Share

Cry for Love
Cry for Love
Author: Affeyly

Chapter 1

Sinigurado kong maayos ang mukha ko bago ako tuluyang lumabas sa sarili kong kwarto dito sa malaking bahay namin ng asawa ko. Napangiti ako nang makita ang ilang maids namin na sobrang abala sa mga kanya-kanyang gawain. 

Maingat ngunit mabilis akong pumunta sa kusina at naabutan ko doon si Manang Selya na siyang tumatayong mayordoma sa bahay namin. Kaagad siyang ngumiti ng matamis nang makita ako saka marahang lumayo sa niluluto para hayaan akong ipagpatuloy 'yon.

Bahagya akong natawa saka tuluyan nang nilapitan ang iniwan niyang karne para ako na nag magtuloy sa pagluluto.

"Sorry, Manang, tinanghali ako ng gising," nakangiting sabi ko pero bahagya lang umiling si Manang Selya sabay hagod ng bahagya sa likuran ko.

"Ayos lang, Anak. Hindi mo na nga kailangan pang gawin iyan dahil marami naman kami dito." 

Tumawa lang ako sa sinabi niya saka tinuon ang buong pansin sa pagluluto. I love to cook but this is not my profession. I am a housewife and I also do painting as a hobby. Nag-aral ako ng business pero hindi ko na rin napakinabangan kasi ang asawa ko na ang umaasikaso sa lahat ng negosyo ng mga magulang ko. I love being a housewife and I love how free I am.

Ilang minuto lang natapos na ang niluluto namin kaya mabilis ko itong dinala sa breakfast table na may nakahanda ng mga plato para sa aming dalawa ng asawa ko.

 Tiningnan ko pa ang lahat at sinigurado ko na maganda tingnan bago ako umupo sa upuan na para sa akin. 

"Nandiyan na si Jeck," bulong ni Manang sabay balik sa kitchen kaya kaagad kong nilingon ang asawa ko na kasalukuyan nang naglalakad papunta sa hapag kainan.

"Good morning!" bati ko sa masiglang boses pero ni isang sulyap hindi niya binigay sa akin kaya tumahimik na lang ako saka bahagyang kumurap at lumunok.

Sinundan ko ng tingin ang walang reaksyon niyang pagkuha ng pagkain na parang wala siyang kasama sa mga oras na ito. He is already wearing his corporate suit and his curly hair is slightly fixed causing him to look so neat. Hindi nakalampas sa akin ang bahagyang pagkunot ng makapal na kilay niya nang isubo ang adobo na si Manang ang gumawa kasi medyo nalate ako sa paggising.

Napalunok ako nang bigla siyang tumayo na parang nawalan ng gana kaya pati ako napatayo rin.

"Jeck, hindi mo ba tatapusin ang pagkain mo?" Dali-dali kong tanong nang kaagad siyang naglakad paalis.

"I lost my appetite," malamig na sabi niya bago tuloy-tuloy na lumabas ng bahay kaya napatulala nalang ako habang nakatanaw sa likod niyang papalayo.

Malungkot akong ngumiti ilang minuto pa ang lumipas. I always wanted to have a magical and amazing love story. Pero biglang gumuho ang pangarap kong 'yon ng ipagkasundo ako ng mga magulang ko kay Jeck. Pero mabilis kong tinanggap kasi alam kong hindi ako pwedeng tumakas sa ganitong gawain ng pamilya. I need to marry a man that I don't even know for our business. 

Pero hindi ako tulad ng ibang babae na walang pakiramdam. I was attracted to my husband. He looked really good the first time I met him even until now. I learned to love him. And I've been trying to get inside his heart. I am trying everything for him to notice me. Pero isang taon na kaming kasal wala pa rin siyang pakialam sa akin 

Unti-unting bumalik sa mga ala-ala ko ang araw ng kasal namin. That was one of the most memorable days that happened in my life. The day I got married. 

"Ang ganda mo!" Maligayang sabi ng bestfriend ko na si Joy kaya matipid akong ngumiti.

This is the day that I will get married. Jeck Tristan Abueva, the man that I just met last week. But I honestly find him so attractive but he is a little bit distant and cold. 

"Thank you," mahinang sabi ko sa kaibigan bago lingunin si Mommy na tahimik lang sa tabi na nagmamasid sa akin. I could see some tears forming in her eyes so I smiled sweetly at her.

"My baby is getting married today,' emosyonal na sabi niya bago ako marahang niyakap kaya napatawa ako ng mahina.

"I am twenty four mommy,"  nakangusong sabi ko kaya natawa na rin siya ng mahina bago mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"You are the most beautiful bride darling," malambing na sabi niya kalaunan matapos ang pagdadrama.

"More beautiful than you?" Pabirong tanong ko kaya bahagya rin siyang ngumuso na ikinatawa namin pareho.

Hindi ko alam kung handa na ako sa buhay may-asawa. Pero alam kong dito pa rin naman aabot ang lahat kaya dapat ko nalang tanggapin. I am happy to help our business by doing this. By marrying someone I don't love.

"Ready?" Tanong ni Mommy kalaunan kaya kabado akong tumango bago dahan-dahang tumayo. Agad namang dumalo ang ilang mga staff para tulungan ako sa sobrang laki kong gown. Pahirapan kaming lumabas sa hotel room hanggang sa makarating kami sa bridal car ko.

Sobrang lakas ng kabog ng d****b ko habang nasa loob ng kotse. I am alone here at the back and the driver is also silent in front. Tahimik ako na nagdadasal habang papunta sa simbahan kasi kinakabahan talaga ako.

Our wedding is the most awaited wedding here in the Philippines so there will be a lot of reporters and videographers on this day. My parents and Jeck's parents arranged everything so it's so grand. Kung ako sana ang tatanungin mas gusto kong simple lang. But this one is good too. Afterall, the efforts are worth it.

Pagkahinto namin sa tapat ng venue kaagad akong nanlamig at nanginig. I could already hear the sweet music that made me tremble even more. Ilang ulit akong napalunok dahil hindi na rin ako mapakali.

Biglang kumatok si Joy sa bintana kaya agad ko 'yong binuksan. Pero sana hindi ko na lang ginawa kasi mas lalo lang nadagdagan ang kaba ko nang makita ang pagkataranta sa mukha niya.

"What's wrong?" Mahinang tanong ko kasi namamwis siya at parang hindi mapakali.

"Maghintay ka raw muna. Jeck is not yet there," madiin na bulong kaya marahan akong tumango saka sinara muli ang bintana.

He is not yet there? Posible kayang hindi niya ako siputin? Pero bakit sa mismong kasal pa siya aatras? Bakit hindi sa simula palang?

Gustong tumulo ng mga luha ko dahil sa maraming tanong na bumabagabag sa utak ko. Kung aatras lang rin siya sana sinabi niya kaagad para hindi na nag-effort sina Mommy. At para wala na ring mapapahiya.

Pero agad nawala ang mga agam-agam ko nang kumatok na naman si Joy pero sa ngayon mukhang maaliwalas at masaya na ang mukha niya. Nang mabuksan ko ang bintana kaagad niya ako ng binigyan ng isang matamis na ngiti kaya bahagyang nawala ang kalahating kaba ko.

"Ready? Your groom is waiting, Mrs. Abueva," nakangiting sabi niya kaya hindi ko mapigilan mapangiti.

Ilang sandali lang may nagbukas ng pinto ng kotse saka inalalayan nila akong pumunta sa likuran ng saradong pinto. Bahagya akong pumikit saka huminga ng malalim para kahit papaano maging maayos ang pakiramdam ko. Wala akong maramdaman na iba kundi kaba lang. I am so nervous. Not excited, not happy but nervous.

When the wide door opened I slowly opened my eyes and a lot of smiling guests welcomed me. Pero dumiretso ang tingin ko sa mahabang altar at doon nagtama ang mga mata namin ng magiging asawa ko. Wearing his white tuxedo causing him to look even better. Hindi siya nagpapakita ng kahit anong emosyon habang nakatitig sa akin. Marahan akong naglalakad habang kumakabog ng mabilis ang d****b sa kaba at sa isang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.

I could hear everybody's gasp around me but I didn't leave my soon to be husband's eyes. I am so curious about his reaction. 

Nang tuluyan akong nakalapit kaagad akong sinalubong ni Mommy at Daddy. Mom gave me a tight hug and dad gave me a kiss on my forehead.

"Gorgeous darling," my dad whispered before escorting me towards my groom. 

Napalunok ako bago dahan-dahang humawak sa braso nito. Kaagad niyang iniwas ang tingin sa akin saka sabay kaming humarap sa pari. We are both stiff and emotionless but my heart is beating so fast. Hindi ko alam kung ganoon din ang sa kanya pero sigurado ako na hindi lang dahil sa kaba ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"You, Eya Sheyrine Guevarra accept Jeck Tristan Abueva to be your lawfully wedded husband?"

"I do father," mahinang sagot ko.

"You, Jeck Tristan Abueva accept Eya Sheyrine Guevarra to be your lawfully wedded wife?"

There was a long silence after that question because he didn't answer. Kinakabahan akong napalingon sa kanya at naabutan kong nakatingin rin siya sa akin na may halo-halong emosyon sa mga mata. Tuluyang kumawala ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang mabasa ang pagsisisi at lungkot sa mga iyon.

"I do," malamig na sagot niya habang nasa akin ang tingin kaya pumalakpak ang lahat.

"I now pronounce you husband and wife! You may kiss the bride!"  

Hindi ako gumalaw kaya siya mismo ang humarap sa akin. My tears are continuously flowing while he is lifting my veil. I swallowed hard when he titled his head slowly and put a light kiss on my lips that gave me an electrifying feeling that I couldn't understand.

That is my first kiss. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam nang m*******n. But I can feel something weird. So weird that it's hurting me.

"I am not happy. I hope you understand," mariin na bulong niya matapos ang h***k kaya mas lalo akong nanginig at nanlamig.

"Congratulations to both of you!"

They congratulated us but I am not genuinely happy about it. There's something about what he said that made me scared. Parang natatakot at nalulungkot ako dahil sa binulong niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit. 

"Mr. and Mrs. Abueva! 

And weeks after our wedding nalaman ko na may girlfriend pala siya na hindi alam ng mga magulang niya. And he loves her so much that he can't even look me in the eyes for a couple of minutes. Like he is allergic. He doesn't care, at all.

Napangiti ako ng malungkot dahil sa ala-ala na iyon. I am in love with my husband. But I know he has a girlfriend. I am not angry because I am the one who ruined them when I accepted the marriage proposal.

Sa isang taon na pagsasama namin wala akong maalala na kinausap niya ako ng matagal. It breaks my heart every time he is treating me that way but I have no rights to demand. Because our wedding is for convenience. One sided love.

"Anong nangyari?" Tanong ni Manang ng maabutan ako na nakatayo lang doon kaya mabilis akong ngumiti para itago ang bigo at lungkot.

"Wala po, mamaya nalang po pala ako kakain. May aayusin lang ako sa taas," matamlay na sabi ko saka nagsimula nang umakyat sa taas.

Our households knew how cold my husband was towards me. Our parents even know. Mommy wants me to end this but dad insisted on trying. Even Jecks's parents insisted that we need to keep on trying. Hindi nila alam na parang wala ng pag-asa.

Kailan niya kaya ako titingnan na parang babae? Kahit hindi na parang asawa niya. I just want to see him smile. 

I love him. He is cold and rude towards me but I fell in love with him. Alam niya kaya 'yon? Darating rin kaya ang panahon na mapapansin niya ako? Na magugustuhan niya? O kaya mamahalin niya?

Because I want him to feel the way I feel. I want this marriage to work. I want him to look at me with so much passion and love. Pero kailan kaya 'yon? Darating kaya?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Valoria Buskey
Not in English
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status