Share

Chapter 3. Living Together.

Nakarating na kami sa sinasabi niyang bahay na binili nya para "samin". In all honesty, I don't want to be a part of any of this. Ayoko. Pero ngayong andito na, I'll see this through and find my way out.

Ang binili niyang bahay ay located sa harap ng dagat, para syang beach house o rest house location sya pero walang katao-tao sa paligid. Mukhang binili niya rin ang buong lugar at hindi lang ang bahay.

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay, agad na bumungad sa mga mata ko ang magandang set ng living room at ang color shades na gustong-gusto ko. May mga paintings din na bagay na bagay sa ambience ng bahay.

"It's not so bad..." Mahina kong bulong sa sarili.

Hindi ko pala nabantayan na nasa likod ko lang pala sya at pinagmamasdan ang reaksyon ko. Lumapit sya sakin at bahagyang bumulong sa tenga ko.

"You like it? I had this house made just for you." Sabay harap ko at inabutan niya ako ng simpleng bouquet ng daisies.

"Why are you doing this? Bakit? At bakit ako sa dinami-dami ng actress sa industriya?" Payuko kong tanong habang  hawak ko ang mga daisies.

Huminga sya ng malalim at inayos ang buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"It's not about you being a well-known actress o kahit ano. I just..." Hindi niya natapos ang kanyang sinasabi at bigla-biglaan lang syang tumalikod sakin.

He's probably going to use me for something. I don't know what it might be but its better to never let my guard down.

I won't fall.

"A-ano, come! I'll give you a tour of the house. Ilagay mo nalang ang mga gamit mo malapit sa sofa. Dadalhin iyan sa kwarto mo."

Ginawa ko naman ang sinabi niya at sumunod sakanya. Una nyang ipinakita sakin ang kusina. Kompleto ito sa lahat ng kagamitan at pati narin ang paborito kong parte ng kusina, ang oven. Nahiligan ko na ang pagba-bake. It soothes my soul and makes me genuinely happy.

Napansin ata niya na napahinto ako sa tapat ng oven habang nag-iisip ako ng mga pwede kong i-bake.

"I choose the best oven that will suit you. I know you like baking kaya nagpalagay ako ng oven." Napatingin naman ako sakanya na may duda sa ekspresyon habang patuloy lang syang nagsasalita. "I had free time kaya ako na mismo ang pumili." He chuckled, "I had a great time."

There's one thing I'm sure about this man. He's weird in a weird, weird way.

Pagkatapos ay sumunod naman ako sakanya. Sa second floor ng bahay may apat na kwarto. He told me to whom those are for. Una niyang pinakita sa akin ang kwarto ko. He had it themed seashore— it has shells and white pebbles and he also had it painted ocean blue.

"We can go and buy the decorations you want to put or we can also repaint the room if you don't like the color."

Imik niya habang pinagmamasdan akong pumasok sa kwarto ko.

"But I guess we don't have to repaint the room, eh?" 

Dagdag niya na ikinalingon ko. Nakita ko syang nakangiti ng nakakaloko na parang naaliw sya sa akin. I had a questioning look in my face as my eyebrows arched.

He chuckled, "you're smiling. So you like the room. And I'm happy you do."

Doon na ako nakaramdam ng hiya. I can't deny it. It's my favorite shades of blue, calming sa mata and it just excites me for unknown reasons.

"Tsk, tara na nga. What are the other rooms for?"

"Right right, haha." He led me to the next room. "This room is for me, just next to yours so if you need something or in cases of emergency mapupuntahan agad kita in just seconds." Tinapunan niya ako ng tingin. "Gusto mo ba makita ang loob?"

I answered timidly, "no".

"Hmmm, okay. That room, the one in the leftmost is ours, saktong pababa lang ng hagdan."

"Ours?"

"Yes, ours. We will eventually have to sleep together from time to time." Salita niya sa malamig na tono.

"What?!"

He looked at me straight in the eye with those cold eyes in the darkest of browns in a very stoic expression.

"State your problems with that."

Ang lamig ng boses niya kumpara sa aura at lambot nun kanina. Medyo natakot ako kahit hindi naman niya ako sinigawan. He's intimidating and that mysterious part of him that adds to it is scary.

"W-wala." Sagot ko.

Tinalikuran nya ako sabay lakad habang ako na nakasunod lang naman sakanya ay napahinto sa kinatatayuan.

"We're not going to stay together in the same room unless kasal na tayo. But you will have to spend time with me around the house and even outside. Act as my fiance as the person you should be. I have you in my hands for 5 years, you could put it in the way that you are working for me."

Salita niya habang naglalakad. Napansin ata niyang napatigil ako sa pagsunod ko sakanya kaya napatigil din sya at lumingon sa akin.

"I'll show you the rooftop. It has a beautiful view."

I slowly took steps forward to him. I could see him turn his back from me again. 'Yung likod niya ay tila malamig. He somehow seemed... lonely...

"If you really hate the idea of staying in the same house with me, then consider this as work. Work, be with me."

May bahid ng lungkot ang mga salitang binigkas niya na nakatago sa seryoso, malaki, at malamig nyang boses. O' imahinasyon ko lang ba 'yun...

.....

Alas nuebe na ng gabi, hindi pa ako naghahapunan. Maghahapunan sana kami ng sabay kanina, pinilit at pinilit niya ako na sabayan sya pero umayaw ako, wala lang akong gana.

O talaga sigurong ayaw ko siya kasabay.

Earlier he left out a sigh and gave up and just right after he received a call from his secretary. Agad siyang umalis ng walang paalam.

Nasa balcony ako ng kwarto ko ngayon. Kitang-kita dito ang view ng dagat. Ang ganda, sobra. Nang naramdaman kong medyo lumalamig na ay pumasok na ako sa loob pero hindi pa ako makatulog, siguro dahil namamahay pa ako. Kaya napagpasyahan kong mag-ikot-ikot sa buong bahay.

I wandered all over the place. Currently I am in the kitchen. Plano ko sanang magbake kaso wala pang masyadong groceries na para sa sweets at wala parin akong ganang kumain. Bigla-biglang naalala ko si Hugo kaya napagpasyahan kong sumilip sa kwarto niya.

Me refusing to go inside and see his room was the very moment his tone changed, he subtly gave me a cold shoulder but aside from that he seemed... Lonely.

Nakakunot ang noo ko bago ako makapasok sa kwarto niya. I let out a heavy sigh before entering. I fell in awe and in surprise as my eyes roamed around the room. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

There were paintings of me on the walls of his room. I took a few steps slowly inside while my eyes were still intact with the paintings. I neared his table and saw a camera and film materials. Beside those I saw photographs of me. Mostly were stolen shots but there was this one particular picture that caught my attention.

I was smiling straight at the camera.

Nakalagay ang litratong 'yun sa frame napakagandang frame na may sand and seashells na design sa paligid. It was placed beside his alarm clock just a very few meters away from his bed.

Napaisip ako na agad ikinainit ng tenga ko sa hiya at sa hindi ko maipaliwanag na emosyon. "A-ako ba ang nakikita niya tuwing magigising siya?"

Kinuha ko ang litrato at hinaplos-haplos ito. Bahagya akong natawa sa ginagawa ko. "Hahaha, para naman akong patay nito." Pero agad namang napalitan ng pagkalito ang ngiti at tuwa ko.

"Bakit ako? Sa dinami-daming iba, bakit ako?" Tanong ko sa sarili.

Inilagay ko na pabalik ang frame sa pinaglalagyan nito at huminga ng malalim. Muntik nang tumalon ang puso ko palabas sa dibdib ko nang may umimik sa likod ko.

"Bakit ikaw?" He gently chuckled while I felt his footsteps slowly approaching me. "Do I need a reason to be this obsessed at you, Ms. Ellie Syallis?"

Naramdaman kong uminit ang pisngi at tenga ko pero agad ko namang iling nito.

"Oo. There must be a reason why. At bakit nauwi ka? Akala ko may aasikasuhin ka?"

He gave patted me and messed up my hair a little. "Matulog kana nga, haha. Alam kong hindi ka kumain kaya may pinaakyat na akong pagkain sa kwarto mo. It's not healthy but it's your comfort food. Alam ko rin na naninibago kapa kaya feel free to do the things you used to do back at your place. Treat this new place as your home." Sinabayan niya ang mga salitang 'yon ng matamis na ngiti.

Agad niya naman akong pinalabas sa kwarto niya.

"Good night. Sweet dreams, wife." Huli niyang sabi sabay ng pagsara ng pinto.

Napatingin nalang ako sa sahig habang papasok sa sarili kong kwarto. Nakita ko doon ang mga sinasabi niyang comfort foods ko. Saktong-sakto talaga. Kilalang-kilala niya ako.

Sino ba talaga siya? Hugo Folster, sino ka at bakit parang sauladong-saulado mo'ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status