Share

Two

TWO

NANGINGINIG ANG MGA kamay ni Meteor at panay rin ang buntong hininga. Nasa isang ospital si Meteor. Isang linggo na ang nakalilipas at ngayon ang test results ng biopsy niya last week. Mahina siyang nagdasal na sana ay hindi malala ang mga nararamdaman niya. Nawala na ang constipation niya, pero nagkaroon naman siya ng diarrhea.

“Mrs. Desiderio.” Tawag sa kaniya ng matandang doctor na kakapasok lang sa opisina nito. Despite of her shaking lips, she forced herself to clear her throat.

“Ms. pa lang po.” Umupo ang matandang doktor sa harap niya hawak ang mga papel na she assumed, her test results. “Oh, sorry. Namali siguro ‘yung type dito. It says here na you’re married.” She smiled at the doctor and fists her hands into balls. Mas nanginginig siya sa tahimik na paligid ng opisina ng doktor.

“I have the results.” Wala pang sinasabi ang doctor pero nanginginig na ang buo niyang kalamnan. Nilaro na lang niya ang mga daliri habang humihinga ng malalim. Bago pa ulit magsalita ang doctor regarding sa results ay tinanong siya nito, “Are you okay, hija?” 

“Y-Yes, sorry.” She again smiled at the doctor. “Sorry to say, you have stage 4 colon cancer.” Para bang sumabog ang isip ni Meteor sa narinig. Positive nga, ano nang gagawin niya? Para siyang nabingi sa mga sinabi ng doktor. Hindi pa rin siya makapaniwala.

“You have to undergo surgery as soon as possible to prevent the cancer from spreading. After surgery, you have to do therapies such as chemo and radiation.” Inayos ng matandang doktor ang salamin nito at muling tiningnan ang papel na parang sinusuri kung totoo nga ba ang nakasulat doon.

Napalunok si Meteor at napaiyak. Agad niyang naisip ang mga kapatid. Paano niya kaya sasabihin ang balitang narinig niya ngayong araw sa mga taong mahal niya? “Ms. Desiderio, huwag kang mawalan ng pag-asa. Marami ang mga cancer survivors na same age as yours. ‘Yung iba ay nagpamilya na.”

“Mag-magkano po ang magagastos non, doc?”

“I’m not gonna lie, it would cost a lot. Pero I’m sure hindi naman aabot sa millions ‘yon, especially kung mabilis kang gumaling.” Meteor’s shoulders fell. Balak pa niyang pag-aralin ang kapatid sa ibang bansa, pero paniguradong mauubos ang pera niya sa mga ‘to. Saktong isang milyon lang ang ipon niya. kulang na kulang ‘yon.

Lumabas si Meteor sa kwartong ‘yon na parang buhat niya ang buong mundo. Nadatnan niyang nag-aabang sa kaniya si Joshua sa labas at nang magbukas ang pinto ay napatayo ito. Lumaapit sa kaniya ang nag-iisang kaibigan, “Kumusta?”

Umiling si Meteor sa kaibigan at ilang segundo pa ay naramdaman niyang yakap na siya ni Josh. “Stage 4 na, Josh.” Humikbi sila doon. Hindi nila inintindi ang mga tingin sa kanila ng mga tao sa ospital. “Tutulungan kita, Meteor. Nandito lang ako, huwag kang mawalan ng pag-asa.”

Tahimik lang sila buong biyahe pauwi sa condo ni Meteor. The only thing that keeps Meteor’s sanity was the music from the radio. The weather was good, kung ganito ang panahon ay siguradong ngingiti si Meteor, pero hindi niya magawa.

“Am I real?

Do the words I speak before you make you feel

That the love I lay for you will see no ending?

Well, if you look into my eyes then you should know

That there is nothing here to doubt, nothing to fear,”

Meteor watched the tall buildings and skyscrapers of Metro Manila from the window. She imagined her future family if she was never diagnosed with cancer. Ano kaya ang magiging itsura ng sarili niyang pamilya?

“And you can lay your questions down ‘cause if you’ll hold me

We can fade into the night, and you’ll know:”

Habang nasa sasakyan ay napag-isip isip ni Meteor ang sinabi ng matandang doktor kanina. Kailangan daw niyang magpa-opera at alam niyang malaki-laki ang magagastos niya sa pagpapagamot. Kulang na kulang ang mga ipon niyang para sana sa mga kapatid niya.

“The world could die,

And everything may lie.

Still you shan’t cry.

‘Cause time may pass,

But longer than it’ll last,

I’ll be by your side.”

Narinig niyang mahinang kumakanta si Josh sa tabi niya. His voice sent shivers down her spine, it was calming. She then felt Josh’s hand on hers, the butterflies on her empty stomach rose. Kahit na pagod ay ramdam niya ang kilig sa simpleng ginawa ni Josh.

His hand was place on the steering wheel while the other was on her hand. She bit her lower lip to stop herself from smiling. Napansin niyang papunta sila sa penthouse ni Josh instead of her condo.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya habang tinitingnan ang mga nadadaanan nilang gusali. “You’ll be staying with me for a while. Baka may mangyari sa’yo kapag mag-isa mo sa condo mo. Especially now.” Meteor sensed the worry in his voice. Pinabayaan na lang niya ang lalaki. 

“Well, if you feel the same way for me, then let go.

We can journey to a garden no one knows.

Life is short, my darling, tell me that you love me.

So we can fade into the night and you’ll know.”

The music from the radio was still on. Napakagat ng labi si Meteor ng marinig ang sinabi sa kanta. “Tell me that you love me” sabi ng kumakanta. Gusto na sanang umamin ni Meteor tungkol sa nararamdaman niya para sa kaibigan, pero ayaw niyang umasa ito.

Napagdesisyunan niyang hindi na siya magpapagamot. Natupad na niya ang sarili niyang mga pangarap, maging isang flight attendant, magkaroon ng condo, mapag-aral ang mga kapatid kahit na hindi pa nakakapagtapos ang mga ito’y sa tingin niya ay sapat na ang mga naipon niya para sa dalawa. Kahit rin na hindi niya muling nabili ang bahay at lupa ng kaniyang mga magulang ay alam niyang ang mga kapatid na niya ang gagawa roon.

Bibigyan niya na lang ng pera si Tita Bebang sa pag-alaga ng mga kapatid niya. susubukan rin niyang pakiusapan si Josh na kapag grumaduate na si Riu ay ipasok siya nito sa kumpanya nila. Kakapalan na niya ang mukha niya. Mamamatay na siya, kailangan settled na ang lahat. Hindi na niya gagalawin ang ipon para magpagamot.

“Ang lalim ata ng iiniisip mo.” napaangat siya ng tingin kay Josh. Tumigil na ang sasakyan. Inilibot ni Meteor ang paningin sa paligid. Nasa madilim at maluwang na parking lot na sila. “Andito na pala tayo.” Mahina niyang sabi.

“Ano ‘yung iniisip mo? Sobrang blown away ka, eh. Hindi mo nga ako naririnig kanina pa kita tinatawag.” Said Josh with a worried voice. “Sorry…” napayuko si Meteor.

“Care to share?” 

Meteor heard the voice behind her mind. Josh has the rights to know her decisions. He is Meteor’s best friend, and she’ll live with him for the mean time. Ayaw naman niyang maglihim na lang hanggang sa mamatay siya.

Bumuntong hininga si Meteor bago magsalita. “Josh… hindi ako magpapagamot.” She felt him stilled, the atmosphere inside the car became heavy. Maya-maya’y narinig niyang bumuntong hininga si Josh.

“Meteor naman.” Alam ni Meteor na ipagpipilitan sa kaniya ni Josh na magpagamot. Sa ilang taon nilang pagkakaibigan ay halos kabisado na niya ang lahat ng galaw at gustong sabihin nito. Pero kahit ano pang sabihin ni Josh ay hindi magbabago ang isip niya. It’s her final decision. She’ll just enjoy her last days.

“I-I can’t touch my savings, Josh. You know that.” Meteor looked at Josh like she was trying to convince him, she’ll be okay. Parang nababaliw si Josh na sinabunutan ang sarili, pinipigilang sumabog sa sinabi ni Meteor.

“You know I’ll help you! Let me do it, Meteor!” napapitlag si Meteor sa biglang pagtaas ng boses ni Josh. She had never seen this side of Josh. He was always jolly, he always lighten up her mood. But this Josh… it was different.

“Bakit mo ako pinagtataasan ng boses?” mahina niyang tanong. Not to be a pick me girl, turo sa kaniya ng kaniyang mga magulang na kapag ang isang usapan ay sigawan, walang patutunguhan. That’s why she solves everything in silence. Dahil ayaw niyang magkaroon siya ng maling desisyon.

Ilang segundong nanahimik si Josh bago siya nito hilain para yakapin. Naramdaman ni Meteor ang panginginig ng balikat nito. He was crying, these were the times where it only happens once in a blue moon.

Pakiramdam ni Meteor sinasaksak siya ng paulit ulit. She loves this person very much that it hurts more to her than his. It broke her heart more when she felt his tears on her shoulders. Naramdaman ni Meteor ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

She embraced him tightly like that hug was their last one. Like this moment would never happen again. But if miracle really does happen, she’ll never hesitate to speak her love to him. Ayaw lang niya na umasa ito kapag umamin siya ngayon, dahil sa ilang mga buwan, linggo, o mga araw… mawawala na siya.

HUMINGA ng malalim si Meteor at kinatok ang pintuan sa kwarto ni Josh. The door opened and the first thing that Meteor saw was the towel wrapped around his waist. Nakayuko kasi siya ng bumukas ang pinto.

“Uhm, magpalit ka muna.” Agad na tumalikod si Meteor matapos niyang sabihin iyon ng dire-diretso. Narinig naman niyang mahinang napamura si Josh bago marinig ang pagsara ng pinto. Agad na namula si Meteor nang maalala ang nakita kanina.

Well, she had seen Josh half naked. Josh has a part time in modeling back in college, so she kinda see his body everywhere. But she had never seen Josh with just a towel on.

She shook her head and entered her room. Dahan-dahan siyang napasandal sa nakasarang pinto at inabot ang papel sa isang bedside table na malapit sa pintuan niya. She read the things written on that piece of paper and can’t hide the excitement.

Maya-maya’y may kumatok sa pinto niya and she knew it was Josh. “May problema ba? May masakit ba sa’yo? Ano?” mahinang natawa si Meteor sa inasta ng kaibigan. Josh was now wearing his pajamas, same color as hers. Ito ‘yung pajama’ng sabay nilang binili sa Japan noong mag-lay over sila roon.

“I need your help…” nilaro ni Meteor ang papel na hawak niya habang sinasabi ‘yon. “About what?” Josh’s thick eyebrows creased. She found that attractive, also when he smiles and his eyes just disappear. Cute.

Meteor cleared her throat before answering, “To live a life.” Bahagyang naguluhan si Josh sa sinabi niya. “Help me… I want to live a life I never experienced before.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status