapatong dire
Wala pa rin.Isang oras ang lumipas. Dalawa.At sa bawat minutong nadaragdag, mas bumibigat ang pakiramdam ko.Hindi ito selos. Hindi rin duda.Takot lang.Takot na may nangyaring masama sa taong mahal ko.At sa gitna ng katahimikan ng kwarto, isang bagay lang ang malinaw sa akin—Kahit gaano ako ka
MitchNaging successful ang shooting, iyon mismo ang unang sinabi ni Sir Sol makalipas lamang ang dalawang araw. Kita ko sa mukha niya na hindi iyon simpleng reassurance lang.Hindi siya yung taong basta nagbibigay ng papuri para lang gumaan ang pakiramdam mo. Kapag sinabi niyang maayos ang kinalaba
Napayuko si Gianna, at doon na tuluyang bumagsak ang luha sa kanyang pisngi. Tinangka kong punasan iyon, pero marahan niyang inalis ang kamay ko, pinili ang mag-isa sa sakit na pinanghahawakan niya."Nung umalis sila… saka ko binuksan ang sulat. Sa bawat salitang nakasulat doon, pakiramdam ko ay unt
Chancy“I-finalize na natin ang buong detalye ng tournament dahil makukumpleto na ni Chansen ang sampung teams na lalahok doon,” anunsyo ko sa harap ng buong team habang hawak-hawak ang tablet na may presentation. “Kailangan nila ‘yon para makapaghanda nang maayos para sa pagsisimula ng Honorable Pr
GiannaKung tutuusin, pwede naman ako sa bahay ng nanay ko. Mas matipid, mas may kasama pa ako. Pero maliit lang ang space doon at hindi magkakasya ang mga gamit ko. Ilang beses ko na siyang niyaya na manirahan na lang sa condo ko, pero consistent ang sagot niya, ayaw niya.Ang dahilan?"Paano ka ma
GiannaLakad-takbo ang ginawa ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong pinapakalma ang kaba sa dibdib. Mabuti na lang at may elevator na agad pagliko ko sa isang corridor kaya mabilis akong sumakay at pinindot ang floor kung nasaan ang aking ama.Magpapatawad na nga lang ako, may ganito pa







