(Contunuation of chapter 4)
Hayami’s POV
“Mukha ba akong nagjo-joke?” mataray na banggit ni Chloe. Wala nang nagawa ang teacher namin at isinulat na ang pangalan ko sa board.
Nag-apir naman kami ni Chloe dahil sa ginawa niya. Ilang segundo na ang lumilipas ngunit wala pa ding nagno-nominate ng iba.
Nagkatinginan kami ni Chloe habang parehong nakangiting tagumpay. Nawala lamang ito nang biglang tumayo ang isa sa mga alagad ni Vivian na si Danica habang fine-flex ang matambok niyang pwet.
“I nominate Vivian Bueno as Muse!” wika niya.
“I am closing the nomination for the Class Muse,” dagdag naman ni Eloisa.
Nagsanib pwersa na nga po ang mga mukhang sisiw na binebenta sa fiesta. Nakangisi silang tumingin sa direksyon namin at masama naman ang tingin ni Chloe sa kanila.
Tatayo na sana siya pero kaagad ko siyang hinila paupo, baka mamaya maubos ang buhok niya sa sabunot ng mga ‘yon.
Hindi na siya mukhang bunot, bao na ang itatawag ko sa kanya.
“So, ang campaign niyo ay magsisimula sa Monday hanggang Thursday. Ang botohan naman ay magaganap sa Friday. Vote wisely students, thank you for participating.” Lumabas na ng pintuan si Madam F* at saka na tumunog ang bell na nangangahulugang lunch break nanaman.
------------
“Naku! Napipikon na ‘ko sa tatlong sisiw slash Philippine flag na mga babae na ‘yan!” usal ni Chloe na ngayon ay binubuhos ang galit sa kinakaing strawberry cake.
Naaawa na lang ako sa pagkain niya dahil lusag-lusag na ito dahil sa pagtusok niya dito. Kawawang strawberry cake.
“Relax ka lang Chloe, ang mabuti pa tulungan mo na lang ako sa campaign sa Lunes,” wika ko naman at sumubo ng chocolate cake.
As usual, nandito nanaman kami sa canteen at hindi ko pa nakikita si Gray na pumasok dito. Nasaan na kaya ‘yon?
“Game ako diyan! Basta pangako ko sayo, tatalunin natin ang Vivian na ‘yon! Mas maganda ka sa kanya tandaan mo ‘yan.” Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya at itinuloy ko na ang pagkain
Mga ilang minuto pa lamang ang nakakalipas nang maramdaman ko ang biglaang pagkulo ng tiyan ko.
Walangya, panis ba ‘yong cake nila? Bakit hindi nagustuhan ng stomach ko? Napahawak ako sa aking tiyan at dahan-dahang tumayo. Nakuha ko ang atensyon ni Chloe at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
“M-mimi, okay ka lang ba?” tanong niya.
“Tawag ng kalikasan!” Tumakbo ako papalabas ng canteen at tinahak ang daan papuntang girls bathroom na malapit lang naman sa canteen.
Mabuti nga at hindi nila naisipang ilagay ito sa second floor or matataas na floor, kung hindi naku! Baka lumabas na ang kargada ng tiyan ko sa pathway.
“Excuse me!” Natabig ko pa ang babaeng papasok sana ng isang cubicle ngunit mabuti na lamang ay naunahan ko siya at kaagad akong nakapasok doon. Kasing pangit ng masungit na tindera ang tinda nilang cake na nakaka diarrhea!
May kalahating oras din akong nagwithdraw sa inidoro, pakiramdam ko ay nailabas ko na ang lahat ng kinain ko simula kaninang umaga hanggang kaninang lunch.
Lumabas na ako ng cubicle at nagulat ako nang makitang walang tao dito. Mukhang hindi nila kinaya ang makapigil-hiningang orasyon ko kanina.
Naghugas na ako ng kamay at saka na lumabas ng CR. Sayang lang ‘yong kinain kong imbutido noong umaga at sopas noong recess. Sa aking paglalakad ay nakasalubong ko ang tatlong babaeng kontra-bida lagi sa kwento ng buhay ko.
“Ang ganda-ganda ng araw ko, tapos sisirain lang ng isang monkey na katulad mo,” wika ni Vivian habang nakahawak ang isang kamay sa bewang. Jusko naman, hanggang dito dapat naka-pose? Heller, wala namang camera dito.
“At least matalino ‘yong unggoy. Alam mo anong tawag ko sayo? Dikya! Kasi wala kang utak!” sagot ko naman sa kanya habang nakatikom ang mga kamao. Tapang-tapangan lang naman ito kaya ‘wag kayong ma-amaze sa akin.
“How dare you?! Ugly monkey!” singhal niya sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo at saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa.
Kinikilatis ko ang buong pagkatao niya sa labas. Para lang siyang over ripe na bayabas, maganda sa labas ngunit may bulate na sa kaloob-looban.
“Alam mo, ang chaka ng hair mo. Minsan try mo din ng gray,” komento ko sa buhok niya. Parang na-conscious naman siya at saka hinawak-hawakan ang buhok niya.
“Bagay ba sa ‘kin ang gray?” Ngumiti naman ako at saka lumapit sa kanya at hinawakan din ang kumikinang niyang buhok na nagmukha ng wig dahil sa sobrang tingkad ng kulay nito.
“Oo, tapos lagyan mo ng faded na black sa dulo.” Ngumiti siya at saka tumingin sa mga kaibigan niya. Nawala ang ngiti niya sa labi nang matauhan siya at saka hinawakan ako buhok ko. Kaines! Akala ko mauuto ko siya.
“Basta pangit ka pa din!” Kinaldkad niya ako habang naglalakad siya papunta sa malawak na field ng school.
Punyemas, may balak ba siyang tangggalin hanggang sa kaisa-isang strand ang buhok ko? Kulang na lang ay pati anit ko tapyasin na niya.
Ang ilang estudyante ay nakukuha na namin ang atensyon dahil sa ginagawa niya. Mga chismosang frog. May sarili naman silang buhay, bakit hindi iyon ang atupagin nila?
Tutulo na sana ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman nang biglang bitawan ni Vivian ang buhok ko at naramdaman ko ang isang kamay na hinila ako papunta sa kanyang likudan.
“Hindi ako nananakit ng babae pero kung si Hayami ang sasaktan mo, baka makalimutan kong babae ka.” Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Simon pala ito na nakasuot pa ng jersey number 1 at pawisan pa ang mukha niya.
“Ikaw? Bakit mo pinagtatanggol ang babae na ‘yan? Ginayuma ka na din ba ng monkey na ‘yan?!” sigaw ni Vivian habang inaayos ang buhok niyang napunta sa kanyang mukha.
Ngumisi si Simon at saka hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko naman. Napaka dugyot talaga nitong si Sai, baka kung saan-saan na niya inihawak ang kamay niya sasalinan pa ‘ko ng mikrobyo.
“She doesn’t need to charm me anymore, she just got me because of her kindness. And that makes her more beautiful.” Hinila na niya ako papalayo sa tatlong sisiw habang naiwan naman sila doong hindi makapaniwala sa nangyari.
Ayan, napapaghalata ang mga walang laman ang utak, mukhang hindi nila naintindihan ang English ni Sai.
Hayami's POV"Hoy! Bibig mo baka pasukan ng langaw."Bumalik ako sa ulirat nang bigla akong batukan ni Chloe. Kanina pa pala 'ko tulala sa kawalan habang nandito kami sa loob ng classroom. Vacant kasi namin at hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka-recover sa sinabi ni Grayson kaninang umaga."Aray! Namimisikal ka na, ah!" sigaw ko sa kanya.Napatakip naman siya sa magkabila niyang tainga at napangiwi."Ikaw kasi! Kanina ka pa tulala d'yan, parang gagawin ng airport ng mga langaw 'yang bunganga mo dahil kanina pa nakanganga.""Aish! May problema kasi ako, Chloe." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa kanya."Bakit? Anong nangyari?" tanong niya. Alam ko kapag ganito na ang tono ng pananalita ni Chloe, seryoso na siya. Lalo na kapag ganitong lumalaki na ang butas ng ilong niya."Pakiramdam ko kasi
Hayami's POV"Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi, ha." Niyakap ko pa si Chloe bago na siya tuluyang sumakay ng tricycle at unti-unting lumiit sa aking paningin ang kanyang sinasakyan.Natapos ang buong maghapon ng saya at tawanan. Idagdag pa ang napaka laking big revelation ko kanina kay Grayson. Yes, napaka laki at big talaga kasi hindi siya nakasagot! Pero, hindi naman talaga siya nagsasalita madalas."Mimi! Pumasok ka na dito at maligo ka na! Amoy araw ka ng bata ka!"Kahit nandito ako sa tabing kalsada ay dinig ko pa din ang boses ni Nanay mula sa loob ng bahay. Dinaig pa talaga ang sound system ng barangay sa sobrang lakas ng volume niya, high pitch eh."Opo 'Nay! Papasok na po!" tugon ko naman.Pagpasok ko ng gate ay akmang isasarado ko na ito nang bigla na lang natanggal sa pagkakakakabit sa semento at matumba sa kalsada. Walanjo! Bumigay na talaga, noon nag
(Continuation of chapter 13)Hayami's POVMarami pang mga kamag-anak namin ang nagbigay ng regalo sa akin.Ilan sa kanila ay si Lolo Lucas, ang ama ni Tatay. Matanda na ito ngunit nakakalakad pa din. Kanina nga, pagdating niya sa harap ko ay mukhang nag-isip pa kung ibibigay niya 'yong regalo kaya ang ending para kaming nasa tug of war kanina.Nakalimutan niya siguro kung nasaan siya at kung sino ako. Hay buhay, mga matatanda nga naman.Isa pa sa nagbigay ng regalo sa akin ay ang nag-iisang kapatid na babae ni Tatay, si Tita Hanna. May dala pa siyang sanggol kanina habang may nakakapit sa damit niya na limang taong gulang na batang lalaki.Malaki ang agwat ng edad nila ni Tatay kaya naman maganda pa ito at batang-bata. Sa tantsa ko ay nasa edad twenty-nine lamang siya.Noon ay sinabihan pa niya akong pag-aaral ang atupagin para hindi mabunt
Hayami's POVBuong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Sa lahat ng tao, si Gray talaga ang hindi nakakalimot ng birthday ko. Hindi kagaya ng iba d'yan! Mismong kadugo na, galing sa tiyan, kasama na sa eskwela, hindi pa din naalala!Sabado ngayon, kaarawan ko na at... ni isa sa mga magulang ko ay hindi naalala ang araw ng kapanganakan ko."Siguro, magkukunwari na lang din akong hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito."Malungkot man ay bumangon na ako sa aking higaan at dumiretso na sa may pinto. Pinihit ko na ang doorknob at binuksan na ito."Happy Birthday, Mimi!"Halos mapatalon ako sa gulat nang madatnan sa labas ng pinto sila Nanay, Tatay, Chloe, at Gray na kapwa malawak ang ngiti ngayong umaga. Tama ba 'tong nakikita ko?S-si Nanay, may hawak na cake na chocolate flavor ata tapos may kandila sa gitna.&n
(Continuation of chapter 12)Hayami's POVMagkasama kami ngayon ni Chloe dito sa library at hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ng mama niya at biglang nagyayang magbasa daw kami. Mag-aaral na daw siya ng mabuti.Wala namang masyadong tao dito sa library at ang kadalasang mga estudyanteng nakikita ko dito ay mga nakasalamin, at mukhang mga nerd or ipagpalagay na nating mga bookworm na tao."Matagal pa ba 'yan?" bulong ko kay Chloe na naka-focus sa binabasa niyang Science book."Shhh, 'wag mo 'kong istorbohin."Ang sarap pukpokin ng makapal na Merriam Dictionary ang isang 'to. Hay, makahanap na nga lang din ng libro.Tumayo ako at dumiretso sa shelves kung saan nakahilera ang mga novel books. Iniisa-isa ko pa ang bawat libro. Kapansin-pansin din ang mga sapot ng gagamba sa ibang libro, halatang madalang malinisan.
Hayami's POVMaliwag. Bakit maliwanag? Pawang puti ang naaaninag ko sa paligid. Oh my God! Deads na ba me?!Napasigaw ako at mabilis na bumangon sa aking kinahihigaan at nagulat ako nang unti-unting lumabas sa paningin ko ang mga taong nakatingin sa akin na ani mo'y pinagmamasdan ang isang baliw na babae.Sila Nanay at Tatay pala. At wala ako sa langit, nasa kwarto ko na pala 'ko.Ilang segundo ang lumipas at doon ko na naramdaman ang kirot na nagmumula sa ulo ko. Napahawak ako dito at napapikit ng madiin. Walanjo! Parang sinapok ni Chloe ng sampung beses ang ulo ko sa sakit."Anak! Anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay habang hinahaplos ang ulo ko. Maging si Tatay ay bakas din sa mukha ang pag-aalala."O-okay lang po ako, medyo masakit lang po ang ulo. Ano nga po palang nangyari?" Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga
(Continuation of chapter 11)Hayami's POVKanina sa klase ay muntik pa 'kong mapalipat ng section. Paano ay akala nila nagkamali ako ng pinasukang classroom. Kung hindi pa sinabi nila Simon at Chloe na ako si Hayami ay hindi pa sila maniniwala.At ngayon ay papunta kami ni Chloe sa library para magbalik ng hiniram naming libro noong nakaraan. Kanina ay kinuwento ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga at maging siya ay hindi din makapaniwala. Parang kinikilig pa nga ang gaga at ani mo'y nakikinig sa isang telenovela kung maka react."Nagbubunga na ang mga pinaghirapan natin, Mimi!""Oo nga eh, aaminin ko noong una ay hindi ako kumbinsido na gagana ang naisip mong kat*ngahan pero ngayon parang gusto kitang sambahin.""Ano ka ba, bestfriend? Syempre tayo-tayo na lang ang magtutulungan. Basta ba tutulungan mo rin ako kay Simon, eh."Napailing
Hayami's POV"G-gray."Tila ba may naramdaman akong nagsasayaw na paru-paro sa stomach ko. Ilang beses din akong napalunok dahil ang gwapo talaga ni Gray."Bitiwan mo 'ko!" Pilit na hinihila ni Vivian ang kamay niya na hawak-hawak ni Grayson ng mahigpit.Hindi ko man lang kakikitaan ng emosyon ang pagmumukha ni Grayson. Hindi ko ba malaman kung nagagalit ba siya, naiirita, natatawa, natatae, o ewan ko ba. Para siyang aklat ng Chinese, ang hirap basahin."I'll only do that when you say you won't hurt Mimi again," wika niya sa malamig na tono."Hell, no— ouch!"Napahiyaw na lamang si Vivian nang lalong humigpit ang pagkakakapit sa kanya ni Grayson. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko din ang nararamdaman niya. Parang mababali ang payatot niyang kamay kapag hindi pa ito binitawan ni Gray. Diyos ko po! Ayaw kong masangkot sa kr
(Continuation of chapter 10)Hayami's POVPara akong baliw habang nakatitig sa salamin at kanina ko pa kinakausap ang sarili ko.Papasok ba 'ko? O hindi?Hanggang ngayon ay kinakabahan pa din ako sa magiging reaksyon ni Gray... at ng mga estudyante sa Western. Pagpasok ko kaya ay magiging campus crush na 'ko?'Wag naman sana, baka hindi ko kayanin lahat ng manliligaw sa 'kin tapos 'yong locker ko mapupuno ng mga chocolates at love letters tapos may nakadikit na sticky note.Pero... may locker ba kami?Kanina ay ginamit ko ang binili namin ni Chloe kahapon na mga sabon at iba't-iba pang skin care daw kuno. Tapos ay ginamit ko din ang mga make-up na binili ni Chloe para sa 'kin.Kahapon pag-uwi ko ay hinabol pa 'ko ng walis tingting ni Nanay dahil sabi niya magnanakaw daw ako. Hindi niya ata ako nakilala.