CHAPTER 7KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion."Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa.""Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?"Natawa si Yna sa sinabi ko."Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos.""Grabe naman.""At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa.""Bakit? Nangangain ba ng buhay?""Oo.""H-Hoooyyyy!""Joke lang.""Akala ko talaga.""Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap.""YNA!!"Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlo
CHAPTER 8NANGINIG AKO sa takot. Sino ang taong nasa veranda? Sino ito?Si Sir Travis ba ito? Si Tyron? O si Sage? Pero bakit hindi ko namalayan na pumasok ito kanina? At mas lalong wala akong narinig na dumating kanina. Saka kung ito ang boss ko, dapat tinawag na ako nito pagkarating pa lang n'ya.Kahit takot at nanginginig ang tuhod ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa nakabukas na veranda.Bilog na bilog ang maliwanag na si Luna. Gusto ko mang pagmasdan ang buwan ng matagal, hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman.Ngunit sa sunod kong hakbang papalapit, bigla na lang itong nawala.Dali-dali agad akong tumakbo papalabas ng veranda ngunit walang tao roon. Ni anino ng lalaking nakita ko kanina ay hindi ko na mahagilap. Para itong hanging bigla na lang dumaan at naglaho."OH MY GOODNESS!"Bulalas ko na patuloy pa rin sa paghahanap. Sumilip ako sa ibaba pero wala. Kahit sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mahabang hallway at fountain sa labas ay wala ring bakas ng taong
CHAPTER 9PARA AKONG dinaganan ng isan-daang bakal pag-gising ko kinaumagahan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na naging dahilan para tamarin akong bumangon. Ngayon lang ako nagising ng maliwanag na. Sabagay, hindi nga pala ako natutulog sa gabi dahil pang gabi palagi ang shift ko sa store. At kung pang umaga naman, hindi rin ako tinatanghali ng bangon dahil kailangan madaling araw pa lang gising na. Aasikasuhin ko pa kasi ang umagahan naming tatlo bago pumasok sa school.Kaya naman ngayon, nakabawi-bawi ako ng tulog. Napasarap din ang pagtulog ko dahil sa komportable at malambot na kama. Maliwanag na sa labas at ang sinag ng papasikat pa lang na araw ay kumakaway na sa akin.Hindi ko nga pala tinanggal ang tali ng kurtina, kaya pumapasok dito sa loob ang liwanag mula sa labas ng bintana.Tanghali na ba?Bumango na ako ng kama kahit pa tinatamlay. Inayos ko muna ang bedsheet at unan bago magtungo sa closet para kumuha ng damit.Maliligo muna ako baka sakaling mahimasmasan at mawala a
CHAPTER 10AGAD NA napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal pa na nanlalaki ang mga matang kinapa ko ang aking buong katawan. Chine-check if buhay pa ba ako o baka kaluluwa na lang dahil namatay na ako kagabi.Pero buo naman at... at...Natigilan ako nang maalala kung anong nakita ko sa may hagdan sa itaas.Sure ako na lalaki ito.At sure rin ako na totoo ang nakita ko at hindi guni-guni lang.Ang pula nitong mga mata. Madilim sa third floor dahil walang bukas na ilaw doon tuwing gabi, kitang kita ko kung paano ito tumingin sa akin. Nakakatakot pero at the same time ay nakakamangha ang pagka-pula nito.Mala-ruby sa ganda ang pula nitong mga mata."AAHHHHH! Ano ba naman Arissa! Nakakita ka na nga ng multo, pinuri mo pa."Pero multo nga ba iyon?Naalala ko pa na sumigaw nga pala ako bago ako natuluyan.... natuluyang himatayin.Sino ba naman kasing normal na tao ang hindi hihimatayin sa takot kung makakita ka ng ganoon, sa kalagitnaan ng gabi. Tapos nag-iisa ka pa. Ewan ko na lang talaga
CHAPTER 11TULALA AKO habang nakatitig sa mga papeles na nasa aking harapan.Nandito ako ngayon sa loob ng opisina ni Sir Travis. Matapos iyong mga sinabi n'ya kanina, bigla na lang itong nawala sa harapan ko. Sa sobrang bilis ng pag-alis nito parang hanging bigla na lang itong naglaho.At iyon nga, pag-alis ng boss ko, nakarinig na lang ako ng boses from somewhere na kailangan kong magtungo sa opisina n'ya sa ikalawang palapag para gawin ang trabaho ko.Ewan ko ba, pero parang may sariling buhay ang katawan ko at sinunod agad iyong narinig ko. Kahit na lutang at tulala ang isip ko sa mga nangyayari.At ayun, nagising ang diwa ko at natagpuang naririto na ako sa aking table. Dito sa loob ng opisina ng salbahe at mapanlait kong boss."TSK!"Inis na sinalansan ko ang mga papers na dapat pirmahan ng magaling kong boss.Nahuhurumintado pa rin ang sistema ko dahil sa mga panlalait na pinagsasabi ng lalaking iyon kanina. Kung hindi ko lang s'ya boss at kung hindi ko lang kailangan ang traba
CHAPTER 12MAKALIPAS ang tatlong oras na pag-upo, natapos din ako sa pag-aayos ng mga documents na kailangang ipasa sa Azula Hotel bukas.Napatingin ako kay Sir Boss na tahimik at seryosong nakatitig sa binabasang papeles. Nakasuot na rin ito ng black rimmed specs na nagpalakas sa dating ng panganay na Cordova.Humalumbaba ako sa mesa, paharap sa table ng boss ko. Ang gwapo pala ng lalaking ito? Salbahe nga lang!♫︎♫︎♫︎And I've heard of a love that comes once in a lifetimeAnd I'm pretty sure that you are that love of mine'Cause I'm in a field of dandelionsWishing on every one that you'd be mine, mineAnd I see forever in your eyesI feel okay when I see you smile, smile♫︎♫︎♫︎Bigla akong napa-upo ng tuwid ng makarinig ako ng background music from nowhere. I even blink twice while shaking my head.Bakit may background music? Saan galing 'yon?Nagugutom na yata ako. Oo, tama, gutom lang siguro ako. Ikaw ba naman ang maghapong nakaupo habang nag-aayos ng sangkaterbang papeles, hind
CHAPTER 13HINDI MAN LANG nagulat ang magaling kong boss sa sinabi ko. Bagkus ay mapang-asar na ngumisi pa ito sa akin na tila ba natutuwa pa."Why Ms. Montecarlos, naaakit ka ba?"Agad akong tumanggi. "H-Hoy, Mr. Travis Cordova hindi ako naaakit sa'yo 'no?! Huh! Bakit? Ikaw ba si Lee Jong Suk o si Song Joong Ki? Si Lee Minho ka ba para maakit ako hah? Wala ka nga yatang abs kahit dalawa eh," singhal ko pa. Tinatago ang pagka-apekto ko sa kanya. As if naman aaminin ko 'no, baka mas lalo lamang s'yang mang-asar. Saka may naakit na bang umamin na naaakit s'ya sa umaakit sa kanya? 'No daw?Pero teka nga! "So, inaakit mo nga ako Sir Boss? Naku, naku hah! Hindi mo ako madadala sa mga paganyan-ganyan mo.""Really? Are you sure?""A-Ano?""Na wala akong abs?"Dinuro-duro ko s'ya. Pero nanginig ang aking braso kaya hinawakan ko iyon gamit ang kabila akong kamay habang tinuturo ko pa rin s'ya."A-Ang yabang mo ah."Mas nagulat pa ako nang tumayo ito at hinawakan ng dalawang kamay ang laylay
CHAPTER 14"GOOD MORNING, MA'AM AND SIR! WELCOME IN...""CORDOVA'S CLOTHING COMPANY!"Tatlong saleslady ang sumalubong sa amin pagpasok namin sa loob ng parang isang Mall."WOW! DAEBAK!" Manghal usal ko nang makita ang loob ng building.Walang sementong humaharang sa giitna pataas, tanging mahabang escalator ang sasakyan mo paakyat para makarating ka sa bawat floor.Sobrang ganda ng loob. Napakaraming panindang damit, dress at kung anu-ano pa, na mukhang mamahalin dahil sa ganda ng style ng mga ito. Mapa-pambabae man o panlalaking damit ay nakakasilaw ang karangyaan...kahit nga ang price ay parang ginto.Kung wala ako ngayon sa trabaho kong ito, hindi ko maafford kahit isa sa mga damit na tinda rito.At iyong mga damit sa walk-in-closet sa mansion, galing ang mga 'yon dito. Iyong mga usual na damit sa bahay ay hindi nagmumukhang pambahay. Kaya kapag suot ko para lang akong rarampa sa runway.Ang sososyal at ganda naman kasi talaga ng mga damit."Mr. Hanz kayo po pala. Anak n'yo po o