Share

Chapter 2

"Manang, wala pa po ba si Jeck?" Kabadong tanong ko kay Manang Selya nang makababa ako kasi hating gabi na hindi pa rin siya nakakauwi.

Maraming beses na siyang umuwi ng late at mayroong pagkakataon na hindi siya umuwi pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. He is driving his own car and I don't trust other drivers out there.

Kalmado akong umupo sa sofa dito sa living room habang lingon ng lingon sa pintuan.

"Uuwi rin iyon, Anak. Mas mabuting matulog ka na. Gigisingin na lamang kita kapag dumating na ang asawa mo," mahinang sabi ni manang kaya marahan akong umiling.

"Hihintayin ko nalang po siyang umuwi. Matulog na po kayo," magalang na sambit ko saka marahang hinimas ang braso ko dahil sa lamig ng aircon.

Tahimik akong pinagmasdan sandali ni Manang bago siya huminga ng malalim. "Sige," pagsuko niya kaya mahina ko ulit siyang tinanguan.

Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa quarters nila kaya mag-isa akong naiwan dito sa living room na medyo madilim kasi patay na ang ilaw. Napasulyap ulit ako sa labas pero wala paring kotse na paparating.

He is handling a giant company and I understand that he is busy. Pero hindi naman ata dapat siya abutin ng ganitong oras. Pero kalaunan pinilig ko nalang ang ulo ko saka marahang napangisi dahil sa naisip.

Alam ko na pala kung nasaan siya kapag mga ganitong oras. Hindi na dapat ako mag-alala diba? Kasi nga minsan hindi na siya umuuwi.

Akmang hihiga na sana ako sa couch pero hindi natuloy kasi may narinig akong humintong kotse sa labas. Dali-dali akong tumayo para buksan ang pinto at para silipin na rin ang kotse ni Jeck na kakapasok lang. Our guard even stared at his car for a second but when he saw me watching he just bow a bit and immediately go back to our main gate.

Nang lumabas si Jeck kita ko ang magulo niyang buhok saka ang lukot-lukot na damit niya kaya bahagya akong kumurap. Padarag niyang sinara ang kotse saka tamad na naglakad papasok. 

"Jeck," agad na tawag ko pagpasok niya pero sandaling sulyap lang ang binigay niya sa akin.

Bahagya akong lumapit para sana kunin ang atensyon niya pero ilang hakbang palang ang ginagawa ko ako na rin mismo ang kusang huminto. Ilang dipa ang layo namin pero amoy na amoy ko galing sa kanya ang matapang na amoy ng isang alak. Pero mas nangingibabaw ang mamahaling pambabaeng pabango na hindi na bago sa akin.

Wala sa sarili akong yumuko saka napahakbang nalang paatras para hindi na muling maamoy pa ang pabango. Biglang nanikip ang d****b ko pero nang maramdaman kong lumingon siya tininghala ko siya ulit.

"What?" Malamig na tanong niya kaya marahan nalang akong ngumiti ng pilit. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pulang tinta na bandang kwelyo niya kaya doon ako napatitig ng matagal. Mayroon rin sa leeg niya kaya mabilis kong napagtanto kung ano 'yon.

"Matulog ka na," mahinang sabi ko saka ngumiti ulit ng pilit.

Bahagyang kumunot ang noo niya pero wala na siyang iba pang sinabi. Mabilis siyang naglakad papunta sa taas at ang nagawa ko na lamang ay pagmasdan siya habang ginagawa iyon.

Nang mawala siya sa paningin ko nanghihina akong bumalik sa couch saka doon pabagsak sa umupo. Saktong pag-upo ko doon rin nagsibaksakan ang mga luha ko na hindi ko alam na namumuo na pala. Tahimik lang akong lumuluha habang nakatitig sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman.

My heart is aching. Itong sakit na ito ang hindi ko kayang tiisin. Ang pisikal na sakit ay kaya ko pang tiniisin ng walang kahit anong reaksyon pero itong emosyonal na sakit ay hindi. Hindi ko kayang hindi umiiyak kapag nasasaktan ng tulad nito. I just want to pour my sadness out through crying silently.

I was right. He was with his girlfriend. They spent the night together. And I don't want to think about what they did. Because it will surely hurt me.

Nang maubos ang luha ko nagpasya akong umakyat sa itaas. Pero bago ako pumasok sa sariling kwarto nakita kong bahagyang nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Jeck kaya bahagya ko 'yong sinilip. Nakita ko na nakadapa siya sa kama habang walang suot na pang-ibabaw at wala rin siyang kumot.

Walang ingay ako na pumasok sa loob saka lumapit sa kama. Hindi ko nakikita ang mukha niya kaya bahagya ko nalang na inangat ang kumot para makumotan ang buong katawan niya. Pinatay ko na rin ang ilaw saka hinayaan na ang lamp nalang sa bedside table niya ang bukas bago tuluyang lumabas para pumunta sa sarili kong kwarto.

Pagkarating ko sa kwarto kaagad kong hinubad ang robe na suot saka dahan-dahang humiga sa kama. Hinayaan kong lamunin ako ng antok sa mga oras na iyon para magpahinga na ang mata at puso na parehong sumasakit.

Kinabukasan maaga akong nagising para silipin si Jeck na tulog na tulog pa rin. Habang tulog siya wala akong ingay na pumasok muli para ihanda ang lahat ng susuotin niya sa araw na ito. At nang mahanda ko lahat mabilis rin akong bumaba saka dumiretso sa kusina.

"Magandang umaga sayo, Anak," bati ni Manang Selya kaya matamis akong ngumiti.

"Good morning rin po, Manang," mahinang bati ko sabay bukas ng ref para kumuha ng mga rekados ng lulutuin ko ngayong araw.

"Maayos ka lang ba?" Hindi ko inaasahang tanong niya kaya natigilan ako.

"Po?"

Malungkot siyang ngumiti saka umiling ng ilang beses. Halos buong buhay na niya siyang nanilbihan sa pamilya namin kaya kilalang-kilala niya ako. She is my personal yaya back when I was still young and when I got married she transferred here from my parents' house.

Alam kong nag-aalala siya sa kalagayan ko kasi saksi siya kung paano ako balewalain ng asawa ko. But I am completely fine. As long as he is not hurting me physically I will be fine.

Tahimik akong naghanda ng breakfast habang nagmamasid si Manang sa tabi. Nang matapos ako sa pagluluto tinulungan ako ni Manang na maghanda sa lamesa.

"Hindi pa ba nagigising ang asawa mo? Gisingin ko nalang?" Tanong ni manang kalaunan kasi hindi pa bumaba si Jeck.

Umiling ako sa kanya. "Ako nalang po," sabi ko.

Pero hindi pa akg nakakaalis agad ko nang natanaw si Jeck na preskong-presko sa suot niyang itim na tuxedo na siyang hinanda ko. Imbes na tumayo pa para puntahan siya mas pinili ko nalang na umupo sa pwesto. 

"Magandang umaga, Hijo," bati ni manang kaya marahan niyang tinanguan ni Jeck bago umupo sa harap ko. Masaya naman akong ngumiti sa kanya pero isang sulyap lang ulit ang ginawa niya bago nagsimulang kumain.

"Good morning!" Masigla kong bati at wala akong natanggap na sagot sa kanya tulad ng nakasanayan.

Bago ako mag-umpisang kumain tiningnan ko muna ang unang pagsubo niya. At naging masaya ako dahil hindi na ito tulad kahapon na nawalan siya ng gana. Sunod-sunod siyang sumubo ngayon na ikinangiti ko. I started eating with him also but I can't help but to glance at him for every minute that I could.

Nang matapos siyang kumain walang paalam siyang tumayo saka tuloy-tuloy na umalis kaya mabilis ko rin siyang sinundan. Nang makaalis ang kotse niya matamlay akong bumalik sa lamesa para sana ligpitin ang pinagkainan namin pero nandoon na ang isang katulong para gawin 'yon kaya hinayaan ko na lang.

This is my everyday scene. I am not tired of it but I want to change it even a bit. Kahit sana bati lang sa umaga. Kahit sana iyon lang magiging masaya na ako.

I decided to paint another painting in my painting room to ease my boredom and sadness. Nilabas ko lahat ng nararamdaman ko habang nagpipinta para maging mabuti at maginhawa ang pakiramdam ko. Pero nang malapit na akong matapos biglang nag ring ang phone ko kaya kaagad ko 'yong nilingon at nang makita na si Joy ang tumatawag ay mabilis kong sinagot.

"Eya! Good news! I am on my way to your house! Let's shop!" Masiglang sigaw niya kaya napangiwi ako.

"Paano kung ayaw kong sumama?" Sabi ko habang tinitingnan ang painting na halos walang buhay. Sad and mysterious painting.

"Hindi ako tumatanggap ng sagot na 'yan," mariin na sabi niya sabay patay ng tawag kaya napa buntong hininga ako bago tumayo.

Isang sulyap pa muna ang ginawa ko sa painting bago tuluyang lumabas para pumunta sa kwarto ko. I took a bath and I prepared myself for Joy's plan because I know that she will still insist if I won't come. 

Ilang minuto lang may bumusina na sa labas kaya alam ko kaagad na siya na 'yon. 

"Hi!" Pasigaw na bati niya nang lumabas ako.

"Is it your treat?" Tanong ko pero umirap lang siya bago umiling.

"Of course not! Ano ka?!" 

Napangiwi ako saka mabilis na sumakay sa passenger's seat. Ngumisi siya ng malapad saka marahang pumalakpak.

"What?" Tanong ko kasi ang weird ng tingin niya.

"You will treat me. Akala mo hindi ko alam no? You sold your painting just last week! Magkano?" Natawa ako ng mahina sa sinabi niya bago umiling kaya mas lalo niya akong kinulit.

"Fine, seventeen—"

"Thousand?"

"Million," buntong hininga na sabi ko kaya hinampas niya ako sa balikat ng ilang beses habang sumisigaw.

"Oh my God! Let's shop! Bilhan mo ako ng Gucci!" 

"But—" angal ko pero kaagad niya akong pinutol.

"No buts. Tawagan mo nalang ang asawa mo kasi parang matatagalan tayo. Let's burn your money. Sayang lang," natatawang sabi niya.

Kaagad akong natahimik dahil sa sinabi niya. Wal akong number ni Jeck kaya paano ko siya tatawagan? At kahit naman siguro hindi ako uuwi wala siyang pakialam.

"Sige," mahinang sagot ko kaya nagsimula na siyang mag drive.

Salita siya ng salita habang nasa biyahe kami pero tanging tango lang ang sagot ko. Parang nawalan ako ng gana dahil naalala ko na wala nga akong number ni Jeck. Para kaming hindi mag-asawa. Para lang kaming umuupa sa parehong bahay.

"Here we go," masayang sabi ni Joy nang makarating kami sa BGC.

I gently licked my lips before going out while holding my branded bag. Nilingon ko si Joy na nakangiti ng malapad kaya pabiro akong umirap.

"Libre," hirit niya kaya tinawanan ko nalang.

Nang makapasok kami sa unang store kaagad nagningning ang mga mata ko sa mga bagong labas na mga bags at damit galing sa mga luxury brands ha paborito ko. I really love to shop. From then until now, this is my stress reliever aside from painting. 

Pumili kami ng pumili ni Joy na walang inaalala na pera. I am allowing myself to spend a lot of money because I am using my own. This is not my parents' money nor my husband's money. I earned this through my paintings. And I have a lot so I better enjoy it.

"Alright," sabay naming sabi ni Joy habang nakatingin sa mga paper bags na galing sa iba't ibang designer stores.

"Parang single ah?" Pabiro niyang tanong kalaunan kaya nawala ang ngiti ko. At mukhang napansin niya 'yon kaya marahan siyang tumikhim saka bahagyang sumandal na akin na parang humihingi ng tawad. Nginitian ko siya saka inilingan.

Alam niya lahat tungkol sa marriage namin ni Jeck. Wala akong tinago sa kanya kasi kapatid na ang turing ko sa kanya. I don't have any sister or brother but Joy made me feel that I am not an only child. 

"Sorry," malambing na sabi niya.

"I'm fine," mahinang sagot ko pero ngumuso siya.

"Kain nalang tayo. Gorgeous women like us does not deserve the word stress," masayang bawi niya sabay hila sa akin patayo.

Naglalakad kami papunta sa isang mamahaling restaurant habang dala-dala ang napakaraming pinamili namin. Nang makapasok sa loob kaagad kong pinili ang table sa pinakalikod kaya agad ring sumunod si Joy.

"Ang bigat!" Inis na reklamo ko sabay turo sa mga paper bags kaya tinawanan niya lang ako bago tumawag ng waiter.

Kaagad kaming nag-order at habang naghihintay pasimple kong nilibot ang tingin ko sa loob ng restaurant. Pero muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa biglang nahagip ng mga mata ko.

"Ingat," mabilis na sabi ni Joy pero hindi ko na naalis ang tingin ko sa dalawang tao sa hindi kalayuan.

Automatic na namuo ang mga luha sa mga mata ko habang tinitingnan sila na masayang kumakain. My husband is smiling sweetly while staring at the woman's face like he is very much interested in every words that may came out from her mouth. He even handed her a glass of water. 

The girl cutely laugh and she caress my husband's cheek. Jeck kissed the back of her hand while smiling sweetly. Those smile and those eyes. Bakit hindi ko makita 'yan kapag ako ang kasama niya?

Unti-unting tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko sa pagdurog ng puso kong matagal ng durog. The woman is beautiful. She has a fair skin and almond shaped eyes just like me. She's not as tall as me but she has a slim body that every guy would want. 

"Gag* siya," mariin na sabi ni Joy habang nakatingin kila Jeck at mabilis na tumayo para sana sumugod pero kaagad kong pinigilan.

"Please, huwag," pagmamakaawa ko pero nanlilisik pa rin ang mga mata niya.

"Kahit sana hindi ka niya mahal bigyan ka niya ng respeto!" Sigaw niya kaya tumingin sa amin ang mga nandito na lalo kong kinaiyak.

"Joy," I begged.

Nang tumingin ulit ako sa table nila Jeck naabutan kong nakatingin na rin sila sa amin. Kaagad akong lumunok saka nag-iwas ng tingin para hindi niya makita ang mga luha ko na walang katapusan ang pag-agos.

Mabilis kong binuhat ang mga pinamili namin saka naglapag ng cash sa table at dali-daling hinila si Joy papunta sa labas. Mas lalong bumuhos ang luha ko nang makalabas kami kaya nanghihina ang tuhod ko. Muntik na akong mapaupo pero kaagad ako na hinawakan ni Joy.

 "He doesn't deserve your tears," mariin na sambit ng kaibigan kaya napasulyap ulit ako sa loob sa kitang-kita kasi salamin lang ang pader. Kaagad nagtama ang mga mata namin ni Jeck pero kaagad rin siyang nag-iwas ng tingin para bumaling sa kasama.

Napaawang ang labi ko habang lumuluha. He look so happy. 

Hanggang sa makarating kami sa kotse ni Joy wala parin ako sa sarili. I could still feel the pain on my chest. Ang sakit na parang hinihigop lahat ng lakas ko.

"He look so happy," I murmured to myself once again. Ngumiti ako ng malungkot sabay tingin sa daan.

Ganiyan pala siya kapag kasama niya ang girlfriend niya? Hindi naman pala siya cold. Kailan kaya siya magiging ganoon sa akin? But of course he will never look at me the way he look at her. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jules Benedict Oblefias
T &+-&## k Kasi ..nasa iyo pl lahat ..Iwan mo pero wag Kang mag pa annul...hmppp
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status