Home / Romance / Could love be made? / Chapter 5: A bit of the past.

Share

Chapter 5: A bit of the past.

Author: M. Nins
last update Last Updated: 2025-07-27 15:17:12

Chapter 5: A bit of the past.

[TW: VIOLENCE, PHYSICAL ABUSE]

Matapos ang nangyari sa club, ay hindi ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko ay nagising ang multong natutulog sa akin. Akala ko ay na iwaksi ko na sa pag-iisip ko lahat ng nangyari noon. Pero, hindi mali ako, hindi pala ganon kadali andito pa din lahat.

Sinubukan ko pa din pumasok kahit na wala ako sa mood. Tulad ng araw-araw kong routine, magigising, mag-aayos at ngingiti. Hangga’t maari ay ayokong ikwento lahat ng nangyari sa buhay ko. Ayokong masaktan, pagod na ako!

I am practicing my smile in front of a mirror, as much as possible, I don’t want to show my feelings to everyone. Matapos kong gawin yon ay kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na lumabas dito sa tinutuluyan kong dorm. Pumasok lang ako sa mga subject ko ngayong umaga, tulad ng usual nakinig at nag aral akong mabuti bilang isang estudyante. Todo chismis din ako sa mga kaklase ko ng kung ano-ano, halos lahat din talaga kilala ko ei. Parang ako ang mahirap na version ni Jen.

Paglabas ko para pumunta sa cafeteria since lunch eksakto naman at nakita ko si Lexia.

“Uy!” Tawag ko sa kanya.

“Ano tara mamaya?” I said as I tried to be as cheerful as ever. I know that Jen and Lexia, like me, only knew each other here in college, but I can tell how important they are to me. Ngayon na kasi ang showing ng movie ni Jen, sobrang swerte namin kay Jen. Mabait na nga, mayaman pa. Higit sa lahat ay hindi matapobre.

“Ano oras ka ba pupunta? Naka reserved daw ang upuan natin ah. Dapat nagbayad na lang tayo support natin kay Jen kumbaga.” Sabi ko habang binabasa ang chat ni Jen sa gc namin. Paano si ganda, bigla-bigla ba naman nag reserve ng upuan para samin. Ang nakakaloka wag na daw kaming mag pay, manood na lang daw kami. Oh my gas! Talaga.

“Pag pumunta tayo dun, pinapakita na din natin ang support sa kanya diba?” Sagot naman sakin ni Lexia, isa din ‘to ei masyado naman syang anghel.

Nang makarating kami sa cafeteria umorder lang ako ng sinigang at kanin. Bukod sa nilalamig na ako ay namimiss ko din ang luto ni Mama na sinigang.

Busy ako sa pagkain, naririnig ko lang na mag ka VC sila Kevin at Lexia. Ang mga tipong babae na katulad ni Lexia, yan ang mga tipo ni Kevin. Halata din naman kay mokong na interesado siya kay Lexia. Kaya lang itong isa Actor ang bet. Jusko, kahit ako no. Rage Suarez na yon!

“Hoy, hindi ka na nagpaparamdam ah porket nanliligaw ka na ngayon.” Sabat ko sa usapan nilang dalawa, pagkatapos uminom ng tubig.

“Ganda, bakit may kasama kang maligno jan?” Pang aasar naman ni Kevin pabalik, napangiti ako ng konti. Siya lang kasi ang may alam ng buong buhay ko, kaya alam kong makikinig siya sa akin.

“Hoy, tigilan mo ko ha. May problema nga ako hindi kita mahagilap. S***a ka.” Alam kong mababasa niya agad ang sinabi ko.

“Hoy, anong drama yan ha.” Narinig kong sigaw niya sa akin. See?

“Pakibigay nga muna kay Ali, Ganda.” Utos ni Kevin kay Lexia, sinubukan ni Lexia itapat sa akin ang phone niya pero sumenyas ako na wag.

“Wag na mag-usap na lang kayo.” Mahina kong sagot kay Kevin.

“Hoy, Alina Santiago. Ano nga?” Pagpipilit ni mokong.

Narinig kong nag flying kiss si Kevin kay Lexia. Walangya, naman oh, cringe ang mokong.

—-----

Papasok na sana ako sa sunod kong subject nang may matanggap akong text message kay Harold.

“Come to the basketball gym. I want to apologize for last Friday's incident.” Maikli ang text niya. Kinabahan ako bigla dahil, hindi naman siya dito napasok nakakapasok lang sya pag may laban siya, tulad ng naririnig ko sa team nila.

Still. Tumuloy pa din ako para matapos na din anong meron sa aming dalawa, dahil wala naman kami. Maling mali talaga ako na nakikipag communicate pa ako sa kanya.

Pagdating ko doon ay bukas ang gym, nang makapasok ako ay wala namang tao. Kaya naman tinignan ko ang phone ko kung may message ba siya.

Pero wala.

Naupo ako sa isang bench malapit lang dito sa bukana ng pinto.

Ilang minuto din ako naghintay. S***a, ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang katulad niya? Isa lang naman siyang malaking duwag.

Tumayo ako at nagbalak na aalis na lang. Pero may pumasok na mga kalalakihan, ang iba ay pamilyar sa akin lalong lalo na si Harold.

“You came, ha.” Bungad niya. Napairap ako sa narinig ko.

“Malamang, ei pinapunta mo ko ei. Mag sorry ka na para matapos na ‘to.” Sabi ko at pinahalata ko talagang wala akong interest sa mga sasabihin niya.

“Sa tingin mo ba? Gagawin ko yon?” Sabi niya para bang naniwala ako sa sinabi niya. Nag iba ang expression ko sa narinig, nagpintig agad sa inis ang buong sistema ko.

“Ei, ano ‘to? Trip mo lang? Nagsama kapa ng alipores pong mukhang mga alipunga.” Like, hello totoo naman.

Bago pa ako maka react isang malakas na hampas ng palad ang naramdaman ko sa aking mukha.

Natumba ako at napahawak sa parteng sinampal niya. “Nong, biyernes ko pa gustong-gusto gawin yan. Alam mo ganda lang talaga ang meron ka, akala mo may espesyal sayo. Kung maapakan mo ego ko, ang lakas din talaga ng loob mo no.” Sabi niya, kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

Tumayo ako, tinignan ko siya sa mga mata. Binigyan ko din siya ng isang malakas na sampal kahit ramdam ko ang panginginig ng mukha ko sa ginawa niya.

“Tarantado. Naapakan lang ego mo, sobra ka na kung magalit. Ang mga katulad mo talaga ang dapat na pinupunas lang sa kumot at hindi na binubuhay.” Alam kong nanginig buong kalamnan niya sa sinabi ko.

Nakita ko na lang ang sarili ko na tinatanggap ang pambu-bogbog ni Harold.

Isa lang ang nasa isip ko sa bawat hampas ng mabibigat niyang kamay. Si Mama, marahil ganitong level ng sakit ang natatanggap niya sa Tatay kong abusado. Pero sa ginagawa ni Harold, pagtulo ng luha ay walang pumapatak sa mga mata ko.

“Napapagod na ako, tama na.”

“Parang awa mo na. Nakikita ng mga bata.”

“Maawa ka naman sa akin.”

Narinig ko ang pagmamakaawa ni Mama, sa bawat suntok ni Harold ay ume-echo ang boses niya sa akin.

Pero ngayon ni isang salita wala akong masabi o mabigkas. Para akong napipi at nalumpo.

“Hoy itigil niyo, yan.” Dinig kong boses ng isang babae.

“Tangina.” Bulong ni Harold bago niya ako bitawan.

“Ikaw na ang bahala.” Sabi niya sa isang lalaki. Namumukhaan ko siya, siya ang nag aya sakin maging ka date niya sa Acquiantance party.

Bumagsak ako sa sahig. Nakatitig lang siya sa akin. Unit-unti akong pumipikit siguro dahil ay hindi na kaya ng katawan ko pero ini-ignore ko lang lahat ng sakit.

“Ayos ka lang ba?” Tanong gwardiya sa akin. Wala akong kibo sa kanya na nakabulagta lamang sa sahig.

“Maghanda ka nga ng pagkain ko, nagugutom ako.” Pumasok agad kami nila Jai at Ace sa kwarto. Kabadong kabado ako, dahil buntis ang Mama. Baka saktan na naman uli siya ng Tatay ko.

Nilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ang pinag-uusapan nila.

“Siya nga pala, may project si Ali sa eskwelahan. Naubos na kasi ang binigay mo last time, tsaka pang baon din ng mga bata.” Dinig kong bigkas ni Mama.

Ayoko na nga kasing sumali sa phtography contest na yon. Dahil wala naman kasi akong camera, nakikita kasi ni Mama na hilig ko ang pagkuha ng litrato. Sabi niya magaling at maganda ako kumuha ng mga anggulo.

“Yan lang natira ei.” Dinig kong sabi ng Tatay ko.

“Bakit? Wag mo sabihin sa aking, pumunta ka sa kanya? Akala ko ba hindi na kayo magkikita?” Nagsimula na naman mamawis ang palad ko sa nerbyos, lalo sa tuwing nanginig ang boses ni Mama.

“Hindi na nga tulad ng sinabi ko. Wag ka na maraming tanong, sa yan lang ang natira ei.”

“Napaka hayop mo!” Sigaw ni Mama.

SIGAW NI MAMA!

“Alam mong buntis ako, nagagawa mo pa din akong lokohin.” Bigkas niya habang unti unting nanginginig ang boses niya.

Agad kong nabuksan ang pinto at pinuntahan si Mama.

“Pumasok ka dun, pumasok ka.” Utos niya sa akin.

“Matapang ka na ngayon ha.” Sigaw ng Tatay kong galit. Bago pa ako bumalik sa kwarto ay sinasabunutan na ni Tatay si Mama.

Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa. Mula nang namulat ako ay palagi silang nag-aaway.

Tinakbo ko ng mabilis ang kwarto kung nasaan ang mga bata kong kapatid at agad na sinara ang pinto.

“Ali.”

“Ali”

“Ali.”

“Gising”.

Nagising ako sa tapik ni Kevin.

“Lumuluha ka. Tatawagin ko ang nurse.” Tinignan ko ang paligid, nasa hospital ako.

Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto, doon ko nakita si Lexia at Jen na magkayakap at tulog na tulog.

“Two days, Ali. Tulog ka ng two days.” Sabi ni Lexia sa akin.

“Sino ba gumawa sayo, nyan namumukhaan mo ba?” Tanong ni Kevin. Alam ko na marami siyang kakilala na mga basketball player.

“Tsaka ko na lang ku-kuwento.” Sabi ko. Nanghihina pa ako at magang maga pa ang mga pasa at sugat ko.

Papalit palit sila Kevin at Lexia sa pagbabantay sa akin. Akala ko nga sila na ei, pero si Lexia si Rage pala ata ang sinagot. Kung nasa matinong estado lang sana ang buong sistema ko ay baka todo chikahan kami ni Lexia ngayon.

“Makakalabas ka na daw, bukas. Hindi mo pa din ba sasabihin sa akin sino ang may gawa?” Pangungulit uli sa akin ni Kevin. Hindi ko na lang siya sinagot at kinain na lang ang pagkain na hinanda niya.

“Tsaka na ses, masama pa pakiramdam ko ei.” I said, as I tried to sound jolly.

“Hilig mo kasi mambasted ei. Isa yan sa mga inayawan mo no?” Hula ni Kevin. Hindi naman ako kaganda tulad ni Jen, pero picky talaga akong tao. Takot akong makakilala ng ugali na meron ang Tatay ko. Nagka nobyo naman ako noon, kaya lang isa pa ding babaero.

“Promise, chika ko sayo all.” Sagot ko at ngumiti.

“Si Jen ang papalit sa akin, mamaya. Magpahinga ka na lang muna.”

“Isa pa, tumawag si Tita. May sasabihin daw sayo, sabi ko naman busy ka sa exams mo. Kaya ayun tsaka na lang daw kayo mag-usap din.” Sabi sakin ni Kevin.

“Bonak mo, dapat inalam mo na.” I said, jokingly.

“Sinubukan ko nga pero tsaka na daw kapag kausap ka na niya.” Paliwanag pa niya.

I just nod and close my eyes.

“Thank you so much, Gray, that’s a good help.” Nagising ako dahil sa boses ni Jen. Kakababa lang niya ng telepono.

“Ano yon?” Tanong ko.

“I ask someone to investigate the incident about you, hindi makatarungan yan ano.” I look at her at inaayos ang mga gamit ko.

“Susunod daw si Lexia, hinihintay lang si Rage.” Kinuha niya ang pagkain at nilapag sa lamesa ko.

“Eat na, so you can drink your meds.” Paalala niya sa akin habang tinutulungan ako paupo. Ngumiti lang ako as a sign of thank you, at pinakaelaman na ang pagkain.

“Do not hesitate to tell who did that to you, ha. I can find that out within 24 hours.” Jen warned. I just gave her a little smile, and she returned it.

—----

“Ano totoo ba si Harold?” Kevin shockingly said. Andito lahat kami ngayon sa Condo ni Jen. Andito din yung isa niyang kakilala na madalas ko makita, siya ang nagsabi ng lahat.

“Grayson told us everything,” Jen says. We all look at him, who is now eating? What’s with him?

“Taenang yon, binusted mo lang lakas ng loob ha. Simula’t sapul talaga mayabang na ang walangyang yon, akala ko nga nong una sa court lang hambog ei.” Galit na galit si Kevin.

“Report na natin sa Police ang gagong yon.” Pagbabanta pa ni Kevin, kahit kelan talaga mas galit lagi siya sa mga taong umapi sa akin kesa sa akin mismo.

“Wag na, lala lang ang gulo baka lalo akong pag-initan non.” Pagpipigil ko.

“Ano, hindi naman pwedeng basta-basta lang siya mananakit sino ba siya?” Galit na tanong ni Kevin. Kung hindi lang talaga bff ang tingen ko sa kanya, baka jinowa ko na to masyadong protective.

“Tsk, are you her boyfriend?” That Grayson asks, he’s now drinking something. I looked at him, seeing his smug face.

“No, she’s my friend.” Kevin turned to him and said that.

“You are overprotective about her, I don’t think so,” Grayson said.

“Just shut up, Gray, and finish your f*cking food,” Jen said, looking annoyed. Like, bakit nga naman siya nakikisali.

“Did you just question my friendship with her?” Kevin asks, napahinto si Grayson sa pagsubo sana ng pagkain at binaba ang kubyertos.

“Sorry, I’m not going to interrupt anymore,” Grayson said, as he raised both hands like a surrender.

Nagkatinginan kaming dalawa, but one thing I can say. He looks sad seeing my face or my situation. I don’t know, it’s hard to read.

                                                                         [M.NINS]

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Could love be made?   Chapter 5: A bit of the past.

    Chapter 5: A bit of the past.[TW: VIOLENCE, PHYSICAL ABUSE] Matapos ang nangyari sa club, ay hindi ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko ay nagising ang multong natutulog sa akin. Akala ko ay na iwaksi ko na sa pag-iisip ko lahat ng nangyari noon. Pero, hindi mali ako, hindi pala ganon kadali andito pa din lahat.Sinubukan ko pa din pumasok kahit na wala ako sa mood. Tulad ng araw-araw kong routine, magigising, mag-aayos at ngingiti. Hangga’t maari ay ayokong ikwento lahat ng nangyari sa buhay ko. Ayokong masaktan, pagod na ako!I am practicing my smile in front of a mirror, as much as possible, I don’t want to show my feelings to everyone. Matapos kong gawin yon ay kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na lumabas dito sa tinutuluyan kong dorm. Pumasok lang ako sa mga subject ko ngayong umaga, tulad ng usual nakinig at nag aral akong mabuti bilang isang estudyante. Todo chismis din ako sa mga kaklase ko ng kung ano-ano, halos lahat din talaga kilala ko ei. Parang ako ang mahirap na

  • Could love be made?   Chapter 4: Friday Night

    Chapter 4: Friday Night[TW: Physical Abuse] Grabe punuan ba naman ang gig ko this week, halos paminsan-minsan ko na lang makita sila Lexia at Jen kung ano-ano din ang raket ang nagbibigay sakin ni Jen, minsan extra model, promodizer as long as may kinalaman sa commercial. “You are so good at this, ha.” Papuri sa akin ng direktor, kinukuhanan naman ngayon si Jen.Nandito kasi kami ngayon sa isang photoshoot, pinatos ko na din sayang.“Salamat po.” Mahina kong sagot, nakakatuwa naman at nakakarinig ako ng magandang papuri kahit hindi naman ako bihasa sa ganitong ganap. Nang matapos si Jen ay agad niya akong tinabihan. “BGC tayo mamaya, tawagan natin si Lexia.” Pang aaya niya sa akin. “Sige na sumama ka na, puro ka gig ei tsaka it’s friday night naman.” Tuloy-tuloy niyang pangungulit. “Sige, pero pag nahuli ako sa children’s party bukas ikaw magbabayad sa akin ng doble ha.” Pananakot ko sa kaniya, pero in a joke manner. “Ay, nako keri lang ano. Kung tutuusin nga dapat professiona

  • Could love be made?   Chapter 3: Enjoy Ladies.

    Chapter 3: Enjoy Ladies.Dahil sa nangyari ay dumidistansiya muna ako kay Harold, ayoko muna siya makausap o kaya ay makita. Nagsisimula na kami maging busy tho, first year may mga P.E pa na ganap at most especially ay may Math pa. Start na din ng mga heavy discussion since tapos na ang orientation week, si Kevin naman ay nag o-OJT na daw. Paminsan minsan lang din kami magkita nong lalaki na yun, last year na kasi niya sa university. Kakauwi ko lang galing sa isang gig ko, agad ko naman binuksan ang luma kong laptop at nagsimula na din mag edit kasal naman iyong kinuhanan ko kanina. Nasa kalagitnaan ako ng pag-eedit ng biglang may kumakatok sa pinto. Tinignan ko muna ang phone ko, kung may nagtext ba para dumalaw sa akin pero wala ni isa. Dahil sa pagod na rin at gusto ko na magpahinga ay binuksan ko ang pinto.Bumungad sa akin si Harold na lasing may bitbit pa siyang bote ng alak.“You’re not answering my calls, so I came here.” Pinapakinggan ko lang siya habang nagsasalita.“Ala

  • Could love be made?   Chapter 2: Pumili ka nang matinong lalaki.

    Chapter 2: Pumili ka nang matinong lalaki. Shuta si Harold sa kabilang school pala napasok buong akala ko ay same school kami, dahil umoo siya nong nakaraan. Kaya heto ako ngayon nasa canteen nila kasama niya ang mga ka-team sa basketball. “So Ali, right?” Tanong ng isa niyang ka team. “ah, hi.” I greet him. I actually feel awkward and uncomfy, plus puro boys ang kasama ko ay nakaka attract din kasi kami nang attention dahil sa mga ka player niya na ang iingay at ang lalakas magkwentuhan. “Need ko ma bumalik may klase pa ako.” Bulong ko kay Harold dahil eksatong ala una ang last class ko, two hours pa yun. “Now? Mamaya na nakakatamad pa maglakad.” Sagot niya sa akin, bigla akong nainis kaya ang ginawa ko ay tumayo na lang ako at umalis. Buong akala ko ay susundan ako ni Harold pero wala, hindi nga talaga sya tumayo. Sa sobrang galit ko ay umalis na talaga ako ng tuluyan sa university niya. Buti na lang ay may taxi agad akong napara. Pinasukan ko naman ang klase ni Mr. No, ka

  • Could love be made?   Chapter 1: Monster

    Could love be made? Chapter 1: Monster(Ali’s POV)“Mag-iingat ka doon ha, tatawag ka.” Paalala sakin ni Mama habang nilalagay ko ang mga gamit ko sa sasakyan ni Kevin. “Ma, hindi naman ako mag-a abroad, pwedeng pwede mo nga ako puntahan sa Manila lang naman.” Sagot ko sa kanya. Hindi na ako nakarinig pa ng kahit na anong sagot sa kanya, tumutulong din ang dalawa kong lalaking kapatid sa pagbubuhat ng mga gamit na dadalhin ko. Apartment lang naman ang titirahan ko doon, ayoko rin naman tanggapin ang condo ni Kevin dahil masyado namang sobra yun sakin. “Ako magbabantay jan Tita, ako bahala.” Singit na sagot ni Kevin.“Seryoso?” Pagtataray ko sa kanya, tinapon niya lang ang yosi niya at agad akong tinabihan tinignan niya kung tapos na ba ako sa ginagawa ko. “Tara na?” Tanong ni Kevin.“Oo kunin ko lang yung bag ko.” Sabi ko sa kanya at agad na pumasok para kunin ang dapat kong kunin. Nakita ko na kagigising lang ni Ace ang bata kong kapatid na sanggol lumapit ako para halikan si

  • Could love be made?   Prologue.

    Prologue: Could love be made? Iyan ang tema para sa gaganaping valentines program sa paaralan, malalim ang tingin ng limang taong gulang na bata na nagngangalang Alexander Ford Santiago sa blackboard kung saan nakasulat ang mga katagang nabanggit. Nang sumapit ang oras ng uwian ay agad niya nakita ang inang naghihintay, si Alina Lauraine Santiago. Agad nakuhang pansin ng butihing ina ang kanyang anak na papalapit sa kaniya. Lumitaw ang malulusog na pisngi at singkit na mga mata nang ngitian ng anak ang kanyang ina. “Mama, we have a program po, this coming valentines day.” Bungad na sinabi ng bata.“Really? What’s the theme baby?” Masayang tanong ni Ali.“I don’t understand po ei, but it is written on the blackboard that says ‘could love be made?’ What is the meaning of that Mama? And how come love has something to do with two persons.” Sunod sunod na tanong ng inosenteng bata.Nakakaramdam na naman si Ali na ang kasunod na tanong ay patungkol sa ama nito. “In order to feel the es

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status