تسجيل الدخولIt's Byenn and Alaric's 5th wedding anniversary when Alaric's first love came back. At noong gabing iyon, aksidenteng nahuli ni Byenn si Alaric sa loob ng banyo, minamasturbate ang sarili habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae. "Byenn, nakakaawa si Reia ngayong bumalik siyang mag-isa," paliwanag ni Alaric. "Tinutulungan ko lang siya bilang kaibigan." Tumango lang si Byenn at tipid na ngumiti. "Naiintindihan ko," maikli niyang sagot. Makalipas ang ilang araw, muling nagpaalam ang lalaki habang nag-eempake ng gamit. “Byenn, nangako ako kay Reia na ice-celebrate ko ang birthday niya sa isla. Tinutupad ko lang ang pangako ko noon.” "Okay.” "Byenn, this party needs a capable assistant," hirit ulit ni Alaric bago ang isang malaking event, tila minamaliit ang kakayahan ng asawa. "Mas bagay si Reia kaysa sa iyo para sa role na ito." "Okay, go ahead." Nang mapansin ni Alaric na hindi na siya nagagalit, hindi na umiiyak, at hindi na naggagawa ng eksena, naguluhan ito. Lumapit ito sa kaniya at nagtatakang nagtanong, "Byenn, bakit hindi ka na nagagalit?" Of course, hindi na siya galit dahil aalis na rin siya. Pagod na siya sa stagnant nilang kasal. Habang abala si Alaric kay Reia ay palihim siyang nag-aral ng English saka kumuha ng IELTS, at pasimpleng nag-submit ng applications para mag-aral abroad. On the day her visa was approved, she threw out the divorce papers. "Huwag kang magbiro nang ganyan," sarkastikong tawa ni Alaric habang tinitingnan ang papel. "Paano ka mabubuhay nang wala ako?" Hindi na nag-abalang sumagot si Byenn. She just turned around, bought a plane ticket, and flew straight to Europe. The next time Alaric saw news about her, it was through a viral video online. Kitang-kita ang ganda ni Byenn habang naka-red dress, dancing freely in the sky above a foreign land. She looked so alive.
عرض المزيدNaririnig ni Byenn ang agos ng tubig mula sa loob ng banyo. Alam niyang si Alaric iyon na naglilinis ng katawan matapos ang mahabang araw. Alas-tres na ng madaling araw at kakauwi lang nito.
Nakatayo si Byenn sa tapat ng pinto ng banyo, pilit na kumukuha ng lakas ng loob dahil may gusto siyang pag-usapan. Medyo kinakabahan siya, iniisip kung papayag ba si Alaric sa sasabihin niya. Pero habang nag-iisip siya kung paano sisimulan ang usapan, biglang may narinig siyang kakaibang ingay mula sa loob.
“Hmm…”
Nakinig nang mabuti si Byenn, at doon na siya natauhan. Unti-unting rumehistro sa isip niya ang nangyayari, nilulutas nito ang sariling pangangailangan.
Ang bawat singhap at ungol na nagmumula rito ay parang sunod-sunod na mabibigat na suntok na walang awang bumabaon sa kaniyang puso. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang isang malaking alon na tumatangay sa kaniya, iniiwan siyang lunod sa pait at hindi makahinga.
Sa totoo lang, wedding anniversary nila ngayon. Ikalimang taon na ng kanilang pagsasama, pero kahit minsan ay hindi pa nila na-consume ang kanilang kasal.
Napahawak si Byenn sa kaniyang dibdib.
Ganoon ba talaga? Mas gusto pa niyang mag-maturbate na lang kaysa may mangyari sa aming dalawa?
Habang pabilis nang pabilis ang paghinga ni Alaric, bigla itong humugot ng malalim na hininga na may matinding pagpipigil.
“Ahh… Reia!" bulalas nito.
Agad na nanlaki ang mata ni Shuvee.
"I... I need to use the restroom. Hindi ko alam na naliligo ka pa pala," nauutal na sagot ni Byenn.
Pilit niyang kinakapa ang gilid ng lababo, nanginginig ang mga kamay habang sinusubukang tumayo.
Sa sobrang kaba, lalo lang siyang nagmumukhang kawawa. Madulas ang sahig dahil sa talsik ng tubig kaya lalo siyang nahihirapan. Sakto namang bumukas ang pinto at lumabas si Alaric. Padalos-dalos ang pagkakasuot nito ng kaniyang puting bathrobe, pero mahigpit ang pagkakatali ng sinturon nito sa kaniyang baywang.
"Anong nangyari? Nadulas ka ba? Let me help you," nag-aalalang sabi ni Alaric sabay abot sa kaniya para buhatin siya.
Nagluluha ang mga mata ni Byenn, hindi lang dahil sa sakit ng pagkabagsak kundi dahil sa pandidiri sa narinig kanina. Pilit niyang tinulak ang kamay ng asawa.
"Huwag na. Kaya ko ang sarili ko," matigas niyang sabi.
"Byenn, stop being stubborn. Kita mong nasaktan ka," pamimilit ni Alaric.
"Sabi nang hindi ko kailangan ng tulong mo, Alaric! I can manage dahil hindi naman ako baldado!"
Halos madulas muli siya, pero pinilit niyang maglakad nang paika-ika pabalik sa kaniyang kwarto. She escaped. Iyon ang tamang salita. Sa loob ng limang taon ng kanilang kasal, pakiramdam ni Byenn ay palagi na lang siyang tumatakbo.
Tumakas siya mula sa mapanghusgang tingin ng mundo, at lalong-lalo na mula sa nakakasakal na awa ni Alaric. Alam ng lahat na ang asawa ni Alaric ay isang pilay. Paano nga ba magiging karapat-dapat ang isang gaya niya sa isang matalino at matagumpay na lalaki? Napayuko siya habang naglalakad.
Dati naman ay maayos ang mga binti ko...
Sumunod si Alaric sa kaniya sa loob ng silid. "Byenn, sandali lang. May masakit ba sa’yo? Let me see your leg."
"Wala ito, okay? Gasgas lang ito," mabilis niyang sagot habang agad na nagbalot ng kumot. Itinago niya ang kaniyang kapansanan at ang kaniyang nadurog na puso sa ilalim nito.
"Sigurado ka ba? Mukhang malakas ang pagkakatama mo sa sahig," hirit pa ng lalaki.
"Oo nga. Okay lang ako. Please!" Tumango siya nang paulit-ulit habang nakatalikod.
"Wait, akala ko ba gagamit ka ng banyo? Bakit nagtalukbong ka na agad?" takang tanong ni Alaric.
Huminga nang malalim si Byenn, pilit pinipigilan ang hikbi. "Ayaw ko na. Gusto ko na lang matulog. Pagod na ako, Alaric. Let's just go to sleep, please?"
Sandaling natahimik ang lalaki bago muling nagsalita. "Okay, kung iyan ang gusto mo. By the way, happy anniversary. May binili akong regalo para sa'yo. Open it tomorrow and see if you like it."
"Okay," tipid na sagot ni Byenn.
"Hindi mo man lang ba titingnan ngayon? It's our fifth year," dagdag pa ni Alaric habang humihiga sa kabilang panig ng kama.
"Bukas na lang. Salamat."
Nakita na ni Byenn ang maliit na kahon sa bedside table. Hindi na niya kailangang buksan iyon para malaman ang laman. Bawat taon, ganoon ang laki ng box, at eksaktong kaparehong modelo ng relo ang laman.
Sa loob ng kaniyang drawer, kasama ng mga birthday presents niya, mayroon nang siyam na magkakaparehong relo. Ito na ang ikasampu.
Natapos doon ang usapan nila. Pinatay ni Alaric ang ilaw at humiga sa tabi niya. Agad na humalimuyak ang amoy ng shower gel nito sa paligid, pero kahit katabi niya ito, pakiramdam ni Byenn ay milya-milya ang distansya nila. Hindi man lang niya naramdaman ang paglubog ng kutson dahil sa laki ng kama. Sa dalawang metrong lapad nito, nasa kabilang dulo si Alaric habang siya ay halos mahulog na sa kabilang panig. May sapat pang espasyo sa pagitan nila para sa tatlo pang tao.
Walang bumanggit sa pangalan ni Reia. Hindi rin nila pinag-usapan ang nangyari sa banyo, na tila ba normal lang ang lahat. Nanigas lang si Byenn sa pagkakahiga, habang ang kaniyang mga mata ay mahapdi na sa nagbabadyang luha.
Si Reia ang college classmate ni Alarric, at first love nito. At hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-iisang babae sa buhay ni Alaric.
"Byenn, gising ka pa ba?" basag ni Alaric sa katahimikan, ang boses ay malamig at walang emosyon.
Hindi sumagot si Byenn.
Mahinang bumuntonghininga si Alaric. "Good. Don't overthink things. Matulog ka na."
Don't overthink? Gustong matawa ni Byenn sa pait. Paanong hindi siya mag-iisip kung ang pangalan ng ibang babae ang isinisigaw ng asawa niya sa sarili nitong sarap?
Noong grumaduate sila sa university, nag-abroad si Reia kaya naghiwalay silang dalawa. Halos mabaliw noon si Alaric sa alak. Hindi alam ng marami, pero magkaklase na sila ni Alaric noong middle school, at gusto niya ito noon pa.
Si Alaric ang school heartthrob, cool, matalino, at aloof habang siya naman ay isang simpleng art student lang. Bagama't maganda rin si Byenn, napakaraming magagandang babae sa paligid nila. Noong high school sila, kung saan grades were everything, hindi masyadong napapansin ang mga art students, at ang iba pa nga ay may prejudice laban sa kanila.
It was just a secret crush for her, at hinding-hindi niya naisip na darating ang araw na makatayo siya sa harap ni Alaric.
Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Nakita niyang pasuray-suray si Alaric sa kalsada dahil sa kalasingan. Hindi nito napansin ang mabilis na sasakyan habang tumatawid. Dahil sa pag-aalala, tinulak siya ni Byenn palayo pero siya mismo ang nahagip ng sasakyan.
Doon natapos ang pangarap niyang maging dancer. Naging pilay siya. Bilang kabayaran, pinakasalan siya ni Alaric dahil sa utang na loob at konsensya. Binigyan siya nito ng marangyang buhay, mamahaling regalo, at pera pero kailanman ay hindi nito naibigay ang kaniyang puso.
Akala ni Byenn, sapat na ang limang taon para burahin si Reia. Pero nagkamali siya.
Masyado akong naging tanga, bulong niya sa sarili habang nakatingin sa dilim.
Hindi siya nakatulog. Paulit-ulit niyang binasa ang email sa kaniyang phone—isang admission offer para sa Master’s degree sa ibang bansa. Ito sana ang hihilingin niya kay Alaric kagabi.
Itatanong sana niya kay Alaric, if it’s okay lang ba kung mag-aral siya sa abroad? Pero ngayon, alam na niya ang sagot. Hindi na niya kailangan ang permiso nito.
Kinaumagahan, narinig niyang kinakausap ni Alaric ang kanilang kasambahay sa labas ng pinto.
"Yaya Madel, may business dinner ako mamaya," utos ni Alaric. "Sabihin mo sa asawa ko na huwag na akong hintayin. Matulog na siya nang maaga."
"Opo, Sir Alaric. Ihahanda ko na rin po ba ang isusuot niyo?" tanong ng yaya.
"No need. I'll do it myself."
Pumasok si Alaric sa kwarto para kumuha ng gamit. Nakita niyang nakabalot pa rin si Byenn sa kumot. Karaniwan ay inihahanda na ni Byenn ang kaniyang suit at kurbata, pero ngayong araw, hindi ito kumilos. Napansin iyon ni Alaric, pero wala siyang sinabi at dire-diretsong umalis.
Nang marinig ni Byenn ang pagsara ng pinto, doon lang siya dumilat. Mugto ang kaniyang mga mata. Biglang tumunog ang alarm niya, at oras iyon para mag-aral ng English.
Simula nang maaksidente siya, 90% ng oras niya ay sa loob lang ng bahay kaya idinadaan na lang niya sa pag-aaral ang lahat.
Kinuha niya ang cellphone at pinatay ang alarm, pero imbes na mag-aral ay nag-scroll siya sa social media. Her mind was a jumbled mess and she couldn't concentrate on anything.
Isang video ang lumabas sa kaniyang feed mula sa account ni Shereia Valdez. Isang gabi pa lang ang nakakalipas mula nang i-post ito.
Pinindot ni Byenn ang video. Bumungad ang masayang musika at tawanan. Familiar na familiar ang mga tao sa video na iyon.
"One, two, three, welcome back Reia! Cheers!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa background.
Nanigas si Byenn sa kaniyang kinauupuan. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. That voice actually belonged to his husband, Alaric.
Matapos ang masakit na rebelasyong iyon sa kumpanya noon, muling binalikan ni Byenn ang kaniyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan iyon noong una dahil gusto lang niyang dagdagan ng konting pag-asa ang kaniyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya, hindi siya masyadong malulungkot sa kaiisip sa mga masakit na salitang binitawan ni Alaric.Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga bagay na ito ang magiging salvation niya ngayon? Kailangan niyang galingan sa exam niya ngayong araw. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito, at magpakalayo-layo.Masakit pa ring isipin ang lahat. Hindi na niya matukoy kung ang sakit ba ay dahil kay Alaric o dahil sa limang taon na sinayang niya para sa lalaking ito. Pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ngayon ay hindi na niya papayagan ang sarili na magpakalunod sa pait. Kahit matagal pa bago humupa ang sakit, determinado siyang iligtas ang kaniyang sarili.Nag-order siya ng takeout para sa isang light dinner at naghanda ng kaniyang gamit
Habang inoobserbahan ni Reia ang tensyon ay sumingit siya sa tamang pagkakataon. "Alaric, don't be upset just because everyone says bad things about your wife. They are genuinely concerned for you," malambing niyang sabi. Hinawakan niya nang bahagya ang braso ni Alaric at nagpatuloy, "Isipin mo, matagal na tayong magkakilala. Even if they say something inappropriate, just let it go and don't take it to heart!""I’m not angry," maikling sagot ni Alaric habang itinatabi ang kaniyang cellphone. "Never mind, she won’t go anywhere. Come on, let's continue."Kampante si Alaric dahil sa nakalipas na limang taon, Byenn hadn't been anywhere except their home. Alam niyang wala itong ibang matatakbuhan o matutuluyan.Sinulyapan ni Axel si Reia at bumulong, "Napakabait talaga nitong si Reia. Kung hindi lang sana kayo nag-break noon...""Ano bang sinasabi mo?" saway ni Reia sabay irap kay Axel. "Hindi mo talaga mapigilan ang bibig mo buong gabi, puro ka kalokohan! Kasal na si Alaric, kaya hindi t
Dahil sa exaggerated na performance ni Axel, lalong humalakhak ang lahat sa loob ng silid. Si Reia, na nakaupo sa tabi ni Alaric ay tawa nang tawa hanggang sa mapahilig na ang ulo nito sa balikat ng asawa niya. Alaric remained completely silent.Biglang tumigil ang ingay sa loob. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Humarap si Axel na may malawak na ngiti. "Alaric, it's like this—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin, napansin niya si Byenn sa pinto. Agad na nag-freeze ang kaniyang ngiti. "Byenn... Byenn..."Napatingin ang lahat sa pinto at biglang natahimik ang paligid. Mabilis na lumayo si Reia sa pagkakasandal sa balikat ni Alaric at tumayo nang may matamis na ngiti."Oh, ito na ba ang 'legendary' wife ni Alaric? Hello! Pasok ka, I'm Reia, Alaric's good friend," masiglang bati nito.Tiningnan ni Byenn ang bawat tao sa loob ng private room. Bawat mukhang nandoon ay tila yelo sa kaniyang paningin. Sa wakas, tumayo si Alaric at lumapit sa kaniya."Byenn? Anong ginagawa mo rito?" ang t
Ipinangako ni Alaric na hinding-hindi na ito iinom, pero sa video, halatang-halata na nakarami na siya. Hindi makapaniwala si Byenn habang pinapanood ang asawa.Would Alaric really shout like that?Ang pagkakakilala ni Byenn kay Alaric noong high school ay isang cool at aloof na academic genius. Seryoso ito sa lahat ng bagay, lalo na sa pakikitungo sa mga babae. Ni hindi nito sinusulyapan ang mga nag-aalok sa kaniya ng tubig sa sports field noon. At nang maging asawa na niya ito, lalong naging pormal at matipid sa emosyon si Alaric. Hindi siya ngumingiti o nagagalit; parang palagi siyang walang pakialam. Minsan, kapag nagkakadikit ang kanilang mga daliri, nararamdaman ni Byenn na kasing-lamig ng yelo ang balat ng asawa.Umikot ang camera sa mga mukha ng mga tao sa video. Doon niya nakita na tipsy si Alaric. Kumikinang ang mga mata nito habang itinataas ang baso at tumatawa sa harap ng camera. "Welcome home, Reia!" masayang sabi ni Alaric.Napahawak si Byenn sa kaniyang dibdib. Kaya m


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.