Share

CHAPTER 56

CHAPTER 56

MAKARAAN ANG TATLONG TAON...

Sa tatlong taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.

Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status