THE HEIR THAT NEVER EXISTED

THE HEIR THAT NEVER EXISTED

last updateLast Updated : 2026-05-19
By:  Raindaja323Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
0views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Xavier Zander ay kilala bilang ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, at pinakamalamig na bilyonaryo sa buong bansa. Hawak niya ang halos lahat ng negosyo, lupain, at kumpanya. Takot sa kanya ang lahat at hinahangaan ng marami. Pero sa kabila ng lahat ng kanyang yaman, iisa lang ang kwento na alam ng publiko: Wala siyang tagapagmana. Sa lahat ng interview, balita, at magasin, laging tanong sa kanya kung sino ang magmamana ng kanyang bilyun-bilyong yaman kapag wala na siya. At laging iisa lang ang sagot ni Xavier—na wala siyang pamilya, wala siyang anak, at mag-isa lang siya sa mundong ito. Naniniwala ang lahat na masyado siyang matigas ang puso para magmahal at bumuo ng pamilya. Akala nila, ang kanyang imperyo ay mawawala rin pagkatapos niya. Pero ito ang malaking kasinungalingang itinago niya sa buong mundo. Dahil sa likod ng lahat ng kanyang kapangyarihan at karangyaan, sa isang liblib na mansyon sa pribadong isla na walang ibang nakakaalam, naroon si Liam. Ang kanyang anak. Ang kaisa-isang dugo at laman niya. Noong bata pa si Liam, napuno ng takot si Xavier. Alam niyang dahil sa sobrang yaman niya, marami siyang kaaway, mga taong handang pumatay at kumitil para lang makuha ang kanyang ari-arian. Kaya ginawa niya ang pinakamahirap na desisyon ng kanyang buhay—pinili niyang burahin ang pagkatao ng kanyang sariling anak. Wala siyang birth certificate. Walang pangalan sa anumang dokumento. Walang rekord sa ospital o gobyerno. Wala kahit isang litrato na makikita sa labas. Sa mata ng batas at lipunan, hindi kailanman naging totoo si Liam. Wala siya. Hindi siya umiral. Lumaki si Liam na alam lang na espesyal siya sa mata ng kanyang ama, pero hindi niya naiintindihan kung bakit kailangan niyang manatiling nakatago sa mata ng lahat.

View More

Chapter 1

Gintong hawla

XAVIER ZANDER

Mula sa pinakamataas na palapag ng Zander Corporation Tower, kitang-kita ko ang buong siyudad.

Mula rito, ang lahat ay parang maliliit na piraso lamang ng laruan. Ang mga sasakyan na umaagos sa malalawak na kalsada ay parang mga langgam na nagmamadali. Ang matataas na gusali na may kani-kanilang kinang at pangalan? Karamihan sa mga ito ay pag-aari ko. O kung hindi man ay pag-aari ng mga taong umuutang ng pabor, proteksyon, o salapi sa akin.

Ako si Xavier Zander. Apatnapu’t limang taong gulang. Ang tawag sa akin ng mga tao ay ang Hari ng Negosyo, ang Bilyonaryong Walang Awa, o ang taong hawak ang ekonomiya ng bansa sa kanyang mga palad.

Sabi nila, nakuha ko ang lahat. Yaman, kapangyarihan, respeto, at takot. Wala akong ipinagkakait sa sarili. Kung may gusto ako, nakukuha ko. Kung may inaasam ko, akkin ko agad. Wala akong inuurungan. Dahil sa mundong ito, ang pera ang batas, at ako ang gumagawa ng batas na iyon.

Pero habang nakatayo ako rito, nakatingin sa bintanang salamin na kasing laki ng pader, hindi ko nararamdaman ang tagumpay.

Ang nararamdaman ko ay lamig. Isang nakakayakap na lamig na hindi kayang painitin ng kahit anong halaga ng ginto o pilak.

Dahan-dahan kong hinawakan ang malamig na salamin. Nakita ko ang repleksyon ko. Matigas ang mukha, matalim ang mga mata, uban na ang sumisilip sa aking itim na buhok. Ang mukha ng lalaking kinatatakutan ng lahat. Ang mukha ng lalaking akala ng lahat ay nasa kanya na ang lahat.

“Mr. Zander, handa na po ang lahat para sa press conference.”

Ang boses ni Arthur, ang aking matagal nang sekretarya at tapat na kaibigan, ang bumasag sa katahimikan.

Hindi ako lumingon. Nanatili akong nakatingin sa labas.

“Sige,” maikli at malamig kong sagot. “Dadalhin ko na.”

Lumabas ako ng aking opisina. Ang bawat hakbang ko ay sinasabayan ng takot at paggalang ng mga empleyadong nakakasalubong ko. Yuyuko sila, iiwas ng tingin, at hahayaan akong dumaan na parang isang hari na naglalakad sa gitna ng kanyang kaharian. Suot ko ang pinakamamahaling terno na gawa sa pinakamataas na kalidad ng leather at telang inaangkat pa mula sa ibang bansa. Ang aking sapatos ay kumikislap, at ang relo sa aking pulso ay nagkakahalaga pa ng higit sa kinikita ng isang pamilya sa loob ng sampung taon.

Pumasok ako sa malaking bulwagan kung saan naghihintay na ang daan-daang mamamahayag, mga kamera na nakatutok sa akin, at mga taong sabik na sabik na marinig ang bawat salitang bibitawan ko.

Umupo ako sa gitna, sa pinakamatayog na upuan na parang trono. Ang mga ilaw ay nakatutok sa akin, na parang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundo.

Nagsimula ang mga tanong. Tungkol sa negosyo, tungkol sa mga bagong proyekto, tungkol sa aking paglawak sa ibang bansa. Sinasagot ko ang lahat nang may awtoridad, maikli, at puno ng kumpiyansa. Alam ko ang sinasabi ko. Alam ko ang ginagawa ko.

Hanggang sa dumating ang tanong na hinihintay ko... at ang tanong na kailanman ay hindi magbabago ang sagot ko.

Isang mamamahayag ang nagtaas ng kamay, seryoso ang mukha habang nakatutok ang mikropono sa akin.

“Mr. Zander, ikaw na ang pinakamayamang tao sa kasaysayan ng ating bansa. Ang iyong imperyo ay abot hanggang sa ibang panig ng mundo. Pero gusto naming malaman ng lahat... sino ang magmamana ng lahat ng ito? Sino ang susunod sa’yo? Dahil sa edad mong ito, at sa laki ng iyong yaman, hindi maiaalis sa aming isip kung sino ang magpapatuloy sa iyong pangalan kapag dumating ang panahon.”

Tumahimik ang buong bulwagan. Kahit ang paghinga nila ay parang tumigil. Lahat sila ay nakatitig sa akin, sabik na sabik sa aking isasagot.

Huminga ako nang malalim, at sa huling pagkakataon, isinuot ko ang maskara ng pagiging malamig at walang pakialam. Ipinakita ko sa kanila ang mukha ng lalaking walang kahinaan.

Ngumiti ako nang mapait—isang ngiting walang halong saya.

“Magandang tanong,” simula ko, ang aking boses ay umaalingawngaw sa buong silid. “Pero kayo ay nag-aaksaya lamang ng oras kung hihintayin niyo ang susunod sa akin. Dahil nais kong linawin ito sa lahat, sa harap ng Diyos at ng publiko...”

Tumingin ako nang diretso sa kamera, na parang kinakausap ko ang buong mundo.

“Wala akong tagapagmana. Wala akong anak. Wala akong pamilya. Ako ay nag-iisa. Ang Zander Empire ay akin, at magwawakas ito kasama ko kapag dumating na ang tamang panahon. Walang magmamana, dahil walang karapatang magmana. Ako ang simula, at ako rin ang katapusan.”

Nagkagulo ang mga tao. Nagbulungan sila, nagulat, at tila hindi makapaniwala. Ito na naman ang kwentong kakalat sa mga dyaryo, sa telebisyon, at sa social media. "ANG BILYONARYONG NAG-IISA." "ANG IMPERYONG WALANG KINABUKASAN." "SI XAVIER ZANDER: ANG TAONG MAY LAHAT, PERO WALA NAMANG MAIBIBIGAY KAY KANINO."

Pinalabas ko ang aking sarili na isang lalaking walang puso. Isang lalaking hindi kayang magmahal, at hindi kayang magkaroon ng mahal sa buhay.

Dahil ito ang kailangan nilang paniwalaan. Ito ang kailangan nilang isipin.

Dahil kung malalaman nila ang katotohanan... kung malalaman nilang mayroon akong isang bagay na mas mahalaga kaysa sa lahat ng aking ginto, kaysa sa lahat ng aking kapangyarihan... kung malalaman nilang mayroon akong isang anak...

Patay na siya.

Patay na ang pinakamahalagang bahagi ng aking buhay.

LIAM ZANDER

“Liam, tapos na ba ang iyong pag-aaral ngayong araw?”

Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang librong hawak ko. Tumingin ako kay Aling Marta, ang matandang kasambahay na kasama ko rito mula pa noong pagkabata ko. Siya ang tumayong pangalawang ina sa akin, at siya lang ang kasama ko bukod sa mga guro at mga bantay na laging nakapaligid.

“Opo, Aling Marta,” mahina kong sagot habang pinagmamasdan ang malawak na hardin sa labas ng malaking bintana. “Tapos na po. Ang sabi ni Sir Arthur, sapat na raw iyon para sa araw na ito.”

Tumabi siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. Makita mo man sa mukha niya ang pagmamahal, hindi ko maiaalis ang lungkot na nakikita ko rin doon.

Nandito ako. Sa Zander Estate. Isang malawak na lupain na matatagpuan sa gitna ng dagat, sa isang pribadong isla na walang ibang nakakaalam maliban sa aming mga nakatira dito. Isang napakagandang mansyon na gawa sa bato at salamin, puno ng mamahaling kagamitan, mga aklatan na puno ng libro, mga silid na puno ng laruan at kagamitan.

Sabi nila, napakaswerte ko raw. Sabi nila, nakatira ako sa paraiso.

Pero para sa akin? Ito ay isang gintong hawla.

Napakaganda sa labas. Napakakinang. Pero hindi ka makakalabas. Walang makakapasok. Nakakulong ka sa gitna ng karangyaan, na walang ibang nakakausap kundi ang mga taong inatasan lang na maglingkod at magbantay sa’yo.

Labing-walong taon na akong nabubuhay dito. Labing-walong taon na hindi ko pa natitikman ang lasa ng tunay na mundo.

Hindi ako nakapasok sa eskwelahan na katulad ng ibang bata. Wala akong mga kalaro. Wala akong kaibigan. Hindi ko pa nakikita ang mataong kalsada, ang maingay na palengke, o ang simpleng buhay na tinatamasa ng karamihan.

Ang tanging mundo ko ay ang loob ng bakod na ito. Ang tanging balita ko ay ang mga librong binabasa ko at ang mga kwentong sinasabi sa akin.

“Nandiyan na ba si Papa?” tanong ko, hindi makapigil ang pag-asa sa aking boses. Ito ang tanong na laging itinatanong ko araw-araw, oras-oras. “Sabi niya babalik siya agad kapag tapos na siya sa trabaho. Tapos na ba siya?”

Nagbago ang mukha ni Aling Marta. Yumuko siya at hindi ako tiningnan nang diretso.

“Pasensya ka na, iho... pero marami pa yatang inaayos ang iyong ama sa siyudad. Masyadong abala siya. Pero pangako, kapag nakaluwag siya, dadaan siya agad dito. Alam mo naman kung gaano ka niya kamahal, hindi ba?”

Napait ako. Ang sakit na naramdaman ko ay parang karaniwan na.

Alam ko naman. Alam ko naman na laging ganito ang sagot. "Abala siya." "May inaayos siya." "Hindi pa siya pwedeng umalis."

Bakit? Ano ba ang mas mahalaga sa kanya kaysa sa akin? Ako ba ay isa lamang gawain na kailangang gawin kapag may libreng oras?

Mahal niya ako... kung ganun, bakit parang ipinagkakaila niya ako sa buong mundo? Bakit ako nakatago dito habang siya ay nasa labas, namumuhay nang malaya, kilala ng lahat, at parang wala siyang ibang iniintindi kundi ang kanyang negosyo?

“Aling Marta,” mahina kong tawag. “Totoo ba na mayaman kami? Na ang Papa ko ay ang pinakamayamang tao sa buong bansa?”

Tumango siya. “Totoo, iho. Napakatotoo. Ang iyong ama ay si Xavier Zander. Siya ang pinakamakapangyarihan. Ang lahat ng ito... ang lahat ng nakikita mo... ay galing sa kanya.”

“Kung ganun,” dugtong ko, ang luha ay nangingilid na sa aking mga mata na kamukhang-kamukha ng kanya. “Kung napakayaman niya at napakamakapangyarihan niya... bakit hindi niya ako maipakita sa lahat? Bakit kailangan kong manatili dito na parang magnanakaw? Parang... parang wala akong karapatang umiral.”

Hindi nakasagot si Aling Marta. Niyakap niya lang ako nang mahigpit, at naramdaman ko ang paghikbi niya. Alam niya ang katotohanan. Alam nila ang lahat. Pero wala silang magawa. Nakagapos din sila sa parehong kasunduan at lihim.

Habang nakayakap siya sa akin, tumingin ako sa malayo, sa dagat na naghihiwalay sa akin at sa labas ng mundo.

Isang bagay ang hindi ko maalis sa aking isipan mula pa noong bata ako.

Sino ba talaga ako?

Sabi nila ako ang anak ni Xavier Zander. Ang kaisa-isang anak. Kung ganun, bakit wala akong pangalan sa kahit saan? Bakit wala akong birth certificate? Bakit walang rekord na nagpapatunay na ako ay ipinanganak at nabubuhay?

Sinubukan kong magtanong noon kay Sir Arthur, ang matalik na kaibigan ni Papa.

"Sir Arthur, ano po ang pangalan ko sa mga papeles? Sa gobyerno? Ano po ang nakasulat doon?"

At ang sagot niya... ang sagot na tumatak hanggang ngayon sa isip ko... ay:

"Wala, Liam. Wala kang nakasulat. Sa mata ng batas, sa mata ng lipunan... hindi ka kailanman lumabas"

Masakit. Sobrang sakit.

Parang ako ay isang multo. Isang anino. Isang bagay na lumabas lamang sa loob ng bakod na ito, pero kapag tumawid ka sa kabila, wala ka. Wala kang halaga. Wala ka.

Bakit? Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangang itago ako nang ganito kalalim?

Akala ko noon ay dahil delikado. Akala ko ay dahil gusto lang akong protektahan ni Papa. Pero habang lumalaki ako, habang mas lumalawak ang aking kaalaman, nagsisimula na akong mag-isip ng iba.

Paano kung nahihiya lang siya sa akin?

Paano kung hindi niya talaga ako itinuturing na anak?

Paano kung... hindi ako totoo sa kanya?

“Liam,” biglang tawag ng isang malalim at pamilyar na boses mula sa pintuan.

Napalingon ako.

Nakatayo doon siya.

Suot pa rin niya ang kanyang pormal na damit na mukhang galing pa sa isang mahal na okasyon. Ang kanyang buhok ay maayos, ang kanyang mukha ay matigas, pero ang kanyang mga mata—kapag tumingin siya sa akin—ay lumalambot na parang yelong natutunaw sa ilalim ng araw.

Agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Wala akong inalintana ang lungkot at galit na nararamdaman ko kanina. Sa tuwing nakikita ko siya, nawawala ang lahat ng iyon. Siya ang mundo ko. Siya lang ang mayroon ako.

Niyakap niya ako nang mahigpit, halos hindi niya ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Naramdaman ko ang paghahagod niya sa aking likuran, at ang halik niya sa aking noo.

“Anak ko,” bulong niya, puno ng emosyon. “Nandito na ako. Nandito na ang Papa mo.”

“Ang tagal mo naman,” bulong ko habang isinisiksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. “Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko nakalimutan mo na ako.”

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang paghinga. Mas hinigpitan niya ang yakap.

“Huwag mong sasabihin iyan. Huwag na huwag mong sasabihin iyan,” seryoso niyang wika, na parang nasasaktan siya sa aking sinabi. “Ikaw ang buhay ko, Liam. Ikaw ang dahilan kung bakit ako kumikilos. Ikaw ang dahilan kung bakit mayaman ako at makapangyarihan. Wala akong makakalimot sa’yo. Kahit kailan.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status