CHAPTER 1
NAGMAMADALING tumakbo ako papasok sa gate ng pinapasukan kong University.
Katatapos lang kasi ng duty ko sa pinagtatrabahuhan kong Ministop. Pang gabi ako kaya naman pagkatapos ng trabaho ay diretso agad ako ng school. Nagkape nga lang ako dahil baka malate pa ako at hindi na makapasok.
Ayoko namang may mamissed na isang araw ng klase. Ayokong bumagsak dahil ito lang ang panghahawakan kong katibayan para makakuha ng magandang trabaho sa future.
Nasa kolehiyo na ako. 3rd year college at kumukuha ng kursong Cullinary Arts.
Gusto ko kasi ang pagluluto, medyo matakaw din ako kumain hindi nga lang halata. Hindi kasi ako mabilis tumaba kahit na kain ako ng kain. Hindi rin ako payat, tama lang para sa isang dalaga ang katawan ko.
Kaya rin nagpupursige ako ay gusto kong magpatayo ng sarili kong restaurant o cafe balang araw. Isa rin iyon sa pangarap ng mga magulang namin para sa akin.
I don't want to disappoint them, lalo na ang mga yumao naming magulang. Gusto ko ring maging huwaran at responsableng kapatid at panganay sa mga kapatid ko. Ako lang kasi ang maaasahan nila na parehong nasa highschool na.
Ngunit sa gawain bahay, silang dalawa ang nakatoka. Maaasahan ko naman sila pagdating doon dahil they both know na pagod din ako sa school at work.
Mahirap talaga ang maging mahirap, pero mas mahirap ang walang pangarap.
Oo nga't mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, pero para sa kanila, lahat gagawin ko. At ang mabigyan ko ng magandang buhay at kinabukasan sina Moneth at Ranz ay isa sa mga pangarap ko.
Halos liparin ko na ang kahabaan ng hallway makaabot lang sa tamang oras bago pa ako maunahan ng aming professor.
"Ms. Montecarlos stop running at the corridor!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga gurong nakakita sa aking pagtakbo ng mapadaan ako sa isa sa mga bukas ng classroom.
"Sorry Ma'am! Emergency!"
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit hingal na hingal at sumasakit na ang tagiliran ko.
Pagdating sa second floor, sa tapat ng aming classroom ay agad akong pumasok ng hinihingal sa loob. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makitang wala pa si Mrs. Albez, isa sa mga terror teacher dito sa Handerson University.
"Arissa mabuti na lang at hindi ka naunahan ni Mrs. Albez sa pagdating. Paniguradong palalabasin ko no'n agad." Bungad kaagad ng seatmate kong si Liza.
Pagod at hinihingal na naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi n'ya.
"Oo nga eh. Sobrang haggard dai."
"Oh, mag-ayos ka muna ng sarili mo baka dumating na ang terror."
Natawa naman ako sa sinabi n'ya saka kinuha ang inaabot n'yang tissue. Nagpunas ako ng pawis dahil basang basa ang mukha ko hanggang leeg. Bakit kasi nalimutan ko pang magdala ng towel eh, sobrang haggard tuloy.
Pinuyod ko rin ang buhok ko na abot na hanggang bewang. Kaya siguro madali akong pawisin dahil sa mahaba kong buhok na kapag nasa trabaho ko lang tinatali.
"Good morning, Class!"
Madaling nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang assigned seat dahil sa pagdating ng aming guro. Boses pa lang ni Mrs. Albez ay nakakatakot na, ang makita pa kaya ang itsura nito.
Para kang kakainin ng buo. Char!
Buong duration ng klase mula umaga hanggang tanghali ay nakikinig lamang ako sa tinuturo ng teacher sa unahan. At pagkatapos ng buong maghapong klase ay diretso uwi agad ako.
Papasok pa kasi ako ng alas-dies ng gabi sa trabaho. Magpapahinga lang saglit, kakain ng hapunan kasama ng dalawa kong kapatid, tapos aalis na ulit para pumasok naman sa trabaho.
Papasok ng umaga sa school, uuwi ng bahay para magpahinga, tapos papasok naman ulit sa trabaho.
Simula ng iwan kami nina Mama at Papa tatlong taon na ang nakakaraan, palaging ganito na ang takbo ng buhay ko. Wala naman kasi akong choice. Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga kapatid ko, lalo na at kami-kami na lang ang magkakasama at magtutulungan.
Hindi rin naman kami magawang tulungan ng ibang kamag-anak namin dahil wala raw naman kaming mga silbi para sa kanila.
Kaya kailangan kong maging matatag para kina Moneth at Ranz.
Hindi ko sila pwedeng biguin.
Pagpasok ko sa loob ng aming munting tahanan ay naabutan ko si Moneth na naglalagay ng pagkain sa plato.
"Oh ate, nandito ka na pala. Meryenda ka muna, nagluto kami ni Ranz ng pancit canton."
Inilapag ko sa upuang yari sa bamboo ang aking bag bago magtungo sa mesa.
"Si Ranz? Nagmeryenda na rin ba kayong dalawa?" Tanong ko habang nagpapalaman ng pancit sa tinapay.
Naupo si Moneth sa harapan ko. "Nauna na si Ranz, ate. Nasa kwarto na, gumagawa ng assignment."
"Ikaw na ulit muna ang bahala dito sa bahay, Moneth ah. Papahinga lang ako saglit tapos papasok na ulit. Mag-iiwan ako ng perang pambili ng ulam bukas saka baon ninyo. Hanapin mo na lang sa drawer pag-gising mo bukas. Mag-iingat kayo ni Ranz dito."
"Huwag kang mag-alala ate, ako nang bahala dito sa bahay saka kay Ranz. Ikaw ang mag-iingat sa labas lalo at gabi ang trabaho mo."
Lumapit sa tabi ko si Moneth saka ako niyakap.
"Huwag kang mag-alala ate, pagbubutihin namin ni Ranz ang pag-aaral para masuklian naman namin ang paghihirap mo."
I patted her head.
"Magiging maayos din ang buhay natin, magpupursige si ate. Konting tiis na lang, maibibigay ko rin ang mga gusto n'yo. I will find a better job."
Hinigpitan ko ang yakap kay Moneth.
Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat mabigyan ko lang ng magandang buhay ang mga kapatid ko.
Mama, Papa, kung nasaan man po kayo, gabayan n'yo po sana kaming mga anak n'yo. Miss na miss na po namin kayo.
WALA pang 10:00 pm ay nasa store na agad ako. May ilang minutes pa bago ang shift ko kaya nakatambay muna ako sa isang bakanteng mesa. Umiinom ng mainit na kape, pagpatanggal ng antok.
Tuwing ganitong oras, kokonti lang ang mga dumadaan at pumapasok ng costumer kaya gusto ko ang shift na ito. Hindi sunod-sunod ang mga aasikasuhing bumibili kaya kapag may assignment ako ay nagagawa ko pa.
Sa kusina naman kasi ako naka assign eh. Bale lima kami dito sa store tuwing ganitong oras hanggang mag-umaga. Isang Manager, cashier, cook which is me and isang kasama ko pa, isang toka sa mga equipments at isang nag-aayos ng mga supplies na dumarating—kung meron man. Tapos may lima ulit na papalit sa amin kinabukasan.
Hindi naman mahirap ang trabaho, maliban na lang siguro kung pick season.
Tuwing unang araw ng pasukan hanggang kalagitnaan ng taon, dinarayo ang Ministop na ito ng mga estudyante o di kaya ay employees ng kalapit na mga establishimento. Sulit kasi ang perang ipambibili mo sa mga pagkain tinitinda at niluluto namin dito.
Minsan nga may take-out pa kami kaya may naibibigay ako kina Moneth na masasarap na pagkain.
Mabait at mapagbigay kasi ang Manager namin. Walang problema iyon sa kanya basta maayos ang trabaho mo buong shift.
Sahod na lang talaga ang hindi lumalaki. Pero iyong mga bilihin patuloy na tumataas ang presyo.
"Hoy, bakla ka! Ang aga mo ah." Hiyaw ni Alexis—I mean Lexi pala. Maarteng tumakbo ito palapit sa kinauupuan ko saka naupo sa bakanteng bangko sa harapan ko. "Natutulog ka pa ba? Baka puro ka na lang trabaho at napapabayaan mo na ang sarili mo."
"Nakatulog na ako kanina, tatlong oras. Salamat sa pag-alala Alexis, pero kaya ko pa naman."
Napasimangot ito bago ako hinampas sa braso.
"Hayop ka talaga, bakla ka. For your information, let me correct you, okay?! Lexi not Alexis, duh!"
Pabirong inirapan ko naman ito. Arte, dinaig pa ang tunay na babae.
"By the way, may alam ka pa bang ibang raket d'yan? Kailangang kailangan ko talaga ng pera. Malapit na mag bayaran ng tuition sa school nina Moneth."
"Sa club, madaling kumita ng pera. Gusto mo?"
"Yak ka naman Alexis—"
"Lexi not Alexis."
"Oo na, oo na. Lexi na kung Alexis—Lexi na kasi. Hindi naman ako hostes eh. Tsaka ayokong mag waitress sa club, hindi ako bagay doon. Iyong trabaho sana na hindi ko kailangan ibaba ang pride ko para lang kumita ng malaki."
Nag-isip saglit si Alexis na para bang may inaalalang isang mahalagang bagay.
"AHA! KORAK!" Malakas na hiyaw nito kaya napatingin sa amin ang ilang nasa labas ng store.
"Hinaan mo nga boses mo."
"Sorry na, naexcite lang ako."
"Saan naman?"
"Speaking of trabaho, may nakita nga pala akong hiring sa isang website na nadaanan ko kaninang umaga habang nag-scroll sa g****e."
"Baka naman scam 'yan? O di kaya ay s*x site na naghahanap ng babae tapos babayaran ng malaki."
"Gaga ka! Malaki talaga ang sahod pero hindi naman ganyan sa iniisip mo. Wait, hanapin ko."
Kinuha nito ang cellphone saka may pinindot na kung anu-ano.
"Ayan oh! Look mo muna kasi. Hindi naman s'ya scam. Mukhang real naman bakla. Itry mo kaya, wala namang mawawala."
"May pasok ako bukas."
"Edi sa hapon. Sa gabi naman sila tumatanggap ng mga aplikante eh."
Natigilan ako.
"Sure kang hindi iyan modus ng mga bugaw?"
"Grabe ka talaga."
"Eh bakit kasi gabi?"
"Baka busy sa umaga kaya sa gabi lang ang free time. H'wag kang medyo judgemental."
"Sorry na. Naninigurado lang."
Kinuha ko ang phone saka tiningnan ang sinasabi nitong site.
Job fair tommorow at 8:30 pm in Azula Hotel and Restaurant.
We are Hiring for the position of Secretary for the Cordova's Eldest Heir.
If interested, just go to Azula Hotel and look for Mr. Smith.
Iyon lang ang nakalagay sa site.
"Ano bakla? G ka?"
"Pag-iisipan ko pa—"
"Huwag mo ng pag-isipan pa, go ka na. Sayang din ang $100 na sahod every week tapos may $50 pa na allowance kada araw. Tapos dipende pa sa contract na tatanggapin mo ang magiging official na sahod mo. Chance mo na 'to, bakla ka. H'wag mo ng palampasin pa."
"Ano nga ulit? $100 per week ang sahod? Tapos may allowance pa? Gaano ba kayaman ang taong ito? Pero saan mo naman nakuha ang impormasyong iyan? Eh wala naman dito sa site."
"Ang alam ko, sobrang yaman pa sa pinakamayamang politiko dito sa Pilipinas. Ayon iyon sa mga nagkalat na Marites out there."
"Isa ka rin namang Marites eh. Tingnan mo, dami mo agad alam."
Pero halos malaglag ang panga ko sa narinig tungkol sa magiging sahod ng makukuhang sekretarya.
Seryoso ba?
CHAPTER 2 GRABE! Sino ba ang Cordova'ng ito? Anak ng bilyonaryo? Heir nga 'di ba. So malamang tagapagmana. Gawin ko kayang Sugar Fafa? Char!"Baka ini-echos mo lang ako ah," pagbibiro ko kay Alexis. Hindi pa rin makapaniwala sa narinig."Bakit kaya hindi mo itry para malaman mo noh?!""Eh may pasok nga bukas.""Edi pumasok ka ng umaga, sa hapon ka naman pupunta doon. Ako na ang bahala sa'yo bukas, sagot kita kay Boss.""Sayang ang isang araw na trabaho—""Pero mas sayang ang oppurtunity na iyan. Isipin mo na lang ang $100 every week plus allowance mo pa kada araw, kung mapupunta lang sa ibang tao. Balita ko pa, nabubukod tangi raw ang pamilyang Cordova sa mga mayayamang Businessman dito sa buong mundo. Malay mo, nasa mga kamay na pala nila ang swerte mo."Napaisip ako.Wala namang mawawala kung susubukan. Ika nga, 'try and try until you succeed'."Basta ikaw na ang bahala sa akin bukas ah.""Oo, basta huwag mo akong kalilimutan kapag mayaman ka na.""Mayaman agad? Eh hindi pa nga nag
CHAPTER 3 MABUTI na lamang at nagkataon na wala kaming pasok sa store ngayong araw. May importanteng pupuntahan kasi ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya pansamantala muna itong isasara ng dalawang araw.Sumakto naman ang pagkakataon dahil ngayong gabi ay babalik ulit ako sa Azula Hotel para sa aking final interview with the Young Master.Kinakabahan ako. Sobra!Sana makapasa ako sa final interview. Sana matanggap ako sa trabaho. At sana hindi monster ang mga taong pagtatrabahuhan ko.Pero may monster bang ganoon kayaman?Malamang wala."Bakla congrats!!! Sabi ko naman kasi sa'yo think positive lang always. Basta galingan mo pa at maging attentive ka lang lagi para matanggap ka. Dapat globe lang lagi, go lang ng go!"Natawa naman ako sa kasiglahan ni Alexis."Thanks Lexi!""Ayarn ang gusto ko. Lexi dapat at hindi Alexis."Napailing na lang ako. Napaka-arte talaga. Akala mo babae, eh may lawit naman. Babaeng may lawit?"Basta ikaw na muna ang bahala kina Moneth at Ranz ah. Pagtapo
CHAPTER 4NANG MALAMAN ko na sila ang mga Cordova—iyong apelyedo ng pinag-aapply-an ko ng trabaho, parang gusto kong magpalamon ng buhay sa lupa. Paano kung hindi nila ako tanggapin, di ba?Knowing na kung anu-anong pinagsasagot ko kanina nang tanungin ako ng lalaking nag-ngangalang Sage Trevour. Iyong lalaking walang emosyon at parang laging galit sa mundo. Sabi nga ni Tyron Ryven, allergic daw ito sa babae. Meron bang gano'n?Pero hindi ko na dapat isipin iyon, ang dapat kung intindihin ay ang pag-aapply ko. Sayang ang malaking sahod kung hindi ako makakapasa. Malaking tulong iyon sa aming magkakapatid."Ah, actually..." napapakamot ito sa ulo. "Wala pa iyong taong pagtatrabahuhan mo, mismo. Malaki ang galit niyon sa mundo kaya chill and relax ka lang muna, dear. We're just here to interview you and talk about the contract.""And speaking of the contract—pwede ba tapusin na natin ang usapang ito? May pasok pa ako." Iyamot na wika ni Mr. Sage saka muling naupo, but this time ay sa
CHAPTER 5BINIGYAN ako ng isang araw para asikasuhin ang mga papers ko para sa transfer. Kailangan ko kasing manatili sa Villa dahil iyon ang nasa kontrata. Hindi naman pwedeng babyahe ako papunta ng San Roque para pumasok sa school tapos byahe na naman patungong Villa para gawin ang trabaho ko.Masyadong hassle iyon at aksaya sa oras.Kaya naman kailangan ko rin lumipat ng school. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil two years na lang graduating na ako.Mabuti na lamang at may malapit na University sa Villa, doon ako pinalilipat ng pag-aaral. Doon rin siguro pumapasok si Sage.Nagresign na rin ako sa Ministop na pinagtatrabahuhan ko. Masyadong malayo ang ang Villa ng mga Cordova sa San Roque kung saan kami nakatira, kaya heto kailangan ko munang magpaalam pansamantala sa lugar na kinalakhan ko. Kailangan ko kasi talaga ng trabahong ito para maibigay ang mga pangangailangan ng dalawa kong kapatid.Dahil nga sa trabahong ito, nabayaran ko na ang mga utang namin. Pati na rin tu
CHAPTER 6TINULUNGAN ako ni Kuya Migs, iyong driver na naghatid at nagsundo sa akin, na magpasok ng mga dala kong gamit sa loob ng mansion.At katulad nga ng sinabi ni Boss Travis kahapon, huwag akong umasa na masaya ang magiging pagdating ko dito sa Villa.Sobrang tahimik.At wala manlang katao-tao dito.Sobrang laking mansion pero walang tao? Nagpatayo pa sila ng ganito kalaking mansion kung wala rin naman palang titira.Iba talaga ang nagagawa kapag may pera."Kuya Migs, tama ba itong pinuntahan natin?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang buong palapag."Oo naman. Bakit mo naitanong iyan?""Eh kasi naman Kuya... bakit walang tao? Nasaan ang mga maids or butler? Wala ring guards? Paano kung bigla na lang may mag-akyat bahay dito? Sa mahal ng mga gamit dito hindi iyon imposible. Tsaka.... nasaan ang Young Master?" Pabulong lang ang pagkakasabi ko ng huling katagang iyon. Feeling ko kasi may nakakarinig sa akin kahit na wala naman dahil kami lang ang naririto.Ang creepy talaga.
CHAPTER 7KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion."Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa.""Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?"Natawa si Yna sa sinabi ko."Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos.""Grabe naman.""At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa.""Bakit? Nangangain ba ng buhay?""Oo.""H-Hoooyyyy!""Joke lang.""Akala ko talaga.""Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap.""YNA!!"Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlo
CHAPTER 8NANGINIG AKO sa takot. Sino ang taong nasa veranda? Sino ito?Si Sir Travis ba ito? Si Tyron? O si Sage? Pero bakit hindi ko namalayan na pumasok ito kanina? At mas lalong wala akong narinig na dumating kanina. Saka kung ito ang boss ko, dapat tinawag na ako nito pagkarating pa lang n'ya.Kahit takot at nanginginig ang tuhod ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakabukas na veranda.Bilog na bilog ang maliwanag na si Luna. Gusto ko mang pagmasdan ang buwan ng matagal, hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman.Ngunit sa sunod kong hakbang papalapit, bigla na lang itong nawala.Dali-dali agad akong tumakbo papalabas ng veranda ngunit walang tao roon. Ni anino ng lalaking nakita ko kanina ay hindi ko na mahagilap. Para itong hanging bigla na lang dumaan at naglaho."OH MY GOODNESS!"Bulalas ko na patuloy pa rin sa paghahanap. Sumilip ako sa ibaba pero wala. Kahit sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mahabang hallway at fountain sa labas ay wala ring bakas ng taong
CHAPTER 9PARA AKONG dinaganan ng isan-daang bakal pag-gising ko kinaumagahan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na naging dahilan para tamarin akong bumangon. Ngayon lang ako nagising ng maliwanag na. Sabagay, hindi nga pala ako natutulog sa gabi dahil pang gabi palagi ang shift ko sa store. At kung pang umaga naman, hindi rin ako tinatanghali ng bangon dahil kailangan madaling araw pa lang gising na. Aasikasuhin ko pa kasi ang umagahan naming tatlo bago pumasok sa school.Kaya naman ngayon, nakabawi-bawi ako ng tulog. Napasarap din ang pagtulog ko dahil sa komportable at malambot na kama. Maliwanag na sa labas at ang sinag ng papasikat pa lang na araw ay kumakaway na sa akin.Hindi ko nga pala tinanggal ang tali ng kurtina, kaya pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas ng bintana.Tanghali na ba?Bumango na ako ng kama kahit pa tinatamlay. Inayos ko muna ang bedsheet at unan bago magtungo sa closet para kumuha ng damit.Maliligo muna ako baka sakaling mahimasmasan at mawala a