Chapter 6: He’s f*ckable
TW: (Slight R-18) Ngayong weekend nakadalawang gig ako sa photography ko, kahit na may mga pasa pa ako sa mukha ay sinubukan ko pa din na itago yon sa pamamagitan ng make up. Ngayon ay natatakot akong lumabas labas dahil sa nangyari, ilang beses ko na din tinanggihan sila Lexia at Jen sa mga ganap nila lately. Though, nag a-update pa naman din ako sa kanila hangga’t maaari ay hindi ko pinaparamdam ang takot ko at pangamba. “Hindi ka sumama kila Jen, kagabi?” Tanong ni Kevin, nagpasundo na ako sa kanya dahil ang dami kong dala for my photography gigs. Yeah, friday night nga pala at nag unwind ata sila sa may Pobla. “Ah, oo. Nagpahinga ako humabol ako sa mga missed classes ko ei. Nag enjoy ba naman kayo?” Tanong ko habang sinasara ang zipper ng bag ko. “Tayo naman muna ang mag unwind ngayon.” Aya ni Kevin at kinuha na niya ang ilang bagay na nabibigatan akong buhatin. Pumunta lang kami dito sa overlooking sa may Antipolo, hindi ko na inalam pa ang restau. “Kumusta, ganda pa din ah kahit may bugbog.” Banat ni Kevin nang makaupo kaming dalawa at tapos ng mag order. “Gago.” I said, while chuckling. “Kung hindi mo lang sana ako pinigilan, pina Police na natin si Harold, gagong yon. Kahit ano pang mangyari, hindi dapat sinasaktan ang babae.” Kita ko na naman ang galit niya sa mga linyang binitawan niya. “Bakit nga ba hindi tayo?” Tanong ko, this is just an inside joke sa friendship namin but most of the people na kilala namin ay hindi talaga nila akalain na magkaibigan lang kami dahil sa closeness namin sa isa’t isa. “Iniisip ko pa lang na magiging romantic tayo sa isa’t isa, nakakadiri. I see you in a very sisterly way.” Sabi niya sa akin. “Oo na. Salamat ha, kung hindi din dahil kay Tita baka wala pa din trabaho si Mama.” Pagpapasalamat ko sa kanya. “Kung hindi mo siguro sinumbong kay Tita ang nangyayari sa bahay, baka hanggang ngayon punching bag pa din si Mama.” I said, as I remember kung paano nakaligtas si Mama sa kamay ng Tatay ko noon.“Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Kevin, tumakbo lang ako sa malayo kasi nag aaway na naman sila Mama at Tatay. “Pinuntahan kita sa inyo, tinaboy lang ako ng Papa mo. Bakit niya sinasaktan ang Mama mo?” Curious niyang tanong. “Lagi silang ganun–, natatakot ako.” Kwento ko sa kaniya habang humihikbi. Nakita kong may kinuha si Kevin sa bag, ng inabot niya ito sa akin ay isang panyo. “Lagi ba kayong kinakawawa ng Papa mo?” Tanong niya, hindi ako sumagot at tumango lang. Hindi siya umalis sa tabi ko at hinintay niya lang akong matapos umiyak. “Ang turo sa akin ni Mama, bawal daw manakit ang mga lalaki sa babae.” Saad niya. “Mukhang hindi naturuan ni Lola si Tatay ng ganyan.” Sagot ko habang nakatingin lang sa mga damo, dito sa parke. “Tara doon muna tayo sa bahay, may niluto si Mama na merienda.” Pag aya niya sa akin habang tinutulungan akong tumayo. Sumakay ako sa bisikleta ni Kevin sa likuran nya. Natutuyo ang mga luha ko sa hampas ng hangin sa aking mukha. Unti-unti din guminhawa ang lahat ng nararamdaman ko. “Malayo na naman ang iniisip mo.” Tsaka ko lang na realize na malayo na pala ang naalala ko. “Sorry, ano ulit ‘yon?” Tanong ko sa kanya. “Sabi ko malayo na naman ang iniisip mo.” Pag-uulit niya siguro. “Ano pala sabi ni Tita?” Pag-iiba niya ng tanong. “Hindi pa ako nakakatawag uli, busy pa talaga ei. Ang dami kong hinahabol, tapos may utang pa ako sayo sa hospital.” Sabi ko na lang at napa higop ng kape. “Kulit mo talaga, sabi ko diba huwag mo na alalahanin.” Sagot ni Kevin. “Oo na, pero hayaan mo kong ibalik sayo yon ano. Hindi mo naman ako obligasyon.” Sabi ko at tumingin sa kanya. Hindi na lang siya nagsalita at kumain na lang din. “Paano ba yan, mukhang hindi ka betsung ni kumare ko Lexia ah.” Pang aasar ko. Napahinto siya sa pag subo sana ng pasta. Hindi siya sumagot, hinintay ko pa naman na mambabara siya. “Hoy, broken hearted ka ba?” Tanong ko, this time ay nakaramdam na ako ng worry. “Iba kasi si Lexia ei. Siguro ganun na nga magpapalaya na lang ako.” Sabi niya habang nakatitig lang sa pasta na inorder niya kahit, hindi pa niya ginagalaw. “Ei, hindi ka nga bet.” Pagpapaalala ko sa kanya. “First time ko ma busted, brad.” Ramdam ko ang lungkot sa salita niyang iyan. “At least, na experience mo diba.” Sagot ko. “Tsaka, tama yan para daw maging humble ka. Ang hangin mo kasi lagi.” I sounded as bully, knowing Kevin hindi niya yon papansinin. Hindi siya sumagot pero alam ko, nasaktan siya. Si kumareng Lexia naman kasi ei. Sabagay grabeng level din naman kasi ni Rage. “Ooh, is this date?” Nagulat ako sa nagsalita. Yung Grayson. Bakit ba lagi siyang may scene? “What the hell? Anong ginagawa mo dito?” Inis na tanong ni Kevin. “Nah, I’m with the team.” Sabi niya at tumabi sakin. Hindi ako kumibo at tumingin lang sa overlooking view ng Metro Manila. “You’re the photographer, right?” Tanong niya, mukhang sinusubukan na alalahanin ako kung saan niya ako nakita. “Ah, oo.” Maikli kong sagot, ang bango niya ha. Mukhang mamahalin ang perfume. “Why didn’t you put Harold in jail?” He asked. “Ayoko ng gulo.” Sagot ko. “What do you want?” Kevin asks. “Nothing, anyway. I have a job for you, this is a wedding photoshoot for one of my cousins. Name your price, here that’s her calling card” Sagot niya at saka inabot sakin ang isang calling card. “Enjoy your date.” Sabi pa ni Grayson bago umalis. Inirapan lang siya ni Kevin, I can say he is physically pleasing, iba din talaga gumawa ang ibang tao ng pogi ei no. Natapos ang gabi na puro kwentuhan lang kami ni Kevin, yung iba puro plano namin sa buhay. Kevin came from a family of well-off, kaya for sure may mararating talaga siya. —---- Siningit ko ang wedding photography na binigay nong Grayson. “Hi.” I greeted the couple. “Oh, hi. You're Ali, right? Grayson told us you're our photographer for today.” I just smiled at her. Pareho silang chinito at chinita ng fiancé niya. Nagsimula na ako mag work, may sarili silang glam team para sa couple. I teach them how to pose din, hindi naman sila mahirap kuhanan kasi mukhang mahal na mahal nila ang isa’t isa. “Yeah, just kiss her like that.” I told them. They did naman, medyo mainit na din dahil sa isang private resort kami dito sa Batangas. Buti nga sinundo ako ng driver nong Grayson kanina. “Let’s take a break, first?” The Bride asks. Ha’ay, salamat dahil nakakaloka ang init. “Here.” Nagulat ako sa nagsalita, yung Grayson. Inabot niya sa akin ang bottled water. “Ah, salamat.” Sabi ko at kinuha ang inaalok niyang tubig. “Do you like the place?” Grayson, asks. I just nod as approval. Super ganda kaya dito. Gusto ko din dalhin ang mga kapatid ko rito. “Maganda.” I said, habang tinatanaw ang dagat. “Yeah, I own the place. Feel free to do whatever you like.” Taena, pinamukha ba niya sakin na may generational wealth siya. Umalis na siya ng ganon-ganon lang. Napailing na lang ako sa nangyari, kung iisipin ko lagi siyang lumalabas pag random ei no. Nag aya na uli ang bride na mag picture. Todo pitik lang ako sa camera ko. Ayoko magkamali lalo at mayayaman ang kaharap ko, hindi ko lang alam kung anong level sila ng yaman basta mayaman. The Groom asks for a break since it’s already a lunch break. Ako naman ay gusto na mag pee. Dahil kanina ko pa pinipigilan. Pagdating ko sa CR ay tahimik naman ang paligid at maayos akong nakapag CR. Pero bago ako lumabas at naghilamos dahil ang init talaga. Gusto ko uli mag apply ng sunscreen. “Oh.. my g…osh” I heard someone scream. Hindi ko pinansin at tuloy lang ako sa paglagay ng sunscreen. Until I heard a sudden sound, I knew that sound and was quite familiar with it. Did two people doing the s*x right now? Dahil curious ako at chismakers na din, I listened to the sound para hanapin kung nasaan sila. Nasa pinaka dulong cubicle sila ng CR. Dahil nahanap ko nga sila I confirmed they’re doing the deed. Tatalikod na sana ako para umalis pero, biglang bumukas ang pinto ng cubicle. My jaw dropped when I saw who was hooking up. It’s Grayson and the makeup artist.The girl is kneeling while Grayson is sitting on the toilet seat, and she is giving him a wonderful bj.
Grayson saw me, hingal na hingal pa siya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Dahil gulat na gulat ako. “Ahhhhhh!!!!” I scream. Mukhang nagulat din sila sa tinis ng boses ko. Nagmadali silang hinanap ang mga damit nila ako naman kinuha ko ang gamit ko at tumakbo palabas. What the hell was that! Taena, talaga ng mga lalaki ei no. In fairness, he’s f*ckable. [M.NINS]Chapter 7: FoxieMatapos ang nangyari sa Cr na yun, ay tinuloy ko lang ang trabaho ko. Hindi ko pa din nakikita ang makeup artist at si Grayson. Mabuti na yon, baka kung ano na naman din ang maalala ko. Umabot ng gabi ang pren-up photo shoot nila.Dahil kailangan kunan ang fireworks, pinakain na naman nila ako ng dinner. Sana lang talaga ay matapos ito ngayon gabi dahil babyahe pa ako. Inaasikaso na ng ibang team ang fireworks kineme, dahil yun na lang din ang kulang. Plus, water break na din sa couple. Tinitignan ko sila, napaisip ako. Paano nga ba nararamdaman ang pag-ibig? Yung mga lalaki ko kasi noon at si Harold ay hindi naman sila umabot ng serious level sa akin. Naisip ko, si Mama, paano nya minahal ang ganong klaseng lalaki? Iniisip ba niya ang sarili nya bago magmahal? Iniisip ba niya kung mahal din siya ng Tatay ko? How love could really made? “Hey.” Naramdaman kong may tumapik sa akin. Si Grayson. Isa lang ang naisip ko ang hitsura niya kanina. Agad akong iniwas ang t
Chapter 6: He’s f*ckable TW: (Slight R-18) Ngayong weekend nakadalawang gig ako sa photography ko, kahit na may mga pasa pa ako sa mukha ay sinubukan ko pa din na itago yon sa pamamagitan ng make up. Ngayon ay natatakot akong lumabas labas dahil sa nangyari, ilang beses ko na din tinanggihan sila Lexia at Jen sa mga ganap nila lately. Though, nag a-update pa naman din ako sa kanila hangga’t maaari ay hindi ko pinaparamdam ang takot ko at pangamba. “Hindi ka sumama kila Jen, kagabi?” Tanong ni Kevin, nagpasundo na ako sa kanya dahil ang dami kong dala for my photography gigs. Yeah, friday night nga pala at nag unwind ata sila sa may Pobla. “Ah, oo. Nagpahinga ako humabol ako sa mga missed classes ko ei. Nag enjoy ba naman kayo?” Tanong ko habang sinasara ang zipper ng bag ko. “Tayo naman muna ang mag unwind ngayon.” Aya ni Kevin at kinuha na niya ang ilang bagay na nabibigatan akong buhatin. Pumunta lang kami dito sa overlooking sa may Antipolo, hindi ko na inalam pa ang restau
Chapter 5: A bit of the past.[TW: VIOLENCE, PHYSICAL ABUSE] Matapos ang nangyari sa club, ay hindi ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko ay nagising ang multong natutulog sa akin. Akala ko ay na iwaksi ko na sa pag-iisip ko lahat ng nangyari noon. Pero, hindi mali ako, hindi pala ganon kadali andito pa din lahat.Sinubukan ko pa din pumasok kahit na wala ako sa mood. Tulad ng araw-araw kong routine, magigising, mag-aayos at ngingiti. Hangga’t maari ay ayokong ikwento lahat ng nangyari sa buhay ko. Ayokong masaktan, pagod na ako!I am practicing my smile in front of a mirror, as much as possible, I don’t want to show my feelings to everyone. Matapos kong gawin yon ay kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na lumabas dito sa tinutuluyan kong dorm. Pumasok lang ako sa mga subject ko ngayong umaga, tulad ng usual nakinig at nag aral akong mabuti bilang isang estudyante. Todo chismis din ako sa mga kaklase ko ng kung ano-ano, halos lahat din talaga kilala ko ei. Parang ako ang mahirap na
Chapter 4: Friday Night[TW: Physical Abuse] Grabe punuan ba naman ang gig ko this week, halos paminsan-minsan ko na lang makita sila Lexia at Jen kung ano-ano din ang raket ang nagbibigay sakin ni Jen, minsan extra model, promodizer as long as may kinalaman sa commercial. “You are so good at this, ha.” Papuri sa akin ng direktor, kinukuhanan naman ngayon si Jen.Nandito kasi kami ngayon sa isang photoshoot, pinatos ko na din sayang.“Salamat po.” Mahina kong sagot, nakakatuwa naman at nakakarinig ako ng magandang papuri kahit hindi naman ako bihasa sa ganitong ganap. Nang matapos si Jen ay agad niya akong tinabihan. “BGC tayo mamaya, tawagan natin si Lexia.” Pang aaya niya sa akin. “Sige na sumama ka na, puro ka gig ei tsaka it’s friday night naman.” Tuloy-tuloy niyang pangungulit. “Sige, pero pag nahuli ako sa children’s party bukas ikaw magbabayad sa akin ng doble ha.” Pananakot ko sa kaniya, pero in a joke manner. “Ay, nako keri lang ano. Kung tutuusin nga dapat professiona
Chapter 3: Enjoy Ladies.Dahil sa nangyari ay dumidistansiya muna ako kay Harold, ayoko muna siya makausap o kaya ay makita. Nagsisimula na kami maging busy tho, first year may mga P.E pa na ganap at most especially ay may Math pa. Start na din ng mga heavy discussion since tapos na ang orientation week, si Kevin naman ay nag o-OJT na daw. Paminsan minsan lang din kami magkita nong lalaki na yun, last year na kasi niya sa university. Kakauwi ko lang galing sa isang gig ko, agad ko naman binuksan ang luma kong laptop at nagsimula na din mag edit kasal naman iyong kinuhanan ko kanina. Nasa kalagitnaan ako ng pag-eedit ng biglang may kumakatok sa pinto. Tinignan ko muna ang phone ko, kung may nagtext ba para dumalaw sa akin pero wala ni isa. Dahil sa pagod na rin at gusto ko na magpahinga ay binuksan ko ang pinto.Bumungad sa akin si Harold na lasing may bitbit pa siyang bote ng alak.“You’re not answering my calls, so I came here.” Pinapakinggan ko lang siya habang nagsasalita.“Ala
Chapter 2: Pumili ka nang matinong lalaki. Shuta si Harold sa kabilang school pala napasok buong akala ko ay same school kami, dahil umoo siya nong nakaraan. Kaya heto ako ngayon nasa canteen nila kasama niya ang mga ka-team sa basketball. “So Ali, right?” Tanong ng isa niyang ka team. “ah, hi.” I greet him. I actually feel awkward and uncomfy, plus puro boys ang kasama ko ay nakaka attract din kasi kami nang attention dahil sa mga ka player niya na ang iingay at ang lalakas magkwentuhan. “Need ko ma bumalik may klase pa ako.” Bulong ko kay Harold dahil eksatong ala una ang last class ko, two hours pa yun. “Now? Mamaya na nakakatamad pa maglakad.” Sagot niya sa akin, bigla akong nainis kaya ang ginawa ko ay tumayo na lang ako at umalis. Buong akala ko ay susundan ako ni Harold pero wala, hindi nga talaga sya tumayo. Sa sobrang galit ko ay umalis na talaga ako ng tuluyan sa university niya. Buti na lang ay may taxi agad akong napara. Pinasukan ko naman ang klase ni Mr. No, ka