Share

Chapter 1

Sometimes, things happen out of the blue. May mga bagay tayong hindi inaakala na darating, hindi inaasahang makamtan, mahawakan, o makita. Mga bagay na hindi inaasahang mangyari. At madalas tayong mabago ng mga pagkakataong iyon. 

Mababago dahil kailangan, mababago dahil wala na tayong mapagpipilian. Nasasayo nalang kung mabuti o tama ang dahilan mo. 

Kung para sa ikabubuti naman ay siguradong wala kang pagsisihan. Siguro may pagkakataon na hindi naging mabuti sayo, pero marahil sa iba— oo.

Ganon naman talaga. Dapat kapakanan ng iba ang madalas na inuuna, hindi ang sarili. 

Iyan ang madalas na ipaintindi ng mga magulang ko sa akin mula noong bata pa lamang. Pero maraming pagkakataon na napapaisip ako roon.

Masisi mo ba ang iba na gusto namang sarili muna ang intindihin? It is really that bad to put yourself first? Katulad ko. Makasarili ako, at alam ko yun. Hindi siguro madalas pero minsan hindi talaga mapipigilan. Lalo na ngayong lumalaki ako at lumalawak ang kaalaman. Madalas na sarili ang unang iniisip. Sarili ko ang unang iniintindi. Sarili ang nais na iniingatan. Kasi walang ibang gagawa noon para saakin, e. Walang iisip, walang iintindi at higit sa lahat walang nandiyan para ingatan ako. Wala, kaya ako nalang ang gagawa noon para sa sarili ko.

Kung sana nariyan pa ang magulang ko pero wala na. Wala na silang pareho, kinuha na sila saamin, iniwan na nila kami ng mga kapatid ko. Alam kong hindi naman nila sinadya at marahil ay hindi rin nila ginusto. Naiintindihan ko naman pero syempre masakit pa rin, masakit palagi kasi hindi ko makalimutan. 

But believe me, I tried moving on subalit talagang nakatatak na ito sa aking isipan, just a tattoo drawn in my mind.

Mahigit anim na taon na rin pala mula ng maaksidente sila na dahilan ng pagkamatay. 

Naaalala ko pa, nasa eskwelahan ako noon at nakikinig sa lecture ng teacher namin sa Science nang biglang dumating si Ate Vanji at sinundo ako. I was so clueless, 'di ko alam kung bakit pero may pakiramdam ako noon na may hindi magandang nangyari. At 'yon na nga, ibinalita sa akin ng kapatid ko na nasagasaan ang sinasakyan ng mga magulang ko. 

I was eleven years old when I became an orphaned.

Hanggang ngayon ay nangangarap parin akong magising, hinihiling na panaginip lang 'yon. Isang masamang panaginip. Masakit pa rin kasi. Ang aga pa para mang-iwan. Masyadong maaga pa para piliting tumayo sa sarili naming mga paa.

That's when my insecurities grew inside of me. Always envious everytime seeing a happy and complete family. I feel like something is always missing in my life, or perhaps someone and that someone for sure were my late parents.

Ngayon kaming tatlo nalang ang magkakasama– ah, oo nga pala, dalawa nga lang pala kami ni Marose na naiwan. Si Ate Vanji kasi ay piniling magtrabaho sa ibang lugar. Sabi niya wala na siyang mapagpipilian dahil 'yon lang ang paraan para mabigyan niya kami ng maayos na buhay. Sa pamamagitan ng pagta-trabaho niya, sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran. 

Alam ko namang para 'yon sa amin ng nakababata kong kapatid. Dahil sa amin kaya siya umalis. Hindi ko lang talaga masyadong maintindihan kung bakit pinili niya pang lumayo kung mayroon namang maaaring mapagtrabahuhan sa lugar namin. Iniisip ko tuloy na baka kasi ayaw niya kaming makasama. Baka ayaw niya sa amin kasi nahihirapan siya. 

Sino ba naman ang gustong magkaroon ng malaking responsibilidad sa edad na katulad ng kay Ate. Labing siyam pa lang siya pero napakalaking responsilidad na ang iniwan sakanya ng mga magulang ko. At kami 'yon ni Rose. 

Pero ngayong wala si Ate, sa akin niya iniwan ang responsilidad na 'yon, ang alagaan ang kapatid ko kahit pa nangangailangan din ako ng aruga.

Hindi ko nga lang alam kung nagagawa ko nga ba na alagaan ang kapatid, eh lagi kaming rambol ng isang 'yon. Bangayan kung bangayan, away kung away at syempre hindi ako magpapatalo. Napaka-spoiled kasi. Nakakainis nga eh, kung hindi lang talaga ako nahihiya sa bahay na tinutuluyan namin ay naku, lagot talaga sa'kin ang isang 'yon.

Sinamaan ko ng tingin si Rose. Ang asar kong kapatid. Bigla niya kasing hinablot ang cellphone ko, kausap ko pa naman si Ate. Ngayon ay siya na ang kumakausap dito at kasalukuyan lang naman siyang nagsusumbong. 

I actually wanted to strangle her.

Psh! sige sumbong ka, para namang may magagawa si Ate. Ah oo nga pala, may magagawa 'yon, bubungangaan ako at pagagalitan dahil blah blah blah. 

Madalas ay hindi ko naman pinakikinggan kasi paulit-ulit lang naman na kesyo ako daw ang nakakatanda kaya dapat ako ang umintindi and that mindset were actually one which I hated the most! 

Really? Lagi nalang ba kaming 'nakakatanda' ang dapat sisihin sa mga ganon na bagay kahit na alam ko naman sa sarili ko na ako ang tama at may katuwiran? Oh, well. Ako ang nakakatanda, I should understand that one, too. 

"Palgi niya 'kong kinukurot tapos binabatukan. Hindi niya din ako binigyan ng pera kanina. Lagi pa akong inuutusan–"

Inabot ko siya pero nakaiwas naman agad. Bwisit talaga 'to kahit kailan, eh.

"Hoy! Hindi mo nga ako sinusunod!" Baliw na 'to, lagi ngang nagrereklamo. Kaya sa huli utos ko, sunod ko.

Hinabol ko siya pero dahil mabilis talaga ang takbo niya ay hindi ko maabutan. Naiinis na rin ako. Gustong-gusto ko na siyang mahuli para batukan. Sumbong pa rin kasi ng sumbong, buti sana kung totoo naman ang pinagsasabi niya, eh, pulos kasinungalingan naman. Kagagalitan na naman ako ni Ate niyan, kailangang ihanda ko na ang tainga ko. Mahaba-habang sermonan na naman 'to. 

Buti nalang at wala ngayon sina Auntie Rima. Sa kanilang bahay kasi 'tong ginagawa naming playground ngayon. Sa kanila kami nakatira simula noong umalis si Ate. Pinsan namin sila, si Uncle Denis na asawa ni Auntie ay pinsan ni Papa kaya ganon. Wala namang problema sa kanila 'yon at ang totoo ay pabor din sila na tumira kami rito dahil siguradong hindi namin kakayanin ni Rose na kaming dalawa lang sa isang bahay at hindi rin naman 'yon gusto ni Ate.

Mababait naman sila sa amin ni Rose. Pero kasi syempre nakakahiya minsan. Hindi ko maiwasang isipin na nakikigulo kami sa kanila, panira kumbaga.

Sa huli ay napagod ako. Inirapan ko nalang ang tumatawa na ngayong bulaklak. Nakakainis. Wala na naman akong nagawa. Talo na naman ako ng batang yun, nakakainis, lagi nalang. Akala ko kakayanin ko siya pero naku ang tindi ng isang niya. Oh baka naman mahina lang talaga ako. 

Umakyat nalang ako sa pangalawang palapag ng bahay at pumunta sa kwarto naming dalawa doon. Ayoko siyang makita at naha-highblood ako. Mukha niya palang, nag-iinit na ang ulo ko. Ganon na talaga kami. Madalas bangayan, bilang ko nga lang ang mga pagkakataon na nagkasundo kami sa isang buong araw.

Hindi ko alam kung normal lang ba 'tong lagi kong pagkainis sa kapatid. Walang araw yatang lumipas na hindi ako naasar sa kay Rose. Ang totoo ay hindi ko ramdam ang pagiging kapatid ko sakanya at pagiging kapatid niya sa'kin. 

Hindi kami yung tipong nag-uusap, nagsasabihan ng sekreto o ng kung anong nararamdaman, hindi kami nagdadamayan, hindi kami yung sweet sa isa't isa at hindi rin kami yung mag-aaway pero magbabati rin naman. Kaya hindi ko talaga masyadong kilala ang kapatid ko at ganon din naman siguro siya sa'kin, estrangherong masasabi. Mas kapatid pa nga ang turing ko sa mga pinsan ko, eh, mas close ko pa nga sila.

***

Napatingin ako sa nakabukas na pinto nang makarinig ng katok doon. Nanonood kami ng movie sa tv. Bagong biling DVD ni Auntie ang nakasalang, it's a sci-fi kind of a movie which interests me. Tumayo si Auntie Rima mula sa pagkakaupo sa tabi ko at nilapitan sila. 

Tatlo silang lalaki, ang isa ay mukhang hindi nalalayo sa edad ni Auntie habang ang dalawa naman ay ilang taon lang yata ang tanda sa'kin.

Napatingin sa akin yung isa, napansin siguro ang titig ko. And boy, ang cute niya! 

Napatitig ako sa mata niya, kahit malayo ay kapansin-pansin parin ang pagka-kulay brown noon, brown din ang kulay ng mga mata ko, nga lang dark brown naman ito kaya hindi kaagad mapapansin kung hindi pakakatitigan. Sa lalaking yun ay kitang brown talaga. Maputi rin siya, mas maputi pa nga sa'kin tapos itim na itim ang medyo magulo niyang buhok na may kahabaan. Matangos din ang ilong niya at medyo mapula ang may kaliitang labi. Nakakulay abo siyang printed shirt at maong na pantalon saka Nike shoes which greatly suited him.

Nangunot ang noo niya at saka nag-iwas ng tingin.

Aw suplado. Lumabi ako at iniwas nalang rin ang tingin sa lalaki at binaling sa mga batang naglalaro sa isang tabi, isa na doon si Rose at ilang pinsan kong ka-edaran niya.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglubog ng sofa tanda na may umupo rito, si Auntie. Tinignan ko siya. Nakatutok na ulit si Auntie sa pinapanood namin sa tv.

"Sino po yun, Auntie?" hindi ko mapigilang magtanong. Hindi kasi sila pamilyar, ngayon ko nga lang nakita eh. Oh baka naman hindi ko lang talaga kilala dahil sa pagiging taong-bahay ko.

Nagkibit-balikat lang si Auntie. "Nagtanong lang ng kakilala." 

Tumango ako.

Ang totoo ay gusto ko sanang itanong ang pangalan noong lalaki kaya lang baka isipin niyang interesado ako kahit ang totoo ay, uh, konti lang naman. Ang cute talaga kasi, eh. Sana nga lang ay hindi ko makalimutan yung mukha. Makakalimutin pa man din ako.

Kinabahan ako nang makahulugang tumingin si Auntie sa akin na para bang nabasa ang nasa isip ko.

"Uy, ikaw ah... May gusto ka sa isa sa mga 'yon no?" Tudyo niya.

Hinawi ko ang daliri niya na sinusundot and tagiliran ko at nagpakawala ng singhap. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dala ng panunukso niya.

"Wala, A-auntie!"

"Naku, kilala ko 'yang mga tingin mo na 'yan. Kabisado ko na ang mga pahiwatig mo kapag may bagay na interesante para sayo, at ganyang-ganyan 'yon!" 

Iniwas ko ang tingin sakaniya pero sadyang mapanukso talaga kaya pilit niya iyong hinahanap.

"Auntie n-naman, hindi po!" 

"Asus, sino dun sa dalawa huh? Sabihin mo na, hindi naman ipagkakalat ni Auntie, eh. Sa'tin-sa'tin lang." Tinaas niya pa ang kanang kamay na para bang nangangako.

"W-wala nga, Auntie!" Iwas ako ng iwas sa malikot niyang kamay na panay ang sundot sa'kin.

Napapikit na lamang ako nang marinig ang halakhak niya.

"Nauutal ka pa, ah." Pasaring niya.

Natawa nalang ako sa kakulitan ni Auntie Rima. Pilit niya akong ginisa pero sa huli ay tumigil din at pinagpatuloy ang panonood sa tv na patapos na ang pinalalabas.

It was one of the million times that we're having this kind of bonding. 

And everytime it happens, I always make sure that it will be imprinted in my mind for it won't happen again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status