"Who is that Stell?"
"Sino ba 'yan Stell para mabugbog namin?" Sigaw ng isa sa mga fans.
"Krazy fan." Sigaw ng isa pa.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nagbaba ako nang tingin at ibinalik din naman kaagad at kunwari nakikisabay sa tawa at asaran.
"Haha. Binobola ko lang kayo," sabi niya at slang pa ang pagka-bigkas ng 'binobola.'
"Mukha ba kaming bola Stell?" Sigaw na naman nila.
"Hahaha... You are all my babies." Saad niya bago ibinalik ang microphone sa stand at nag-wave sa lahat.
Kumanta lang sila ng limang kanta at pagkatapos ay bumaba na sila sa stage at nagsimula ng ipatong ang isang mesa at limang upuan.
Siguro diyan sila pipirma sa bago nilang released na album. May signing kasing magaganap dahil 'yong mga bumili ng ticket ay may free album na na pwede mong papirmahan sa kanila.
May mga nagbebenta naman dito sa mall. Gusto nga sanang bumili ni Sieme para raw may remembrance kaso pagtingin namin, umurong kaagad siya dahil sa mahal na presyo.
Bumalik naman sa stage ang High-end na iba na ang suot na mga damit. Naka blazer sila na color blue at nakaitim na panloob. Terno rin ang mga slacks nila sa blazer nila. Ang blazer ay may lining sa braso at may nakatatak na logo nila na nakalagay sa kanang dibdib.
Siguro diyan nagaya ang t-shirt na suot-suot nang ibang fans.
Pumila na ang mga fans habang may kanya-kanyang bitbit na album. Nakalabas narin ang kanilang mga cellphone na halatang mamahalin.
"Pigilan mo ako Aia, kukunin ko mga cellphone nila." Ani Sieme kaya tinapik ko ang kanyang braso.
Pinagtitinginan na kami no'ng mga babae sa sinabi ni Sieme kaya ngumiti ako sa kanila. Bumalik din naman ang paningin nila sa stage kaya nakahinga ako ng maluwag.
Ang hirap talaga kapag may kasama kang may saltik. Nakakahiya.
"Wait lang Aia ha? May kakilala ako. Bubudulin ko lang." Biglang sabi niya at dali-daling tumakbo sa kabilang linya, hindi man lang hinintay ang sagot ko.
Umupo nalang ako sa upuan na naka-provide habang hinihintay si Sieme. Kinausap na iyong babae na mukhang mayaman din. Ilang minuto pa silang nag-uusap hanggang sa na-shock nalang ako na bumalik na sa kinaroroonan ko si Sieme na may dalang album ng High-end.
"Oh diba? Nabudol ko!" Proud niyang ani at tumawa-tawa pa.
Ngumiti lang din ako at tiningnan iyong babae na nakatingin narin sa gawi namin. Nakasuot siya ng dress habang may sling bag na naka-pulupot sa katawan niya. Naka-headband din siya at ngumiti sa akin kaya napakurap ako at umiwas ng tingin.
"Mukhang bata ang nabudol mo ah? Hindi ka ba nako-konsesya?" Tanong ko kay Sieme na ngayon ay hinihila na ako habang nakapila na kami para papirmahan niyong binili niya na album.
Bumulong siya sa akin. "Kapatid 'yon ni Stell. Meaning, mayaman iyon! Kita mo 'yong cellphone niya? Iphone 'yun! Bagong version!" Giit niya.
"May kapatid pala si Stell? Akala ko only child." Ani ko.
"Hindi siya only child. Tingin mo papayagan siya ng magulang niya na mag-showbiz pag unico-hijo siya? Kung ako siguro ang magulang, hindi ko papayagan e' no."
Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya at sumabay nalang din sa kanya sa pila. Malapit na kami makapunta sa stage kaya todod ngisay itong si Sieme at halukay sa mga cellphone niya para mang-delete dahil full storage na.
Pangatlo na kami sa pila at naririnig na namin ang pinag-uusapan ng banda. Kanya-kanya naring halughog sa mga galleries ang tapos na nakapagpa-pirma.
"Buti nagdala ako ng phone, may selfie pala!" Sabi ni Sieme habang nakatingin sa mga tapos na makapag-papirma.
No'ng pangalawa na kami sa pila, bahagya pang nanginginig si Sieme habang nakatingin na sa banda. Natigil lang siya sa panginginig no'ng biglang tumayo si Ken at umalis sa table. Sinundan naman namin siya ng tingin hanggang sa bumaba na siya sa stage.
Dismayado naman si Sieme na tumingin sa akin at tsaka nilahad sa akin ang album.
"Mag c-cr lang ako." Dali-daling sabi niya at tsaka bumaba ng stage.
Napakunot ang noo ko at kinuha ang album. Tumatakbo naman siyang papunta sa exit. Hindi ko na siya natingnan kung saan siya papunta dahil tinawag na ako ng staff na ako na susunod. Napanguso ako no'ng kinuha sa akin ang album at cellphone.
Kailangan pa bang ilabas ang cellphone ko? Pwede namang hindi na ako magpa-picture.
Unang pumirma si Stell hanggang sa pinasa-pasa na nila ang album. Kinuha pa ni Stell ang cellphone ko at binuksan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko no'ng napakunot ang noo niya at tumingin sa gawi ko. Napayuko lang ako at nilaro-laro ang daliri ko.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Siguro na-gu-guilty lang ako sa ginawa ko kanina lalo pa't nakita 'yon ni Stell? Pero may possibility naman na baka iba ang nakita niya kaninang umirap at hindi ako. Baka may iba na pumunta lang din dito dahil walang choice.
Pero napaka-imposible naman yata 'yon. Ang mahal ng ticket para lang magwaldas.
Napatingin ako kay Stell no'ng bigla siyang tumayo at pumunta sa gawi ko. Itinaas niya sa ere ang cellphone ko at biglang clinick 'yon.
"Your wallpaper is cute..." Si Stell habang hinalughog ang cellphone ko.
Parang babaon na ang ngipin ko sa pang-ibabang labi ko sa sobrang kagat nito. Hindi rin ako makatingin kay Stell at sa ibang kasama niya dahil sa hiya. Rinig ko na ang mga bulong-bulungan ng iba dahil na-delay ang signing dahil sa ginagawa ni Stell.
"The music was completed also..." Mas lalo akong namula sa sinabi niya.
"P-Pwede ko na bang makuha?" Nauutal na ani ko.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tiningnan niya lang ako. Kukunin ko na sana ang cellphone ko kaya lang bigla akong napa-abante dahil nasanggi ako sa likod at napahawak pa ako sa balikat ni Stell.
Oh shit! Too much for this day.
Nanlaki ang mata ko no'ng biglang nawalan ng balanse si Stell. Hindi ko rin mabalanse ang sarili ko dahil natulak pa ako kaya napahigpit ang hawak ko sa balikat niya. Bago pa kami nasaklolohan, nahulog na ako sa stage at sa kasamaang palad, nasama pa si Stell na ngayon ay nasa ibabaw ko na.
Stell Aiden Talavera POV"What is music for you?" Ken chuckled, "Really? That question again? Ano bang gusto niyong marinig na sagot mula sa amin?" Tanong ni Ken na ikinangiwi ng director namin."Cut! What's wrong with you Ken? Okay naman kanina ah?" Tanong ng director."Ako pa ngayon ang mali? Ilang ulit na ba namin iyang nasagot sa mga interviews namin? Ano bang gusto niyong sagot?" Frustrated na sabi ni Ken.Nakita kong napabuntong-hininga ang manager namin at agad pumagitna sa tension nila Ken."Si Stell na lang po ang sasagot, mukhang wala sa mood si Ken ngayon," Ani manager.Napatingin siya sa akin kaya tumango ako. Agad din namang nag roll at inumpisahan kung saan kami nagtapos kanina.Sinagot ko ang mga tanong na may ngiti sa labi. Well, wala naman akong magawa kun'di ang saluhin ang hindi gusto ni Ken. Hindi na rin naman bago sa akin ito dahil parati lang naman akong sumasalo sa mga responsibilidad na dapat sa kanya. Hindi naman ako nagagalit, okay lang naman sa akin as long
Kabanata 55.2: The Line"Are you sure you want me to come?" Walang kwentang tanong ni Stell sa akin na ikinairap ko.Nandito na nga siya sa tabi ko tapos nagtatanong pa kung sure ba akong isasama ko siya. Umirap ulit ako. "Malapit na tayo sa bahay tapos ngayon ka pa magtatanong?" Sagot ko na ikinatawa niya."Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko na sumama sa iyo pero sa totoo lang, kinakabahan ako babe, baka pukpukin ako ng martilyo ng tatay mo," Saad niya at pagkatapos yumakap sa akin.Awkward akong ngumiti sa mga taong nakatingin sa gawi namin bago tinapik ang braso ni Stell.Napaangat ang tingin niya sa akin. "What?" Malambing na tanong niya at mas lalong humigpit ang pagkayakap niya sa akin."You're making a scene! Stop hugging me!" "Why? Is there something wrong hugging my girlfriend?" He said and after that, he pouted.Pilit kong tinatago ang ngiti ko sa pagtapik sa braso niya."Don't do that again, I might get rid off this damn mask and hat and kiss you right here," He
Kabanata 55: Asawa"Bakit ko pa patatagalin? Excited na ako kasama ka na lumabas para mag-date."I rolled my eyes."You're being ridiculous." "Why? Ayaw mo ba no'n? Parati na tayong magkasama." Rason niya.Inismiran ko lang siya na ikinatawa niya. "May gagawin ka ba today?" Tanong niya.Tumango ako. "Pupunta ako ng office nila Lily. Need ko mag report." Sagot ko."Then, susundin na lang kita sa pinagtatrabahuan mo? Mag dinner tayo mamaya kung okay lang sa 'yo." Aniya."Okay lang. 5PM ang out ko mamaya. Bakit? Hindi ka ba busy? Wala ba kayong rehearsals?" I asked him. Kung makapagyaya kasi siya, parang tambay lang sa kanto na walang ginagawa."Wala naman akong schedule ngayon. Next week pa ang starting ng practice namin." Sagot niya.Of course. Nasabi na niya ito sa akin na baka magiging hectic na ang schedule niya next week dahil sa mga practice nila at sa nalalapit na comeback. Kaya habang hindi pa sila busy, inaabisuhan na sila na mag enjoy dahil babawiin puspusang practice na sa
Chapter 54: Mens"I am the owner babe. And you can have it back if you will marry me."Natigilan ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. So, sa tinatagal na panahon na gusto kong makita ang bumili ng lupa, siya lang pala 'yon? At alam niya na sa amin iyon at nagbabalak akong bilhin ulit iyon?And what? if I will marry him, I can have it back?Oh well, I want a marriage too but not this early."So what if I can't marry you?" Nakita kong natigilan siya at napaayos ng upo sa kama. "What? You're kidding right? You will marry me. I mean, you accepted my promise ring." Sabi niya at napasulyap sa singsing na nakasuot sa kamay ko at ibinalik din ang tingin sa akin."Yes but It's too early for that. And what if, hindi kita nakita? So it means hindi ko talaga mababawi ang lupa kahit na may sapat na pera na ako?" Tanong ko.Kunwaring napaisip pa siya bago sumagot. "Nakita naman kita so wala na 'yon." "Paano kung hindi mo na ako gusto? Ibebenta mo pa rin ba ang lupa sa akin?" Tanong ko ulit.
Kabanata 53: Promise Ring"Parte pa ba ito ng panliligaw mo?" Tanong ko kay Stell no'ng tinulungan niya akong bitbitin ang gamit ko patungo sa sasakyan niya.Tumawa lang siya at tumakbo pa patungong kotse niya para mahatid ang gamit ko. Tapos na kaming mag shoot dito sa Baguio at ngayon ang plano naming umuwi. Actually, kahapon pa natapos kaso itong si Stell, pala desisyon na ngayon na raw kami uuwi kaya ngayon na nga ang byahe namin.Hindi pa nga 'yan gustong umuwi eh, gusto pang mag tambay rito sa Baguio. Pinilit ko na nga lang siyang umuwi ngayon dahil sa trabaho ko kaya maggagabi na ang byahe namin pauwing Manila."Bukas na lang kaya tayo umuwi babe? Pagabi na oh." Ani Stell at hinawakan ang bewang ko kaya napatigil ako sa paglalakad.Umirap ako at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. "Bukas na naman. I have many on-going shoots Stell. At tsaka, anong babe? Nanliligaw ka pa nga lang, may babe-babe ka nang nalalaman." Sabi ko.Nagpout lang siya kaya mas lalo akong
Kabanata 52: Court"Get ready in three, two one, and action!" Sigaw ng director kaya ginawa na nang banda ang dapat nilang gawin.Dalawang araw na kami rito sa Baguio at hanggang ngayon, nag-sh-shoot pa rin ang high-end sa kanilang music video. Actually hindi pa ito music video eh, teaser video pa lang ito. Si Nico ang kumukuha kaya sobrang busy niya ngayon. Halos hindi na nga kumain dahil sa sobrang aligaga. Sobrang halata talaga sa kilos niya na nat-tense siya sa ginagawa niya lalo na no'ng kinuhanan niya ng video si Stell na todo reklamo."What the hell?! Bakit sobrang nakatutok sa akin ang light?!" Reklamo ni Stell no'ng siya na ang kinuhanan ng video.Nataranta na naman si Nico at chineck ang kaniyang kagamitan bago bumalik sa camera. "Hindi naman po. Nasa tamang scale lang po." Magalang na sagot ni Nico kay Stell.Mas naging visible ang pagka-irita sa mukha ni Stell. "Bakit nakakasilaw? Hindi mo ba nakikita? Para na akong nasa langit eh oh!" Napabuntong-hininga ako at nasapo