CHAPTER 5
BINIGYAN ako ng isang araw para asikasuhin ang mga papers ko para sa transfer. Kailangan ko kasing manatili sa Villa dahil iyon ang nasa kontrata. Hindi naman pwedeng babyahe ako papunta ng San Roque para pumasok sa school tapos byahe na naman patungong Villa para gawin ang trabaho ko.Masyadong hassle iyon at aksaya sa oras.Kaya naman kailangan ko rin lumipat ng school. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral dahil two years na lang graduating na ako.Mabuti na lamang at may malapit na University sa Villa, doon ako pinalilipat ng pag-aaral. Doon rin siguro pumapasok si Sage.Nagresign na rin ako sa Ministop na pinagtatrabahuhan ko.Masyadong malayo ang ang Villa ng mga Cordova sa San Roque kung saan kami nakatira, kaya heto kailangan ko munang magpaalam pansamantala sa lugar na kinalakhan ko. Kailangan ko kasi talaga ng trabahong ito para maibigay ang mga pangangailangan ng dalawa kong kapatid.Dahil nga sa trabahong ito, nabayaran ko na ang mga utang namin. Pati na rin tuition sa school nina Moneth at Ranz ay nabayaran ko na rin.Nag-advance kasi ako ng sahod kay Boss Travis. Mabuti na lang pinagbigyan ako dahil sa tulong na rin ni Sage at Mr. Hanz Smith.At heto na nga, maaga pa lang nakagayak na lahat ng mga kailangan ko at mga damit na dadalhin papunta sa Villa, kung nasaan ang Mansion ng magiging Boss ko.Naalala ko pa kung anong nangyari kahapon sa opisina nito. Akala ko talaga hindi ako tatanggapin. Pero para bang isang himala dahil nagbago na lang bigla ang isip ng Young Master at napapayag na magkaroon ng bagong sekretarya.Siguro, sadyang sinuwerte lang ako that time...FLASHBACK"Who is she?"Galit na tanong ng lalaking pumasok sa pintuan ng opisina.Para akong napako sa kinauupuan ko. Tanging sa magagandang mga mata lamang ng lalaki nakatuon ang paningin ko at ayaw itong lubayan. Pakiramdam ko ay hinihipnotismo at hinihigop nito ang lakas ko.Nakakapanghina ng tuhod.Kasunod na pumasok ng lalaki ay ang nag-aalalang si Mr. Smith."Young Master Travis..."Natutop ko ang aking labi. S-SYA? S'ya ang Young Master? Ang lalaking ito ba ay ang magiging boss ko? Oh em gie!Dumako ang tingin nito kay Sage na walang pakielam na nagbabasa lang."Sage."Umangat ang tingin ni Sage ng tawagin s'ya ng pinsan."What?" Iritableng sagot nito."You know that I don't want any human being entering my office, right?"Human being talaga? Hindi pa sila human being kung makapagsalita naman ito.At saka hindi ko naman dudumihan ng opisina n'ya. Hindi rin ako magnanakaw. Para namang may allergic ito sa ibang tao. Psh!"Uh-huh!""So anong ginagawa ng nilalang na ito sa opisina ko? And why you we're with her?"Napasimangot ako.Eto ba ang magiging Boss ko? Sa loob ng apat na taon?Para namang may nakahahawa akong sakit o ang baho-baho ko dahil sa tono ng pinagsasabi nito. Kaya ba walang nakakatagal na secretary sa lalaking ito dahil sa ugali nito?Sabagay, kung ako man ay hindi rin makakatagal sa kanya kung sakali. Pero dahil kailangan ko ang trabahong ito, mapagtitiisan ko naman... siguro?!Nagkibit-balikat lang si Sage at walang isinagot. Muli nitong ibinalik ang tingin sa libro at tila ba wala na ulit pakielam sa paligid n'ya.I saw how the Young Master Travis rolled his eyes on his cousin, na hindi naman nakita ng huli."Hanz who's this cheap woman?" Baling nito kay Mr. Smith nang hindi s'ya sagutin ng pinsan.Maka-cheap naman. Gold yarn?Pinasadahan ng lalaking tinatawag nilang Young Master ang kabuoan ko, mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan ang itsura ko. At base sa tingin nito sa akin, parang gusto kong manliit."Ah, Young Master... S'ya ang bago mong sekretarya."Tumayo naman ako bago nag bow upang magbigay galang. Syempre, nagpapa-impress ako para matanggap sa trabahong ito."Magandang gabi po!" Bati ko."And what's the beauty in evening? And let me correct it, hindi ko pa inaaprubahan ang pagiging sekretarya mo." Pagkatapos ay bumaling ito kay Mr. Smith. "Kailangan ko ba talaga ng secretary? Required ba talaga na babae? Hindi ba pwedeng lalaki ang maging secretary ko? Because the last time I check, muntik ko ng ipalapa sa mga wild animals sa gubat ang huling sekretarya ko."Napalunok ako.Pakiramdam ko ay may malaking batong nakabara sa lalamunan ko dahil ang hirap lumunok.Geezzz....Is it required to tell that?Seryoso ba iyon?"You look tense, Ms. Who are you again?" Nakatingin na pala sa akin si Travis at mag mapang-uyam na ngisi ito sa labi.I will never call him Boss dahil ayon nga sa kanya, hindi pa n'ya inaaprubahan ang pagiging sekretarya ko. So meaning, hindi pa s'ya official na boss ko.Mas lalo namang ayaw ko s'yang tawaging Young Master 'noh. Ano s'ya, siniswerte? Duh! Baka Young Monster pwede pa. Dahil mukha s'yang mons—este ugaling monster s'ya."Arissa po ang pangalan ko. At hindi po ako natetense.""Really? Pero iba ang nakikita ko. Natatakot ka ba?"Umiling iling ako. "Bakit naman ako matatakot? Multo ka ba? Kriminal? Para katakutan ko?" Pero ang totoo, deep inside nanginginig na ako."Yes, I'm not. But I'm more that worst from them."Natigilan ako nang mapansing biglang nagbago ang kulay ng mga mata nito. Ang dating berdeng kulay ay naging intense gold.I gulp.Then I blink.At sa sunod na pagkurap ko ay muling bumalik sa dating kulay berde ang mata nito.Did I just hallucinating again?Hala! Baka naeengkanto na talaga ako. Kailangan ko na talagang matulog ng tama sa oras."So, do you still want that job?""Anong job? Blowjob?""THE HECK?" Galit nitong litanya.Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Sage sa gilid kaya napatingin ako dito, pero sa libro pa rin ang titig nito.Sinong pinagtatawanan nito?"What's funny, Sage?" Inis na turan ni Travis sa pinsan. Umangat naman ang paningin ni Sage na para bang nagtataka."What? Why me? I didn't do anything.""And why are you laughing at?""Bakit bawal ba?""TSK!"Bumalik na ulit ito sa binabasa pero natatawa pa rin. Sino at ano ba kasi ang tinatawanan nito? Kahit si Mr. Smith ay napangiti rin at umiling iling.Napapitlag ako ng maramdaman ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ni Travis a.k.a Young Monster—este Young Master pala.Kung Fu Master yarn?At nang magkatitigan kaming dalawa, naramdaman ko na naman iyong kakaibang pakiramdam katulad kanina. Para akong hinihigop ng mga mata nito, nakakapanghina.Para bang may nagliliparang mga paru-paro sa tiyan ko. Nagwawala ang mga ito dahil sa intense at seryosong titig ni Travis sa akin.Hinahalungkay ang bawat himaymay at kalamnan ng aking buong pagkatao.Nanlamig ako nang may maramdaman akong kakaiba mula sa likuran ko. Para bang may tao doon na hindi ko nakikita. Katulad na lang kanina, parang may hanging dumaan sa likuran ko.Hangin. Malamig na hangin.Nakakakilabot.May multo ba dito?"Arissa Paige Montecarlos, right?" Malamig ang baritonong boses na tanong nito habang nakatitig pa rin sa mga mata ko.Beke nemen metenew eke nyern."O-Opo!""You're hired!"Literal na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kahit nga si Sage at Mr. Smith ay nabigla rin sa biglaan nitong pagdidisesyon. Nanlalaki ang mga matang bagsak ang panga mula sa kanilang Young Master."P-Po? T-Tanggap na ako? Talaga? WAAHHHHHH!""Yes. And as of that, you can now sign this contract." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang bumalandra si Travis—este Boss Travis pala sa mismong harapan ko. Parang isang kisap-matang bigla na lang itong nakarating sa harapan ko kahit na kanina ay nasa pwesto pa lang n'ya ito.Parang may sariling buhay ang mga kamay ko at dagling pinirmahan ang kontratang hindi ko pala napirmahan kanina, habang sa mga mata pa rin ni Travis nakatingin.Hindi maalis ang paningin ko sa magaganda nitong berdeng mga mata. Pakiramdam ko ay kontrolado n'ya ang aking sariling katawan.Nang mapirmahan ko na, doon lang s'ya lumayo ng bahagya sa akin."Nag-aaral ka 'di ba? I'll give you one day to prepare all your school papers, because you need to transfer. Malayo ang Villa mula rito, mahihirapan kang magpabalik-balik. Ngayon may sasakyang maghahatid sa iyo pauwi, para makapag-ayos ka ng mga gamit mo. Bukas na umaga may susundo sa'yong sasakyan patungo sa Villa. Pero huwag mong aasahan na magiging magiliw ang pagsalubong ng Villa sa'yo... bilang bagong sekretarya ko."Ngayon pa lang ay kinikilabutan na ako.Sana naman matagalan ko ang lugar na iyon... at maging ang boss ko."And if may iba ka pang work, you need to quit then. GUSTO KO, AKO LANG ANG PAGSISILBIHAN MO. Do you understand?"Mabilis na tumango-tango ako upang ipaalam na sumasang-ayon ako sa kasunduan.Pero...Gusto ko ako lang ang pagsisilbihan mo.Gusto ko ako lang ang pagsisilbihan mo.Gusto ko ako lang ang pagsisilbihan mo.END OF FLASHBACKBumalik lang ako sa tamang huwisyo ng makarinig na nang malakas na busina sa labas.Hinarap ko sina Moneth at Ranz na naka-upo sa sofa'ng gawa sa kawayan. Nasa kabilang upuan naman si Alexis na nagpupunas ng kunwaring luha sa mata."Oh, pa'no. Aalis na si Ate. Mag-iingat kayo dito ni Ranz, Moneth. Ikaw na muna ang bahala sa bahay at sa kapatid natin."Hindi nga pala namin tinanggap ang binibigay na room accommodation sa Azula Hotel para sa mga kapatid ko. Masyadong maraming naiwang memories sa bahay na ito ang mga magulang namin, kaya hindi namin ito basta-basta maiiwan.Siguro kapag nakapag-ipon na ako, maipapa-ayos ko na rin ang bahay."Tatawag naman ako palagi rito kapag mga free time. Dadalaw naman dito ang Ate Lexi n'yo pagtapos ng shift n'ya. H'wag kayong mag-aalala, kapag day-off ni ate magpapaalam ako sa boss ko na bibisitahin ko kayo. Moneth h'wag mong pababayaan si Ranz ah."Niyakap ko ng mahigpit ang mga kapatid ko."Mahal na mahal kayo ni Ate.""Mahal ka rin namin ate. Mag-iingat ka roon ate ah. Huwag mo masyadong isipin kami ni Ranz, yakang yaka namin dito ate. Tsaka malaking halaga na iyong iniwan mong pera sa amin para sa isang buwan.""Ate tatawag ka lagi ah. Kapag may nang-away sa iyon doon, sabihin mo lang sa akin. Yari iyon kay Ranz."Natawa naman ako sa pabibuhan ni Ranz.Muli ay niyakap ko ang dalawa bago hinalikan sa uluhan. Hinatid naman nila ako sa labas. May lalaking nag-aabang doon at ito na ang kumuha ng mga gamit ko at nilagay sa compartment ng sasakyan.Bumaling ako kay Alexis."Hoy, bakla! Bakit ka umiiyak d'yan? Hindi ako mamamatay, magtatrabaho lang ako sa malayo. Gaga ka talaga.""Eh kasi naman eh. Mamimiss ka namin bakla ka. Ako nang bahala sa dalawang bubwit na ito. Basta mag-iingat ka doon. Tsaka dapat pagbalik mo dito, mag jowa ka na. Para naman may katulong ka na sa pag-aalaga sa sarili at sa mga kapatid mo.""Jowa ka d'yan. Sige na, sige na. Aalis na ako. Babye na ah.""Ingat sa byahe."I waved goodbye to them bago pumasok sa loob ng sasakyan."Okay na po, Miss?""Opo, Kuya. Tara na po."Pinaandar na nito ang sasakyan paalis. Muli naman akong tumingin sa mga kapatid ko hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.No'ng una ay marami pa akong nakikitang mga kabahayan sa paligid, pero nang magtagal na ang byahe ay paunti-unti na rin. Mas rumarami na rin ang mga matataas na puno sa paligid. Medyo dumidilim na rin dahil kanlong ng matataas at malalagong dahon ng bawat puno ang dinaraanan namin.Parang papunta na kami sa isang malayo at tagong kagubatan.Limang oras din yata ang inabot ng mahabang byahe bago kami makarating sa aming destinasyon.Isang mahabang pathway na may mga pine tree na nakatanim sa gilid ng daraanan. At sa dulo ng pathway ay may nakatayong matayog na gate na gawa sa bakal na napalilibutan ng halamang baging. Napalilibutan din ang buong lugar ng mataas at malapad na pader."Maligayang pagdating sa Cordova's Villa, Miss Arissa! Nasa loob ng malawak na villa na ito nakatayo ang Cordova Mansion. Goodluck!"Bumukas ang tarangkahan at bumungad sa aking paningin ang malaki at mahabang mansion.Sa gitna nito ay may fountain at napapaligiran iyong ng halaman na may kulay pulang bulaklak. Sa kabilang banda naman ay may limang nakaparadang mamahalin at magagarang sasakyan.Napapaligiran din ang mansion ng bermuda grass at sa likurang bahagi ng mansion ay may nakikita akong puno. Mukhang may maliit na gubat sa likurang bahagi.Tumigil ang sasakyan sa harap mismo ng mansion.Bumaba akong nakatulala at namamangha sa engrandeng mansion sa harapan ko. Napakaganda ng interior ng bahay, paano pa kaya sa mismong loob na 'di ba? Baka mahimatay na ako sa pagkamangha."Dito ba talaga ako titira?"EPILOGUETRAVIS' P.O.VVAMPIRES?Vampires are the most dangerous and heartless creatures that fictional books and movies had. Para sa mga tao, vampires didn't exist in this world. Dahil sa mga kwento at palabas lang nabubuhay ang mga ito.Pero ang totoo, matagal na panahon nang may nabubuhay na bampira sa mundong kanilang ginagalawan. Nakakubli sa mata ng mga tao, nagbabalat-kayo.At isa ang pamilya namin sa mga bampirang nakikisalamuha sa mga tao.Our great great great grandfather teach us to live in this world like a real human. Natuto kaming hindi pumatay ng mga inosenteng tao upang punan ang aming uhaw sa dugo. Mula sa mga ligaw na hayop sa gubat ang dugo at karneng aming iniinom at kinakain. Ang alam ng maraming tao ay walang puso ang mga katulad namin, ngunit nagkakamali sila. Patay man kami kung titingnan, ngunit tumitibok pa rin ang puso namin. We're still know how to care about other people. We also use to save people who needed our help when it comes to danger.Sinanay kam
CHAPTER 60"MOMMY, where are we going po? Bakit po may mga dala tayong maleta? Aalis po ba tayo? Kasama po ba natin sina Tita at Tito?"Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Zion habang paulit-ulit na tinatanong iyon sa akin."Baby dadaan muna tayo sa doktor ni Mommy dahil may iko-consult lang po ako. Then after that pupunta tayo sa restaurant para magpaalam saglit kina Tita at Tito mo, okay po ba?"Kahit naguguluhan sa biglaan naming pag-alis ay tumango pa rin si Zion.Ilang saglit na lang ay malalaman mo na rin, baby."Saan po tayo pupunta, Mommy?""Sa lugar kung saan mo makikilala ang Daddy mo, baby."Ang sinabi ko'y naging dahilan upang manlaki ang mga mata ng aking anak. Bilog na bilog rin ang pagkakabuka ng bibig nito sa gulat."D-daddy po, Mommy ko? Makikilala ko na po ang Daddy ko?"Gusto kong maiyak sa mga sandaling ito.Pasensya ka na baby ah, ngayon lang naalala ni Mommy. Pero siaiguraduhin kong hindi na tayo malalayo pa sa Daddy mo, baby ko.Wala akong pake kung ipagtabuyan p
CHAPTER 59NAGISING si Arissa sa isang hindi pamilyar na lugar. Wala s'ya sa kwarto o sa kama, kundi nakahiga s'ya sa gitna ng isang malawak na damuhan. Dahan-dahang bumangon si Arissa at saka inilibot ang paningin sa paligid.Marami s'yang nakikitang malalaking punong kahoy sa paligid. Sana isang gubat s'ya kung ganoon. Ngunit anong ginagawa n'ya sa lugar na iyon? At papaano s'ya napunta sa gubat?Maraming gubat sa San Roque. Pero iisang gubat lang ang alam n'yang may ganito kalaking espasyo. At iyon ay ang gubat sa kabilang bayan, ang San Isidro. Ilang beses na rin kasing nabalita sa radyo at television ang tungkol sa gubat. Maraming nagsasabi na kakaiba raw ang gubat na iyon kaysa sa mga normal na gubat sa San Roque. Ayon kasi sa ilang kabataan na nagtangkang pumasok sa gubat, tila nababalot daw ng kakaibang enerhiya ang lugar. Maraming nagtataasang puno sa paligid at malalagong damo. Ang mga baging na nakakabit sa bawat sanga ng mga punong kahoy ay nagbibigay ng mabigat na vibes
CHAPTER 58MAY PALUNDAG-LUNDAG pang nalalaman si baby Zion nang hawakan nito ang kamay ng ina, pagkababa nila ng sasakyan. "Mommy where we'll go first?""Saan ba gusto ng baby ko? Gusto mo bang kumain muna? Then after nating kumain mag-grocery na tayo?""Mommy gusto ko ng chicken po. Iyong may malaking bubuyog."Arissa laugh at what her son said.Napakainosente nito. Pero pagdating sa mga seryosong bagay ay aakalain mong mas matanda ito sa iyon."Ah, gusto mo ng chicken sa Jollibee?""Yes po, Mommy!""Okay! We will eat in Jollibee.""Yehey!"Tuwang tuwa si Zion. Ito pa nga ang naunang maglakad kaysa sa ina, na akala mo'y alam kung saan ba pupunta. Hila-hila ng tuwang tuwang bata ang kamay ng ina papunta sa fastfood chain na nais nitong kainan.May ilang naglalakad sa loob ng mall na napapatingin sa dalawa, especially kay Zion. Cute na cute kasi ito sa suot na long sleeve blue polo at black jeans, na pinaresan din ng itin na sneakers. Parang binatang binata na talaga ito kung pumustur
CHAPTER 57NAKATITIG lamang ako sa anak ko at hindi alam kung ano ba ang dapat na isagot sa tanong nito. At nang matauhan ay doon lang ako nakapag-isip ng sasabihin."Alam mo baby, pareho kayong pogi kaya napaghahalataang magkamukha kayo," nag-aalangang sagot ko."Ganoon po ba 'yon, Mommy?""Oo po baby. Tingnan mo kayo ng Tito Ranz mo, pareho kayong pogi kaya magkamukha kayo.""Hindi po ba dahil sa magkadugo kami ni Tito Ranz kaya kami magkamukha?"Natameme ako sa sinabi ng aking anak."Ah, ano kasi baby, syempre isa rin iyon sa rason. Pero hindi naman natin kilala 'yang nasa picture kaya bakit natin s'ya magiging kadugo 'di ba? Pareho lang talaga kayong pogi kaya nagkakahawig kayo.""So, pogi po si Mr. Cordova para sa'yo, Mommy?"Napakunot ang noo ko."Mr. Cordova?""Sikat po s'ya Mommy. Kilala po ang family nila dito sa atin. Hindi mo po alam?"Naningkit ang aking mga mata bago dahan-dahang umiling.Sobra ba akong busy sa work at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari dito sa baya
CHAPTER 56MAKARAAN ANG TATLONG TAON...Sa tatlong taong lumipas, napakarami nang nagbago. Sa buhay naming magkakapatid hanggang sa sarili ko. Nakapagpatayo na kami ng maayos at malaking bahay, buo at tumatakbo na rin ng maayos ang negosyo ko na restaurant. Nakapagtapos na rin ako ng kolehiyo at ngayon naman ay ang dalawa ko namang kapatid ng ga-graduate ng college.Ngunit kahit na maganda na ang pamumuhay namin kaysa noon, pakiramdam ko'y may malaking kulang pa rin sa buhay ko. Sobrang daming tanong na hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng kasagutan. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang dami kong tanong dahil wala akong matandaan sa mga nakalipas na taon. Basta ang natatandaan ko na lang ay umalis ako sa trabaho ko sa probinsya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Alam ko na maayos at maganda ang trabaho ko, dahil kung hindi, wala sana kaming malaking bahay at sariling negosyo ngayon. Nagising na lang ako na nakabalik na ako dito sa bahay nang walang kahit anong