LOGINATASHA
Nang makarating ako sa bahay namin ay nakita ko na si mommy na nagbibilang ng pera sa lamesa. Sa bibig niya ay nakapasak ang isang sigarilyo habang nagbibilang. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ang kamay niya at nagmano.
“Natanggap ko na yung pera, ang tagal-tagal mo pang umuwi! Saan ka ba nag lamyerda, bata ka?! Oh, malaki-laki itong binigay ni Mr. Chen ah, doble kesa doon sa kinita mo nung nakaraan. Naghubad ka ba sa harap ng mga customer?”
“Hindi po, Ma,”
“Hindi? eh diba, pinainom ko sayo yung aphrodisiac?! ininom mo ba o hindi?!”
“Ininom po.” tipid na sagot ko.
“Oh, eh bakit malaki ang kinita mo kagabi ng hindi ka naghuhubad? Hays! bahala ka na nga, Oh heto, five thousand, bumili ka ng bagong dress, sapatos at make-up mo o kahit anong luho mo, baka sabihin mo kinukuha ko lahat ng kita mo eh!”
Hindi ko nalang siya sinagot at kinuha yung five thousand na inabot niya sa akin dahil kapag nalaman niyang naipaubaya ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala kagabi ay baka mas lalo niya lang akong abusuhin.
Kaya ko naman ang trabahong ito at ilang taon ko na ring ginagawa ang mang-uto ng mga mayayamang lalaki para sa kakarampot na lilibuhing pera ngunit ang pa-ulit-ulit na may gumamit ng katawan ko? Iyon ang hindi ko masisikmura kahit kailan.
Hindi ako p****k. Hindi ako p****k. Oo, bayaran akong babae ngunit alam ko sa sarili kong hindi ako p****k kaya iyon na ang huling pagkakataon na ibibigay ko ang sarili ko. Nakuha ng estrangherong iyon ang puri ko dahil hindi ako naging maingat.
Paulit-ulit kong itinatak iyon sa isip ko.
“Siya, ipagpatuloy mo lang iyon at magiging maayos ang trabaho natin! at saka… magbihis ka na at mag impake ng mga gamit, lilipat na tayo ngayon!” saad ni mommy kaya kumilos na ako.
Napatingin ako sa lumang bahay namin. Naibenta na ito ni mommy kung kaya't kailangan na naming umalis. Ang nakuha namin dito ay pinambayad ni mommy ng mga utang ngunit ang iba naman ay nilustay niya sa pasugalan sa akalang madodoble ang pera niya, ngunit hindi. Naipatalo niya iyon lahat kung kaya't wala ng natira at ngayon ay ako naman ang inaabuso niya at pinaghahanap ng mapagkakakitaan.
Nineteen years old lang ako nang mamatay si daddy. Twenty-three na ako ngayon. Simula ng mamatay si daddy ay pinahinto na ako ni mommy sa pag-aaral dahil wala na daw siyang pambayad ng tuition ko.
Kung saan-saang raket niya ako dinadala, magka-pera lang kami. Maayos ang buhay namin noong nandito pa si daddy. Simpleng buhay, may kaya rin ng kaunti kaya hindi na kinailangang magtrabaho pa ni mommy.
Kapag tinatanong ko noon si daddy kung bakit siya lang ang nagtatrabaho ay palaging iisa lang ang sagot niya: “Ayoko kayong nakikitang nahihirapan, gusto ko, buhay reyna at buhay prinsesa kayo dito sa bahay na ‘to.”
Hanggang sa dumating ang hindi namin inaasahan. Nalaglag sa tulay ang kotse ni daddy at doon ay kaagad siyang namatay.
“Oh ano? ready ka na?!” tanong ni mommy.
Tumango lang ako at binitbit ang maleta ko. Mabigat ang maleta kong iyon ngunit mas mabigat ang dinadala ng aking puso.
Ang bahay na pinaghirapan at pinagpaguran ni daddy ay naibenta lang. Wala na.
Pumara si mommy ng taxi na siyang magdadala sa amin sa isang five star hotel.
Ngayon ang araw ng kasal ni mommy sa isang lalaking kahit kailan ay hindi ko pa nakilala.
Ang sabi niya ay naka-jackpot daw siya dahil mayaman ang lalaki at halos kasing edad niya lang din ito. Nakilala niya ang lalaking iyon sa Casino at inalok siya kaagad nito ng kasal.
Habang nakasakay kami sa taxi ay panay ang retouch ni mommy ng make-up niya.
“Oh, Atasha, batiin mo lahat ng nandoon huh? ngumiti ka, magpakilala ka, lalong-lalo na kay Mr. Salcedo.” saad niya habang nakatingin sa salamin ng face powder niya.
Dalawang linggo niya rin itong hinintay dahil ang sabi ng boyfriend niya ay inihahanda pa raw ang lahat at habang naghihintay ay kinailangan kong rumaket para kay mommy dahil marami siyang gustong bilhin na mga gamit bago siya ikasal katulad nalang ng bagong bag, damit at sapatos. She needs to fake it till you make it kaya kapag ra-raket kami ay hindi halatang wala kaming pera ngunit ang totoo ay said na said na.
“Opo.” iyon nalang ang nasabi ko.
“Ituring mo na siyang parang daddy mo dahil ikakasal na kami.”
“Ma, hindi ba parang ang bilis naman yata? ni-hindi mo pa nga yan dinala sa bahay kahit minsan eh, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan siya?”
“Oo naman! at saka tuwing makikita ko siya, pera ang nakikita ko. Magpapakasal lang naman ako para sa pera at magandang buhay. Alam mo, Anak, yang mga mahal-mahal na yan hindi mo na yan maiisip pag tumanda ka na kagaya sa akin. Wala ng halaga yan at ang iisipin mo nalang ay kumita ng pera kaya wag ka ng umangal dyan dahil oras na maikasal kami, hindi mo na kailangan pang rumaket kung saan-saan. Hindi ka ba natutuwa doon?! naka jackpot ako ng mayaman, this time! isa siyang CEO ng malaking kumpanya!” saad niya na masaya at parang teenager na kinikilig-kilig pa.
“Okay, sige, kung dyan ka masaya.” iyon nalang ang nasabi ko.
Hindi ko naman masisisi si mommy siguro ay nasanay lang din siya sa klase ng buhay na ibinigay sa amin ni daddy kaya siya ganito.
Noong buhay pa kasi si daddy ay nakukuha niya ang lahat ng luho niya at hindi niya kailangang magtrabaho.
Kung nakahanap siya ngayon ng lalaking magtutuloy ng lifestyle na ipinaranas sa amin ni daddy noon ay magiging masaya nalang din ako para sa kanya.
At kung totoo na hindi niya na ako pagtatrabahuhin pa oras na magpakasal siya kay Mr. Salcedo ay… hindi ko na rin kailangang magpuyat sa gabi-gabi at makakapagpahinga na rin ako ng maayos.
Siguro ay ayos na iyon upang makatakas ako sa maruming trabaho na ‘to.
Nang makarating kami sa Five star Hotel ay talagang five star nga iyon. Halos malaglag ang panga ko sa ganda ng lugar.
Nakahanda na ang mga staff na inutusan ni Mr. Salcedo upang asikasuhin kami. Ni-hindi ko alam ang first name niya dahil Mr. Salcedo lang ang palaging banggit ni mommy.
Pagpasok palang namin sa VIP suite ay inayusan na kaagad ng mga staff na naroon si mommy.
ADONIS Kumagat ang dilim at wala pa rin kaming natanggap na tulong mula sa kampong naiwan ko. Hindi sila nahulu ng mga talibans ngunit hindi rin sila sumugod ngayon. Marahil ay humingi sila ng tulong sa iba at ginamit ang koneksyon nila. “Siya nga pala, I met your brother, Jhondo.” saad ko. Tinapik ako ni Siobeh at pinandilatan niya ako ng mata ngunit wala akong pakialam. “Brother, who?” “Sino pa nga ba? edi yung kakambal mo, si Jonas.” “O, tapos?” tamad niyang sabi, wala siyang interes na pakinggan ako ngayon. “Alam mo, he’s a decent man. Maayos kausap at professional.” “Bakit mo ba siya binabanggit sa akin? Pakialam ko sa kanya?!” “Well, magkamukhang-magkamukha talaga kayo, parang pinagbiyak na bunga pero… mas disente nga lang siyang tignan kaysa sayo.” “Sinasabi mo ba yan para insultuhin ako, Boss? ayos ka rin e…” “Hindi. Ang pinupunto ko dito, gusto kong magkasundo na kayo ng kapatid mo. Kapag nakalabas tayo dito, magbagongbuhay ka na, umuwi ka sa inyo, humingi ka
ADONIS “Okay, there's the mission over there, Jhondo, sasamahan mo akong pakawalan si Siobeh at Kent. Elliott, you will be in charge of the tear gasses and Jumbo, you will drive our military jeep okay? Amir, secure the bombs at wag mong pakakawalan hangga't hindi ko sinesenyas.” “Masusunod, Boss!” sabay-sabay nilang sabi sa akin. “Mapanganib ang misyon na ‘to siguro naman ay aware na kayo. Alam ko naman na matagal na kayong handa pero iiwasan pa rin natin syempre na may mamatay kahit isa sa atin, that's why we have Dra. Abbigael here.” “Talaga ba? bobombahin ninyo ang lugar na ito? I’m afraid you can't, Mr. Salcedo.” saad ni Abbigael. “Why is that?” “There's innocent people over there, children… mothers, the elderly. Gusto lang nilang mabuhay ng payapa kahit pa narito sila sa impyernong lugar na ito! but if you still continue that plan… I’m afraid I have to quit! hindi kaya ng sikmura ko na may madamay na mga inosenteng tao! Isa akong doktor, ang misyon ko ay magduktong ng b
ATASHA Pinagmamasdan ko si Terrence habang tahimik na natutulog. Isang araw na ang nakalipas simula ng dalhin ko siya dito sa ospital. I'm counting the days dahil ang sabi ni Adonis ay sandali lang daw siya pero wala siyang sinabi kung tatagal ba ng isang linggo o isang buwan. Sinisisi ko ang sarili ko ng paulit-ulit ngunit kahit anong gawin ko… hindi na mababago ang lahat. Nagkamali ako. Kung alam ko lang na mangyayari ‘to sana hindi na lang namin itinuloy. I just want to experience falling in love with someone. Sinubukan kong ibaling ang pagmamahal ko kay Adonis sa iba para malaman ko kung kaya ko bang lumayo sa kanya, kung kaya ko bang hindi na tanggapin ang pagmamahal niya pero… mukhang hindi. Hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko… si Adonis pa rin ang mahal ko. Hindi ko namamalayang pumapatak na pala ang aking mga luha ng mga oras na iyon hanggang sa hindi ko na ma-kontrol. Ang mga tahimik na pag-iyak ko ay naging hagulgol. “I’m so sorry Terrence, patawarin mo ako…” s
ADONIS Mabilis akong umikot sa kuta ng kalaban ng mag-isa. Alam ko na kung saan nakapiit si Siobeh at Kent. Hindi ko akalaing magagawa ko ito ngunit ligtas din naman akong nakabalik sa base na ginawa namin. Uhaw na uhaw ako ng makabalik ako sa base namin kung kaya't ipinaligo ko sa katawan ko ang isang bote ng mineral water. “Boss?! kamusta?!” “Okay na, nakita ko na. Aatake tayo ng lunchtime kaya kumain na kayo ng maaga.” saad ko na tumingin sa wristwatch ko. Alas dyes na ng umaga. Sakto para sa binigay ni Siobeh na 18 hrs. “They are planning to show to their people how powerful they are. Gusto nilang bitayin si Siobeh at Kent sa may bayan.” paliwanag ko sa kanila. “Mga walang awa!” asik ni Jhondo. Lumapit sa akin si Abbigael at binigyan ako ng isang plato ng napakaraming kanin at sabaw na hindi ko malaman kung ano. “Eat.” saad niya kung kaya't kinuha ko iyon at nilantakan ko na. Napatango-tango ako habang kumakain dahil masarap naman pala. Papaitan ata ‘to. “Uhm…
ATASHA “Love me Atasha, marry me… and I’ll give you the world.” saad ni Terrence at muli akong siniil ng halik. Nag check-in kami sa isa sa mga suite dito sa Gentleman Hotel ngunit hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Maybe because I’m so drunk and… lonely. Without Adonis… I can't. Nasanay akong ginugulo niya ang tahimik kong mundo sa maikling panahon na iyon na bumalik siya. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis ulit… Simula ng umalis siya, siya na palagi ang naging laman ng isip ko. Walang araw na tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko ba siya iniisip. Akala ko hindi ko na siya mahal… iniwan niya ako ng limang taon at itinaguyod ko mag-isa ang anak namin. Pero nang bumalik siya… para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Masakit pero unti-unting gumagaaan at naghihilom. Ngunit ngayon na umalis na naman siya, pakiramdam ko nawawala na naman ako sa sarili ko, hindi ko na naman alam kung anong gagawin. Paano ko ba pupulutin ang sar
ADONIS“O, isuot niyo ‘to!” saad ni Elliott na binato sa amin ang kung anong tela.“Ano yan?” tanong ko. “It’s an afghan head gear or a turban. Serves as a disguise too para hindi tayo makilala ng mga kalaban.” paliwanag ni Elliott. Nasa byahe pa kami ngunit ramdam kong malapit na kami sa destinasyon na aming pupuntahan. “Gagana ba yan?” tanong ko pa ulit. “Like I said, we have to try. Hindi nila basta-basta ibibigay sa atin si Boss Siobeh at Kent kaya ngayon pa lang, mag-isip na kayo ng plano kung paano tayo makakapasok sa kuta ng mga kalaban at kung paano natin sila maililigtas. They hate peace talks. Mabilis silang magalit at talagang maikli ang pasensya nila lalo na sa ating mga dayuhan. Para sa kanila, mas madali ang pumatay.”Napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga. “Kapag nandoon na tayo, iikot ako. Titignan ko muna ang buong sitwasyon ng military base nila,, kailangan nating makabisado ang buong lugar na iyon at kung saan nakapihit sila Siobeh pagkatapos… saka tayo susu







