“Daniel, wala ka bang balak magbakasyon man lang?” tanong ni Hunter sa kanya habang nakaupo ito sa may couch sa bahay niya. He was working on something on his laptop when his cousin invaded his house. He just finished a case involving a private plane crash, just like what happened to his family. Gustuhin man niyang magreklamo na mga gano’ng kaso ang ibinibigay sa kanya, hindi naman siya pwedeng tumanggi.
They’re helping hand in hand with the authorities to help those victims get the justice they need. Some tasks were dangerous, but it was fine with him. He actually finds happiness whenever he’s doing his job.
Also, it pays well.
“Magkaaway ba kayo ng asawa mo kaya nandito ka?” tanong niya sa pinsan na hindi ito nililingon.
“Nah, I actually scored last night…” humahalakhak na sagot nito sa kanya. Napailing na lang siya rito. Hunter will be blunt as always. Sanay naman na rin siya roon dahil mas ito ang nakakausap niya kumpara sa kapatid nitong si Thunder.
“Mukha kang tanga,” saad niya sa pinsan bago muling nagbasa ng mga reports na nasa laptop niya. Napangiti siya nang makita na nasa 98 percentage ang rate ng mga kliyente nila sa kanila.
Some of the cases, they were still working on them. Hindi naman din sila tumitigil hangga’t hindi natatapos ang mga tinatanggap nilang trabaho.
“I am whipped, too, brother…” nakangising sagot ni Hunter sa kanya. “But I’m dead serious. Wala ka bang plano magbakasyon? Hindi ka ba nagsasawa na puro baril ang kaharap mo? Iba naman kaya ang paputukin mo? Baka hindi na gumagana ‘yan.”
Nag-angat siya ng tingin sa pinsan. Naisip niyang kung hindi niya marahil pinsan si Hunter at kanina niya pa ito nasuntok. “My sex life is fine, thank you for the concern, asshole.” He actually had no time for that. He just wanted him to stop pestering him and stop making comments about his sex life.
Hindi naman siya naghahanap.
Hindi napigilan ni Hunter ang malakas na pagtawa sa sinabi niya. Iiling-iling na tinapik ng pinsan niya ang balikat niya. “Gago. I mean, it’s been a while, Daniel. Wala ka bang planong mag-asawa ulit?” nawala na ang ngiti sa mukha ni Hunter nang sabihin iyon sa kanya.
It’s the question he often heard from him and Thunder, but the answer remains unknown even to him.
Tumigil sa ginagawa si Daniel at huminga ng malalim na parang nag-iisip tungkol sa bagay na iyon. “Hindi ko alam…” ‘yon lamang ang naging sagot niya at bumalik na siya sa ginagawa.
Wala sa isip niya ang gano'ng bagay. He’s just trying to live day by day. He’s trying to survive day by day.
“Ayaw mo bang ikalat ‘yang lahi mo at—”
“I’m fine, Hunter. Bakit ba pinoproblema mo ang buhay ko?” tanong niya sa pinsan nang hindi pa rin ito sumuko sa pagtatanong sa kanya. Alam nito ang nangyari sa pamilya niya kaya naman lagi na lamang itong nagtatanong sa kanya ng mga gano'ng bagay. Nagkibit-balikat ito habang nakatingin sa kanya. “Kasal na si Thunder, ako at si Mikaela Michelle. Ikaw rin dapat, e.”
“I’m fine,” he dismissed him. Wala siyang balak na makipag-usap tungkol sa mga gano’ng bagay kay Hunter. He witnessed all their weddings. He was there, he was always there even with Thunder’s friends’ wedding. Masaya naman siya para sa mga ito.
Hindi niya lang din maiwasan na maisip na ang nangyari sa pamilya niya ay kasalanan niya kaya ano ba ang karapatan niyang maging masaya? Ano ba ang karapatan niyang magmahal muli at magpakasal muli?
Maybe if Bea was still alive, they would also be as happy as Hunter and Zyline, Thunder and Rain, Mikaela and Kerko.
Sabay pa silang napalingon sa cellphone ni Hunter nang mag-ilaw iyon at lumabas ang mukha ni Zyline sa screen. “Shoot. Looks like I need to go now…” tumayo na si Hunter at tinapik ulit ang balikat ni Daniel. “Seriously, man. Kung ako deserve kong sumaya, ano ka pa? Think about it. Bea will surely want you to be happy.” Nagpaalam na ito at umalis sa bahay niya.
Again, he’s alone in his big house.
Nawala na sa konsentrasyon si Daniel dahil sa panggugulo ni Hunter kaya naman tumigil na lang siya sa ginagawa at isinara na lamang ang laptop niya. He should ban him in his house. Hindi nakakatulong na si Hunter ang nag-design ng bahay niya kaya alam nito ang pasikot-sikot doon. Malaya itong nakakapasok kahit pa yata isarado ni Daniel lahat ng pwedeng mapasukan nito.
He just decided to go out and have a drink.
What a fucking life.
He just hopped in inside his car and started driving. If he’s not mistaken, Blue’s Haven is already open by that time. It’s also good that he made friends with Blue De Guzman, he can go to his bar whenever he wanted to. Hindi pa man siya nakakalayo sa bahay niya nang biglang may babaeng humarang sa daraanan niya. Mabuti na lamang at mabilis niya ring naapakan ang preno bago pa man niya mabangga ang babaeng bigla na lamang sumulpot mula sa kung saan.
“What the fuck is her problem?” he hissed and removed his seatbelt. Sinundan niya ng tingin ang babae nang bigla nitong buksan ang sasakyan niya at pumasok na lamang basta sa loob at naupo.
“What the fuck?” he said while looking at his unwanted passenger.
“Drive…” sabi nito sa kanya. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakatingin din siya kanya.
Napakunot nang lalo ang noo ni Daniel habang nakatingin sa babae. “Miss, what are you—”
“I said drive! Paandarin mo ‘yung sasakyan mo kung ayaw mong patayin kita!” asik ng babae sa kanya. He looked at her and examined her.
By the looks of it, alam ni Daniel na wala pang limang segundo ay magagawa niyang patumbahin ang babae kung sakali…
“Bingi ka ba? Sabi ko paandarin mo ang sasakyan. Bilisan mo!” muling utos nito sa kanya na tinitigan pa siya ng masama.
This is getting interesting.
“What?” he asked her again and Daniel already made a plan on what to do with his passenger. Seryoso ba ang babae sa pagbabanta sa kanya? Hindi ba nito alam kung gaano ito kaliit kumpara sa kanya?
He looked at her and despite the scene she’s making, Daniel acknowledged the girl’s beauty.
He smiled while looking at her.
“Paandarin mo na sabi, e! Gusto mo bang i*****k ko sa’yo ‘to?” inalabas nito ang hawak na kutsilyo at inilapit iyon sa kanya. Pinagmasdan niyang maigi ang babae at pilit na pinigilan ang sarili na matawa sa ginagawa nitong pagbabanta sa kanya.
He could easily get the knife and turn the table but opted not to do anything. Instead, he thought of just going with the flow with her.
“Fine. Don’t kill me,” ani Daniel na hindi naitago ang amusement sa boses habang nakatingin pa rin sa babae.
Tinitigan siya ng masama ng babae. “Huwag mo akong tawanan!” malakas na singhal nito sa kanya. Nilingon ito ni Daniel na tila hindi man lang kinakabahan sa banta ng babae na sasaksakin siya.
It’s really so damn easy for him to get the knife from her.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya sa babae nang magsimula na siyang magmaneho. He knows that his plan to have a drink will have to be rescheduled.
“Kaht saan! Basta! Basta umalis na tayo rito, please… papatayin kita kapag tumanggi ka. I am not even joking!” muling pagbabanta nito sa kanya. Napansin niya ang panginginig ng kamay nito na may hawak na kutsilyo. Halatang hindi sanay ang babae sa ginagawa nito.
Naisip ni Daniel kung miyembro ba ito ng sindikato at susubukan na biktimahin siya.
He wanted to smirk at her when he saw her struggling to hold the knife tight.
“Alright,” he nodded and started the engine again. Hindi niya alam kung anong trip ng babaeng ito para bigla na lang siyang pagbantaan pero alam niyang palabas lang ang katapangan na ipinapakita nito.
She’s tense and scared. It was palpable in the way she moves, she bites her lip.
Kahit pa hindi lalabis sa limang segundo bago niya maagaw ang patalim sa babae ay hindi niya ginagawa ang bagay na iyon.
“What’s your name?” he asked while driving. Paikot-ikot na lamang siya sa subdivision kung saan siya nakatira. Ni hindi niya malaman kung paano bang nakapasok ito sa loob ng subdivision nila. Nakasandal ito at nakatingin sa labas habang hawak pa rin ang kutsilyo nito.
“Wala kang pakialam.” Masungit na sabi ng babae habang pinagmamasdan ang mga bahay na nadadaanan nilang dalawa.
He smiled again and stopped himself from chuckling. “Fine. I’ll call you baby, then.”
Hinihintay niyang sumagot ang babae ngunit gano’n na lang ang pagngiti niya nang makitang natutulog na ito nang mahimbing sa may tabi niya.
“Ang lakas mo magbanta na papatayin mo ako, ang antukin mo naman pala…” iiling-iling na nagmaneho pabalik sa bahay niya si Daniel para madala roon ang babae.
Bukas na niya siguro aalamin kung paano siya papatayin ng magandang babaeng bigla na lang sumulpot sa harap ng sasakyan niya.
Maybe when she wakes up, she will be able to tell him her name…
But for now, maybe calling her baby would be fine.
Madilim.Masikip. Hindi niya alam kung paano ba siyang makakatakas sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung may magagawa ba siya para ipagtanggol ang sarili niya sa oras na iyon. Hindi niya alam kung may kahihinatnan pa ba siya o ano, kung mabubuhay pa ba siya o iyon na rin ang magiging katapusan niya. Tila gusto na niyang panghinaan ng loob dahil sa kalagayan niya. Sinubukan niyang kumilos pero sadyang nananakit ang katawan niya. Nararamdaman niya rin ang kirot ng mga sugat niya. Isa lang ang alam niyang dapat niyang gawin–ang makatakas… wala siyang balak mamatay sa lugar na iyon. Lalo pa sa kamay ng lalaking iyon.Idinilat niya ang mga mata at pinagmasdang maigi ang kwartong kinalalagyan niya. Napakaliit lamang no’n. Para siyang nasa kulungan. Nahihirapan siyang huminga. Doon siya inilagay ng mga kumuha sa kanya nang magtangka siyang tumakas. Hindi niya mapigilang mapapikit at mapamura ng paulit-ulit sa isipan. How could she be so blind? Dapat ay hindi niya hinayaan na mangyari an
Daniel was busy scanning the papers on the table when the woman’s face popped in inside his mind. Hindi niya pa rin alam ang pangalan nito at tila wala naman itong planong sabihin sa kanya. Hindi naman niya rin pwedeng pilitin ito dahil sa palagay niya ay may kung anong takot ang nararamdaman ang babae. Para sa kung saan ay hindi niya alam. Isinandal niya ang likod sa upuan at saka huminga ng malalim. Hunter said he should have a vacation, but this thing happened in very untimely matter. Iniabot na lamang niya ang basong may laman na alak at nilagok ang laman nito. Wala pa naman siyang bagong kasong hinahawakan ngayon. Kahit naman na siya ang nagmamay-ari ng ahensya na tumutulong sa mga kapulisan at mga pribadong tao para sa seguridad ng mga ito, hindi tumitigil si Daniel sa pagtanggap ng mga kaso na makakatulong siyang masolusyunan. He’s acting like a normal employee, too. Ilang malalaking drug lords na rin ang nahuli nila at naipakulong. Simula nang nangyari ang trahedya sa b
Pinagmamasdan ni Adelaide ang mga halaman sa may pool area ni Daniel habang nakaupo siya sa mga upuang pampahingahan doon. It’s been 3 days since she met Daniel. Naghihilom na rin paunti-unti ang mga sugat niya. Tulad noong unang araw niya roon, damit pa rin ni Daniel ang suot niya dahil wala naman siyang ibang dala maliban sa kutsilyo at baril niya. Ang damit na suot niya noong dumating siya ay hindi naman na rin niya nakita, naisip niyang baka itinapon na iyon ng lalaki. Nasa kwartong inookupa niya ang mga iyon at hindi kinukuha ni Daniel dahil ani ng lalaki ay tanda iyon na maaari niya itong pagkatiwalaan. Trusting him isn’t that hard to do. Sa loob ng tatlong araw niyang pamamalagi sa bahay nito, wala naman itong ibang ginawa kundi siguraduhin na kumportable siya at maayos ang lagay niya. How she wished she can do the same with her mom. Gusto niyang malaman ang lagay nito, kung kamusta na ba ito subalit alam naman niya na kapag tumawag siya rito, sasabihin lamang iyon ng ina
He went out after staying inside his office for a couple of hours. Matapos silang kumaing dalawa ni Adelaide ay nagsabi siya sa babae na mananatili na muna sa opisina niya pero makalipas lang ng halos dalawang oras, lumabas na rin siya at umalis sa bahay niya dahil pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na naman ang nasa dibdib niya. Wala namang masama sa itinanong ni Adelaide sa kanya. Kung tutuusin, alam ni Daniel na maaari itong magtanong sa kanya ng mga gano’ng bagay dahil nakakapagtaka naman talaga na sa laki ng bahay niya, silang dalawa lamang ang naroon at may larawan ni Bea at Alexandra ang bahay niya.Natural na magtataka ang babae kung sino ang mga nasa larawan, pero hindi pa kayang magsabi ni Daniel sa ibang tao ng tungkol sa nangyari sa pamilya niya. Maliban sa pamilya nila Thunder at mga malalapit na kaibigan nito na naging kaibigan na rin niya, wala naman siyang ibang napapagsabihan ng nangyari. It’s been years already but he would be lying if he’ll say it’s not hurt
Kanina pa pinagmamasdan ni Adelaide ang sarili sa salamin. Maaga siyang nagising kanina dahil hindi siya makatulog dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari, inisip niya lang na hindi naman siya lalabas ng kwarto kaya maayos lang kahit na hubarin niya na lang ang suot na boxers. Hindi naman niya rin lubos-akalain na gising pa pala ang lalaki, o tamang sabihing nakauwi na pala ito. All the lights were still off, ano ba namang malay niya kung naroon na ito, pero nangyari na ang nangyari. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na iyon. Kung nakita nito ang parteng iyon ng katawan niya ay hindi niya matiyak pero gayun pa man, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kahihiyan. Paano kung iniisip ni Daniel na inaakit niya ito?Bakit, hindi nga ba? Ani ng isip niya.Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga at muling tinignan ang sarili. Bahagyang masikip sa kanya ang damit, marahil ay mas payat sa kanya ang may-ari ng damit na iyon. May kaiksian din iyon sa kany
Hacienda Hernandez, Davao City.“Wala pa rin ba kayong balita kay Adelaide?” tanong ni Maricar kay Fernando. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginang nang makibalita ito tungkol sa anak. She left their home almost a month ago already. “Maricar, huwag ka ng masyadong mag-alala at ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko upang mahanap na kaagad si Adelaide. Kilala mo naman ang anak mong iyon, talaga namang suwail at matigas ang ulo, palagay ko ay gusto lamang ng anak mo ng atensyon,” ani ng lalaki na yumakap sa asawa mula sa likuran. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nagtanong ang babae tungkol sa nawawalang anak nito. Hindi naman din kinukunsidera ni Fernando na nawawala si Adelaide dahil naglayas ito, at ginagawa niya ang makakaya niya upang mahanap at maibalik sa lugar nila ang babae. Simula nang mamatay ang ama ni Adelaide, ang buong atensyon ng ina na si Maricar ay nakatuon sa anak at sa hacienda na iniwan sa kanila ng namayapang si Edmundo. May mga negosyo rin sa bayan
“I thought we’re going to Summer’s?” nilingon ni Adelaide si Daniel na nagmamaneho pabalik sa bahay nito. Seryoso pa rin ang mukha nito. Magmula nang bigla siyang kabigin nito hanggang sa mga sandaling iyon, wala siyang makitang ibang reaksyon mula rito. “What’s wrong? Ano bang nakita mo sa mall?” lakas-loob niyang tanong sa lalaki nang hindi ito magsalita. “Nothing,” he replied dryly. Hindi napigilan ni Adelaide ang mapasimangot kaya naman tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan ni Daniel at pinagmasdan ang mga kasabay nilang sasakyan sa daan. Maaga pa naman kung tutuusin pero kailan ba hindi naging problema ng Maynila ang trapiko? She just sighed heavily. Hawak niya ang cellphone na hindi naman niya alam kung saan niya gagamitin. Naiisip niyang tawagan ang ina pero nangangamba rin siya na baka ang amahin ang makasagot sa tawag niya at may mangyari pang hindi niya gusto.“Magpapadeliver na lang ako ng pagkain mo ngayong gabi. May kailangan akong puntahan mamaya,” sabi nito sa k
Nakatigin lang siya sa lalaki habang hawak nito ang ibinigay niyang ice pack dito. He was also holding a glass and drinking. Sumulyap ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Mukhang totoo nga ang sinabi nito na pinsan ito ni Daniel. He has the same aura like Daniel, iyon nga lang ay mas nakakakaba ang aura ni Daniel para sa kanya kaysa sa lalaking nakaupo ngayon.Kaninang pinagmamasdan niya ito, nakikita niya rin na may pagkakatulad ito at ang lalaki pero mas malaki ang katawan ni Daniel kumpara rito. Mukhang magkasing-tangkad lang naman ang dalawa. “You haven’t told me why you’re here, Adelaide,” sabi ni Hunter sa kanya. “I’m sure you’re not here to guard the house and hit someone with an umbrella whenever you want to. You can’t possibly make someone invalid with that,” may amusement sa boses ni Hunter habang nakangiti sa kanya. Inirapan niya ito. “I thought you’re an intruder.” Totoo naman din na iyon ang naisip niya kaya pinaghahahampas niya ito. Hindi niya malaman sa la