Daniel Dela Cruz thought his life was going to be bland and dull and the only excitement he will have is from the missions he needs to accomplish. He lost his family in a tragic accident and he never opened himself up to anyone since then... And then she came in the most unexpected way. Adelaide Hernandez got herself in a situation where she needed to hide and run away from her home. She ended up staying in Daniel's house and little did she know that with every passing day with him will make her fall for him. But sometimes, fate has its own ways to hurt people. Even when they're in love.
view more“Daniel, wala ka bang balak magbakasyon man lang?” tanong ni Hunter sa kanya habang nakaupo ito sa may couch sa bahay niya. He was working on something on his laptop when his cousin invaded his house. He just finished a case involving a private plane crash, just like what happened to his family. Gustuhin man niyang magreklamo na mga gano’ng kaso ang ibinibigay sa kanya, hindi naman siya pwedeng tumanggi.
They’re helping hand in hand with the authorities to help those victims get the justice they need. Some tasks were dangerous, but it was fine with him. He actually finds happiness whenever he’s doing his job.
Also, it pays well.
“Magkaaway ba kayo ng asawa mo kaya nandito ka?” tanong niya sa pinsan na hindi ito nililingon.
“Nah, I actually scored last night…” humahalakhak na sagot nito sa kanya. Napailing na lang siya rito. Hunter will be blunt as always. Sanay naman na rin siya roon dahil mas ito ang nakakausap niya kumpara sa kapatid nitong si Thunder.
“Mukha kang tanga,” saad niya sa pinsan bago muling nagbasa ng mga reports na nasa laptop niya. Napangiti siya nang makita na nasa 98 percentage ang rate ng mga kliyente nila sa kanila.
Some of the cases, they were still working on them. Hindi naman din sila tumitigil hangga’t hindi natatapos ang mga tinatanggap nilang trabaho.
“I am whipped, too, brother…” nakangising sagot ni Hunter sa kanya. “But I’m dead serious. Wala ka bang plano magbakasyon? Hindi ka ba nagsasawa na puro baril ang kaharap mo? Iba naman kaya ang paputukin mo? Baka hindi na gumagana ‘yan.”
Nag-angat siya ng tingin sa pinsan. Naisip niyang kung hindi niya marahil pinsan si Hunter at kanina niya pa ito nasuntok. “My sex life is fine, thank you for the concern, asshole.” He actually had no time for that. He just wanted him to stop pestering him and stop making comments about his sex life.
Hindi naman siya naghahanap.
Hindi napigilan ni Hunter ang malakas na pagtawa sa sinabi niya. Iiling-iling na tinapik ng pinsan niya ang balikat niya. “Gago. I mean, it’s been a while, Daniel. Wala ka bang planong mag-asawa ulit?” nawala na ang ngiti sa mukha ni Hunter nang sabihin iyon sa kanya.
It’s the question he often heard from him and Thunder, but the answer remains unknown even to him.
Tumigil sa ginagawa si Daniel at huminga ng malalim na parang nag-iisip tungkol sa bagay na iyon. “Hindi ko alam…” ‘yon lamang ang naging sagot niya at bumalik na siya sa ginagawa.
Wala sa isip niya ang gano'ng bagay. He’s just trying to live day by day. He’s trying to survive day by day.
“Ayaw mo bang ikalat ‘yang lahi mo at—”
“I’m fine, Hunter. Bakit ba pinoproblema mo ang buhay ko?” tanong niya sa pinsan nang hindi pa rin ito sumuko sa pagtatanong sa kanya. Alam nito ang nangyari sa pamilya niya kaya naman lagi na lamang itong nagtatanong sa kanya ng mga gano'ng bagay. Nagkibit-balikat ito habang nakatingin sa kanya. “Kasal na si Thunder, ako at si Mikaela Michelle. Ikaw rin dapat, e.”
“I’m fine,” he dismissed him. Wala siyang balak na makipag-usap tungkol sa mga gano’ng bagay kay Hunter. He witnessed all their weddings. He was there, he was always there even with Thunder’s friends’ wedding. Masaya naman siya para sa mga ito.
Hindi niya lang din maiwasan na maisip na ang nangyari sa pamilya niya ay kasalanan niya kaya ano ba ang karapatan niyang maging masaya? Ano ba ang karapatan niyang magmahal muli at magpakasal muli?
Maybe if Bea was still alive, they would also be as happy as Hunter and Zyline, Thunder and Rain, Mikaela and Kerko.
Sabay pa silang napalingon sa cellphone ni Hunter nang mag-ilaw iyon at lumabas ang mukha ni Zyline sa screen. “Shoot. Looks like I need to go now…” tumayo na si Hunter at tinapik ulit ang balikat ni Daniel. “Seriously, man. Kung ako deserve kong sumaya, ano ka pa? Think about it. Bea will surely want you to be happy.” Nagpaalam na ito at umalis sa bahay niya.
Again, he’s alone in his big house.
Nawala na sa konsentrasyon si Daniel dahil sa panggugulo ni Hunter kaya naman tumigil na lang siya sa ginagawa at isinara na lamang ang laptop niya. He should ban him in his house. Hindi nakakatulong na si Hunter ang nag-design ng bahay niya kaya alam nito ang pasikot-sikot doon. Malaya itong nakakapasok kahit pa yata isarado ni Daniel lahat ng pwedeng mapasukan nito.
He just decided to go out and have a drink.
What a fucking life.
He just hopped in inside his car and started driving. If he’s not mistaken, Blue’s Haven is already open by that time. It’s also good that he made friends with Blue De Guzman, he can go to his bar whenever he wanted to. Hindi pa man siya nakakalayo sa bahay niya nang biglang may babaeng humarang sa daraanan niya. Mabuti na lamang at mabilis niya ring naapakan ang preno bago pa man niya mabangga ang babaeng bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan.
“What the fuck is her problem?” he hissed and removed his seatbelt. Sinundan niya ng tingin ang babae nang bigla nitong buksan ang sasakyan niya at pumasok na lamang basta sa loob at naupo.
“What the fuck?” he said while looking at his unwanted passenger.
“Drive…” sabi nito sa kanya. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakatingin din siya kanya.
Napakunot nang lalo ang noo ni Daniel habang nakatingin sa babae. “Miss, what are you—”
“I said drive! Paandarin mo ‘yung sasakyan mo kung ayaw mong patayin kita!” asik ng babae sa kanya. He looked at her and examined her.
By the looks of it, alam ni Daniel na wala pang limang segundo ay magagawa niyang patumbahin ang babae kung sakali…
“Bingi ka ba? Sabi ko paandarin mo ang sasakyan. Bilisan mo!” muling utos nito sa kanya na tinitigan pa siya ng masama.
This is getting interesting.
“What?” he asked her again and Daniel already made a plan on what to do with his passenger. Seryoso ba ang babae sa pagbabanta sa kanya? Hindi ba nito alam kung gaano ito kaliit kumpara sa kanya?
He looked at her and despite the scene she’s making, Daniel acknowledged the girl’s beauty.
He smiled while looking at her.
“Paandarin mo na sabi, e! Gusto mo bang i*****k ko sa’yo ‘to?” inalabas nito ang hawak na kutsilyo at inilapit iyon sa kanya. Pinagmasdan niyang maigi ang babae at pilit na pinigilan ang sarili na matawa sa ginagawa nitong pagbabanta sa kanya.
He could easily get the knife and turn the table but opted not to do anything. Instead, he thought of just going with the flow with her.
“Fine. Don’t kill me,” ani Daniel na hindi naitago ang amusement sa boses habang nakatingin pa rin sa babae.
Tinitigan siya ng masama ng babae. “Huwag mo akong tawanan!” malakas na singhal nito sa kanya. Nilingon ito ni Daniel na tila hindi man lang kinakabahan sa banta ng babae na sasaksakin siya.
It’s really so damn easy for him to get the knife from her.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya sa babae nang magsimula na siyang magmaneho. He knows that his plan to have a drink will have to be rescheduled.
“Kaht saan! Basta! Basta umalis na tayo rito, please… papatayin kita kapag tumanggi ka. I am not even joking!” muling pagbabanta nito sa kanya. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito na may hawak na kutsilyo. Halatang hindi sanay ang babae sa ginagawa nito.
Naisip ni Daniel kung miyembro ba ito ng sindikato at susubukan na biktimahin siya.
He wanted to smirk at her when he saw her struggling to hold the knife tight.
“Alright,” he nodded and started the engine again. Hindi niya alam kung anong trip ng babaeng ito para bigla na lang siyang pagbantaan pero alam niyang palabas lang ang katapangan na ipinapakita nito.
She’s tense and scared. It was palpable in the way she moves, she bites her lip.
Kahit pa hindi lalabis sa limang segundo bago niya maagaw ang patalim sa babae ay hindi niya ginagawa ang bagay na iyon.
“What’s your name?” he asked while driving. Paikot-ikot na lamang siya sa subdivision kung saan siya nakatira. Ni hindi niya malaman kung paano bang nakapasok ito sa loob ng subdivision nila. Nakasandal ito at nakatingin sa labas habang hawak pa rin ang kutsilyo nito.
“Wala kang pakialam.” Masungit na sabi ng babae habang pinagmamasdan ang mga bahay na nadadaanan nilang dalawa.
He smiled again and stopped himself from chuckling. “Fine. I’ll call you baby, then.”
Hinihintay niyang sumagot ang babae ngunit gano’n na lang ang pagngiti niya nang makitang natutulog na ito nang mahimbing sa may tabi niya.
“Ang lakas mo magbanta na papatayin mo ako, ang antukin mo naman pala…” iiling-iling na nagmaneho pabalik sa bahay niya si Daniel para madala roon ang babae.
Bukas na niya siguro aalamin kung paano siya papatayin ng magandang babaeng bigla na lang sumulpot sa harap ng sasakyan niya.
Maybe when she wakes up, she will be able to tell him her name…
But for now, maybe calling her baby would be fine.
“Everything’s ready!”Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel. Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan. May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?“Are you okay?” hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninira
Nagising si Adelaide nang nakarinig ng ingay sa labas ng mansion at nang silipin niya ang orasan sa lamesa sa tabi ng kama ay nalaman niyang pasado alas nueve na rin ng umaga. She frowned a little and hugged the pillow tight. Simula nang malaman na buntis siya at tila mas naging antukin siya kaysa noong hindi niya pa alam ang bagay na iyon. Mas gusto niyang matulog sa kwarto kaysa lumabas at makipag-usap sa mga tao. It has been a week already since they were discharged from the hospital. Sa mansion sila bumalik at habang nasa ospital silang dalawa ng Mommy niya ay si Daniel ang nag-asikaso ng lahat sa bahay nila. Ipinaayos nito ang lahat ng kailangan na ipaayos. Ipinalinis nito ang lahat at siniguradong walang naiwan na bakas ni Fernando roon. Kung paanong nagawa lahat ni Daniel ang lahat ng iyon ay hindi niya rin mawari. Ang sapantaha niya ay kumuha ito ng maraming tao upang mapagtulungan ang lahat ng iyon. Lahat naman din ng tauhan nila ay masaya sa pagdating ni Daniel at ang mga
“Why… why are you doing this to me…?” nangingilid ang luha sa mga mata ni Adelaide habang nakatingin kay Fernando. Nakatutok pa rin ang baril sa ulo niya at hindi nawawala ang takot na nararamdaman niya na anumang segundo, maaari nitong iputok ang baril sa kanya.Maaaring iyon na ang katapusan ng buhay niya. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat… akala niya ay kahit papaano, makakahinga na sila ng mommy niya ng maluwag dahil wala na si Fernando sa buhay nila…Hindi pa rin pala…He’s still here, and he’s here to kill her.“Why?” Fernando chuckled. Nakakakilabot ang tawang pinakawalan nito habang nakatingin sa kanya. Mahigpit na hinawakan nito ang baba niya at pinisil iyon. Sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit pilit siyang pinahaharap ng lalaki rito. “Your money should be mine! I took care of your fucking mother when your dad died and–”“You killed my dad!” malakas na sabi niya na dahilan bakit muling dumapo ang palad nito sa mukha niya.Nakaramdam siya ng kirot mula sa pagkakasa
She could feel Daniel’s tight hug on her while the gunshot continued. He was covering her and protecting her. Ang dalawang lalaking humila sa kanya kanina ay nakahandusay na ngayon at hindi niya malaman kung wala na bang buhay ang mga iyon o mayroon pa. “Daniel…” tawag niya sa lalaki na pilit niyang nililingon. “I’m here, baby. I’m here…” sabi nito sa kanya bago siya inalalayan na tumayo at hinila upang tumakbo para muling magtago. Sa tuwina ng makakarinig siya putok ng baril ay napapapitlag siya sa takot. She didn’t grow up in that environment, ngunit simula nang dumating si Fernando sa buhay nilang mag-ina, sa buhay nila noong naroon pa ang daddy niya, nagkaroon na siya ng ideya sa karahasan. “Hurry up, baby. You need to hide,” sabi ni Daniel sa kanya at pilit na binuksan ang isang pinto na nasa dulo ng mansion. Nabuksan nito ang pinto ng walang kahirap-hirap at hinila siyang papasok doon. “Just stay here, okay? I need to help them,” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi n
“Adelaide, there’s no time, baby. You have to come with me…” hinawakan ni Daniel ang magkabilang pisngi niya habang pilit siyang hinihila nito mula sa pagkakaupo. He’s stronger than her, that's why it was so easy for him to carry her. “Daniel, no…” humihikbi pa rin na sabi niya sa lalaki. Bakas ang pagtataka sa mukha nito kung bakit siya tumatanggi sa pagsama rito. Kung siya lang ang masusunod, sasama siya… sasama siya sa lalaki kahit saan pa sila magpunta. Aalis siya roon, hindi siya magdadalawang-isip… pero hindi maaari. “Baby… what’s going on?” Daniel asked her before looking at the door. Hindi niya rin alam kung ilang minuto pa ang mayroon siya para maitakas si Adelaide sa lugar na iyon. Natitiyak niyang babalik ang isang lalaki at malalaman nito na naroon siya sa loob ng kwarto ni Adelaide. Humihikbi si Adelaide habang nakatingin sa lalaki. Kanina ay iniisip niyang panaginip lang ang lahat nang makita niya ito. Iniisip niyang panaginip lang na muli niyang nahawakan ang lalaki
Nagmamadali siyang nagpunta sa banyo nang maramdaman ulit ang pangangasim ng sikmura niya. Pakiramdam ni Adelaide ay lahat ng kaunting kinain niya ay isinusuka niya rin. Halos wala na siyang kinakain dahil sa kawalan niya ng gana ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsusuka niya sa umaga, kung minsan ay kahit sa gabi. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.She feels tired all the time, she’s dizzy and she feels like she’s getting heavy, too. Hindi niya rin sinasabi ang nangyayari sa kanya sa kahit na sinong pumapasok sa kwarto niya. Ayaw niyang malaman ni Fernando kung ano ang nangyayari sa kanya at alam niyang ikatutuwa lang ng lalaking iyon na makita siyang nahihirapan. Naupo siya sa malamig na tiles habang nakahawak sa may toilet bowl at pinapakiramdaman ang sarili. Hindi niya maalala na nangyari ang ganito sa kanya kahit noon pa. Kung nagkakasakit naman siya ay kahit na walang gamot ay gumagaling siya… pero iba ngayon. She looked down and sighed heavily. Marahan siyang tum
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments