Share

CHAPTER 7

CHAPTER 7

KATULAD nga ng sinabi ni Nanay Wilma, sinamahan ako ni Yna sa paglilibot sa buong mansion.

"Dito sa unang palapag, naririto ang kusina, dining area at ang lobby. Sa lobby o living area malimit mong makikita si Sir Tyron kapag naririto s'ya. Kung hindi naglalaro ng cards, natutulog naman ito sa sofa."

"Hindi ba uso sa kanya ang kwarto?"

Natawa si Yna sa sinabi ko.

"Kapag kasi nalilibang si Sir Tyron sa paglalaro, minsan nakikita na lang namin na nakapikit na s'ya. Kapag kasi naglaro ito ng umaga, aabutin na ito ng gabi bago matapos."

"Grabe naman."

"At bawal itong istorbohin kapag naglalaro. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag inistorbo mo s'ya sa kanyang ginagawa."

"Bakit? Nangangain ba ng buhay?"

"Oo."

"H-Hoooyyyy!"

"Joke lang."

"Akala ko talaga."

"Pero kakainin ka talaga n'ya ng buhay... sa ibang paraan nga lang. Iyong tipong uungol ka sa sarap."

"YNA!!"

Luminga-linga pa ako dahil baka marinig s'ya ni Nanay Wilma. Baka sabihin pa nitong pinag-uusapan namin ang tatlo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status