Chapter 3: Enjoy Ladies.
Dahil sa nangyari ay dumidistansiya muna ako kay Harold, ayoko muna siya makausap o kaya ay makita.
Nagsisimula na kami maging busy tho, first year may mga P.E pa na ganap at most especially ay may Math pa. Start na din ng mga heavy discussion since tapos na ang orientation week, si Kevin naman ay nag o-OJT na daw. Paminsan minsan lang din kami magkita nong lalaki na yun, last year na kasi niya sa university.
Kakauwi ko lang galing sa isang gig ko, agad ko naman binuksan ang luma kong laptop at nagsimula na din mag edit kasal naman iyong kinuhanan ko kanina.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-eedit ng biglang may kumakatok sa pinto. Tinignan ko muna ang phone ko, kung may nagtext ba para dumalaw sa akin pero wala ni isa.
Dahil sa pagod na rin at gusto ko na magpahinga ay binuksan ko ang pinto.
Bumungad sa akin si Harold na lasing may bitbit pa siyang bote ng alak.
“You’re not answering my calls, so I came here.” Pinapakinggan ko lang siya habang nagsasalita.
“Alam mo naman kung bakit.” Sagot ko naman.
“I know, that’s why I’m here. To apologize.”
“Kung gusto mo mag sorry ay sana hindi ka pumunta dito ng lasing!” Paalala ko.
“Alcohol makes me think straight, sorry kausapin mo na uli ako.” Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay tumungga agad siya ng alak sa bote na hawak nito.
“Ayusin mo muna sarili mo, tsaka na tayo mag-usap.” Sinarado ko na ang pinto matapos ko siyang harapin, sinilip ko siya sa bintana kung ano na ang ginagawa niya.
Nakita kong umaandar na ang sasakyan niya paalis.
Tinuloy ko na lang ang mga ginagawa ko pagkatapos ay natulog na.
_____
Kinabukasan ay wala naman daw ang professor namin sa isang subject, tinapos ko na lang ang mga backlogs ko at ilang pendings na editing, ipopost ko pa lahat yun sa site ko.
Pumasok naman ako sa isa kong subject kay Mr. No tsaka sa isa kong major.
Alas sinco na ng nakalabas ako, balak pa namin ni Jen na mag club kaya lang nag pass muna ako dahil need magtipid.
Paglabas ko ng gate ng university ay isang pamilyar na sasakyan at lalaki ang nakatayo habang naninigarilyo at naka black t-shirt at pants, tanging white na adidas ang sapatos– si Harold.
Napatigil ako nang makita siya.
Nang makita niya ako ay nagsimula siya maglakad palapit tinapon niya ang sigarilyo niya sa kung saan.
“Tara, ihahatid na kita. May gig ka ba?” Tanong niya.
“Wala naman, kaya ko mag commute.” Sagot ko at hindi tumitingin sa kanya.
“Sige na! O kung gusto mo dinner date tayo. My treat as a sorry, please.” Pag mamakaawa niya.
He try to reach my arm pero agad kong iniwas ang kamay ko. I saw him sighed.
“Fine, then ihahatid na lang kita.” He said, that’s it? That’s how easy he gave up on me?
“Then you shouldn't have come here.” Sabi ko na nagpapahiwatig ng sama ng loob. I saw how his expression changed.
“Urgh, what the hell is wrong with you?” He frustratedly asked.
“You gave up on me so easily and you're asking why?” I said.
“You keep pushing me away, anong gusto mong gawin ko lumuhod? Dilaan mga paa mo? Just to please you? Buti nga pinupuntahan pa kita ei.” I can sense the fire of his angriness.
“From now on, don’t talk to me.” After saying that I turned away and walk hanggang sa pumara ako ng sasakyan paalis.
Madami pa sana akong gagawin kaya lang sa inis ko ay ni isa wala akong nasimulan dahil na din sa nangyari kanina.
Hindi ko dapat ito nararanasan, Harold and I are just nothing. We only met once that guy did not properly court me or go on a date with me. Real men are totally disappointed every time I let them in my life, all they did was hurt me, insult me and that’s all. All of them are just like my father.
I’m glad Kevin is my only male friend, but still I am afraid that one day he can hurt me too.
Sa dami nang iniisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
—-
Kinaumagahan pagdating ko sa university bigla naman walang pasok dahil may appointment ang Prof namin sa faculty ng department.
Ang ending uuwi pa ako sa apartment wala din naman bookings ang page ko sa photography gig.
“Labas tayo.” Salubong sakin ni Jen, nakita ko naman na magkasabay sila ni Lexia.
“San tayo pupunta?” Tanong ko.
“Well, how about Tagaytay?” Sagot niya sa akin.
“Nako, kulang na ang pera ko naka budget hahaha.” I said, awkwardly.
“Don’t you worry sagot ko na, tsaka wala pa naman tayo masyadong bonding simula nong nag college us. Please.” Nagpa cute pa talaga si ganda.
“Sige, pero konti lang maambag ko ha.” Paalala ko sa kanila.
“Hindi mo naman kailangan maglabas ng malaking pera ang mahalaga ay kasama ka.” Dagdag pa ni Lexia.
Sumakay kaming dalawa ni Lexia sa sasakyan ni Jen.
Huminto muna kami sa isang convenient store para bumili ng mga chips at iba pang snack para daw sa byahe.
Nagkakantahan pa kami sa kotse ni Jen kung ano-ano na din mga napag usapan namin, may naichika pa sya na chismis sa isang model na may dini-date daw na member ng isang boy group.
Hindi naman pala ganun kalayo ang Manila to Tagaytay nakakatuwa lang.
Pagdating namin sa Tagaytay ay huminto ang sasakyan ni Jen sa isang public beach daw ito.
May ilan akong nakitang mga college students din, kinakausap lang ni Jen at Lexia ang isang staff para magbayad ng cottage.
“No, we only stay for a day.” Sagot ni Jen sa staff. May mga ini instruct pa kay Jen after niya magbayad.
Pinili namin ang spot na medyo malapit sa seashore.
Picture picture muna kaming tatlo, and syempre as a photographer pinipicturan ko sila isa-isa.
“Bad trip blurred naman ei.” Pagmamaktol ko dahil ang blurred ng photo noong ako na ang pinicturan ni Lexia.
“Ako nga.” Pag insist naman ni Jen. Kinuha niya ang camera ko at siya ang pumwesto para picturan ako.
Syempre pose naman si ackla.
“Chin up ka ng konti then pout mo yung lips mo, yan perfect.” Pagtuturo sakin ni Jen kung paano magpose.
“Pag yan pangit ha.” Sagot ko naman.
“Here done na, not my best tho.” Jen proudly said.
Kinuha ko ang camera ko at tinignan saka ko na realize na model siya hindi photographer.
“Hindi naman siya best ei.” Kunot noo kong sabi.
“Ei kasalanan mo yan mataas standard mo.” Sabat naman ni Lexia.
“Ang unfair naman if kayo maganda sa pic ako hindi.” Sagot ko naman sa kanila.
“Edi ieedit mo.” Sagot naman sa akin ni Jen. Aba, ang gagaling kahit ieedit ko pa pag panget ang angle at blurry wala din.
“I can take photos of you, and it’s free.” Bigla naman ako nagulat sa estranghero na nagsalita pati sila Lexia at Jen ay agad na napalingon sa boses na narinig.
“What the— Grayson? Why are you here?” Tanong ni Jen, agad niyang nilapitan ang lalaki at nag beso sila. Madalas ko siya makita at makasalubong.
“Just attended a meeting, my Dad is out of the country so I am in charge.” Sagot nong guy, this time blonde ang kulay ng buhok nya.
“Who are they? Your co-model?” Dagdag nyang tanong.
“No, they are my college friends. This is Lexia and Ali.” Pagpapakilala nya sa amin.
“Hello.” Lexia and I greet him in chorus.
“We’ve met a lot.” Nagulat ako dahil bigla niya kong kinausap.
Hindi na lang ako sumagot, dahil anong sasabihin ko?
“Give me your camera, I'll take a photo of you.” He showed me his hands waiting for me to hand him my camera.
Iniabot ko naman yun agad.
Medyo na conscious tuloy ako para sa sarili ko.
“Relax, just be yourself.” Sabi niya mukhang nakita niya na medyo uncomfy ang tayo ko ngayon, ang ginawa ako na lang is sinunod ko yung turo sa akin ni Jen na pose kanina.
Nakita ko na napahinto muna sya at bahagyang naibaba nya ang camera at malalim akong tinitigan.
“Ano na okay na?” Tanong ko, ang hirap kaya mag pout.
Tsaka niya ulit pinuwesto ang camera at nag take na ng picture sa akin.
“Here.” Iniabot nya sakin ang camera, pagkakuha ko ay nagulat ako sa resulta dahil— ang ganda.
Mukhang may experience sya sa pagkuha ng litrato.
“Ganito dapat.” Pinakita ko sa dalawa yung picture ko.
“Ommggg, gusto ko din niyan.” Sabi ni Jen na halatang naiinggit sa picture ko. Hahah!
“Pwede ako din?” Mahinang tanong ni Lexia.
Nod lang ang sinagot sa kanila ni Grayson.
Tumabi naman ako kay Grayson and shocks my height is not serving dahil hanggang dibdib ba naman ako.
So, I curiously ask. “Ano height mo?”
“6’2” Simpleng sagot nya habang kinuhanan ng picture si Lexia.
Hindi na ako nagtanong pa.
After masatisfy nong dalawa sa picture nila ay nag-aya na sila kumain. Sumama naman sa amin si Grayson sa cottage.
“I heard your top 1 again.” Papuri ni Jen kay Grayson.
“Yeah, as someone who is always on top.” Nakita ko ang disgust expression ni Jen sa sagot ni Grayson.
“You're always green minded.” Sagot na lang ni Jen.
“Sir, they need you now.” A man came wearing a full black suit at agad na kinausap si Grayson.
“Hello, Cesar.” Jen greeted him, the man simply nodded to Jen to greet back.
“Fine.” Sabi ni Grayson at tumayo.
“Well, paano ba yan I have to go. Enjoy ladies.” Pagpapaalam niya sa amin tsaka kumindat.
[M.NINS]Chapter 4: Friday Night[TW: Physical Abuse] Grabe punuan ba naman ang gig ko this week, halos paminsan-minsan ko na lang makita sila Lexia at Jen kung ano-ano din ang raket ang nagbibigay sakin ni Jen, minsan extra model, promodizer as long as may kinalaman sa commercial. “You are so good at this, ha.” Papuri sa akin ng direktor, kinukuhanan naman ngayon si Jen.Nandito kasi kami ngayon sa isang photoshoot, pinatos ko na din sayang.“Salamat po.” Mahina kong sagot, nakakatuwa naman at nakakarinig ako ng magandang papuri kahit hindi naman ako bihasa sa ganitong ganap. Nang matapos si Jen ay agad niya akong tinabihan. “BGC tayo mamaya, tawagan natin si Lexia.” Pang aaya niya sa akin. “Sige na sumama ka na, puro ka gig ei tsaka it’s friday night naman.” Tuloy-tuloy niyang pangungulit. “Sige, pero pag nahuli ako sa children’s party bukas ikaw magbabayad sa akin ng doble ha.” Pananakot ko sa kaniya, pero in a joke manner. “Ay, nako keri lang ano. Kung tutuusin nga dapat professiona
Chapter 3: Enjoy Ladies.Dahil sa nangyari ay dumidistansiya muna ako kay Harold, ayoko muna siya makausap o kaya ay makita. Nagsisimula na kami maging busy tho, first year may mga P.E pa na ganap at most especially ay may Math pa. Start na din ng mga heavy discussion since tapos na ang orientation week, si Kevin naman ay nag o-OJT na daw. Paminsan minsan lang din kami magkita nong lalaki na yun, last year na kasi niya sa university. Kakauwi ko lang galing sa isang gig ko, agad ko naman binuksan ang luma kong laptop at nagsimula na din mag edit kasal naman iyong kinuhanan ko kanina. Nasa kalagitnaan ako ng pag-eedit ng biglang may kumakatok sa pinto. Tinignan ko muna ang phone ko, kung may nagtext ba para dumalaw sa akin pero wala ni isa. Dahil sa pagod na rin at gusto ko na magpahinga ay binuksan ko ang pinto.Bumungad sa akin si Harold na lasing may bitbit pa siyang bote ng alak.“You’re not answering my calls, so I came here.” Pinapakinggan ko lang siya habang nagsasalita.“Ala
Chapter 2: Pumili ka nang matinong lalaki. Shuta si Harold sa kabilang school pala napasok buong akala ko ay same school kami, dahil umoo siya nong nakaraan. Kaya heto ako ngayon nasa canteen nila kasama niya ang mga ka-team sa basketball. “So Ali, right?” Tanong ng isa niyang ka team. “ah, hi.” I greet him. I actually feel awkward and uncomfy, plus puro boys ang kasama ko ay nakaka attract din kasi kami nang attention dahil sa mga ka player niya na ang iingay at ang lalakas magkwentuhan. “Need ko ma bumalik may klase pa ako.” Bulong ko kay Harold dahil eksatong ala una ang last class ko, two hours pa yun. “Now? Mamaya na nakakatamad pa maglakad.” Sagot niya sa akin, bigla akong nainis kaya ang ginawa ko ay tumayo na lang ako at umalis. Buong akala ko ay susundan ako ni Harold pero wala, hindi nga talaga sya tumayo. Sa sobrang galit ko ay umalis na talaga ako ng tuluyan sa university niya. Buti na lang ay may taxi agad akong napara. Pinasukan ko naman ang klase ni Mr. No, ka
Could love be made? Chapter 1: Monster(Ali’s POV)“Mag-iingat ka doon ha, tatawag ka.” Paalala sakin ni Mama habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa sasakyan ni Kevin. “Ma, hindi naman ako mag-a abroad, pwedeng pwede mo nga ako puntahan sa Manila lang naman.” Sagot ko sa kanya. Hindi na ako nakarinig pa ng kahit na anong sagot sa kanya, tumutulong din ang dalawa kong lalaking kapatid sa pagbubuhat ng mga gamit na dadalhin ko. Apartment lang naman ang titirahan ko doon, ayoko rin naman tanggapin ang condo ni Kevin dahil masyado namang sobra yun sakin. “Ako magbabantay jan Tita, ako bahala.” Singit na sagot ni Kevin.“Seryoso?” Pagtataray ko sa kanya, tinapon niya lang ang yosi niya at agad akong tinabihan tinignan niya kung tapos na ba ako sa ginagawa ko. “Tara na?” Tanong ni Kevin.“Oo kunin ko lang yung bag ko.” Sabi ko sa kanya at agad na pumasok para kunin ang dapat kong kunin. Nakita ko na kagigising lang ni Ace ang bata kong kapatid na sanggol lumapit ako para halikan si
Prologue: Could love be made? Iyan ang tema para sa gaganaping valentines program sa paaralan, malalim ang tingin ng limang taong gulang na bata na nagngangalang Alexander Ford Santiago sa blackboard kung saan nakasulat ang mga katagang nabanggit. Nang sumapit ang oras ng uwian ay agad niya nakita ang inang naghihintay, si Alina Lauraine Santiago. Agad nakuhang pansin ng butihing ina ang kanyang anak na papalapit sa kaniya. Lumitaw ang malulusog na pisngi at singkit na mga mata nang ngitian ng anak ang kanyang ina. “Mama, we have a program po, this coming valentines day.” Bungad na sinabi ng bata.“Really? What’s the theme baby?” Masayang tanong ni Ali.“I don’t understand po ei, but it is written on the blackboard that says ‘could love be made?’ What is the meaning of that Mama? And how come love has something to do with two persons.” Sunod sunod na tanong ng inosenteng bata.Nakakaramdam na naman si Ali na ang kasunod na tanong ay patungkol sa ama nito. “In order to feel the es