Share

Kabanata 27

"OUCH!" Reklamo ni Alyssa sa kaibigan niya. Nakasalampak ito sa sahig habang hinihilot ang natapilok niyang kanang paa. Sa kalilingon niya kasi sa kuwarto ng artist habang naglalakad siya ay bigla siyang napatid ng kaliwa niyang paa. "Dahan-dahan lang naman dahil masakit,"

"Paano ba naman kasi ayaw mo tantanan ang kuwarto ni Sir!" Sermon ni Maggie sa kanya habang nilaglagyan nito ng ointment ang kanyang paa. "Buti nalang hindi ka napilayan."

"Sigurado ka, bakit masakit?" Sunod-sunod niyang tanong. Napapangiwi siya sa bawat hagod nito sa kanyang paa.

"Wala akong nakitang buto na lumabas sa balat ng paa mo eh!" Sagot naman ni Maggie na tila nag bibiro lang naman. "Seryoso, magiging okay din itong paa mo mamaya. Nabugbog lang gawa ng pagkakatapilok mo."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status