Share

CWD - 23

Magkahawak ang kamay nilang dalawa ni Daniel nang maglakad silang dalawa pabalik sa bahay na inookupa nila, sa palagay naman din ni Adelaide ay hinahanap na sila ng mga kasama nila dahil na rin nagsabi na ang mga ito kanina sa kanya na huwag silang lalayo at mag-aayos na sila ng gamit dahil uuwi na rin sila. Kahit naman gusto nilang lahat na manatili roon ng matagal, hindi pwede dahil may mga trabaho ang mga ito.

Inalis niya ang suot na tsinelas at hawak iyon sa isang kamay niya. Hindi niya mapigilan na mapangiti habang nakatingin sa kamay ni Daniel na mahigpit ang hawak sa isang kamay niya.

She said yes to him.

Hindi niya alam kung masyado ba siyang naging mabilis sa pag-iisip dahil hindi na siya humingi pa ng panahon para mag-isip, um-oo siya sa sinabi ni Daniel at ngayon nga ay opisyal na sa kanilang dalawa na sila na talaga.

He’s now her boyfriend.

Nawala na sa isipan ni Adelaide ang katotohanan na kailangan niya ring umalis at ayusin ang problema niya sa pamilya niya sa Davao
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status