Share

Chapter 2

I let the rays of the sun coming in from the window of my room hit my probably messed up face.

It was a one fine day... or so I thought.

Isang balita ang nabasa ko habang nags-scroll sa aking social media account. Napaupo pa 'ko mula sa pagkakahiga dahil sa gulat. Binasa ko ulit 'yon baka kasi mali lang ang pagkakaintindi ko. 

Pero hindi, pareho pa rin ang nababasa ko.

Is this for real? 

Napalitan ng takot at pangamba ang kaninang gulat ko. At mas tumitindi lang ang nararamdaman ko nang makita ang mga pictures, iba-iba pero iisa lang ang laman at pare-pareho ang ibig ipaalam.

"Z-zombies?" Naibulong ko sa nanginginig pang boses.

"Several social media posts have floated around the web, issuing the sudden zombie apocalypse and marking todays as the rise of the living dead."

Nakakatakot. 

Totoo kaya 'to? Pero bakit? Paano? Saan nagmula ito kung ganon? 

Parang imposible naman o baka kasi ayaw ko lang talagang paniwalaan sa ngayon ito? 

Kasi kahit gaano ko pa kagusto ang mga bagay katulad nito, mayroon pa ring takot sa loob ko at kagustuhang hindi sana mangyari ang ganitong pangyayari kailan man.

Pero hindi, eh, parang... parang totoo talaga. Nangyayari na...

May videos na nakalagay at sa nanginginig na daliri ay pinindot ko ang play button at pinanood yun. 

Pero sana hindi ko nalang ginawa. Mas nadagdagan lang yung takot ko. Kung ano-ano na rin ang naiisip ko. 

It was horrifying! 

Nangatal ako. I don't even know what to feel! I mean, it was probably a mixed emotions.

The video began with a loud screams, seems like people are crying for help and a freakish roar of someone with a pair of dead eyes, disheveled hair and full of blood face, with messed up clothing popped up the screen.

Magulo ang pagkakuha ng video, halatang tumatakbo at may tinatakasan. It's too dizzying that you won't be able to see what's in it if you won't pay so much attention.

Pinanood ko iyon ng mabuti. I watched it with my full attention, looking at every angle and trying to understand everything.

I am nervous and great fear crept within me as the video goes on.

Naalala ko yung mga madalas na nababasa at pinapanood. About parallel universe, aliens, other world, de javu, reincarnation, lucid dreaming, astral projection, witchcraft, and this, zombies. 

I have also watched a lot of visions from different people who claimed they can do it for real. It was all creepy, really. 

I am actually a kind of person who don't easily believe unless I am able to see it myself, with my own naked eyes.

Pero ito na kaya yun? Iyong mga hula? Mangyayari na ba 'yong kinakatakutan ng marami? Magsisimula na bang masira ang mundo? Is this for real?

Pero heto na, eh. May video na, may pruweba na. Nangyayari na. Ngayon.

Halos mapatalon ako at muntik na ring mahulog ang cellphone na hawak nang biglang bumukas ng pabalang ang pinto ng kwarto. Pumasok ang kapatid ko at nagulat siya sa naging reaksiyon ko. Nanlalaking mga mata ba naman ang naabutan niya.

"Anong itsura 'yan?" Humalakhak siya. 

Tumikhim ako at umayos ng upo saka siya sinamaan ng tingin. Pero mas tumawa lang siya.

Alam ko, ang epic talaga ng naging reaksiyon ko. Mahihiya na sana ako pero dahil si Rose lang naman, tss huwag nalang.

"Llana ah, anong pinapanood mo?" Nanliliit pa ang mga mata niya habang papalapit sa akin. B"para kang nahuling may ginagawang kababalaghan?"

Inirapan ko siya. 

Llana huh? Langya talaga 'to. Kung makatawag ng Llana parang mas matanda pa sa akin. Sa pagkakaalam ko ilang taon ang tanda ko sa kaniya!

Hindi naman sa gusto kong tawagin niya akong ate pero, at least 'di ba? respeto naman! 

Hindi ko na binoses pa 'yon, paniguradong hindi rin naman ako nito susundin. Sayang lang ang effort if ever. At saka wala naman talagang kaso sa akin, I don't mind. Heck! I don't even care.

"Anong kababalagahan?!" Singhal ko. Nakatingin na siya ngayon sa phone ko kaya napatingin na rin ako doon. Tinitignan siguro ang sinasabi niyang kababalagahan. 

Sabagay, kababalagahan nga. 

Nasa screen pa rin yung video na hindi ko pa natatapos panoorin at naka pause. Napatingin ako sa nakatayo sa tabi ng kamang inuupuan ko nang umismid ito.

"Ano ba yan, Llana?! Tigilan mo na nga ang panonood sa mga ganyan! Ang weird mo talaga." Wala sa sariling hinampas ko siya sa braso. 

It feels like something has urge me to do that. Napadaing siya roon dahil nalakasan ko ang ginawang paghampas. 

This woman is getting on my nerves again. Wala talagang galang, tsk. Hindi na nga nag-aate, sinisigaw-sigawan pa 'ko. 

At weird? Psh, alam ko naman na 'yon at hindi ko alam pero natanggap ko nalang. Sa dalas ba naman nila akong tawagin ng ganyan ay hindi pa 'ko masasanay?

Bata palang ay todo research na ako sa mga bagay na ganoon, with things that has something to do with mysteries and such. Kaya bata palang din, weirdo na ang tawag sa'kin, nila ate, ng mga kaibigang kakilala, mga pinsan at pati nga rin sina Auntie ganon ang pagkakakilanlan sa'kin. Eh, sa mahilig ako sa mga ganitong bagay eh. 

Hindi ko nga lang talaga maintindihan kung bakit kapag mahilig ka sa mga paranormal things ay weird ka na. Hindi ba pwedeng out of curiosity lang? Interesado lang? Besides they say everything should be appreciated, so why this can't seem to be treated the same way? Para bang hindi ka belong kapag ganito ang gusto mo, kapag ganitong bagay ang nagbibigay kasiyahan sayo. I don't really know, but it feels that way.

Pero minsan hindi ko na nararamdaman ang dapat na insulto sa salitang weirdo na siyang tawag nila sa'kin. Nang tumagal ay nagustuhan ko na rin na ganon ako, hindi na offensive ang dating sa'kin, siguro kasi nasanay nalang din and immune na kumbaga. Ah ,weird nga talaga. 

Nga lang kapag galing sa bunganga ng nakakabatang kapatid, nabu-bwisit talaga ako. There's really something in her that always pisses me off.

"Umalis ka na nga lang! Ano bang kailangan mo ba't ka andito?" 

"Ano?! Kwarto ko rin naman to, ah."

Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin. Binalingan ko ang cellphone. Nandoon pa rin yung video. Pansamantala kong nakalimutan ang tungkol dito dahil sa inis. 

Sa gilid ng mata ay nakita ko si Rose na may kinuha sa loob ng cabinet niya pagkatapos noon ay lumabas na siya sa kwarto. I see her frowned as she eyed me and left after that.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. And a moment later, the fear and nervousness take over me once again. At sa nanginginig na daliri ay pinindot ko ulit yung play button.

Mabilis ang tibok ng puso ko habang nanonood. Nakakatakot pero pinagpatuloy ko pa rin. It just really frustrates me whenever my curiosity isn't answered.

Sa video ay makikita na ang maraming taong nagkakagulo. Nagtatakbuhan sila at nagsisigawan, 'yon palang ay nakakabahala na. Hindi ko rin malaman kung ano o saang lugar nakuhanan 'to. Basta malalaman mong sa city dahil may mga nagtataasang building sa background at isa pa ay walang masyadong puno ang makikita. Nasa mataas na lugar na ang kumukuha ng video at naka focus ito sa nangyayari sa ibaba. I can only imagine its videographer's state of mind, she or he is still able to capture it despite the situation she or he is in huh?

This video is different from what I am watching, this looks somehow real not edited or something.

Nakakapangilabot. Lalo na nung ni-zoom at pinokusan ang mukha ng isang zombie. Kulay abo ang balat nito at walang kulay ang mata kung hindi puti. Litaw na rin ang kulay itim na ugat sa mukha tapos kalat pa ang dugo sa mukha, sa bibig lalo na. Ang dami ng views ang video'ng yun. Millions and thousands. Pati comments ang dami rin. Pero wala akong maintindihan ni isa sa mga 'yon dahil nakasulat ito gamit ang ibang lengguwahe. Siguro kung normal na oras ito ay magagawa ko pang i-translate to english pero sa ngayon wala ako sa katinuan para gawin iyon at malaman pa kung anong ibig sabihin noon.

But one things for sure, one of these days a chaos will possibly surface.

Bakit ganito? Sa dami kong napanood na mga ganito, puro excitement at curiosity naman ang naramdaman ko ah? Bakit ngayon hindi na? Iba na? Nakakatakot na?

Mas lumakas pa ang pagkabog ng dibdib ko at mas nanginig pa ang kamay kong hawak ang cellphone. Pakiramdam ko katapusan na talaga.

In-off ko ang cellphone at itinabi. I went silent. Pinakiramdaman ko ang sarili, tumayo ako at naglakad papunta sa harap ng bintana mula sa ikalawang palapag ng bahay. 

Pinagmasdan ko ang labas. Ang mga bata na maiingay na naglalaro sa kalsada, mga abalang tao, mga nagtitinda, ang mga tambay na nakatayo o di kaya'y nakaupo sa isang kanto... hindi mo mahahalatang ilang araw mula ngayon ay may parating na delubyo. Hindi mo aakalaing may nagbabadyang panganib.

Wala silang nalalaman tungkol dito. O kung meron man ay hindi nalang siguro pinaniniwalaan dahil nakakatakot nga naman talaga. Kahit ako na sanay na sa mga ganoon ay nawala ang pagkakuryuso at interes bigla at napalitan ng pangamba.

Dati madalas kong isipin na kung mangyayari man ang bagay na ganon, gaya ng nababalitaan ko palang na apocalypse, –ay ayos lang dahil pinag-aralan ko 'yon, hinihintay pa nga eh at pinaghandaan. Pero ngayong nasa malapit na, hindi ko na alam. 

Bigla ko nalang hiniling na iyon ay wala sanang katotohanan.

Every unfortunate occurence will really make you realize some things.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status