MasukIkakasal na sana si Maxine sa long time boyfriend niyang si Jake nang i-set-up siya ng kanyang kapatid sa isang bar. Dala ng kalasingan, naibigay ng dalaga ang kanyang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala – Si Mister Hamilton, ang pinakamayamang lalaki sa bansa, dahilan upang hindi matuloy ang kasal ni Maxine. Makalipas ang anim na taon, patungo sa trabaho si Drake Hamilton nang isang bata ang aksidenteng humarang sa kaniyang sasakyan. Nang makita niya ang bata, tila nakaramdam siya ng mabilis na pagtibok ng puso. Kamukha niya ito at maging ang marka sa kamay ng bata ay nakuha sa kanya. Lalong tumindi ang nararamdaman ng binata nang malaman niyang si Maxine ang ina ng bata – ang babaeng naikama niya six years ago.
Lihat lebih banyakMaxine's POVMarahang kumunot ang noo ko nang unti-unting magising ang aking diwa. Naaamoy ko ang amoy ng gamot sa paligid."Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa sarili.Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at nabalot ng pagtataka nang lumingon ako sa paligid."N-Nasaan ako? B-Bakit parang nasa ospital ako?" nalilito kong sambit."Good morning, Miss. Mabuti at gising ka na."Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang isang boses ng lalaki. Nakasuot siya ng puti at may stethoscope sa leeg."D-Doc, bakit ako nandito? A-Ang alam ko ay–"Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang maalala kong binalak ko nga palang magpakamatay."Nandito ako dahil niligtas kita sa pagtatangka mo kagabi. Mabuti na lang at mabilis ako kung hindi, baka wala ka na sa mundo," sambit ng lalaking doktor.Lumakad siya at lumapit sa akin. Sa pag-upo niya sa aking tabi, maingat niyang nilapat ang kanyang hintuturo sa ibabaw ng aking tiyan."Alam mo? Wala naman problema sa 'kin kung gusto mon
Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Paano mo nagawa sa 'kin ang bagay na 'to, Max? Paano mo ko nagawang lokohin?!"Halos tumalon ang aking balikat nang marinig ang malakas na sigaw ni Jake. Sa unang pagkakataon, nagalit siya sa akin.Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagmakaawa."J-Jake! This is a mistake! Hindi ko to sinasadya! A-Ang totoo na-set up lang ako!""Na-set up? Nino? Paano? Ilang kasinungalingan pa ba ang sasabihin mo sa 'kin, Maxine?! Tama na! Tapos na tayo, tama na!"Marahas na binawi ni Jake ang kanyang kamay at padabog na lumabas ng pinto ng ospital. Hindi ko malaman ang gagawin ko, ang tangi ko lang nagawa ay humagulgol nang todo."Sorry, Jake! Sorry!"***Tatlong linggo ang lumipas, kahit anong gaw
Maxine's POV"Cheers!"Kaliwa't kanang humahampas ang beywang ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. It was a wild party na hindi ko inaasahan. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, kakain lang daw kami sa restaurant, ngunit namalayan ko na lang na nandito na ako sa isang bar at pinanonood silang magsaya kasama ang kanyang mga kaibigan."Max, come join us!" sigaw niya sa akin nang makitang nakaupo lang ako sa sofa."It's okay. Ayos lang ako rito," tugon ko saka pilit na nilagyan ng ngiti ang aking labi.Lumakad siya patungo sa kinaroroonan ko habang hawak ang isang baso ng alak. Umupo siya sa aking tabi sabay sa pilantik ng kanyang daliri."Ito naman, bakit ba para kang manang? Isang buwan na lang at ikakasal ka na, hanggang ngayon ganyan ka pa rin? Hindi ko talaga maintindihan si Jake kung anong nagustuhan niya sa 'yo," sunod-sunod niyang sambit.'Yes! I am a conservative woman. My long-sleeved dress was three inches below the knee at lagi akong nakasalamin. Pero kahit na ganiton


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.