Share

Kabanata 1

Author: yklareyy
last update Huling Na-update: 2021-10-20 09:40:32

Meet and Greet

I just woke up one day because of Sieme's reaction. Nahinto naman siya sa kakatalon no'ng makita niyang nagising ako. Nag sign of peace lang siya at ngumiti pa at kumakantang pumunta sa banyo.

Ganyan talaga kapag may kasama ka sa apartment na baliw.

Napakamot nalang ako sa ulo ko at tumayo sa pagkakahiga. Inayos ko muna ang buhok ko at pumunta sa kusina para magluto ng agahan. Sa aming dalawa ni Sieme, ako ang mas may alam sa pagluluto dahil bata palang ako ay tinuruan na ako ng lola ko. Marunong naman si Sieme magluto pero hindi ako pumapayag na magluluto siya dahil baka mapano ang apartment.

Baka dumating ang araw na pareho na kaming tustado sa loob dahil iniwan niya ang kaniyang niluluto dahil mas inuna pa ang pagsasayaw ng dance practice kaysa sa atupagin ang niluluto niya.

Pagdating ko sa lamesa, nagulat ako no'ng may pandesal at may hotdog at itlog nang nakahain. Nakahiwalay pa ang itlog at hotdog pati narin ang pandesal. May tasa pa sa gilid ng bawat plato habang may nakalagay na kutsara roon.

Nagluto siya? 

Dali-dali kong tiningnan ang gasul dahil baka hindi niya na-off. Tiningnan ko rin ang lalagyan namin ng mantika dahil baka naubos niya sa pagpriprito.

"Hindi ko inubos no." nagsalita siya galing sa likod ko. 

Humarap naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. 

"Anong nakain mo at nagluto ka? Mabuti at hindi mo nasunog 'tong apartment." ani ko habang naglakad patungo sa lamesa at umupo.

Nakabihis na siya ng isang backless na halter croptop at naka jeans. Nag stiletto pa siya dala-dala niya ang kaniyang sling bag.

"Saan ka pupunta?" tanong ko at kumuha ng itlog.

Kinuha naman niya ang baso ko at nilagyan ng kape sa coffee maker.

"Sa meet and greet duh!" umirap pa siya sa akin kaya itinuon ko ulit ang paningin sa pagkain.

Pagkatapos kong sumubo, tiningnan ko naman ang hitsura niya habang ngumunguya. 

"Suot ang ganyan? Pa'no kung makalmot ka at matapilok?" 

Inirapan niya ulit ako at padabog na tumalikod. Narinig ko pa ang mga bulong niya kaya sinigawan ko siya.

"Para kang bubuyog!" sigaw ko sabay tawa. 

No'ng natapos akong kumain, niligpit ko nalang ang natira na pagkain at hinugasan ang pinagkainan ko. Pagkatapos kong maghugas, pumunta naman ako sa kwarto niya at naabutan ko siya roon na nangangalkal sa mga damit niya.

"May raincoat ako roon, gusto mo?" nanunuyang ani ko. 

Matalim naman niya akong binalingan at ibinalik din ang atensyon sa mga damit niya. Tumawa nalang ako at humilata sa kama niya habang pinapanood siyang aligaga sa pagpili.

Sa sobrang dami ng damit, nahihirapan na siyang pumili kung ano ang isusuot niya.

"Pwede ba akong sumama?" tanong ko.

Bumaling naman siya sa akin at lumiwanag pa ang mukha niya, parang nakakita ng anghel sa gyera.

"Sure ka? Baka ma-bored ka lang doon sa paghihintay," saad niya at ibinalik ang paningin sa mga damit niya.

"Bat naman ako ma-bo-bored? Siguro naman ma-e-excite ako roon dahil fan din naman ako nila." ani ko.

No'ng tumahimik siya, kinuha ko na 'yong pagkakataon na umalis sa pagkakahiga sa kama niya. Dali-dali lang akong naligo at pagkatapos blinower ang buhok. 

Nagsuot lang ako ng loose shirt at tinuckin sa suot kong blue jeans. Nagsuot lang din ako ng black and white na low-cut na converse at nagliptint. Nagkuha lang ako ng pera at sinuksok sa bulsa ko para hindi na ako magdala ng sling bag. 

Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto at nakita ko pa si Sieme na nakaupo habang nakapatong ang isang hita sa isa pa at nag-c-cellphone. 

Nakasuot siya ng croptop na pag itataas niya ang kaniyang kamay ay makikita ang kaniyang tiyan. Naka-jeans din siya at nagsuot ng white shoes.

Nang mapansin niya ako agad naman niyang pinasada ang kaniyang mga mapanghusgang mata sa aking katawan. Tumaas pa ang kilay niya at tumawa pa.

"Strict ang parents mo teh?" saad niya pagkatapos tumawa.

Napatingin naman ako sa suot ko at ibinalik ang paningin sa kanya. 

Anong mali sa suot ko?

"Bakit? Ganito dapat ang sinusuot kapag may dadaluhang fan event." saad ko.

Umiling-iling siya at ipinasok ang cellphone sa sling bag niya. Tumayo naman siya at hinila ako patungong kwarto niya.

Binitawan niya ako at bigla nalang siyang nangangalkal sa damitan niya. Hindi naman siya nagsalita at bigla nalang inihagis sa akin ang isang hapit sa bewang na off-shoulder na color white at isang black tattered jeans.

"Try mo 'yang suotin para magmukha kang tao." simpleng aniya at humarap sa akin.

Wala akong nagawa no'ng dinilatan niya ako at itinuro ang damit na pinahiram niya. Tiningnan ko pa ang hitsura ng damit bago ako nag-angat ng tingin sa kanya at itinuro ang pintuan. Umirap naman siya at flinip pa ang kaniyang mahaba at straight na buhok bago lumabas.

Ma-attitude eh?

Nagbuntong-hininga ako at tiningnan muli ang damit na parang kinulang sa tela. Nag-aalangan tuloy akong suotin baka makalmot 'yong bewang kong sobrang nipis. 'Yung tattered pants naman, hindi maaasahan. Kulang nalang gupitin lahat para wala nang masuot.

"Aishia buhay ka paba?" narinig kong sigaw ni Sieme sa labas kaya wala akong nagawa kundi maghubad at suotin 'yong pinahiram niya.

No'ng matapos ko nang suotin, pumunta nalang ako sa salamin niya at tiningnan ang  aking sarili. 

Kitang-kita ang tiyan kong walang bilbil. Itinaas ko lang ang suot kong tattered pants na tama lang ang taas. Mas lalong napatunayan na maputi ako dahil sa suot kong black tattered jeans at lowcut na sapatos. 

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako roon. Pagtingin ko, namamangha kaagad na mukha ni Sieme ang nakita ko. Nanlaki pa ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang labi. No'ng ngumiti ako sa kanya, doon lang siya parang natauhan at lumakad papunta sa akin.

"Grabe! Kung meron lang ako, tumayo na ito!" tili niya sa harapan ko.

Ngumiti naman ako at ibinalik ang paningin sa salamin habang sinusuklay ang buhok.

"Hindi dapat 'to tinatago! Dapat ini-emphasize ito!" saad niya habang gumuguhit pa sa hangin ng curve.

"Teka," aniya at bigla nalang akong pinaharap sa kanya. 

Kinuha naman niya ang kaniyang liptint sa bag at nilagyan ako. Siya narin ang nagsuklay ng buhok ko at itinali pa 'yon pa-ponytail kaya nakikita ang collarbone ko.

No'ng matapos niya akong ayusan, may kinuha pa siya sa kaniyang side table na pabango at inispray sa likod ng tenga ko pati narin sa leeg ko at kamay ko. 

"Ayan! Pretty!" masiyang aniya na para bang nagbibihis lang ng barbie sa sobrang tuwa.

"Hindi ba't parang sobra naman yata ka-sexy ito?" ani ko at itinuro ang sarili ko.

Umirap naman siya at nagbuntong-hininga bago pumunta ulit sa closet niya at inihagis muli sa akin ang isang cardigan na jacket. Isinuot ko nalang iyon at sumunod sa kanya palabas ng kwarto. Kinuha ko nalang 'yong cellphone kong nasa table at lumabas ng apartment. Sinirado naman ni Sieme ang pintuan bago kami naglakad patungong terminal ng jeep. 

Hindi ko alam kung saan gaganapin ang meet and greet. Sumunod-sunod lang ako kay Sieme kung saan siya pumupunta. Medyo matagal pa kaming nakarating dahil narin sa traffic. Namamawis narin 'yong leeg ko kaya pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang cellphone ko.

No'ng huminto ang jeep sa isang parking sa mall, bumaba naman si Sieme kaya bumaba narin ako.

"Diyan ba gaganapin?" tanong ko sa kanya at itinuro ang mall. Tumango naman siya at hinawakan ang braso ko at sabay kaming naglakad papasok.

"Fan ba kayo ng high-end?" Salubong sa amin no'ng babaeng naka-pwesto malapit sa pintuan.

Tumango naman kaming dalawa ni Sieme kaya tumawa siya.

"Ang ganda niyo naman... Siguro kayo 'yong mapipili sa event mamaya." Aniya at tumingin pa sa akin kaya awkward akong ngumiti.

Tumawa ng malakas si Sieme kaya napatingin sa kaniya 'yong babae. 

"Ah hindi naman po, pero sige, we take that as a compliment po." makapal na ani ni Sieme habang nakangiti parin.

Tumawa naman ang babae sa sinabi ni Sieme at iginiya kami sa event. Sumunod lang kami sa kanya habang si Sieme naman ay kinausap 'yong babae tungkol sa high-ends. Minsan sumasagot naman 'yong babae at minsan siya rin ang tumatanong kay Sieme.

Pagdating namin sa venue, may mga designs na at may mga pictures ng grupo na naka-tarpaulins at may naka-stands. Open stage ang stage na ginawa at nasa gitna lang. May mga wires at may nakahandang microphone na na-nakalagay sa stand. May mga fans narin na may kanya-kanyang grupong nabuo at nag-uusap na sila. Nakasuot sila ng white t-shirt na may print ng mukha ng high-ends. Ang ibang damit ay may maliit na logo ng banda sa kanang dibdib at iba't-ibang surname na nakalagay sa likuran nila. Siguro kung sinong bias mo sa grupo, 'yon ang nakalagay na surname sa likuran mo.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na sila kaya todo tili at kanya-kanyang labasan ng cellphone ang mga fans. Si Sieme ay nakikuha narin ng stolen shots ng banda.

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula narin silang kumanta. C-in-over nila 'yong isang kanta ng The Goo Goo Dolls na Iris. Ginawa nilang acoustic version ang kanta kaya malumay. 

'Yong fans ay todo sabay narin dahil hit ang c-in-over nila. Medyo alam ko rin ang kanta kaya minsan napapasabay na rin ako.

"And I don't want the world to see me cause I don't think that they'd understand. When everything made to be broken, I just want you to know who I am..." Si Ken ang huling kumanta bago natapos ang kanta.

"Hello! Are you guys all excited?!" Tanong ni Stell.

Sumigaw ang mga fans kaya tumawa si Stell. Umalingawngaw sa loob ng venue ang tawa niya na ikinatili ng lahat.

"Stell ang sexy!" Sigaw ng isa sa mga fans.

Pabida ulit na tumawa si Stell. "Just like you baby," sabi niya na ikinairap ko.

"Wow. I can't believe that I have a fan who just rolled her eyes on me..." He said while he stared at me.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Crossing the Line   Epilogue

    Stell Aiden Talavera POV"What is music for you?" Ken chuckled, "Really? That question again? Ano bang gusto niyong marinig na sagot mula sa amin?" Tanong ni Ken na ikinangiwi ng director namin."Cut! What's wrong with you Ken? Okay naman kanina ah?" Tanong ng director."Ako pa ngayon ang mali? Ilang ulit na ba namin iyang nasagot sa mga interviews namin? Ano bang gusto niyong sagot?" Frustrated na sabi ni Ken.Nakita kong napabuntong-hininga ang manager namin at agad pumagitna sa tension nila Ken."Si Stell na lang po ang sasagot, mukhang wala sa mood si Ken ngayon," Ani manager.Napatingin siya sa akin kaya tumango ako. Agad din namang nag roll at inumpisahan kung saan kami nagtapos kanina.Sinagot ko ang mga tanong na may ngiti sa labi. Well, wala naman akong magawa kun'di ang saluhin ang hindi gusto ni Ken. Hindi na rin naman bago sa akin ito dahil parati lang naman akong sumasalo sa mga responsibilidad na dapat sa kanya. Hindi naman ako nagagalit, okay lang naman sa akin as long

  • Crossing the Line   Kabanata 55.2

    Kabanata 55.2: The Line"Are you sure you want me to come?" Walang kwentang tanong ni Stell sa akin na ikinairap ko.Nandito na nga siya sa tabi ko tapos nagtatanong pa kung sure ba akong isasama ko siya. Umirap ulit ako. "Malapit na tayo sa bahay tapos ngayon ka pa magtatanong?" Sagot ko na ikinatawa niya."Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko na sumama sa iyo pero sa totoo lang, kinakabahan ako babe, baka pukpukin ako ng martilyo ng tatay mo," Saad niya at pagkatapos yumakap sa akin.Awkward akong ngumiti sa mga taong nakatingin sa gawi namin bago tinapik ang braso ni Stell.Napaangat ang tingin niya sa akin. "What?" Malambing na tanong niya at mas lalong humigpit ang pagkayakap niya sa akin."You're making a scene! Stop hugging me!" "Why? Is there something wrong hugging my girlfriend?" He said and after that, he pouted.Pilit kong tinatago ang ngiti ko sa pagtapik sa braso niya."Don't do that again, I might get rid off this damn mask and hat and kiss you right here," He

  • Crossing the Line   Kabanata 55

    Kabanata 55: Asawa"Bakit ko pa patatagalin? Excited na ako kasama ka na lumabas para mag-date."I rolled my eyes."You're being ridiculous." "Why? Ayaw mo ba no'n? Parati na tayong magkasama." Rason niya.Inismiran ko lang siya na ikinatawa niya. "May gagawin ka ba today?" Tanong niya.Tumango ako. "Pupunta ako ng office nila Lily. Need ko mag report." Sagot ko."Then, susundin na lang kita sa pinagtatrabahuan mo? Mag dinner tayo mamaya kung okay lang sa 'yo." Aniya."Okay lang. 5PM ang out ko mamaya. Bakit? Hindi ka ba busy? Wala ba kayong rehearsals?" I asked him. Kung makapagyaya kasi siya, parang tambay lang sa kanto na walang ginagawa."Wala naman akong schedule ngayon. Next week pa ang starting ng practice namin." Sagot niya.Of course. Nasabi na niya ito sa akin na baka magiging hectic na ang schedule niya next week dahil sa mga practice nila at sa nalalapit na comeback. Kaya habang hindi pa sila busy, inaabisuhan na sila na mag enjoy dahil babawiin puspusang practice na sa

  • Crossing the Line   Kabanata 54

    Chapter 54: Mens"I am the owner babe. And you can have it back if you will marry me."Natigilan ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. So, sa tinatagal na panahon na gusto kong makita ang bumili ng lupa, siya lang pala 'yon? At alam niya na sa amin iyon at nagbabalak akong bilhin ulit iyon?And what? if I will marry him, I can have it back?Oh well, I want a marriage too but not this early."So what if I can't marry you?" Nakita kong natigilan siya at napaayos ng upo sa kama. "What? You're kidding right? You will marry me. I mean, you accepted my promise ring." Sabi niya at napasulyap sa singsing na nakasuot sa kamay ko at ibinalik din ang tingin sa akin."Yes but It's too early for that. And what if, hindi kita nakita? So it means hindi ko talaga mababawi ang lupa kahit na may sapat na pera na ako?" Tanong ko.Kunwaring napaisip pa siya bago sumagot. "Nakita naman kita so wala na 'yon." "Paano kung hindi mo na ako gusto? Ibebenta mo pa rin ba ang lupa sa akin?" Tanong ko ulit.

  • Crossing the Line   Kabanata 53

    Kabanata 53: Promise Ring"Parte pa ba ito ng panliligaw mo?" Tanong ko kay Stell no'ng tinulungan niya akong bitbitin ang gamit ko patungo sa sasakyan niya.Tumawa lang siya at tumakbo pa patungong kotse niya para mahatid ang gamit ko. Tapos na kaming mag shoot dito sa Baguio at ngayon ang plano naming umuwi. Actually, kahapon pa natapos kaso itong si Stell, pala desisyon na ngayon na raw kami uuwi kaya ngayon na nga ang byahe namin.Hindi pa nga 'yan gustong umuwi eh, gusto pang mag tambay rito sa Baguio. Pinilit ko na nga lang siyang umuwi ngayon dahil sa trabaho ko kaya maggagabi na ang byahe namin pauwing Manila."Bukas na lang kaya tayo umuwi babe? Pagabi na oh." Ani Stell at hinawakan ang bewang ko kaya napatigil ako sa paglalakad.Umirap ako at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. "Bukas na naman. I have many on-going shoots Stell. At tsaka, anong babe? Nanliligaw ka pa nga lang, may babe-babe ka nang nalalaman." Sabi ko.Nagpout lang siya kaya mas lalo akong

  • Crossing the Line   Kabanata 52

    Kabanata 52: Court"Get ready in three, two one, and action!" Sigaw ng director kaya ginawa na nang banda ang dapat nilang gawin.Dalawang araw na kami rito sa Baguio at hanggang ngayon, nag-sh-shoot pa rin ang high-end sa kanilang music video. Actually hindi pa ito music video eh, teaser video pa lang ito. Si Nico ang kumukuha kaya sobrang busy niya ngayon. Halos hindi na nga kumain dahil sa sobrang aligaga. Sobrang halata talaga sa kilos niya na nat-tense siya sa ginagawa niya lalo na no'ng kinuhanan niya ng video si Stell na todo reklamo."What the hell?! Bakit sobrang nakatutok sa akin ang light?!" Reklamo ni Stell no'ng siya na ang kinuhanan ng video.Nataranta na naman si Nico at chineck ang kaniyang kagamitan bago bumalik sa camera. "Hindi naman po. Nasa tamang scale lang po." Magalang na sagot ni Nico kay Stell.Mas naging visible ang pagka-irita sa mukha ni Stell. "Bakit nakakasilaw? Hindi mo ba nakikita? Para na akong nasa langit eh oh!" Napabuntong-hininga ako at nasapo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status