A well-known actor, Ellie Syallis have fans of varying levels— most of them are obsessed, very obsessed. A day awaited by her fans came, where people that won and bought the limited slots came. They finally met their idol face to face, got to shake hands with the female and an autograph on one of her limited-edition DVDs, on cards and on pictures as well. But her once peaceful life will start to take turn for the worse she sees at that very moment. A man wearing a formal business suit with a stoic appearance approached her. She gladly offered her hand and so they shook hands. The male asked for her autograph and she said "yes" with a brimming smile. She couldn't take her eyes of the male. He was undeniably handsome and somehow mysteriously attractive. "Here!" She handed her autograph on the sheet of paper the male gave. “Have a nice day! And oh, please keep on supporting me!” She added and partly bowed. The stranger flashed a smirk that made her heart skip a beat, both in a pinch of threat or fear and in unknown excitement. "You're now my wife. Hello, Mrs. Folster. Can't wait to spend the rest of my days with you." Her facial expressions shifted to surprise, annoyance, fear, melancholy, and into anger as she finally took a glance on the paper she signed. It was a marriage contract!
view moreEllie Syallis' POV
"Mahal na mahal kita, Ms. Ellie!"
"Miss Ellie, apakan mo'ko!"
"Ms. Ellie, papayag akong maging alipin mo! Gagawin ko lahat ng gusto mo! Kahit pumatay pa ako ng tao!"
Mangiyak-ngiyak na sigaw ng mga tao sa paligid ko. Iba't-ibang mga sigaw. May mga cute, may mga nakakatakot, at iba pa. Eto ang lagi kong naririnig kada labas ko sa entablado para tumanggap ng award o kahit saan man ako makita ng mga tao. Hindi ako naiinis o naalibadbaran, ako'y natutuwa dahil ibig sabihin lang noon ay magaling ako sa aking propesyon. Naantig ko sila at sila ay humahanga sakin.
There is no better feeling than being validated by everybody and by yourself in the progress that you do.
Bukas ay isa na namang nakakapagod na araw dahil bukas ay fan signing event ko. Limited ang slots, mabuti nalang din dahil nakakapagod din minsan humarap ng mga tao, nakaka-drain kumbaga. Pero sa totoo lang, kahit nakakapagod, sa huli satisfying parin kasi nagawa ko ng maayos at tama ang trabaho ko. I love what I do and I love what I am now.
.....
Inayos ko ang mga gamit ko pagkatapos na pagkatapos kong mag-ayos. Ang sarili kong make-up artist ang bahala sakin pati narin ang aking hairstylist. Propesyonal sila at sobrang gagaling.
Huminga ako ng malalim habang tinitigan ang repleksyon ng sarili ko sa salamin. Gusto ko ang ipit ko na messy bun pati narin ang make-up na faded sunset theme na talagang pumapares sa style na pinili ng manager ko. Suot-suot ko ay beige halter top na pinaresan ng high waist skirt na coffee brown.
Buong saya kong pinagmamasdan ang sarili ko. This is me. I am doing well and I love it.
Lumipas ang isang minuto ng pahinga bago ako tawagin ng aking manager na si Lia Copper. "Ellie! Halika na!" Huminga ako ng malalim habang hinigpitan ang hawak sa purse ko na bumabagay din ang kulay sa aking tema.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto na nakalaan para sa akin, bumungad agad ang press at ang mga camera nilang nakakasilaw kahit sa umaga.
"Tigilan n'yo na 'yan. Bigyan n'yo ng space si Ellie!" Sigaw ni Ms. Lia.
Sumenyas s'ya at agad na naglipana ang mga bodyguards na sya mismo ang nagrecruit. Pinaalis ang mga hindi kasali sa fan signing at naglagay nadin sila ng mga barriers at inihanda na ang lahat. Nasa pwesto na ako, sa pinakaloob ng Fontaine guest room kung saan ko isa-isang makakasalamuha ang aking mga tagapaghanga.
Inabutan ako ng isang bote ng tubig at tumabi muna sa akin si Ms. Lia bago opisyal na magsimula ang event.
"Ellie, tubig oh. Deep breaths, okay? Kung may kailangan ka pindutin mo lang ang notifier na binigay ko sayo para kahit sino sa amin lalo na hairstylist at make-up artists mo ay makalapit sayo."
Tumango ako at nginitian s'ya. "Salamat, Ms. Lia. At h'wag ka mag-alala, kayang-kaya ko 'to!"
Ngumiti din sya pabalik sa akin at sumenyas na aalis na sya para pumunta sa entrance nung eksaktong tumunog na ang kanyang alarm, signal na magsisimula na ang event.
Nagsimula nadin nang may nakita akong nakapasok na tao. Agad naman akong kumaway at ngumiti sakanya. Unang bati ko palang ng "hello, good morning!" ay agad na nagtitili at tumakbo papunta sa akin. Nakipagshake hands ako sakanya at nagpapicture at nagpasign sya sa isa sa mga limited-edition ko na DvDs, ang "Marionette".
Eto mga ang ginawa ng lahat na pumunta sa direksyon ko. May iilan na nawalan ng malay sa pagkapasok na pagkapasok sa pintuan na medyo nagsimula nagpakaba sa akin. Pagkatapos ng gulong iyon, inayos ko lang ang natupi na parte ng skirt ko at pumasok naman ang susunod na nakakuha ng slot.
Agad agad na pumunta sa harap ko at tila mismo parang umiba ang atmosphere. Titig na titig s'ya direkta sa mga mata ko na wala manlang emosyon sa kanyang mukha. Medyo hindi ako komportable sa pag-aakalang galit o talagang snob ba na tao 'to.
Mga 6 feet ata sya at bagay na bagay o propesyonal na propesyonal s'ya sa all black na suot niyang business suit/attire. His eyes are in the darkest shade of brown. And there was something about him and I can't figure out what it is.
"Hello! Thank you for coming! It means a lot to me." Bati ko sakanya.
Binabagay ko ang aking mga sinasabi sa aura ng taong kaharap ko. Pati narin ang energy levels na dapat ikonsidera.
"It's nice seeing you." Ngumiti sya pagkasalita na pagkasalita niya.
Ang ganda ng ngiti nya. Panigurado na madami itong tagahanga kung saan man sya nagtatrabaho. Pero ang sigurong mas ikinaganda ng ngiti nya ay ang misteryosong epekto nito sa akin. Hindi ko mahinuha at maipaliwanag kung ano talaga 'to. Nakaka-kaba.
Wala akong malay na titig na titig pala ako sakanya. Hindi ko maipagkakaila na gwapo sya, may itsura. At kung hindi pa s'ya umagham 'di ko palang malalaman na tapos ko na pala pirmahan ang photocard na dala dala n'ya. "Here! Have a nice day and please keep on supporting me!" Bahagya akong yumuko at nginitian s'ya muli.
A smirk drew on his lips and a satisfied look flashed on his face. It made my heart skip a beat, both in the feeling in the pinch of threat, fear, and in unknown excitement. Huminga s'ya ng malalim, napaka-luwag na paghinga ng tuwa.
"You're now my wife. Hello, Mrs. Folster. Can't wait to spend the rest of my days with you." Kinuha nya ang kanan kong kamay at sinuotan ako ng singsing na may makinang at napakagandang diamante sa gitna.
Wala akong masabi. Naisipan ko na baka isa lang s'ya sa mga baliw kong tagapaghanga, 'yung mga obsessed at pervert na tipo ng tao. I took a deep breath and tried to shook this by laughing and professionally.
"Haha, ano? Sige na po, turn na po nung ibang nakalinya."
Agad ko namang sinubukang hubarin ang singsing na isinuot nya sakin. Pero bago ko pa mahubad iyon ay agad niyang ipinakita sa akin ang isang papel na madaming nakasulat, parang importanteng dokumento.
I looked closely and read the first few sentences. Agad na pumitik ang puso ko sa napakabilis na takbo na parang kakawala ito palabas ng aking dibdib habang siya ay buong ngiti na napakatamis.
It's a marriage contract!
Agad ko namang pinindot nang pinindot ang notifier na binigay ni Ms. Lia. Pinipigilan ko ang iritasyon at galit na namumuo sa loob ko.
"Ellie! Are you okay? Anong nangyari?" Tanong ni Ms. Lia na agad pumunta sa kinalalagyan ko.
"Pakilabas po nitong taong 'to. Atsaka tignan mo'to, marriage contract?!" Hindi ko na napigilang hindi tumaas ang boses ko.
He cleared his throat and fixed his tie. "Papakilala ko muna ang sarili ko." At agad ko naman s'yang tinaasan ng kilay.
"Hahaha, don't be too mean to me, wife." Sabi n'ya na kinairita ko.
Wife?! What is he talking about!
"Bago ka muna ulit magreact, papakilala muna ako para maliwanagan ang lahat. I am Hugo Folster. By name surname and name you probably have a hint who I am. And Ms. Copper," nilapitan niya si Ms. Lia at may pinakitang papeles bukod sa marriage contract na pakulo n'ya.
Nakita ko naman ang pagbabago ng ekpresyon ni Ms. Lia na ikinakaba ko lalo. "Wala na akong magagawa, Ellie." Malungkot nyang sabi.
"A-anong pinagsasabi mo, Ms. Lia? Is this one of the team's pranks? Anong pakulo nanaman 'to?" Humakbang ako para lumapit kay Ms. Lia pero humarang naman itong Hugo na'to.
He lifted my chin as I glared at him scornfully. "I own you now. Finally, you're mine, wife."
Agad ko namang tinanggal ang kamay n'ya sa baba ko at binalingan ng tingin si Ms. Lila. Ang mga kilay ko ay nagpapang-abot habang ang noo ko naman ay nakakunot, tila ang mukha ko ang nagtatanong.
"He bought the whole company just as you renewed your contract for another 5 years..." Hindi s'ya makatingin sa akin. At ako'y nanlulumo habang lalong lumalaki ang galit na namumuo sa loob ko.
"Pati ikaw ibebenta mo ako?"
Hindi sya umimik at nakayuko lamang habang lalong nagiging mahangin at presko sa paningin ko etong lalaking nasa harap ko na si Hugo Folster.
"Whether you like it or not, you signed a contract in your company and," he smirked at me. "And, you signed a marriage contract to me." He caressed my hair and whispered to my ears. "You are mine. And there's no way out."
"Signing that marriage contract was an accident! Hindi ko sinasadya 'yun!" Giit ko.
He snickered, "there are no accidents, wife. What's done is done. You see, tadhana 'to. Wala namang ganitong mga aksidente kang makikita o maririnig, hindi ba? Just accept it. You're mine."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napa-atras ako at saktong malutong na sampal ang inabot n'ya sa akin sa pagkadampi ng kamay ko sa kanyang mukha, umalingawngaw, dinig na dinig sa loob na kami lamang tatlo ang naroroon.
Tumulo ang luha galing sa mga mata ko at nagpalit-palit ang tingin ko sakanya at kay Ms. Lia. "I hate you."
"You'll learn to love me soon, wife." Sabi n'ya habang hinihimas ang pisngi n'ya na namumula sa sampal ko.
Ellie Syallis' POVWe fell asleep in that awkard situation. Napabangon kami nang hindi makatitig sa isa't-isa at tirik na ang araw. For now, I am relaxed for a bit. But something intrigues me quite so.Paano niya nalaman ang totoo kong pangalan?Napaupo kami sa higaan while looking at differenf directions. Tahimik, bothersome since both of us really do want to say something. Hindi namin alam kung ano ang dapat sabihin pero just something."U-Uhh... Gutom ka ba?" Tanong niya.Tumango naman ako. "Oo, tirik na ang araw...""Ahh, hahaha, ako rin gutom di ako nakakain kagabi eh." He laughed and got off the bed.It made me guilty about the mess I did."Psst, Ellie? You can watch me while I cook. Anong gusto mo?"He got my attention by waving both hands in front of me. Maybe
Ellie Syallis' POVI was stunned. It was nice to see the grief on his face. He was very frustrated. It's quite obvious na ginagawa ko 'to para magdusa s'ya, hopefully he's not that dumb and not that dense to not to realize. Bago paman sana magtapos ang kung ano man ang nasa pagitan namin, I'd like him to remember every part of me, emphasizing the pain I am to inflict on him.Pero... Something caught me off guard...He knows my name... My real name... The name I have abandoned years ago.Supposedly wala nang nakakaalam, just Theia and me, siguro may alam si Ms. Lia but still, how would he know? I've buried that name a long long time ago, deep, deep, and deeper than 6ft under.Sinundan ko siya habang kinakaladkad papalabas ng bahay ng lalaking kasama-sama ko kanina matapos niya masira ang mukha nito. I am actually amazed of how he controlled himself an
After the day na pumayag ako na sumama sakaniya pauwi, I've been purposely making him feel like shit. He wants me to stay after everything that he did so for that he needs to pay.Currently 6 pm, nag-ayos ako at handa na sana papalabas sa bahay na ito to get somewhere I could have fun nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko na bahagya kong ikinagitla."Where are you going?" Tanong nito gamit ang baritonong boses.Tinaasan ko naman siya ng kilay and regained my posture. "Aalis." I timidly replied.Tinalikuran ko siya at pinihit ang busal ng pintuan pero hinawakan niya akong pigil sa balikat. Tinapunan ko siya ng tinging ikinasira ng itsura niya."At ano naman ang gagawin mo? This could be domestic violence and manipulation. Bakit? Ikaw ang gustong dumesisyon para sa'kin. Violence? Madiin ang pagkakahawak mo sa balikat ko."Naramdaman k
Ellie Syallis' POVHere I am, standing and frozen. Habang tinititigan nang masama ng walang iba kundi si Hugo Folster. After a minute, he ignored me with a cold and stoic look on his face. Aalis na sana rin ako sa pagkakatayo ko nang bigla niyang hablutin ang kamay ko."Hindi mo ba talaga ako papansinin? Alam mo ba na kasal tayo? At ikaw, nangla-lalaki kana? I could sue you for adultery!"Hirit niya while raising his voice at me. May ilang tao sa lugar na tumingin sa direksyon namin.Wala ba talagang hiya ang hayop na 'to?Irritated, binuksan ko ang cellphone ko at agad na hinanap ang video na dumating sa akin not too long ago. Kulang nalang at ihampas ang cellphone na 'to sa pagmumukha niya, mabuti nalang at nagpigil ako habang hawak-hawak ito."Adultery? You'll sue me? Tanga ka ba?"Tinaasan niya ako ng kilay an
Nagising ako sa sinag ng araw. Sobrang sakit ng ulo ko pero oo, naaalala ko pa ang nangyari kagabi. Siguro dahil sa guilt. Alam ko mismo na sana hindi ako pumatol kay Hiera. But the thought of my wife being with someone else haunts me.Oo, aaminin ko. Naapakan pride ko.Nilingon ko ang gilid ko kung saan nakahiga si Hiera. She looks like she's wearing a grin. I'm looking at my mistake yet siya ang nagpaligaya sa'kin kagabi. Warmth and company was what she gave.Something I can't get and ask from Ellie.Nag-inat siya at niyapos ako sa baywang. Nang maalala ko ulit kung paano ako nagpadala sa temptasyon ay medyo naiinis ako. I shook her hands off of me at bumaba na sa kwarto.Tahimik lang akong nasa terrace at pinagmamasdan ang dagat. It was peaceful hanggang sa may tumapik sa'kin."Hey handsome. Good morning!" Bati niya sa'kin.
Hugo Folster's POVDazed, drunk, sitting like a shabby kid in a room. Iyan ang karamihan na kadramahan na makikita mo sa tv. But no matter how I try to avoid the common and overrated things, sa huli 'yun pala ang ginagawa ko. Here I am, wasting myself in my room kasama ang mga bote ng alak.I'm pathetic, am I?Mapait ko na tinawanan ang sarili ko habang uminom ng alak galing mismo sa bote. I feel so wasted and drinking strong booze na hindi ko na nagawa nitong mga nakaraang buwan is causing me to be drunk this bad."Gosh, you're a mess."May boses na nanggagaling sa gilid ko. My vision was too blurry pero alam kong boses ng babae 'yun. It couldn't be Ellie dahil grabe ang nagawa ko sakaniya na pati ako'y nabigla sa nagawa ko.It couldn't be Jia. It couldn't be mom."Ano ginagawa mo rito?" I sternly spoke."Here to accompany you, Hugo." Sagot nito sabay halik sa pisngi ko.Inalalayan niya ako na maupo sa malapit na upuan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments