Share

KABANATA 4

KABANATA 4: First day

NALA

“Fabellon Enterprise…” bulong ko ‘tsaka inilagay ang kamay sa ibabaw ng kilay at tinanaw ang malaking pangalan na nakalagay sa building na nasa harapan namin ngayon.

Maraming empleyado ang kasalukuyang pumapasok sa nasabing kumpaniya. Ang iba ay nagmamadali at ang iba naman ay mabagal lang kung maglakad. Isang tipikal na araw para sa kanila ngunit para sa akin ay ito na ang simula ng kalbaryo ng buhay ko.

“Sigurado ka bang ito na ‘yon Nala?” tanong ni Lawrence habang tinitingnan ang papel kung saan nakasulat ang address nitong building. Hinatid niya kasi ako papunta dito.

Bumaling ako sa kaniya at tumango.

“Ito na nga,” mahinang turan ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ko kayang tumingin sa kaniya dahil sobrang bigat pa rin ng dibdib ko dahil sa naging desisyon ko tatlong araw na ang nakakalipas.

Ginulo niya ang brown kong buhok na nakagawian niya na at saka ngumiti ng malapad.

“Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi ka tuluyang nakulong, Nala. Sobrang nag-alala talaga ako para sa'yo. Akalain mo ‘yon? Binigyan ka pa ng trabaho ng ninakawan mo,” hindi makapaniwalang sabi niya.

I forced a smile at hinigpitan ang hawak sa strap ng shoulder bag ko.

“Bilib ka na naman sa ‘kin.”

“Syempre. Proud nga ako sa'yo eh. Hindi mo na kailangan gayahin ‘yong ginagawa ko para magkapera,” aniya.

Tinitigan ko siya dahil sa sinabi niya. Kung hindi ko siya kilala iisipin kong hindi siya gumagawa ng masama. Iisipin kong isa siyang matino at responsableng mamamayan ng Pilipinas. Bukod kasi sa maamo ang muka niya malinis rin siya sa katawan.

Sa suot niyang puting t-shirt at faded jeans ay napapatingin talaga sa kaniya ang ilang empleyado ng kumpaniya na nasa harapan namin ngayon. Hindi kasi maipagkakaila na gwapo nga ‘tong si Lawrence at napatunayan ko na ‘to noon nang minsang magka-crush ako sa kaniya noong mga bata pa kami.

Hindi lang lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil na-realize ko na hindi ko pala kayang isakripisyo ang pagkakaibigan na binuo naming dalawa.

Hindi siya perpekto at gano’n din naman ako pero nagkakaintindihan kaming dalawa. Same vibes kung baga. Siguro kung hindi namatay si Mama malamang hanggang ngayon nandoon pa rin ako sa mga nakagawian ko noon. Barumbado at puro basag ulo lang ang alam gawin sa buhay.

Ang pagkamatay ni Mama ang nagpa-realize sa akin na mahalaga ang buhay. Na hindi tayo ang may hawak sa buhay natin. Sa halip na puro katarantaduhan lang ang gawin natin dapat ay matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may magulang tayong madedependihan sa lahat ng bagay.

“Bakit ganiyan ka makatingin? Ano'ng iniisip mo?” tanong ni Lawrence na nakapagpabalik sa katinuan ko.

Umiling ako. “Wala naman. Ano? Hindi ka pa ba aalis? Saan ka pupunta pagkatapos mo dito?”

Nagkibit balikat siya.

“Maghahanap na rin siguro ako ng trabaho.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “May trabaho ka naman ah.”

“Hindi ‘yon. Ibig kong sabihin ‘yong trabaho as in ‘yong matinong trabaho na may malinis na pera. Napagtanto ko kasi na sobra na ‘yong kasalanan na nagawa ko at umabot pa sa punto na nadamay ka na. Ayaw ko na ulit maulit ‘yong nangyari na muntik ka nang makulong. Ayaw ko rin namang makulong kaya hangga’t maaga pa aayusin ko na ang buhay ko.”

Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad at pabirong sinuntok ang braso niya.

“Naks ang ganda no’n ah. Mabuti naman at naisip mo ‘yan. Dapat matagal mo na ‘yang ginawa Lawrence.”

Mahina siyang tumawa ay nagkamot ng batok.

“Siguradong mahihirapan ako nito dahil hindi ako nakapagtapos ng high school pero makakahanap naman siguro ako ‘tsaka papautangin mo naman siguro ako habang wala pa akong pera, ‘di ba?” pagbibiro niya.

Tumawa ako at tumango. “Oo naman malakas ka sa ‘kin e.”

Tumawa kaming dalawa. Sabay lang kaming lumingon ni Lawrence sa likod namin nang may tumikhim doon.

“Sorry p—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mapagtanto na si Hugo ang nakatayo ngayon sa harapan namin. Nasa likod niya ang magarang sasakyan na iba sa sasakyan na ninakawan ko no’ng gabing ‘yon.

“Ms. Cabral did you know that it’s already time for work?” sarkastikong tanong niya at sinulyapan si Lawrence na nasa likod ko.

Lumunok ako ng matindi dahil pakiramdam ko ay may bumarang malaking bagay sa lalamunan ko. Ngayon ko lang siya nakita matapos ang tatlong araw. Hindi na siya bumalik kinabukasan kagaya ng sabi niya. Ang tanging kumuha lang ng kontrata sa akin ay ‘yong tinawag niyang Fang. Pero teka nga ano ba'ng pakialam ko?

“Alam ko po, sir,” pormal na sabi ko at bumaling kay Lawrence. “Sige na. Ite-text na lang kita kapag magpapasundo ako o hindi.”

“Sigurado ka?”

“Oo.”

Tumango siya. Tumingin muna siya sa akin at ginulo na naman ang buhok ko bago bumaling kay Hugo at tinanguan rin ito bago tuluyang umalis.

Pinanood ko munang makalayo si Lawrence bago binalingan si Hugo na masama ang tingin sa akin. Ano'ng problema nito?

Magsasalita pa sana ako ngunit walang anu-ano’y nilagpasan niya na ako at nagsimula nang umakyat sa tatlong baitang na hagdan at pormal na naglakad papasok ng building.

Hindi ako sumunod o gumalaw man lang. Pinanood ko lang siyang maglakad. Pero nang malapit na siya sa entrance ay lumingon siya sa gawi ko. Napansin niya marahil na hindi ako sumunod sa kaniya.

“Ano pa'ng ginagawa mo riyan?” inis na tanong niya.

Ngumiwi ako at nagsimula nang sumunod sa kaniya nang hindi nagsasalita. Dali-dali akong naglakad kahit paika-ika dahil hindi ako sanay sa suot kong 2 inches na pumps na hiniram ko pa sa kapitbahay naming sale’s lady sa malaking mall dito sa Parañaque. Panay rin ang baba ko ng laylayan ng suot kong pencil cut skirt dahil pakiramdam ko ay nasisilipan ako kahit hindi naman talaga.

“Ano'ng ginagawa mo?” takang tanong niya nang mapansin ang pagbaba ko ng suot kong palda.

“Hindi kasi ako sanay sa suot ko,” sagot ko.

Suminghal siya. “Could you please act accordingly on your gender Ms. Cabral? Huwag na huwag mong dadalahin dito ang pagiging ugaling squatter mo.”

Kusang umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Pinanood ko lang siyang pormal at propisiyonal na naglakad habang nilalagpasan ang mga empleyadong bumabati sa kaniya. Umusbong na naman ang inis sa dibdib ko dahil sa inakto niya. Porket hindi ako kumportable sa suot ko ay tinawag niya na kaagad akong ugaling squatter?!

Siya kaya pagsuotin ko ng 2 inches above the knee na pencil cut skirt at saka fitted na blouse tapos kapag hindi siya naging kumportable, tatawagin ko rin siyang ugaling squatter! Tingnan natin kung hindi siya mainis!

Kahit masama ang loob ko ay tumakbo pa rin ako papunta sa elevator kung nasaan siya at dali-daling pumasok. May binigay kasi sa akin na handouts si Fang kung saan nakalagay doon ang rules and regulations ng Fabellon Enterprise. Nakalagay din doon ang mga duties ko bilang secretary at isa na doon ang palagi kong pagsama kay Mr. Fabellon lalo na kapag nasa labas ng kumpaniya ang mga meetings.

“Good morning, sir,” bati ng mga bagong pasok na empleyado sa elevator.

Hindi sumagot si Hugo na nanatili lang nakapikit ang mata habang nakasandal ang ulo sa dingding ng elevator kaya inirapan ko ito ng patago at bumaling sa mga babaeng empleyado.

“Good morning,” bati ko.

Tumingin sa akin ang babaeng rebounded ang buhok at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at saka ako inirapan na para bang may ginawa akong masama sa kaniya.

Napangiwi na lang ako dahil doon at patago ring hinagod ang mata sa katawan niya. Kumpara sa katawan ko masasabi ko namang malaman nga siya.

Tumigil ang elevator sa 16th floor. Lumabas ang mga empleyadong babae sa elevator na pasimple pa rin akong iniirapan na para bang hindi ko sila nakikita. Lalabas na rin sana ako nang may humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako.

“Where are you going?” ang baritong boses ni Hugo ang umakupa sa elevator.

“Lalabas. Hindi ba dito ang floor ko?” tanong ko.

“What? Sino'ng may sabi?” inis na tanong niya.

“Nabasa ko sa handouts.”

“Really?” sarkastikong aniya. “Don’t give me that shit. This is a finance department kaya pa’no nangyaring napunta ka dito? You are my secretary, not my finance employee!”

Marahas akong huminga ng malalim at tiningnan siya ng masama. Hinila ko ang palapulsuhan kong hawak niya at hinarap siya. Napigtas na ang kaunting pasensiya na natitira sa pagkatao ko para sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Punong-puno na ko sa ugali niya ha!

“Eh bakit ka ba nagagalit?! Kanina ka pa ah! Una tinawag mo akong ugaling squatter kahit wala naman akong ginagawa tapos ngayon naman pinagmumuka mo akong tanga! Ano bang alam ko dito ha? Huwag mo akong pagmumukaing bobo dahil hindi ko naman ‘to ginusto! ‘Tsaka sa lahat ba naman kasi na ibibigay mo sa aking trabaho bakit sekretarya mo pa?! Pwede namang janitor kung talagang galit ka! Kung ganiyang ugali lang rin naman pala ang makakasalamuha ko araw-araw mas pipiliin ko na lang makulong kaysa makasama ka!”

Sa sobrang lakas ng boses ko ay pakiramdam ko naputol na ang ugat sa leeg ko. Luminga si Hugo sa paligid kung kaya’t luminga rin ako. Doon ko na-realize ang ginawa ko.

“Tangina,” malutong na murang bulong ko.

Halos lahat ng empleyado ng finance department ay nakatingin sa amin dahil nga nakabukas pa rin ang pinto ng elevator. Karamihan sa kanila ay gulat na gulat at ang iba naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa direksiyon namin.

“Fuck this! You are indeed pain in my fucking ass!” bulong rin ni Hugo at hinila na naman ang palapulsuhan ko papasok sa elevator at pinindot ang close button ng elevator.

Inis na hinila kong muli sa kaniya ang palapulsuhan kong hawak niya at saka isiniksik ang sarili sa kanto ng elevator. Pinag-cross ko ang braso ko sa dibdib ko. Panay ang sulyap niya sa akin sa repleksiyon namin sa elevator. Hindi kami nagsalita hanggang sa makarating kami sa top floor kung sa saan sa tingin ko ang opisina ni Hugo.

Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay tumigil siya sa tabi ko.

“Don’t do anything stupid, Ms. Cabral. Tandaan mo, na sa’yo ang buhay ng kapatid mo,” bulong niya at dirediretsong lumabas na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil sa sinabi niya. Hindi pa sana ako gagalaw sa kinatatayuan ko kung hindi lang muntik sumara ang pintuan ng elevator.

Salubong ang kilay at kuyom ang kamao na napagdesisyunan kong magpatuloy na sa paglalakad. Kung pwede lang sanang suntukin ang pagmumuka niya ay ginawa ko na sana.

Kahapon ang flight ni Nadine papuntang ibang bansa. Hindi ako nagpakita sa kaniya dahil hindi ko siya kayang makitang umiyak at magmakaawang samahan siya. Pinanood ko lang siyang isakay sa eroplano kasama ang mga doktor na gagamot sa kaniya doon.

Mahirap na malayo sa kapatid ko pero mas mahirap na makita ko siyang nahihirapan. Kahit ayaw kong malayo kami sa isa’t-isa dahil iyon ang sabi sa amin ni Mama hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang kapatid ko at panoorin siyang unti-unting mamatay dahil sa sakit niya.

“Are you the new secretary of Mr. Fabellon?” Bumalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa kaliwa ko. Tiningnan ko siya at pumormal ng tayo.

“Ako nga po,” sagot ko at ngumiti para naman magmuka akong presintable.

Hindi siya ngumiti o tumango man lang. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay medyo tumaas ang kilay bago tumingin sa muka ko.

“Sumunod ka sa akin marami kang kailangan malaman tungkol sa trabaho mo,” mataray na sabi niya at inayos ang kaniyang salamin bago tumalikod.

Ngumiwi ako. Naalala ko sa kaniya ang istrikta naming librarian no’ng nasa high school pa lang ako.

Sa tingin ko ay nasa mid-50’s na siya. Naka-corporate attire siya kagaya ng sa akin. Malinis rin ang pagkaka-bun ng buhok niya at sa isang tingin pa lang ay masasabi mo na talagang istrikta siya. Lumingon siya sa akin nang hindi ako sumunod.

“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko sumunod ka!” sermon niya kaagad.

“Ah, opo!” Ika-ika akong tumakbo at tumabi sa kaniyang maglakad.

“So, ako si Rosalee Masaya pero hindi ako masaya. Ako ang head ng Marketing department at inutusan ako ni Mr. Fabellon para i-orient ka sa mga duties mo bilang bagong sekretarya niya kahit sobrang dami kong kailangan gawin sa lamesa ko. Sa tingin ko naman ay nabasa mo na ang handouts mo kaya hindi ko na kailangang ipaliwanag ang bawat detalye, tama?”

“Opo,” sagot ko.

“Good. Isa sa pinakaayaw ni Mr. Fabellon ay ang taong tatanga-tanga. Kung gusto mong tumagal ka sa kumpaniyang ito ay ayusin mo ang trabaho mo. Ayaw niya rin ng palaging late at madaldal dahil ayaw niya ng maingay.” Tumingil kami sa isang office carrel. “Ito ang magsisilbing lamesa mo. Dito mo gagawin ang mga paper works na kailangan mong i-organize para ipapirma kay Mr. Fabellon. Bawat papel na ipapatong sa lamesang ito ay importante. Bawal ang burara naiintindihan mo ba ‘ko?”

Tumango ako. “Opo!”

“Mabuti kung gano’n. Ang isa pa sa mga duties mo bilang sekretarya ay kailangan mong sundin ang bawat utos ni Mr. Fabellon kabilang na doon ang pagtitimpla ng kape, pagbili ng lunch, snacks at marami pang iba. Bawal kang magreklamo dahil empleyado ka lang rin dito at boss siya.” Pinag-cross niya ang dalawang braso sa dibdib niya at tiningnan ako ng maigi. “May gusto ka ba kay Mr. Fabellon?”

“Po?”

“Kung may gusto ka man kay Mr. Fabellon huwag ka nang umasa dahil hinding-hindi siya pumapatol sa mga empleyado niya.”

“Wala po akong gusto sa kaniy—”

“Sinasabi ko ‘to sa'yo dahil ayaw kong magaya ka sa huli niyang naging sekretarya na tinanggal sa trabaho dahil lantarang naghubad sa harapan ni Mr. Fabellon dahil sa matinding obsesyon.”

“Ha?”

Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Ako? Magkakagusto kay Hugo? Sa ugali pa lang ng lalaking ‘yon walang-wala na siya e! I can't even imagine myself being obsessed with him!

“Mabait na bata si Lion. Hindi pa siya ang CEO ay nagtatrabaho na ako dito. Kung may mga motibo man siyang ipapakita sa‘yo huwag mo na lang pansinin dahil gano’n siya sa lahat. Sana ikaw na ang huli niyang maging sekretarya dahil napapagod na akong paulit-ulit na magpaliwanag ng mga dapat ninyong gawin dahil sa papalit-palit niya ng sekretarya.”

Halata ang pinaghalong inis at pakaumay sa muka niya habang nagsasalita.

“Maniwala po kayo sa akin. Wala po akong gusto kay Hugo—este kay Mr. Fabellon. Nandito po ako para magtrabaho.” At para rin sa kapatid ko.

“Mabuti naman kung gano’n. Sana ay panindigan mo ‘yang sinabi mo.” Tumingin siya sa kaniyang wrist watch. “So I’ll go ahead, Ms. Cabral. My time is up. Good luck on your first day.”

Tinapik niya pa ang balikat ko bago umalis. Pinanood ko lang siya maglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya makita.

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kagaya ng isang tipikal na opisina ay abala ang mga empleyado sa kaniya-kaniya nilang desktop at mga paper works. Walang nagpapansinan sa kanila. Tanging tunog lang ng desktop keyboard ang nagbibigay ingay sa paligid.

Nagkibit balikat ako at umupo na rin sa swivel chair na nasa harapan ng lamesa ko. Pinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa at sinimulang ayusin ‘yon.

Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwala na may matino na akong trabaho ngayon. Noon iniisip ko lang na imposibleng makapasok ako sa mga kumpaniya kagaya ng nakikita ko sa TV pero ngayon nandito na ako at sekretarya pa!

Kusang nawala ang maliit na ngiti sa labi ko nang maalala ko kung ano'ng kapalit ng trabahong ito. Mahina akong natawa. Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Magiging parausan nga pala ako at dahil doon hindi ko na alam kung makukonsidera ko pa bang matinong trabaho ito o hindi na.

Tama ba 'tong pinasok ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status