Share

KABANATA 5

KABANATA 5: First Disaster

NALA

“Come to my office.”

Marahas akong huminga ng malalim at saka umirap sa hangin nang marinig ko na naman ang boses ni Hugo sa intercom na naka-connect sa lamesa ko sa pang-apat na pagkakataon. Hindi pa nga umiinit ang pwet ko sa upuan tapos tatawagin niya na naman ako. Hindi ko alam kung nananadya ba siya para mainis ako o ano.

Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair dahilan upang mapalingon sa akin ang ilang empleyado na abala sa ginagawa dahil sa naging ingay nito.

Alam kong kanina pa sila nag tataka dahil pang-apat na beses na akong pinatawag ngayong umaga.

Una, pinababa ako sa 12th floor para kumuha ng isang document sa HR department. Pangalawa, pinababa niya naman ako sa 19th floor para kuhain ang mga document na kailangan kong i-incode tapos ise-send ko sa kaniya through email. Pangatlo, pinahanap niya sa akin ang proposal document ng isang kilalang kumpaniya sa tambak na papel sa opisina niya dahil kailangan niya daw basahin.

Wala naman kaso sa akin kung utusan ako dahil ‘yon naman talaga ang trabaho ko pero bakit kasi paisa-isa siya ng utos nakakahilo kaya sa elevator! Mas gugustuhin ko bang mag hagdan na lang kung hindi lang madami ang dinadala ko!

Unang araw ko pa lang dito tapos pinapahirapan niya na kaagad ako. Ito ba ang kapalit ng pagpapagamot niya sa kapatid ko o bayad sa ninakaw ko sa kaniya?!

Walang katok-katok akong pumasok sa opisina niya. Maraming tambak na papel sa lamesa niya kagaya kanina. Ang iba ay nalaglag na sa sahig. Ang iba naman ay nilukot na papel na lang. Siguro hindi niya nagustuhan ang proposal na nakalagay doon.

Nakatayo siya at nakaharap sa glass wall habang may nakalagay na telepono sa tainga niya. Wala na siyang suot na suit. Tanging hapit na puting button-down long sleeve na naka-tucked in sa suot niyang itim na slacks ang natira sa kaniya na mas magpadipina sa katawan niya.

Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay lumingon siya sa gawi ko. Masama ang tingin ko sa kaniya at wala akong pakialam kung pagalitan niya ako dahil sa paraan ng pagtingin ko.

“May kailangan pa po ba kayo, señorito?” sarkastikong tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

Binaba niya ang hawak na telepono at saka umupo sa swivel chair.

“Clean this mess at ipagtimpla mo ako ng kape pagkatapos mo,” utos niya at ipinatong ang siko sa ibabaw ng lamesa kasabay ng pagsalop niya ng dalawang palad niya sa isa’t isa.

Pinadulas ko ang dila ko sa loob na pisngi ko dahil sa inis.

“Bakit hindi niyo na lang po ito ipalinis sa mga tagalinis ng kumpaniya? Sa pagkakaalam ko kasi hindi na ito sakop ng trabaho ko,” rason ko.

Tumaas ang kanang kilay niya. “Is that what Mrs. Masaya oriented you?”

Umirap ako. “Hindi!”

“Bakit parang galit ka?”

“Hindi po,” ulit ko at pekeng ngumiti ng matamis.

Nagsimula na akong maglinis ng opisina niya ng labag sa loob. Salubong ang kilay kong pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig at tinapon ang mga iyon sa basurahan dahil iyon ang sabi niya. Napansin ko na sinusundan niya lang nang tingin ang bawat ginagawa ko. Kahit naiinis ako sa kaniya ay hindi ‘yon naging hadlang para mailang ako sa paraan ng tingin niya.

“May iuutos ka pa?” walang modong tanong ko pagkatapos ko.

“My coffee.”

Inirapan ko muna siya bago ako lumabas ng opisina niya at padabog na sinara ang pintuan no’n.

Tila mga nakatakas na giraffe sa Manila Zoo ang mga empleyadong nakapansin sa paglabas ko. Ang akala ko ay mga walang pakialam ang mga makakasama ko sa floor na ‘to pero mukang hindi lang pala talaga nila ako napansin kanina. Hindi ko na lang sila pinansin. Dumeretso na ako papunta pantry area ng floor na ‘to. Wala kasing coffee maker sa opisina ni Hugo.

Pagpasok ko sa pantry ay walang tao doon na talaga namang ipinagpapasalamat ko dahil mailalabas ko na ang inis na kanina ko pa pinipigilan para sa lalaking ‘yon! Kahit kasi kaunti ay may respeto pa naman ako sa kaniya.

“Nakakainis!” bulong ko at saka padabog naglakad sa may coffee maker.

Marunong ako gumamit nito dahil may ganito si Lawrence sa bahay niya. ‘Tsaka hindi naman ako masyadong ignorate ‘no.

Habang nag titimpla ay pumasok sa isip ko na lagyan ng asin o hindi kaya’y sili ang kape niya pero nang maalala ko ang kapatid ko ay tila umurong ang lakas ng loob ko. Sa tindig pa lang ni Hugo masasabi kong maempluwensiya at karespe-respeto talaga siyang tao. Kapag ginawa ko kung anong nasa isip ko pwede niyang gamitin ang empluwensiyang ‘yon para ipahamak ang kapatid ko.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ni Hugo ay pumunta na ako sa opisina niya. Kagaya ng ginawa ko kanina ay hindi ulit ako kumatok pero maling galaw pala ‘yon dahil hindi na siya nag-iisa.

“Woah! It’s you again, Miss Crimin— I mean Nala!” bulalas ng isang pamilyar na lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Bakit kilala niya ‘ko?

Pinasingkit ko ang mga mata ko para maalala kung saan ko ba siya nakita. I can’t remember where I met him.

“She doesn’t remember you, Callum,” puna ng lalaking perteng nakaupo sa sofa habang naka-cross ang dalawang hita sa isa’t isa.

Isa pa ‘to. Pamilyar din sa akin ang boses niya.

“Awit!” d***g no’ng Callum habang nakahawak sa dibdib na animo’y nasasaktan. Ngumiwi naman ako.

“Masakit ba, pre?” pang-aasar nang katabi niyang lalaki at tinapik ang balikat niya.

“Bakit kilala niyo ‘ko?” takang tanong ko at sumulyap kay Hugo na nakaupo lang sa swivel chair niya.

“Oh, my bad. Let me introduce myself. I’m Kash Callum Salvatore at your service,” pakilala niya at kumindat.

“Hindi ko kailangan ng sundo,” pambabara ko dahilan upang matawa ang dalawa pang lalaking kasama niya.

“Sundo ka pala eh,” pang-aasar na naman no’ng isa.

“Manahimik ka nga, Rocco!”

“Shut up, both of you!” seryosong saway ni Hugo sa dalawang lalaki at bumaling sa akin. “Where’s my coffee, Ms. Cabral?”

Ngumiwi ako at naglakad patungo sa lamesa niya. Padabog kong na pinatong sa lamesa niya ang kape niya. Mabuti na lang hindi natapon dahil sa impact nito. Natahimik naman ang tatlong kasama ni Hugo na para bang nagulat pa sa inakto ko.

“May iba ka pa bang kailangan, señorito? Sabihin mo na dahil kung wala na baka pwede ko ng gawin ang mga trabaho na binigay mo sa ‘kin?” sarkastikong ani ko.

Hindi naman nagsalita si Hugo at nanatili lang nakatingin sa akin. Nang wala akong marinig na kahit na ano mula sa kaniya ay tumalikod na ako at lumabas ng opisina niya. Wala akong pakialam kung magmuka akong walang modo sa harap ng mga bisita niya. Punong-puno na kasi ako. Bumalik ako sa lamesa ko at tinuloy ang mga dapat ko pang gawin.

May tatlong makakapal na document ang kailangan kong asikasuhin at i-send sa email ni Hugo. Napakinabangan ko ang pagiging bulakbol ko noon dahil sa computer shop kami pumupunta ng mga kaibigan ko kapag nagcu-cutting classes kami kaya marunong na akong gumamit ng desktop kahit papaano.

Nagawi ang tingin ko sa maliit na picture namin nina Nadine at Mama na idinikit ko sa dikitan ng sticky notes.

Nakangiti kaming dalawa ni Mama habang karga-karga niya ang kapatid kong maliit pa. Wala sa sarili kong hinaplos ‘yon.

Ang totoo niyan hindi kami purong magkapatid ni Nadine. Kapatid ko lang siya sa ina pero kahit gano’n ay mahal na mahal ko pa rin si Nadine na higit pa sa purong kapatid. Puro man o hindi, kapatid ko pa rin siya at walang pwedeng magpabago ng koneksiyon naming dalawa.

Hindi ko kilala kung sino ang tatay ko kaya apilyido ni Mama ang ginamit ko samantalang ang tatay naman ni Nadine ay hindi pinandigan si Mama kaya apilyido rin ni Mama ang ginamit niya.

Bago sumapit ang lunch ay nag-order na ako ng pananghalian ni Hugo sa isang mamahaling restaurant.

Hinilot ko ang batok at balikat ko dahil ramdam ko ang pamamanhid no’n dulot ng ilang oras kong pagtutok sa screen ng desktop na nasa harapan ko. Kaunti pa lang ang natatapos ko dahil nangangapa pa ako sa trabaho ko.

Hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa ang trabaho na ‘to. Ang akala ko kasi ay wala akong kakayahan sa mga ganito dahil grade 10 lang naman ang natapos ko ‘tsaka wala akong napag-aralan na kahit ano tungkol sa ganitong propisyon.

Pagpatak ng alas-dose ay dumating na ang delivery para sa lunch ni Hugo. Tinawag pa ako ng isa sa mga empleyado para salubungin ang delivery rider dahil hindi pala sila pwedeng pumasok dito sa mismong floor.

“Salamat po,” sabi ko at kinuha ang puting paper bag na may tatak na logo ng restaurant.

Dumiretso na ako sa opisina ni Hugo. Nag-aalinlangan pa ako no’ng una dahil baka nandito pa ang mga bisita ni Hugo pero mabuti naman ay wala na nang buksan ko ang pintuan pagkatapos kong kumatok.

“Lunch,” agaw ko sa atensiyon niya.

Nakasuot siya ng eyeglasses habang seryosong tumitipa sa keyboard ng laptop niya nang maabutan ko siya. Sumulyap lang siya sa akin bago muling bumaling sa laptop niya.

“Just put it there. I’ll just finish this,” aniya.

Tumango naman ako at nilapag ang puting paper bag sa glass center table na pinalilibutan ng itim na couches dito sa loob ng opisina niya. Nilabas ko na rin ang laman no’n dahil baka tawagin niya na naman ako para utusan.

“May iuutos ka pa po, sir?” tanong ko sa mas kalmadong tono at bumaling sa kaniya na kasalukuyang tinitiklop ang silver na laptop.

“Nothing.”

“Aalis na ako.” Tumalikod na ako sa kaniya.

“Where are you going?”

Umirap ako at hinarap na naman siya.

“Lalabas na po. I’ll continue my work.”

Tumaas ang kilay niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at naglakad patungo sa couch.

“Aren’t you going to eat?”

“Hindi ako gutom,” pagsisinungaling ko dahil ang totoo kanina pa ako nagugutom. Kung hindi lang talaga marami ang trabaho na kailangan kong tapusin ngayon.

“I hate liars, Ms. Cabral.” Pinag-cross niya ang dalawang braso sa malapad niyang dibdib at isinandal ang likod sa couch. “Eat here. Ayaw kong makasuhan na ginugutom ko ang mga empleyado ko.”

Ngumiwi ako. “Wala naman akong sinabing ginugutom mo ako, sir. Desisyon ko na hindi kumain. Hindi mo na ako kargo kapag may mangyari sa ‘kin dito sa harapan mo.”

“Hmm. Is that so? You’re declining my offer, then?”

“Yes, sir,” walang pag-aalinlangang sabi ko.

“Did you know I don’t take no as an answer?”

“Wala akong pakialam, sir.”

Tumalikod na ako. Akma na sana akong lalabas nang magsalita na naman siya dahilan upang matigilan ako.

“What if I tell you I have an update for your sister’s condition in the U.S.? Would you still decline my offer for you to eat with me?”

Unti-unti akong lumingon sa gawi niya at tiningnan siya ng masama.

“Blina-blackmail mo ba ako?” inis na tanong ko.

Bakit ba palagi niya na lang ginagamit ang kapatid ko kapag gusto niyang masunod ang lahat ng gusto niya? Hindi porke’t nalaman niya na kahinaan ko nga ang kapatid ko ay pwede niya ng gamitin ang kapatid ko para manipulahin ako.

“Kung ‘yon ang sa tingin mo ang ginagawa ko then yes,” panunuya niya.

Kinuyom ko ang kamao ko at lumapit sa kaniya. Rumihistro naman ang ngisi sa labi niya nang makitang lumapit ako.

“Ano’ng kalagayan ngayon ng kapatid ko? Gusto kong malaman,” seryosong sabi ko.

“Then sit there and eat with me first before I tell you,” aniya.

“Hindi mo ba kayang kumain mag-isa?!” pikon na wika ko. Kulang na lang ay umusok anv ilong ko para masabing napipikon na talaga ako.

Naturingan na malaki ang katawan tapos hindi naman kayang kumain mag-isa!

“I can, but I’m actually doing you a favor here. Mabubusog ka na, malalaman mo pa ang kalagayan ng kapatid mo.”

Tiningnan ko siya ng masama at padabog na umupo sa couch na nasa harapan niya. Bale pinagigitnaan namin ang center table that is made of glass na may mga pagkain. Ngayon ko lang napansin na marami pala ang mga pagkain na nabili ko.

Binigay niya sa akin ang kalahati ng pagkain samantalang ang kalahati naman ay sa kaniya. Kapansin-pansin ang pagiging propisyunal niya kung kumain samantalang ako ay parang naligaw lang dito.

Nauna ako sa kaniyang kumain. Dumighay pa ako dahil sa sobrang sarap ng pagkain na ‘to. First time kong makakain ng ganito kasarap at kasosyal na putahe. Marunong akong magluto pero hindi ganito kasarap.

“I thought you were not hungry?” nakangising tanong ni Hugo. Tapos na rin pala siya.

Umiwas ako ng tingin dahil bahagya akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko siya sinagot sa halip ay peke akong umubo at tiningnan siya.

“So, ano na? Kumusta na ang kapatid ko? Hinahanap niya ba ‘ko?”

“Yeah,” tipid na turan niya.

“Yeah? Yeah lang? Wala ka bang ibang sasabihin?!”

“What do you want to know, then?”

“Tinanong kita kung kumusta na kako ang kapatid ko? Okay lang ba siya?”

“Tsk. She was just your half sister. Why are you so worried about her? You’re even ready to risk your life and dignity para sa taong hindi na rin naman magtatagal sa mundo—”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hatakin ang kwelyo ng puting button-down long sleeve niya dahil sa pinaghalong galit at inis sa dibdib ko.

“Tarantado ka ba?! Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?!” madiin at gigil na sabi ko.

Ramdam ko ang panlilisik ng mata ko at ang panginginig ng kamay ko.

“Wala kang karapatan para diktahan ako kung ano ang dapat kong maramdaman! Wala ka rin karapatan para sabihin na hindi na magtatagal ang kapatid ko dahil hindi ka Diyos para sabihin sa ‘kin ‘yan! Wala kang alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko para makasama ang kapatid ko!”

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng muka niya. Hindi niya rin inalis ang kamay ko na nasa kwelyo kagaya ng ginawa niya noon.

Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ako sa bewang at kabigin ito palapit sa kaniya dahilan upang bumagsak ako sa hita niya.

“A-Anong ginagawa mo?” kinakabahang tanong ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Ramdam ko ang init ng katawan niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Ang kaninang tapang ko ay biglang umurong dahil sa ginagawa niya.

“Did you know that you have beautiful eyes, Ms. Cabral? And it’s getting more beautiful in my eyes when you’re angry.”

“Ano ba’ng sinasabi mo diyan?! Nahihibang ka na ba talaga?!” Nagpumiglas ako pero masyado siyang malakas para makawala ako sa kaniya.

“You are my bed warmer, remember? You should be used to this kind of setup. Hindi mo alam kung paano ako magtrabaho sa kama.”

Kusa akong tumigil sa pagpupumiglas dahil sa sinabi niya. Seryoso ang muka niya at walang halong pang-aasar o ano pa man sa boses niya.

“Sinasabi mo bang gusto mong mag-sex tayo dito?” lakas loob na tanong ko.

“What? No! Of course not. I don’t do office sex.”

“Ano bang pinaglalaban mo?” Umamba ulit akong tatayo pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

Nakakainis!

“Baka may makakita sa ‘tin di—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kabigin niya ang batok ko at may naramdaman akong malambot na bagay sa labi ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakapikit na mga mata ni Hugo. Mahigpit ang hawak niya sa batok ko dahilan upang hindi ko magawang makalayo sa pangahas niyang labi na nakadikit ngayon sa labi ko!

“Your lips taste good, hmm...”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status