Share

KABANATA 1.1

Bakit ang isang anak ng mayaman nakikipag-usap sa mga katulad ko? "Sure, I'm Mariana by the way, nice to meet you." sabi ko.

"I know you. I've been seeing you last year and I can't believe we're classmates!" masaya niyang sabi.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Kilala ko siya dahil anak siya ng isang kilalang negosyante rito sa Palanan. Hindi ko inaasahan na kilala niya ako. Sanay naman na ako sa mga turing sa akin ng ibang mayayamang babae. They always have the hate at me at hindi ko alam kung bakit. Kaya wala ako masyadong friends, kung meron man ay mga katulad ko ring mahihirap. I don't mind it at all.

"Huh?"

"You're so popular! Don't you know? My classmates always talked about you."

I smiled shyly. "Ah, hindi naman. Dahil siguro sa maganda ako pero mahirap?" I joke.

Iyon ang palagi kong naririnig sa mga anak mayaman na mga babae simula noong grade 7 pa lamang ako at nasanay na ako. I don't really prefer our life is poor, we're just broke actually, but others choose to see it as poor.

"What? No! To be honest I really find you pretty and pure. I don't know what's their problem on that matter. Kaya kung may marinig akong hindi maganda na sinasabi sa'yo ay sinisita ko." Namilog ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi.

She really did those until now. Inaaway niya kahit sino man. She's actually the pretty and pure between us. She's rich and not artistic. Morena siya, ako rin naman pero may kaputian ako kaysa sa kanya at mas matangkad ako ng konti. She have thick shouldered black hair. She's so pretty for me. And that's the beginning of our friendship.

Nakapasok na kami sa cafeteria at pumila agad para bumili ng pagkain. Isa lang ang cafeteria namin at malawak naman ito. Iba-iba rin ang break time at lunch namin sa mga Junior at College Department para hindi masyadong puno. Mabuti na lang at konti lang ang tao sa loob at nakabili agad naman kami ni Lhara ng pagkain.

We spot a place for us to sit and like the usual we ate our snacks and talk like the normal days.

Napatigil si Lhara sa pagkwe-kwento at may tinignan muna sa aking likod bago magsalita. "Gosh, I forgot to mention, Maren. Classmate natin si Leon."

Leon? Isa lamang ang kilala kong Leon dito. 'Yung anak ni Senyora Eleazar.

Napakunot ako ng noo. Nakita iyon ni Lhara at namilog pa ang mga mata niya. "'Yung katapat mo sa upuan. Hindi mo kilala si Leon? Leon Eleazar! 'Yung pangalawang anak ni Ms. Eleazar." Hindi makapaniwalang sagot niya dahil sa nakitang reaksiyon ng mukha ko.

Ako naman ngayon ang namilog ang mga mata. Yes, I know the sons of Senyora, but only by name. Ang tagal ko ng nagtatrabaho sa mansion nila pero ni kahit isang anino ng anak niya ay hindi ko pa nakita. Kaya nakakagulat talaga na makita ang pangalawang anak ng Senyora. They have the big family frame in their mansion but their sons too young on that photo. Mga pito hanggang sampong taon ata sila roon at wala ni isang larawan ng pagkabinata. Ngayon ko pa lamang nakita ang pangalawang anak nito at bakit ang isang Eleazar ay nag-aaral dito?

Bumaling ako sa kung saan nakatingin si Lhara. I saw the Eleazar with the groups of man and woman far away from us.

Bumaling ako 'kay Lhara. "Bakit 'yan nandito? Eleazar, really?" I asked.

"Hindi ko rin alam. Basta noong martes pinakilala sa room bilang bago nating kaklase." Sagot niya, nakatingin pa rin doon sa grupo. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Nga pala, bakit hindi mo kilala? Nagtatrabaho ka naman sa kanila ha." Ngayon nasa akin na ang kanyang tingin.

"Kilala ko siya sa pangalan pero sa mukha hindi." Umiling ako.

"Huh? E, nasa social media naman ah. At 'tsaka wala bang picture frame sa loob ng mansion nila?" tanong niya.

"Meron, pero maliliit pa sila roon. At sa sinasabi mong social media, hindi naman ako lagi nagbubukas sa account ko."

Napatango siya at uminom muna sa kanyang juice bago ulit nagsalita. "Alam mo ba he's really a playboy! Grabe, kakapasok niya pa lang ang dami na niyang nalandi. Ngayon usap-usapan na sila na ni Sabrina."

Napatango ako. Hindi na ako nagulat sa narinig. Tama ang mga naririnig ko noon tungkol sa kanya. He's wild. Palibhasa mayaman na at laking Maynila pa. I didn't pay attention too much about him before. Naririnig ko lang ang pangalan niya sa mga babae rito. Laging mainit ito sa chismis kahit nasa Maynila naman ito. Karamihan dito ay inaabangan ang buhay niya sa social media. Ngayon tuloy ako na-conscious sa account ko na hindi gaanong nabubuksan.

Bumaling ulit ako sa grupo nila. Tumingin ako 'kay Leon. He's tall and moreno. He's body is well defined, halatang nagg-gym. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya kanina at pati ngayon dahil malayo kami sa kanila. Malapit sila sa pintuan ng cafeteria at agaw pansin talaga. Nandoon si Sabrina at katabi si Leon. Ang ama ni Sabrina ay ang gobernador namin dito sa Palanan. Isa sa mga maimpluwensya rin pero mas pinaka-angat ang mga Eleazar. Maganda siya at nasa grade 10 na. Lagi ring mainit sa chismis dahil papalit-palit ng boyfriend. Nasa pinakadulo kami ngayon at hindi gaanong mapapansin dahil marami namang nakaupo sa paligid namin.

Bumaling muli ako sa aking pagkain. "Expect it, Lhara." Tipid kong sabi bago nagpatuloy sa pagkain.

Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy na ring kumain. Ilang sandali pa ay nagsalita siya muli.

"Gosh, nandito si Anton, Maren!" agad akong napatingin sa kanya bago bumaling sa kung saan siya nakatitig.

Nakita ko ngang kakapasok lang ni Anton kasama ang mga kaibigan niya. They immediately go to the cashier, and I took that opportunity to get away here. Hindi ko inaasahan na makikita siya ngayon!

Hi! Thank you for taking time to read my story bestie! May you read it until the end <33 have a great day today!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status