Share

One

ONE

METEOR FEEL like throwing up her intestines. Pagod na siyang magpabalik-balik sa CR at isuka lahat ng pinilit niyang kainin kanina. Napaiyak na lang siya matapos niyang maisuka lahat. 'Ano bang problema sa akin?'

Napayuko siya ng makaramdam ang hilo. It’s been three days since she filed a leave on her work as a flight attendant. Sunod-sunod and pagsakit ng katawan niya at panay rin ang suka. Sumasakit na ang ulo niya sa mga nangyayari.

Umiyak na lang siya sa sobrang pagod niya at mahinang nagdasal. '‘Ma, ‘Pa alam kong hindi pa ‘to katapusan ng buhay ko… huwag pa sana, Lord.' Paano na lang ang mga kapatid niya kung nawala siya? Her savings are not enough for her two siblings’ future. Bibilhan niya pa ng bahay at lupa ang mga kapatid niya para hindi sila nakikibahay kay Tita Bebang sa Sagada.

Matapos mamatay ang mga magulang nila sa isang airplane crash, si Meteor na ang tumayong nanay at tatay sa dalawa niyang nakababatang kapatid. Riu, the middle child, is on her 8th grade while Sat, the youngest, is still on 3rd grade.

Nag-angat siya ng tingin ng marinig ang nage-echo’ng tunog ng kaniyang telepono sa sink ng CR. She blinked several times and wiped the tears from her cheeks and eyes. 'You can do this, Meteor. Hindi ka pa mamamatay.' She encouraged herself to stand up despite of her weak legs.

Sinagot niya ang tawag habang nakahawak ng mahigpit sa sink. “Hello?” nanghihina niyang sabi at bahagyang tumikhim pa. Napatingin siya sa salamin sa harap. Bigla na lang siyang naawa sa sarili nang makita ang kalagayan.

Nangayayat siya, halos mamuti na ang labi sa putla, ganon rin ang kaniyang pisngi, nangingitim ang gilid ng kaniyang mata, at ni hindi na siya makangiti. “Ate…” ibinaba niya ang tingin sa sink at pinigilan ang luha.

Namimiss na niya ang kaniyang mga kapatid, ilang buwan na simula nang huli nilang pagkikita. “Bunso? Bakit? May problema ba?” she tried very hard not to sound like she’s not okay. Ayaw niyang mag-alala sa kaniya ang mga kapatid.

“Ayos ka lang ba, Ate?” nahimigan ni Meteor ang alala sa boses ng nakababatang kapatid na lalaki. Muli niyang naramdaman ang luhang bumubuo sa kaniyang mga mata. She nodded like her sibling is in front of her. She quietly sniffed and answered, “O-Oo. Bakit? May nangyari ba diyan? Ayos ka na ba, Sat?” tanong niya. Last week kasi ay nagkasakit ito.

“Wala naman, Ate. Okay na rin po ako! Miss ka na po namin ni Ate Riu… kailangan ka po babalik?” natahimik siya sandali para pigilang kumawala ang hikbi. “Bunso, alagaan mo ng mabuti si Ate Riu at Tita Bebang diyan, ha?”

“Oo naman, Ate. Good boy kaya ako dito. Tanong mo pa kay Ate Riu.” She chuckled despite of the tears. She knows that her baby brother is a good boy. Six years old ito ng mamatay ang mga magulang nila, si Riu at Meteor na ang nagturo sa kapatid ng kung anong dapat gawin dahil ang nag-iisa nilang kamag-anak na si Tita Bebang ay busy naman sa karinderya nito.

“Ate!” napangiti siya ng marinig ang boses ni Riu. “Oh, bakit?” Suminghot siya at mahinang natawa. Her siblings are the only pill she takes whenever she’s sad or hurt. She treasures them like how she promised her parents that she would.

“Ate, alam mo ba? Muntik na kaming lumayas ni Satellite kasi pinagalitan kami ni Tita.” She can see her sister’s frowning face from her voice. Kumunot ang nuo niya. “Ha? Bakit? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong niya at isinara ang toilet bowl. 

“Kasi, siya nagbayad ng miscellaneous fee. Tig-500 kami ni Satellite kaya nagalit siya sa amin tas pinagsabihan ka niya ng kung ano-ano, Ate. Ayon, muntik na akong nag-empake. Hmhp.” Napangiwi siya sa sinabi ng kapatid. Oo nga pala, hindi pa siya nakakapagpadala ngayong buwan.

“Unawain niyo na lang si Tita. Oh, sige ba-bye na, ha. Magpakabait kayo. I love you.” she sighed after ending the call. 

Umupo si Meteor sa nakasaradong toilet bowl at sandaling nagresearch. Bigla na lang nagpakita ang isang notification about sa mga sintomas ng pagkakaroon ng Colon Cancer. Bigla na lang siyang kinabahan.

She hustled into the small living room. Sa sobrang pagmamadali niya ay tumama ang balakang niya sa corner ng mesa. Napamura na lang siya ng tahimik at dahan-dahang umupo sa sofa. 

Sinumulan niyang i-check ang mga nakalagay roong sintomas na nararamdaman niya nitong nagdaang mga araw. 

A persistent change in your bowel habits, including diarrhea or constipation or a change in the consistency of your stool. Check. She was constipated for days.

Persistent abdominal discomfort, such as cramps, gas or pain. Check. Her stomach hurts these past few days. Sa bawat check niya sa mga sintomas ay mas lalo siyang kinakabahan.

Weakness or fatigue. Check.

Unexplained weight loss. Check. 

Halos maluha si Meteor habang binabasa ang mga iyon. Sa sobrang kaba ay ibinaba niya ang telepono sa sofa at pinakalma ang sarili. Wala pa sa kalahati ang mga iyon pero hindi na niya kaya pang i-check lahat. Maya-maya pa’y tumunog ang cellphone niya. Nag-text ang kaibigan niyang si Josh.

From: Josh

Lyrae Meteorite Desiderio!!!!!!! 

U promised me that u’ll come on my party!!

Wer r u?!?!?!?!

Napangiwi na lang siya sa sunod-sunod na text ng kaibigan. Oo nga rin pala. Nakalimutan niyang celebration ngayon ni Josh dahil sa wakas ay kapitan na siya ng eroplano. Ilang buwan din niyang pinagdasal na ma-approve na ng airlines ‘yon.

To: Josh

I’m sorry, Josh. I’m not feeling well.

The moment she sent it, she received a call from him. “Meteor! Hey, you okay?” napangiti na lang siya sa tanong ng kaibigan. She and Josh have been friends since college. Si Josh ‘yung nasa tabi niya nung mga oras na nagluluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Si Josh ‘yung kasama niyang mag-apply ng trabaho sa airlines na pinapasukan niya ngayon. Marami siyang utang kay Josh… pero hindi niya magawa ang gusto nitong bayad.

Kung pwede raw bang manligaw.

“Yeah. Still alive, but slightly weak.” Nahiga siya sa pahabang sofa sa condo niya at niyakap ang throw pillow. Kahit na alam ni Meteor na may gusto si Josh sa kaniya, hindi niya ‘to hinayaang manligaw. Hindi naman niya maitatangging, gusto niya si Josh. May crush siya rito simula ng maging close sila. 

Gwapo kasi ang kaibigan, mabait pa. Josh has everything a woman could ever wish for. He has those deep pitch black orbs and natural red lips. His muscles were placed in the right places and he had a dimple that even if he don’t smile, it will always show. He was the prince charming, everyone’s friend, he was the standard. Kaya niya nagustuhan si Josh.

Pero ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Ayaw niyang kapag naghiwalay sila kung sakali ay hindi na nila maibalik ang pagkakaibigang iniingat-ingatan niya. And the fact that she’s a parent of her two little siblings, wala sa isip niyang magkaroon pa ng asawa.

Too advance, right? Ano ba ang dahilan kung bakit ka nasa isang relasyon? Para mag-asawa. Si Meteor ‘yung tipong naniniwalang, magjojowa lang siya kapag ready na siyang mag-asawa. At hindi pa siya ready ngayon

If only there will be a time where she can confess her love to him. “I’m coming over…”

“Hoy! Joshua! Hoy—“ F*ck. Bigla na lang siyang napabangon ng ibaba ni Josh ang tawag. Muli niyang naramdaman ang hilo sa biglang pagbangon. Sandali siyang pumikit at minasahe ang sentido. 

Ang dumi ng condo niya! Nagkalat ang mga damit, pati na rin ang bills, at kung ano-ano pang kalat. Hindi na niya alam kung anong uunahin. Nakakahiya naman kung ganito ang madadatnan ni Josh, ‘di ba?

Inumpisahan na lang niyang kunin ang mga damit sa sahig at inilagay sa isang basket. Kahit na iilang damit pa lang ang napupulot niya ay ramdam niya na ang pagod at pananakit ng tiyan.

“Ahh!” napahawak na lang siya ng mahigpit sa tiyan at mariing napapikit. She can feel her own world falling. She fell on her knees while squeezing her stomach. It was as if her body was being torn apart.

Napaluha nanaman siya sa nararamdaman. Halos hindi na siya makahingi ng tulong sa sobrang sakit ng buo niyang katawan, predominantly, her stomach. She can’t even move her toes dahil sa parang pinapatay siya habang nabubuhay.

It was too late to shout for help, she immediately lost her consciousness and the last thing she heard was Joshua’s voice. Her one true love’s voice… while in deep sleep, she wished that she could still hear that calming voice… where she first experienced true love and home that she only felt with her parents and siblings.

JOSHUA SILENTLY prayed while sitting on one of the chairs outside Meteor’s room. 'I can’t lose Meteor. I can’t lose her. She had been my friend for a long time. I can’t imagine my future without her.'

Napahilamos na lang siya ng mukha gamit ang dalawa niyang kamay at maya-maya’y pinagkiskis ang dalawang nanginginig na kamay. This was the first time he saw Meteor like that. She always looked so healthy and strong, but what he saw earlier was the opposite.

Napatayo si Josh ng marinig ang pagbukas ng pinto. Napatingin siya sa doctor ng clinic na ‘yon. Wala siyang sapat na oras para itakbo pa si Meteor sa isang malaking ospital dahil medyo malayo iyon sa condo ni Meteor. 

The old man in the doctor robe spoke, “Mr. Williams, naka-usap ko na po ang pasyente…” bigla niyang tinanggal ang makapal na salamin at napabuntong hininga. “Hindi po kami pwedeng mag-conclude agad, sa tingin ko’y kailangan niyong magpa-check sa mas malaking hospital, Mr. Williams…”

“Ano po ang ibig niyong sabihin?” sa bawat hinga niya’y mas dinadambol ang kanyang dibdib. 

“We found several bruises on her skin. We assumed that she has leukemia. Sinabi rin niyang may history ng leukemia ang family niya.” Parang maiiyak si Josh sa narinig. Siguro dahil sa sobrang stress ni Meteor kaya siya nagkakasakit. Nakwento rin kasi niya na na-ospital ang bunso nitong kapatid.

“Pero don’t worry, hindi pa naman sigurado ang mga na-conclude namin. So basically, we just assumed it by her physical appearance. Magpa-check-up kayo ng misis mo as soon as possible. Excuse me.” kasama ng babaeng nurse, Doctor Lee excused themselves. Hinayaan siyang nakatayo doon.

He walked back and forth for minutes outside before knocking at the door where Meteor was. Josh saw how weak and skinny Meteor has become the moment he opened the door. The smell of medicines filled his nostrils.

“Joshua…” nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni Josh ng marinig ang nanghihinang ani ni Meteor. Agad niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ng dahan-dahan ang kamay nito, takot na baka masaktan ang babae.

“Meteor… magiging ayos lang ang lahat, okay? You’ll be fine.” He carefully placed a soft kiss on her temple and gently embraced her small body. Narinig niya itong humikbi, “Josh… p-paano na lang ang mga kapatid ko k-kung nawala ako?” 

“Hindi ka mawawala. Don’t even think of dying. Liligawan pa kita, kaya manahimik ka diyan.” He tried to lighten up the heavy atmosphere in the four cornered room. Narinig niyang mahinang natawa si Meteor sa sinabi niya ngunit bahid pa rin ang kalungkutan rito.

Nanatili silang ganon bago tumingala sa kaniya si Meteor, may luha pa rin sa kanyang mga mata. He placed both of his thumbs on the corner of her eyes and wiped her tears. “Josh, promise me one thing…”

He hummed and tucked the strands of hair behind her ears. “Kapag nawala ako,” she sniffed and smiled sadly. “Aalagaan mo ang mga kapatid ko, ha? Ipunta mo sila sa condo ko. ‘Yung mga credit card and ATM cards ko nasa drawer sa tabi ng kama ko—“

“Shh. Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka pa mawawala.” He placed his index finger on her thin lips pero inalis din ni Meteor ‘yon. “Alam kong marami na akong utang sa’yo. But, I’ll do anything you want habang nabubuhay ako… for the sake of my siblings.” Her voice hoarse that made him teary-eyed.

Josh feel like he was being tortured slowly inside. He never cried like this before, he never begged someone to stop talking because it hurts him, and he never secured someone a lifetime promise.

And at that very moment, when Meteor felt like giving up; Josh felt the opposite. His heart then filled with courage and promises, that he’ll never let the woman who made her feel complete to feel empty.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status