The twins brother's Obsession

The twins brother's Obsession

last updateLast Updated : 2026-10-22
By:  SunmaruUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
31views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Being an Ashwood comes with wealth, power, and a name that commands respect. But for twin brothers Darius and Damon Ashwood, money cannot solve their complicated love lives. Damon Ashwood has a talent for making Dalhia's life miserable. Arrogant and relentless, he never misses an opportunity to bully and tease her. Dalhia despises him, convinced that he is nothing but a spoiled rich boy who enjoys making others suffer. Yet the more Damon provokes her, the more complicated their relationship becomes. Will he realize that his actions may cost him the very girl he secretly wants, or will his pride ruin his chance at love? Meanwhile, Darius Ashwood faces a different kind of trouble. Unlike his brother, he isn't busy tormenting the woman who catches his attention. Instead, he is dealing with Noemi, a woman who seems more interested in his money than his heart. Noemi knows how to get what she wants from him, and Darius keeps giving in. But does she genuinely care for him, or is he merely a convenient source of wealth? As Darius struggles to uncover Noemi's true intentions, Damon must confront the consequences of his treatment of Dalhia. Two brothers. Two women. Two very different battles for love. For the Ashwood twins, winning a woman's attention may be easy, but earning her genuine affection is another story. One must learn that love is not an excuse to hurt someone, while the other must discover that money can buy almost anything—except a heart that truly belongs to him.

View More

Chapter 1

1

Dahlia's POV

“Mama… diba lahat ng bata may papa?”

Napahinto ako sa ginagawa ko. Dahan-dahan akong napalingon kay Dustin. Apat na taon pa lang siya, pero ang mga tanong niya parang kayang hiwain ang puso ko sa dalawa.

“Oo naman, anak…” pilit akong ngumiti.

Tumingin siya sa’kin, malalaki ang mata at inosente.

“Eh… nasaan yung papa ko?”

Para akong nabingi sa tanong niya. Ilang taon ko nang iniiwasan ang araw na ’to. Ilang taon ko nang tinatago ang katotohanan.

Nilapitan ko siya at pinaupo sa kandungan ko.

“Anak…” mahina kong sabi habang hinahaplos ang buhok niya. “May papa ka.”

“Talaga?” biglang lumiwanag ang mukha niya. “Mayaman ba siya? Kagaya nung papa ni Ashley na may malaking kotse?”

Napangiti ako nang mapait.

Kung alam mo lang, anak…

Mayaman?

Hindi lang mayaman.

Ang pamilya ng papa mo… isa sa mga mayayaman sa bansa at kayang bumili ng buong lungsod kung gugustuhin nila.

Pero hindi ko ’yon sinabi.

“Siguro…” sagot ko, umiwas ng tingin.

“Mabait ba siya?” tanong ulit ni Dustin.

Napapikit ako sandali.

Sa isip ko, bumalik ang mga alaala.

Ang malawak na campus ng eskwelahan.

Ang mga titig ng mga estudyanteng mayayaman sa isang scholar na kagaya ko.

At siya.

Si Damon Ashwood.

Anak ng isa sa mga may-ari ng paaralan. Mayaman. Makapangyarihan. At isa sa mga lalaking tuwang-tuwa kapag ako ang binubully.

Hanggang sa isang gabi…

Isang dare.

Isang laro.

Isang pagkakamali na nagbago ng buong buhay ko.

Hindi niya alam na pagkatapos ng gabing ’yon… nabuntis ako.

Itinakwil ako ng mama ko.

Hindi na ako nakabalik pa sa school.

Hindi niya alam na may anak siya.

Na si Dustin… ang bunga ng gabing para sa kanya ay laro lang.

“Mama?” hinila ni Dustin ang damit ko.

“Mabait ba papa ko?”

Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot.

Kasi ang lalaking ’yon ang sumira sa buhay ko…

pero siya rin ang dahilan kung bakit nandito ang pinakamahalagang tao sa mundo ko.

Hinaplos ko ang pisngi ni Dustin.

“Hindi ko alam kung mabait siya, anak,” mahina kong sabi.

“Pero sigurado ako sa isang bagay.”

“Ano, Mama?”

Mahigpit ko siyang niyakap.

“Kapag nakita ka niya… sigurado akong hindi ka niya kayang hindi mahalin.”

Tahimik sandali si Dustin, tapos yumakap pabalik.

“Okay lang, Mama,” bulong niya. “Ikaw na lang muna papa ko.”

At doon tuluyang tumulo ang luha ko.

Hindi niya alam…

Ang papa niya—

Si Damon Ashwood.

Ang lalaking minsang naglaro sa buhay ko.

At kung sakaling malaman nito ang tungkol kay Dustin…

Hindi ko alam kung kukunin niya ba ang anak ko—

o sisirain ulit ang mundo naming dalawa.

“O siya, sige na anak,” sabi ko habang inaayos ang maliit niyang damit. “May pasok pa si Mama. Kailangan ko pang maligo.

Parating naman na si ninang Noemi mo, siya muna ang bahala sa’yo, ha?”

Tumango si Dustin pero nakanguso pa rin.

“Okay po, Mama… basta po yung pasalubong ko, ha? Diba po sahod mo ngayon?”

Hindi ko napigilang mapangiti kahit pagod na pagod na ang dibdib ko sa dami ng iniisip.

“Oo naman, anak,” sagot ko, kinurot nang marahan ang pisngi niya. “Siyempre naman.”

“Spaghetti at fries para sa napakagwapong anak ko.”

Lalo siyang napangiti, ipinakita pa ang maliit niyang dimples.

“Talaga po?”

“Talaga,” sabi ko.

“Para kay Dustin… Dustin Revano.”

Mas lalo siyang napangiti sa pangalan niya..

Kung alam mo lang, anak…

Ang totoong dugo na dumadaloy sa’yo—

Ashwood.

Dugo ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.

Dugo ng lalaking minsang ginawang biro ang buhay ko.

NOEMI POV..

Napalingon ako sa kanya ngiting-ngiti.

“Thank you, babe…” malambing kong sabi habang hawak ang bagong cellphone na binili niya para sa akin.

Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa akin, para bang may hinahanap sa mukha ko.

Kasalukuyan kaming nakahinto sa tapat ng bahay—ang bahay na siya rin ang bumili para sa akin.

Akmang bubuksan ko na ang p***o ng kotse nang mapansin kong hindi ito nagbubukas.

Napanguso ako at napatingin sa kanya.

“Why is it still locked?”

Bahagya siyang ngumisi.

“Where’s my kiss?” tanong niya, tila ba iyon ang pinaka-obvious na bagay sa mundo.

Napangisi naman ako. Lumapit ako sa kanya at bahagyang umangat para halikan siya sa pisngi.

Nang madampian ng labi ko ang pisngi niya, akala ko ay sapat na iyon.

Pero bago pa ako makalayo, bigla niyang hinawakan ang pulso ko.

“That's it?” mahina ngunit mabigat niyang tanong.

Napakunot ang noo ko. “What? You already got your kiss.”

Umiling siya nang bahagya, ang mga mata niya nakatutok pa rin sa akin.

“I asked for my kiss,” mababa niyang sabi.

Bago pa ako makasagot, hinila niya ako palapit—at ang sumunod na halik ay hindi na sa pisngi.

Siya si Darius Ashwood—mayaman at dati kong ka-schoolmate..

Noon, para kaming aso’t pusa sa school. Laging nag-aaway, nagbabangayan, at hindi talaga nagkakasundo.

Hanggang isang araw, hindi na ako pumasok sa school at nagsimula nang magtrabaho. Pagkatapos noon, tuluyan na kaming nawala sa komunikasyon.

Lumipas ang mga taon nang walang kahit isang salita mula sa isa’t isa.

Hanggang sa isang araw, nagulat ako nang makita siyang nakatayo sa tapat mismo ng pinagtatrabahuhan ko… at para bang hinihintay niya talaga ako.

“Papasok na ako sa bahay, ingat ka pauwi ha…” malambing kong sabi. Tumango Lang Ito sakin..

Pagbaba ko, kumaway muna ako bago pumasok sa loob. Pinalipas ko ang ilang minuto, pero nang lumingon ako at makita kong wala na siya, agad akong lumabas muli.

Tahimik ang paligid. Huminga ako nang malalim at tumungo sa bahay ni dalhia. Kailangan kong bantayan si Dustin.

Pumara ako ng taxi at Sumakay.

THIRD POV...

“Asan na yung pinakagwapong inaanak ko!!” malakas na sigaw ni Noemi pagpasok sa bahay nila Dahlia.

“Ninang!!!” Ngiting-ngiti na bati ni Dustin, kasabay ng pag-bless niya rito.

“Where’s your mama?” tanong niya.

“Mama! Andito na po si ninang!” sigaw ni Dustin.

Bumaba si Dahlia, naka-uniform na, at ngumiti nang makita silang dalawa.

“Ikaw na muna ang bahala kay Dustin, Noemi.” malumanay na sabi ni Dahlia.

Ngumiti si Noemi at tumango. “Oo, don’t worry, ako munang bahala sa poging ito .”

Ganito ang set up nila, si Noemi napunta sa bahay ni dalhia para samahan si Dustin, habang si Dahlia naman ay nagtratrabaho sa Gabi bilang waitress sa isang sikat na restaurant..

"Dustin, kuha mo nga si ninang ng tubig.." utos ni Noemi kay Dustin.

Nang makaalis si Dustin, bumaling si Noemi kay Dalhia.

“Dalhia, wala ka bang balak ipakilala si Dustin sa daddy niya? Instant bilyonaryo kayo kapag kinilala siya ni Damon.”

Umiling siya.

“Hindi namin siya kailangan, Noemi. Masaya na kami… kahit kaming dalawa lang.”

Ngunit kahit sinabi niya iyon nang may tapang, may bahagyang kaba sa tinig niya at takot na Baka dumating ang araw

Kapag nalaman ni damon na nagbunga ang isang Gabi na Yun, baka kunin nito si Dustin at ilayo sa kanya..

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status