Hello! Have a bless day everyone. Show your support and reviews. Thank you and God bless!
Day 0021 "Bakit mo ginawa 'yun?" Nilingon ni Cajeska si Xavier na tahimik na nagmamaneho. Nakapatong ang siko ng binata sa bintana ng kotse nito habang walang kibo sa dalaga. "You know..." nagtiim ng bagang si Xavier. "Let's go home." Aniya't bumilis ang takbo ng sasakyan. "Hindi mo sana ginawa 'yun. Wala sa usapan natin na gagawin mo iyon, X." Hindi na rin nakapagtiis si Xavier. Nagsalita na rin siya. "Ngayon, mas nakilala mo sila. They don't need you—money is important to them. Ang sarap nilang sunugin." "Sabi ko naman sa iyo, hindi ba? Kaya huwag na tayong babalik sa lugar na iyon." Saglit nilingon ni Xavier si Cheska. Nakatanaw ang dalaga sa labas habang may malalim na iniisip. "Wanna drink?" Tumango si Cheska. "Umm... Iyan ata hinahanap ko ngayon." Pasimpleng ngumiti si Xavier. "Good. Let's go!" Pagdating ng Maynila, kaagad dumiretso sina Xavier at Cheska sa isang VIP bar sa Makati. Naupo sa mataas na silya—bar counter ang dalawa habang naghihintay na bibigya
Day 0021 "Augusto? Nasaan ka?" "Ekaaa!!! Good timing ka talaga kung tumawag." Napangisi si Cheska dahil alam niya na kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng kaibigan. "Hmm? Bakit? May kailangan ka ba?" "Oo! May laban mamaya sa underground—pwede ka ba ulit maging round girl? Ngayon lang ulit, please?" Kumwari ay hindi alam ni Cheska, kaya nagtanong siya ulit sa kaibigan. "Kaninong laban na naman ba iyan?" "Naalala mo ba si X? 'Yung new title ng UFC martial art? Siya ang lalaban ngayon—taga-Brazil ang challenger. Exciting 'to. Malaki pustahan. Ano? Deal ka ba? Triple pa rin ang bayad ko sa 'yo." Alam ni Cheska na bawal siyang umalis. Bawala siyang lumabas ayon kay X. Ngunit, hindi naman siya papayag na ikukulong na lang siya nito sa malaking bahay at walang gagawin. Gusto din manood ni Cheska at masaksihan ang panalo ni X. "Okay, deal! Ngayon na ba?" "Bandang alas-siete tayo magkita. Sunduin kita sa bahay niyo." "Ah? Augusto pwede doon lang sa pinagtatrabahuhan kong store?"
Day 0021 "X, magpapaliwanag ako." "Stay here. Don't go anywhere." "X, sorry—" "I said, don't go anywhere!" Sunod-sunod na tumango si Cheska. "O-oo. X, magpapaliwanag ako mamaya—" Hindi natapos ni Cheska ang sasabihin nang bigla siyang hinalikan ni X sa labi. Napahiya ang dalaga sa paraan ng pagtitig ni X sa kanya dahil halatang galit ang binata. "Stay here!" Mariin na sabi ni X, saka lumapit sa kanyang coach. May ibinulong, at mayamaya ay bumalik ito kay Cheska. "Let's go!" Saad niya't hinila na si Cheska paalis sa lugar na iyon. "Teka! X? X, saan ka pupunta?" Hinabol ng coach ang dalawa para pigilan nito si X na huwag umalis. Lakad-takbo ang ginawa ng coach nito hanggang sa maabutan niya si X nang makarating ang mga ito sa parking lot. "Nababaliw ka na ba?! Alam mo ba kapag umatras ka, doble ang ibabayad mo sa kanila?" "Get inside," wika ni X kay Cheska na sinunod naman ng dalaga. Nagulat din ang coach ni X nang makitang may kotse ang binata. "How much?" Saliya ni X. Kalmado
Day 0022 Nagising kinabukasan si Cheska na pabinat-bunat ng katawan nito sa kama. Nakapikit pa ang isang mata habang napatanga sa nang makita si Xavier sa paanan ng kama. "Mabuti't nagising ka pa—mahal na reyna?" Tamad na bumangon si Cheska saka naupo sa gitna ng kama. Magulo ang buhok—walang pakialam sa anuman na sasabihin ni Xavier sa kanya. "Anong oras na?" Inayos niya ang bathrobe na suot nito; hindi pa rin hinubad. "Alas-dose. Bumaba ka na diyan at mag-almusal na muna. Aalis ako." "Ha? Kagigising ko pa nga lang, lalayas ka na kaagad? Hindi ba dapat pinagsisilbihan ng asawa ang kanyang irog?" "Irog your ass! Huwag piling reyna. Nakahain na ang almusal mo sa mesa. May gamot na rin—uminom—nilagnat ka kagabi. Hindi ko alam ano nangyari sa 'yo bakit inapoy ka ng lagnat. Binigyan mo pa talaga ako ng obligasyon." Napanguso si Cheska. Sinundan si Xavier sa hapag saka naupo sa kaharap na bakanteng silya. Pinagkrus ni Xavier ang mga binti saka mga braso. Binabantay si Cheska habang
Day 0029 "Diyan mo na lang ako ibaba. Ayaw na ayaw kong may makapansin o magiging agaw eksina sa mga yayamanin ko na mga University mate—mahirap nang mapagtripan. Maraming salamat sa pa-ride." Lumabas ng sasakyan si Cheska, ngunit bago ito umalis ay tinawag siya ulit ni Xavier. "Lady, I can't pick you up later. Nasa site ako—over time. Just help yourself." Tumango si Cheska. "Okay! Noted with thanks. Ingat!" "Wait a minute," tawag ulit ni Xavier kay Cheska. "Where's your ring?" Lumapit si Cheska. Dumungaw ng bintana saka ipinakita ang palasingsingan na daliri. "Suot ko. Salamat naman, at pinalitan mo ng mas maliit—hiyang-hiya naman ako sa mga ka-klase ko dahil sa sing-sing na 'yon." Hindi na nagsalita si Cheska. Nang dumistansya na siya'y saka naman ito kumaway kay X. Napabuntong hininga na lang si Cheska nang pinaharurot ni Xavier ang sasakyan nitong Wrangler Jeep. "Jeep Wrangler Unlimited Rubicon 2.0 4x4 Automatic Gasoline. Five point six million lang naman ang presyo nun. As
Day 0029-0059 Patakbong naghabol si Cheska kay X nang papalabas na ito ng penthouse. Napahinto soya't napaatras nang lingunin siya ni Xavier at tinitigan lang. "May sugat ka—" "Stay away from me!" Imbes na matakot, nilakasan ni Cheska ang loob, at humakbang papalapit kay Xavier. "Huwag kang umalis—may sugat ka." Akmang hahawakan ni Cheska ang pulsuhan ni Xavier nang winaksi ni Xabier ang kamay ng dalaga. Hindi napigilan ni Xavier ang kanyang galit, kaya naman naduro niya si Cheska. "Pagbalik ko—kailangan wala ka na rito sa pamamahay ko! And I don't fucking care with you anymore! Live your life from now on!" Biglang natakot, kinabahan, at nanlambot ang mga ni Cheska dahil sa sinabi ni Xavier sa kanya. Napayukom ng kamao ang dalaga saka bumalik sa kanilang kwarto. Dali-daling niligpit ni Cheska ang tote bag at backpack nito. Nang matapos sa kanyang pagliligpit ng gamit, dumulog ito sa side table ng kama't kinuha ang marriage contract nila ni Xavier roon. Bit-bit ang backpack, hi
Day 0059 Napatungo si Cheska. Nadismaya dahil tinignan lang siya ni Xavier habang nagmamaneho ng sasakyan nito sa kalagitnaan ng trapiko kahit gabi na. Napatingala sa kawalan si Cheska at laglag ang balikat na naglakad pabalik sa dating kinatatayuan. Mayamaya ay peke siyang ngumiti sabay batok sa sariling ulo. "Napakatanga mo talaga! Ano pa ba ang aasahan mo Eka? Pinalayas ka na; ibig sabihin ayaw na niya sa iyo! Wala kang karapatan na magalit ngayon dahil sa nangyari. Hindi mo deserved ang patawarin ka niya o kausapin man lang." Ang pekeng ngiti ay unti-unting nabura sa kanyang labi; napalitan ng lungkot at pangangarag ng mga iyon. "Eka? Sumakay ka—ihahatid na kita sa inyo. Please? Kahiy ngayon man lang sana?" Si Augusto na huminto ang kotse sa harapan ng dalaga. Dahil malalim na rin ang gabi, at hirap pa na makakuha ng masasakyan si Cheska; sumakay na lang ito sa kotse si Augusto. "Kumusta ka na pala?" "Ayos lang naman. Ganoon pa rin. Ikaw? Hindi ka na nag-aral ulit?" "Actua
Day 0060 Ala-una ng madaling araw na nang makauwi si X sa kanyang penthouse. Buhat si Cheska ay wala itong pakialam dahil nagawa niyang busalan ang dalaga at maski pagtali ng mga kamay ay nagawa niya. Dumaan sa pribadong hallway; pribadong elevator labas-papasok sa kanyang bahay ay hindi niya nagawang mag-alala dahil wala naman may makakita sa kanila. Pagdating sa hallway ng penthouse, ibinaba ni X si Cheska saka niya ito tinanggalan ng busal sa bibig at tali sa kamay. Diretso ang lakad ni X patungong kusina habang si Cheska ay nanatiling nakatayo kung saan siya ibinaba ni X. "I want you to come back here." "Tapos na nga tayo, hindi ba?! Pinalayas mo na ako dito—isang buwan na ang nakalipas, tapos ngayon makapadekta akala mo ikaw ang hari?! Ni hindi mo nga nagawang humingi ng sorry!" "Pardon? Why would I say “sorry” kung wala naman dapat akong ikahingi? In the first place—alam mo na ang sinasabi ko. Having a fun conversation with your old friend, siguro naman alam mo na ang
Day 0165Lumipas pa ang mga araw, halos tahimik lang si Cheska. Pagkatapos ng eskwela—susunduin ni Xavier, at kinabukasan ganoon pa rin ang sistema. Ilang araw pa bago magtapos ang klase dahil Desyembre at kailangan ng break sa eskwela, minabuti ni Cheska na tapusin ng maaga ang mga takdang-aralin na pinapagawa sa kanila ng Prof."Oh, Mae, bakita ka umiiyak? Kahapon masaya ka pa—ngayon iyak-iyak na?""He cheated on me," wika ng ka-klaseng si Mae. "Kaya pala gusto noyang makipaghiwalay sa akin kasi may bago na siya. Napakawalang hiya niya talaga!" Hindi mapahkwan ang mukha ng dalaga dahil sa labis na nasaktan—nagloko ang kasintahan."Sinabihan na kita noon pa—huwag mong iyakan ang lalaking 'yon! Humanap ka ng lalaking mayaman! At least kapag niloko ka ulit—sa ferrare ka na imiiyak—hindi dito sa harapan namin na puro haggard dahil sa dami ng assignments!""Gaga! Pero may tama ka. Saan ba makakahanap ng lalaking mayaman?"Binalingan ng ka-klase si Cheska na nakapanumbaba sa itaas ng mesa
Day 0159 Pigil ang luha ni Cheska habang kumakaway ang mga kapatid niya kanya habang nasa loob na siya ng sasakyan ni Xavier. Mga ka-purok niya naman ay naglabasan—nakikiusyuso sa nnagyayari kahit wala naman. Napaiwas ng tingin si Cheska sa mga ito dahil nakikita niya na nagbubulungan na sila. "Hoy! Mga p*tangina ninyo! Tanghaling tapat nasa labas kayo't nakikiusyuso! Magsipasok nga kayo sa mga bahay ninyo! Mga walang magawa sa buhay!" singhal ng tiyahin niyang si Tita Agnes. Humarap ang ginang sa kanila't ngumiti sabay tango ng ulo. "Xavier—ingatan mo siya, ha? Mag-iingat kayo!" Bakas sa mukha ng tiyahin niya ang lungkot. Hindi niya alam bakit nababasa niya iyon, ngunit sigurado si Cheska na may ibang dahilan pa. Hindi naman kasi papayag kaagad ang tiyahin niya kung walang ibang rason o walang malalim na rason. Napabuntong hininga siya't sa huling pagkakataon ay ngumiti siya mga kapatid nito. Binaba ni Cheska ang bintana ng sasakyan at may sinabi sa mga kapatid. "Tatawag si Ate
Day 0159"Kaninong kotse 'yang nakaparada sa gilid ng daan ninyo Eka?"Napatanaw si Cheska sa unahan kung saan nakaparke ang kilalang sasakyan. Kotse ni Xavier."Hindi ko alam. Au, next time na lamg tayo magbonding, ha? Kailangan ko munang unahin 'tong mga kapatid ko. Maraming salamat talaga sa paghatid mo sa akin. Sige—mauuna na ako.""Walang anuman. Bawi na lang next meeting—diretso pa ako ng kompanya para i-meeting ang shareholder na iyon."Nang makalabas ng sasakyan si Cheska. Kaagad siyang kumaway sa kaibigan. Nang makaalis na ang sasakyan ni Augusto, dali-dali naman siyang naglakad papasok ng lugar nila. Alam niyang sasakyan iyon ni Xavier—hindu siya pwedeng magkamali."Eka, kilala mo ba 'yang lalaki na nasa loob ng bahay ninyo?" Tsismosang kapitbahay na halos kasing haba na ng ostrich ang leeg nito masilip lang si Xavier sa loob ng pamamahay nina Cheska."Hindi ko alam. Gusto niyo bang sumama na lang sa akin at ikaw na mismo magtanong kung sino siya? Hindi ba't ugali ninyo ang
Day 0159Tanghali na nagising si Cheska kinabukasan. Wala naman na siyang gagawin sa araw na iyon; nakapagbayad na siya ng tuition fees niya sa University. Mayamaya ay napabangon siya nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid na si Mika. Kaagad niyang sinagot iyon dahiñ matagal niya nang hindi nakikita ang mga kapatid; na mi-miss niya na ang mga ito.Hindi pa nakalipat sa bagong bahay. Hindi niya pa alam kung paano niya iyon ipapaliwanag sa Tiyahin na hindi pa rin nagbabago; nagsusugal at tunataya pa rin sa mga illegal na pasugalan."Mikaw, kumusta kayo?""Ate Eka, kumusta ka na po? Kailan ka po uuwi? Si Miko kasi nangungulit—tanong nang tanong.""Mamaya pupunta ako diyan; bibili tayo ng mga susuutin ninyo para sa darating na christmas party ninyo sa eskwelahan.""Talaga, Ate?" Bakas sa boses ng bata ang galak at tuwa. Napangiti din si Cheska nang marinig niya ang boses na iyon.Bumangon ang dalaga't dumulog ng kusina. Napansin niyang tahimik ang paligid; hindi umuwi ng condo niya si
Day 0158Panay ang baling ni Xavier kay Cheska habang nagmamaneho ito ng kotse. Maging ang dalaga ay hindi maiwasan ang hindi mapangiti dahil na rin sa magiliw na ngiti ng binata sa kanya."May maganda bang nangyari sa 'yo this pass few days? Ang ganda ng mood mo ngayon." Hindi na napigilan ni Cheska ang magtanong kay Xavier."Nothing. Everything is all right. I'm just in a good modd today, having with you—that's it! Everything is perfect.""Talaga? Hindi ka naman ganito dati. Nawala ka lang ng tatlong araw—pagbalik, para ka nang nasapian ng mabait na ispirito. 'Yung totoo, what's bring you in our University?"Nagkibit balikat ang binata saka ngumiti."Let me do something good for you today. Also, congratulations dahil natapos mo na ang internship mo sa firm without any problem. Well done, Cheska! I have some gift from you.""Regalo? Hindi naman na kailangan. Ang dami mo nang binigay sa akin last few weeks—nakalimutan mo ba? Hindi ko magagamit lahat iyon. Why you're so gentle today?"
Day 0158"Cheska?! Cheska?!" Napahinto sa paglalakad si Cheska nang habulin siya ng ka-klase niya sa hallway ng registrar office; magbabayad ng tuition fees ang dalaga bago pa matapos ang taon ng 2023."Bakit, Mae?""Halika muna rito—saglit lang!"Kumunot ang noo ni Cheska nang hilain siya ng ka-klase sa gilid ng opisina. Hungal pa rin ang ka-klasw, kaya hindi agad-agad makapagsalita."Ano ba kasi 'yun? May pupuntahan pa ako."Suminyas ang ka-klase. "Sa social media—may nag post ng litrato mo—karga ka ng matanda na lalaki papasok sa isang building."Kumunot lalo ang noo ni Cheska dahil sa sinabi ng ka-klase. Dahil sa kuryusidad, hiniram niya ang telepono ng ka-klase at tinignan ang post na iyon.Karga-karga siya ng binata habang bitbit nito ang mataas na sapatos at tote bag naman na nakasabit sa leeg ni Xavier. Ito pala ang kalagayan nilang dalawa nang gabing iyon nang madatnan siya nito ng binata sa isang store.Napabuga ng hangin sa kawalan si Cheska't ibinalik ang telepono sa ka-kl
TAON 2022—JUNE, PHILIPPINESNasa parking area si Xavier ng Law School. Habang hinihintay si Marie na matapos ang klase, hindi maiwasan ng binata ang tignan ang mga taong dumadaan sa harapan niya. Mayamaya ay tumunog ang telepono nito't tinignan niya muna iyon. Imbes na sagutin, pinatay niya ito. Napabuga siya ng hangin sa kawalan sabay hilot ng kanyang batok.Dahil matatagalan ang paghihintay niya kay Marie, napagdesisyonan ng binata na lumabas muna ng kotse nito't magsendi ng sigarilyo.Nasa sandig siya sa pintuan ng kanyang sasakyan. Mayamaya ay napatingin siya sa mga koliheyong estudyante na dumadaan."Jolie, sandali naman!""Cheska, bilisan mo!""Okay! Sandali! Taragis naman, eh!"Kumunot ang noo ni Xavier nang marinig niyang nagmumura ang babae habang pabagal-bagal ang takbo. Napansin ng binata na may nahulog na gamit sa dalagang iyon—kaagad niyang pinulot iyon."Miss, your scale!"Hindi na siya narinig ng dalaga dahil nakatawid na ito sa kabilang kalsada. Tinignan niya ang trian
Day 0150-0151 "Tahan na. Nawawala lip stick mo sa labi." Mahinang sinuntok ni Cheska ang dibdib ni Xavier. Rinig ng dalaga ang mahinang halakhak ng binata. "Bibili ako ng bago. Samahan mo ako sa Watson." "Tahan ka muna. Baka isipin ng mga nakakakita sa atin, ako nagpaiyak sa iyo." Humiwalay ng yakap si Cheska kay Xavier. Tumanga ito sa binata. Si Xavier na mismo ang nagpunas ng luha nito sa mga pisngi. Palabas na ang dalawa sa mall; nakasunod ang mga sampung push cart na nagkakalaman ng mga gamit na binili ni Xavier para sa mga kapatod ni Cheska. "Saan natin ide-deretso mga iyan?" "Sa bagong bahay ninyo—sa San Juan." "Alam mo?" "Lahat alam ko." Napakagat labi si Cheska. Wala talagang may maitatagong sekreto ano kahit sa kanya. "Pasensya na kung 'di ko sinabi." "Ayos lang 'yan—it's your right naman. Lolo will always support you. Mas mahal ka pa nga niya ata kesa sa akin na sarili niyang apo." Naging magiliw ang ngiti ni Cheska sa mga sinabi ni Xavier sa kanya. "Huwag na
Day 150 "About your parents, by the way. Ito ang lugar nila." Kumunot ang noo ni Cheska. "Lugar nila? Ano po ang ibig ninyong sabihin?" Napabuntong hininga ang matanda bago nagsalita ulit. "They're living together. I know, na magugulat ka—kaya gusto kong ikaw mismo ang makaalam, pero dahil nga sa ayaw ko naman na biglain ka—sasabihin ko na lang. I'm sorry, hija." Hindi nakapagsalita si Cheska. Umuwi siya ng condo na napapaisip na lang. Ayaw niya man maniwalaan ngunit iyon ang totoo. "Where have you been? Hindi ka raw pumasok? May problema ba?" Sumampa ng kama si Cheska't tumihaya roon; nakapikit ang mga mata't pagod dahil galing ito sa lolo ni Xavier. "May pinuntahan lang," aniya't dumilat ng mga mata't bumangon. "Kumain ka na ba?" Naupo sa paanan ng kama si Cheska saka sinundan ng tingin si Xavier patungong stable table nito. "Not yet. Hinihintay kita." "Talaga? Bakit?" "I can't eat alone. Now, let's go somewhere." "Sa labas tayo kakain?" Binalingan ni Xavi