HAVE A GOOD DAY EVERYONE. GOD BLESS.
Day 0128—NOBEMBER 02 2023—22:00PM Nagising si Xavier na wala sa tabi si Cheska. Bumangon ang binata't hinanap ang dalaga sa loob ng kwarto ngunit wala roon. Bumaba ng kama si Xavier saka lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga siya nang makita si Cheska na nasa sofa—nakaupo't nanonood ng telebisyon. Humakbang siya—papalapit sa kinatutunguhan ng dalaga't sinilip niya muna ito bago naupo sa tabi ni Cheska. "Bakit gising ka pa? Can I seat next to you?" Nilingon ni Cheska si Xavier. Umusod ang dalaga upang bigyan ng maupuan ang binata. "It's late at night, umiinom ka pa rin." "Insomnia." Tipid na sagot ni Cheska kay Xavier. Kumuha si Xavier ng isang can ng beer. Binuksan niya iyon at sinabayan na uminom ang dalaga na tahimik. "What's in your mind?" Nagkibit balikat si Cheska. "Marami." "You can share with me." Napabuga ng hangin sa kawalan si Cheska saka umusog kaunti papalapit kay Xavier. Pinailig ng dalaga ang ulo nito sa balikat ni Xavier saka ipinikit ang mga mata.
Day 0129 Nagising si Cheska na magaan na yakap ni Xavier sa kanya at mga halik sa leeg. "Did you sleep will?" Tumango naman si Cheska—nakangiti ang dalaga. "Saan tayo pupunta ngayon?" "Sa kompanya ni lolo. Kailangan lang tañaga natin sundin ang inuutos niya." "Ganun ba?" Kumalas ng yakap si Xavier kay Cheska. Tumagilid ang binata saka inaayos ang magulong buhok nito. "I'm sorry." Mahinang sabi ni Xavier kay Cheska. "Sorry, saan?" Tumagilid din si Cheska. Hinaplos ang mukha ng binata saka tinuro ang matangos na ilong niya. "For everything. Kung hindi kita sinama na kitain si Lolo dapat sana ngayon wala kang iniisip na malalim. Binigyan pa kita ng mabigat na responsibilidad. Sorry." Napailing at napangiti si Cheska. "Nangyari na, eh! May magagawa pa ba tayo? Kung anuman ang mangyari sa atin, labanan na lang at harapin. Siguro nga'y may dahilan ang lahat kung bakit ako nandito ngayon." Lumapit si Xavier. Ginawaran niya ng halik sa noo ang dalaga't saka ningitian. "Let's take
Day 0129 Pagkatapos ng tanghalian. Hindi maiwasan na igala ni Cheska ang kanyang paningin sa nakakalulang mansyon ng lolo ni Xavier. Nasa dalawangpu ang kasambahay at hindi pa kasali ang mga naninilbihan sa labas ng mansyon nito. May dalawang hagdan na magkasalubong na animo'y ball ground o daanan ng mga hari't reyna sa tuwing may magarbong okasyon. May malaking mga larawan na nakadikit sa dingding; ang nasa gitna nang dalawang magkasalubong na hagdan na may malawak na teresa o veranda ay may malaking larawan ng matanda. Sa magkabilaang larawan ng matanda ay naroon ang larawan ng mga angkan ni Xavier. "Wala kayong litrato ng lalo mo? I mean, kompleto naman kayo pero 'yung lola mo lang ang wala diyan sa dingding." "Hindi ko rin alam. I will ask lolo bakit walang litrato si lola sa bahay na ito." Napalingon na lang ang dalawa nang tumikhim ang matanda mula sa likuran nila. Kasama ang nurse at mayor doma ng mansyon, dumulog ang matanda sa sofa kung saan siya lang ang makauupo roon.
Day 0129—HACIENDA VALENCIA DE ALCANTARA—NOVEMBER 02 2023Halos hindi makapag salita si Xavier sa huling sinabi ni Cheska sa kanya. Napalumok na lang siya ng laway nang humarap ulit si Cheska matapos siya nito talikuran. Bumuga ng hangin sa kawalan ang dalaga't akmang lalapitan nito si Xavier."I'm sorry—I didn't mean to say that words—"Napasinghap ng hangin sa kawalan si X. Kinalman ang sarili."Yeah! I almost forgot. We're just a fuck buddy back then. Nakalimutan kong ako nga pala ang nagdala sa 'yo rito. Right."Humakbang papalapit si Xavier kay Cheska. Tinapik ng binata ang balikat ng dalaga't saka ngumiti."Let's get back to our agenda. Hintayin mo na may kasambahay na mag a-assist sa 'yo sa iyong kwarto. Gotta go! See you later sa ating kasal."Napayukom ng kamao si Cheska nang lampasan na siya ni Xavier. Hindi niya magawang lingunin ang binata dahil pareho silang wala sa hulog sa mga oras na iyo; dahil na rin sa nagpalitan sila ng mga maaanghang na salita.Pinakalma ni Cheska a
Day 0129—HACIENDA VALENCIA DE ALCANTARA—PANGASINAN—NOVEMBER 02 2023Nakatayo si Cheska sa harapan ng malaking salamin. Buong buhay niya, pinangarap niyang makasuot ng ganitong traje."Ang ganda niyo po Señorita," nakangiting sambit ng isang kasambahay na nag-aasekaso sa kanya."Ate, Eka na lang po ang tawag ninyonsa akin." Nahihiyang sabi ni Cheska.Nagulat ang mga ito. Mayamaya ay umiling."Hindi po pwede," salita naman ng isa. "Magiging asawa po kayo ni Señorito Xavier—apo ng Don Ronaldo." Paliwanag nito.Nagtaka naman si Cheska. Hindi niya lubos akalain na meron pa palang mga ganitong tawag sa kapanahunan."May itatanong pala ako. Sino 'yung bagong dating? I mean, may dumating kasi kanina—matangkad, maputi, at gwapo; mukhang mabait at pala ngiti ang mga mata."Sa harapan ng malaki sila nag-uusap. Napangiti ang mga kasambahay nang magtanong si Cheska tungkol sa bagong dating na bisita."Ah? Si Señorito Bajamin ba tinutukoy mo?" Wika ng isang babae."Oo—siya nga. Sino siya?""Apo din
Day 0129—HACIENDA VALENCIA DE ALCANTARA—PANGASINAN—NOVEMBER 02 2023"Stop looking at me with those eyes!""What eyes?"Napairap si Cheska nang mahinang tumawa si Xavier. Lumapit ang binata para mas lalong maasar ang dalaga sa kanya."These eyes ba?" Turo ni Xavier sa kanyang mga mata."Para mo na akong hinuhubaran sa mga titig na iyan.""Ang ganda mo kasi sa suot mong wedding gown. How can I ignore this beuatiful woman?""Nambola ka pa talaga ano? Parang hindi tayo nagpataasan ng pride kanina, ah!""Nag-sorry naman na ako, hindi ba? Pero hindi ko rin masasabi na hindi na mauulit; hindi perpekto ang relasyon na ito.""Those nonsense attitude—walang ibang babae ang makakaintindi nun, maliban sa akin."Nagkibit balikat si Xavier sabat ngiti. "Meron naman pero hindi katulad mo na titiisin mo talaga. And I'm thankful."Napangiti na lang si Cheska. Alam niyang ang hirap unawain ang ugali ni Xavier—gayunpaman ay sinisikap niya itong intindihan sa kabila ng lahat. Napagtanto ni Cheska sa huli
Day 0129—HACIENDA VALENCIA DE ALCANTARA Sa nasa pahabang hapag-kainan ang apat. Magkatabi sina Xavier at Cheska, samantala kaharap naman nila si Benjamin, at nasa trono naman ang lolo. Pinaliligiran ng mga kasambahay na nasa gilid lang habang naghihintay ng utos. "Are you really going back to Manila tomorrow? Don't you want to stay here for at least a few days at the hacienda?" Maingat na ibinaba ni Xavier ang tinidor at kutsilyo sa kanyang pinggan. Kumuha ang maliit na twulya na nakalapag sa kanyang binti saka nagpunas ng bibig. "I still have a lot to take care of at the firm. I have a Chinese client who keeps complaining about the interior designs in his new office and wants to file a case against me because I don't take care of them. Besides, the team is there to do it, but he refuses because he says I should be the one doing it—which is not my job; that's the designer's job." "But you were the big boss. Bakit hindi mo na lang pagbigyan ang request nang hindi na umakyat pa sa k
Day 0129—HACIENDA VALENCIA DE ALCANTARAWARNING!!! SMUT!!! READ AT YOUR OWN RISK!!!Napasinghap ng hangun sa kawalan si Xavier matapos sabihin iyon ni Benjamin sa kanya. Napangisi ang lalaki dahil halos hindi maipinta ang reaksyon ng binata."I am done here—good night everyone," tumayo na si Benjamin sa kanyang kinauupuan matapos ubusin ang tsa'a,"Magpapahinga na ako. Lolo, don't forget your meds, okay? Miss Suzy, please watch over him." Humarap si Benjamin kay Xavier. Napabuga na lang ng hangin sa kawalan ang lalaki saka kumaway at saka nilasan ang lugar na iyon.Tumayo din ang matanda; nagpaalam na magpapahinga na rin dahil bawal sa kanya ang magpuyat. May oras ang pagpahinga ng matanda."Son, don't mind him. He just teasing you. Lower your temper. Cheska, apo... ikaw na bahala kumausap sa kanya. Magpahinga na rin kayo. Good night.""Opo, Lolo Ronaldo. Good night po!" Wika ni Cheska.Saglit tinignan ng matanda ang apo na si Xavier."See you tomorrow." Saka umalis ang matanda.Napaup
Day 0171Matagal nakatitig si Cheska kay Xavier habang kinakausap ng binata ang doktor nito.Napapormal ni Xavier makipag-usap—halatang may asal ang lalaki.Napabaling siya sa itaas ng lamesa nang makitang may tumatawag sa telepono ng binata. Tinignan niya iyon."Attorney Iñigo?" Bigkas niya sa pangalan ng nakatatandang kapatid ni Xavier.Napaisip siya. Abogado ang nakatatandang kapatid, Piloto ng eroplano naman ang tinuringang kapatid. Negosyante ang Lolo at ang ina nito. Hukom naman ang ama. Iniisip niya na lang na baka buong angkan ni Xavier matataas ang antas sa buhay. Nakilala niya na rin si Benjamin na isang dalubhasa—ayon din sa nalaman niya, dalubhasa din ang ama nito. At ang lalaking nagkakagusto na sa kanya ay isang Enhinyero.Napabuntong hininga siya. Napatingin siya sa harapan ng salamin at tinitigan ng matagal ang sarili."Ako na isang estudyante pa lamang—ano ang ipagmamayabang ko?""Cheska? May kailangan ka ba?" Saka lang siya natauhan nang magsalita si Xavier sa harapa
Day 0170 "Mister Alcantara? Can I talk to you for a second?" Taqag ng doktor kay Xavier nang makapasok ito ng kwarto. "Hmm... Yes, doc?" "May napapansin ka ba lately sa wife mo? I mean, unusual activities. Meron ba?" Matagal nag-isip si Xavier hanggang sa may naalala siya. "Sleep walking." "Sleepwalking?" Pag-uulit bg doktor. Tumango naman si Xavier bilang sagot. "Yes. She get up and walk around. First and last encounter ko—dilat ang mga mata while she naglalakad na animo'y gising talaga at natutulala lang. I was shocked when I saw her bump her head in my chest—hinarangan ko kasi siya. But, I didn't expect na totoo pala ang mga sinabi niya sa akin. May sleep disoreder pala talaga siya. Can you expect to me what is sleep walking? Paano nangyati iyan at bakit may ganyan siya?" Tinignan ng doktor si Cheska. "Sleepwalking, also known as somnambulism or noctambulism. It is about her mental health; stress, anxiety, and childhood trauma. Hindi natin alam kung anong childhood meron si
Days 0170 "Okay, I'll see you later, then." Napabuga ng hangin si Xavier sa kawalan nang mawala sa linya ang kausap. Dahil hundi niya hawak ang swipe card access ng pintuan ng condo ni Cheska, nag door bell na lang siya; nasa loob naman na ng unit ang dalaga kaya pagbubuksan siya kaagad nito. Ngunit, nakalimang door bell na ito walang may nagbukas ng pintuan. Iniisip ni Xavier na baka naliligo ang dalaga kaya hindi kaagad nabuksan ang pintuan. Kinuha ang swipe card sa loob ng wallet niya't siya na lang mismo ang nagbukas nito. "Cheska? Cheska?" Tawag kaagad ni Xavier sa dalaga. Dumulog ang binata sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig at saka sumaglit lang muna ng pahinga roon. Nang napagtantong walang may lumabas galing sa kwarto, kaagad siyang pumasok roon at tinawag ang dalaga. Nasa banyo nga ito. "Are you done your shower? Dress up nicely tonight—we're invited for a party." Naghubad ng coat si Xavier. Mayamaya ay hinubad niya na rin ang suot na longsleeve matapos hubarin an
Day 0165Lumipas pa ang mga araw, halos tahimik lang si Cheska. Pagkatapos ng eskwela—susunduin ni Xavier, at kinabukasan ganoon pa rin ang sistema. Ilang araw pa bago magtapos ang klase dahil Desyembre at kailangan ng break sa eskwela, minabuti ni Cheska na tapusin ng maaga ang mga takdang-aralin na pinapagawa sa kanila ng Prof."Oh, Mae, bakita ka umiiyak? Kahapon masaya ka pa—ngayon iyak-iyak na?""He cheated on me," wika ng ka-klaseng si Mae. "Kaya pala gusto noyang makipaghiwalay sa akin kasi may bago na siya. Napakawalang hiya niya talaga!" Hindi mapahkwan ang mukha ng dalaga dahil sa labis na nasaktan—nagloko ang kasintahan."Sinabihan na kita noon pa—huwag mong iyakan ang lalaking 'yon! Humanap ka ng lalaking mayaman! At least kapag niloko ka ulit—sa ferrare ka na imiiyak—hindi dito sa harapan namin na puro haggard dahil sa dami ng assignments!""Gaga! Pero may tama ka. Saan ba makakahanap ng lalaking mayaman?"Binalingan ng ka-klase si Cheska na nakapanumbaba sa itaas ng mesa
Day 0159 Pigil ang luha ni Cheska habang kumakaway ang mga kapatid niya kanya habang nasa loob na siya ng sasakyan ni Xavier. Mga ka-purok niya naman ay naglabasan—nakikiusyuso sa nnagyayari kahit wala naman. Napaiwas ng tingin si Cheska sa mga ito dahil nakikita niya na nagbubulungan na sila. "Hoy! Mga p*tangina ninyo! Tanghaling tapat nasa labas kayo't nakikiusyuso! Magsipasok nga kayo sa mga bahay ninyo! Mga walang magawa sa buhay!" singhal ng tiyahin niyang si Tita Agnes. Humarap ang ginang sa kanila't ngumiti sabay tango ng ulo. "Xavier—ingatan mo siya, ha? Mag-iingat kayo!" Bakas sa mukha ng tiyahin niya ang lungkot. Hindi niya alam bakit nababasa niya iyon, ngunit sigurado si Cheska na may ibang dahilan pa. Hindi naman kasi papayag kaagad ang tiyahin niya kung walang ibang rason o walang malalim na rason. Napabuntong hininga siya't sa huling pagkakataon ay ngumiti siya mga kapatid nito. Binaba ni Cheska ang bintana ng sasakyan at may sinabi sa mga kapatid. "Tatawag si Ate
Day 0159"Kaninong kotse 'yang nakaparada sa gilid ng daan ninyo Eka?"Napatanaw si Cheska sa unahan kung saan nakaparke ang kilalang sasakyan. Kotse ni Xavier."Hindi ko alam. Au, next time na lamg tayo magbonding, ha? Kailangan ko munang unahin 'tong mga kapatid ko. Maraming salamat talaga sa paghatid mo sa akin. Sige—mauuna na ako.""Walang anuman. Bawi na lang next meeting—diretso pa ako ng kompanya para i-meeting ang shareholder na iyon."Nang makalabas ng sasakyan si Cheska. Kaagad siyang kumaway sa kaibigan. Nang makaalis na ang sasakyan ni Augusto, dali-dali naman siyang naglakad papasok ng lugar nila. Alam niyang sasakyan iyon ni Xavier—hindu siya pwedeng magkamali."Eka, kilala mo ba 'yang lalaki na nasa loob ng bahay ninyo?" Tsismosang kapitbahay na halos kasing haba na ng ostrich ang leeg nito masilip lang si Xavier sa loob ng pamamahay nina Cheska."Hindi ko alam. Gusto niyo bang sumama na lang sa akin at ikaw na mismo magtanong kung sino siya? Hindi ba't ugali ninyo ang
Day 0159Tanghali na nagising si Cheska kinabukasan. Wala naman na siyang gagawin sa araw na iyon; nakapagbayad na siya ng tuition fees niya sa University. Mayamaya ay napabangon siya nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid na si Mika. Kaagad niyang sinagot iyon dahiñ matagal niya nang hindi nakikita ang mga kapatid; na mi-miss niya na ang mga ito.Hindi pa nakalipat sa bagong bahay. Hindi niya pa alam kung paano niya iyon ipapaliwanag sa Tiyahin na hindi pa rin nagbabago; nagsusugal at tunataya pa rin sa mga illegal na pasugalan."Mikaw, kumusta kayo?""Ate Eka, kumusta ka na po? Kailan ka po uuwi? Si Miko kasi nangungulit—tanong nang tanong.""Mamaya pupunta ako diyan; bibili tayo ng mga susuutin ninyo para sa darating na christmas party ninyo sa eskwelahan.""Talaga, Ate?" Bakas sa boses ng bata ang galak at tuwa. Napangiti din si Cheska nang marinig niya ang boses na iyon.Bumangon ang dalaga't dumulog ng kusina. Napansin niyang tahimik ang paligid; hindi umuwi ng condo niya si
Day 0158Panay ang baling ni Xavier kay Cheska habang nagmamaneho ito ng kotse. Maging ang dalaga ay hindi maiwasan ang hindi mapangiti dahil na rin sa magiliw na ngiti ng binata sa kanya."May maganda bang nangyari sa 'yo this pass few days? Ang ganda ng mood mo ngayon." Hindi na napigilan ni Cheska ang magtanong kay Xavier."Nothing. Everything is all right. I'm just in a good modd today, having with you—that's it! Everything is perfect.""Talaga? Hindi ka naman ganito dati. Nawala ka lang ng tatlong araw—pagbalik, para ka nang nasapian ng mabait na ispirito. 'Yung totoo, what's bring you in our University?"Nagkibit balikat ang binata saka ngumiti."Let me do something good for you today. Also, congratulations dahil natapos mo na ang internship mo sa firm without any problem. Well done, Cheska! I have some gift from you.""Regalo? Hindi naman na kailangan. Ang dami mo nang binigay sa akin last few weeks—nakalimutan mo ba? Hindi ko magagamit lahat iyon. Why you're so gentle today?"
Day 0158"Cheska?! Cheska?!" Napahinto sa paglalakad si Cheska nang habulin siya ng ka-klase niya sa hallway ng registrar office; magbabayad ng tuition fees ang dalaga bago pa matapos ang taon ng 2023."Bakit, Mae?""Halika muna rito—saglit lang!"Kumunot ang noo ni Cheska nang hilain siya ng ka-klase sa gilid ng opisina. Hungal pa rin ang ka-klasw, kaya hindi agad-agad makapagsalita."Ano ba kasi 'yun? May pupuntahan pa ako."Suminyas ang ka-klase. "Sa social media—may nag post ng litrato mo—karga ka ng matanda na lalaki papasok sa isang building."Kumunot lalo ang noo ni Cheska dahil sa sinabi ng ka-klase. Dahil sa kuryusidad, hiniram niya ang telepono ng ka-klase at tinignan ang post na iyon.Karga-karga siya ng binata habang bitbit nito ang mataas na sapatos at tote bag naman na nakasabit sa leeg ni Xavier. Ito pala ang kalagayan nilang dalawa nang gabing iyon nang madatnan siya nito ng binata sa isang store.Napabuga ng hangin sa kawalan si Cheska't ibinalik ang telepono sa ka-kl