Napakurap-kurap siya kasabay ng pagtulo ng ilang masaganang butil ng luha mula sa kanyang mga mata habang patuloy din sa pag-ulan ng nyebe sa buong paligid nila. Punong-puno ng samut-saring emosyon ang puso niya ng mga oras na iyon pero higit na nangingibabaw ang kasiyahan."Hey... Stop crying. I'm proposing a marriage to make both of us happy but you're tearing so much instead," nakangusong ani Rain.Mahina siyang natawa habang umiiyak. Sa ilang buwan nilang pagsasama, minsan narin niyang naisip kung aayain ba siya ni Rain na magpakasal. Lihim nga siyang nainggit sa mga kapatid niya na pinakasalan na ng mga asawa nito pero nanatili siyang tahimik at iwinaksi ang bagay na iyon sa isipan niya.Sapat narin naman sa kanya ang kaisipan na mahal na mahal siya ni Rain. Katunayan ay handa nitong ibuwis ang sariling buhay para sa kanya. Doon palang panalo na siya eh. Hindi niya inaasahan na darating pala sila sa pagkakataong ito na makikita niyang nakaluhod ang lalaking una at huli niyang mam
"How was your therapy?" Tanong ni Malia habang nag-uusap sila through laptop.Kasalukuyan siyang nasa America habang ang kapatid niya ay naiwan sa Pilipinas. Hindi rin naman siya nito pwedeng dalawin dahil pinagbawalan ito ng doktor na bumiyahe ng malayo. Ang Ate Phoebe naman niya at madalas na bumibisita sa kanya pero hindi na niya ito hinayaan na siyang personal na mag-alaga sa kanya.May sarili din itong buhay at pamilya na kailangang asikasuhin lalo na't kakaayos palang nila ng asawa nito ilang buwan na ang nakalipas. Ayaw niyang makulong ito sa obligasyon ng pag-aalaga sa kanya. Hindi na nga kinakaya ng konsensya niya ang perwisyo niya kay Rain. Ayaw niyang madagdagan pa.Yun nga lang ay halos ito ang nag-aalaga kay Hurri kasama si Manang Petra. Pero sa kabilang banda ay mainam narin iyon lalo pa't alam niya kung gaano kasabik sa anak ang Ate Phoebe niya. Dasal niya na sana ay mabiyayaan narin ito ng supling para mas lalo itong sumaya."Ayos naman Ate. Kahapon nakadalawang hakban
Rain stared at the two figures not far away from him. Natatamaan ang dalawa ng mabining sikat ng araw sa umaga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Isa ang mga ito sa araw na nakaramdam siya ng kapayapaan. Ganito pala ang pakiramdam kapag gumigising ka ng walang inaalala kung may susugod na sayong kalaban. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti habang naglalakad palapit sa kanyang mag-ina. It's been a week since he was released from the hospital and all throughout those times, laging nasa tabi niya si Nahara at hindi siya iniwan."Hey..." Pukaw niya sa atensyon nito.Dahan-dahan ding nag-angat ng tingin ang babae mula sa pagkakatitig sa anak nila. His heart was full of warm emotion. Halos lumubo ang puso niya sa tuwa habang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya habang kalong nito ang kanilang anak. This is a fairytale. Never in his life he did imagine he would witness a scenery like this.Ngumiti si Nahara sa kanya. Napagtanto niyang unti-unti ng nagkaroon ng laman ang pisngi nito
Pakiramdam niya bumagal ang pag-inog ng mundo habang papalapit ng papalapit si Manang Petra sa gawi niya. Titig na titig siya sa batang karga nito habang hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya sa pagpatak. Tila nalulunod siya sa labis na kasiyahang nararamdaman niya."He's your son, Nahara. Your Hurricane," madamdamin na sambit ng Ate Phoebe niya.Dahan-dahang inabot ni Manang Petra si Hurricane sa kanya. Tinanggap naman niya ang bata sa nanginginig niyang mga kamay. Maingat na maingat siya na para bang parang babasaging kristal ang anak niya. Mataman itong nakatitig sa kanya na para bang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit."Anak ko… Ang gwapo ng anak ko," Mahina niyang sambit.Hindi siya lubos makapaniwala na nahawakan na niya ang anak niyang matagal ng nawalay sa kanya. Akala niya ay hindi na darating ang araw na ito. Akala niya hindi na niya ito makikita pang muli pero narito na ito sa harapan niya ngayo
"Kumain ka ng marami. Kailangan mong magkalaman," ani Malia at tinambakan ng maraming gulay at kanin ang kanyang pinggan.Mabilis naman itong pinigilan ng Ate Phoebe niya. "Stop that, Ate. Baka mabigla ang sikmura at maimpatso ang kapatid natin," nag-aalala nitong turan at inilipat ang ibang gulay sa pinggan ng Ate Malia niya."Bakit sakin mo nilagay. Nagdidiet ako—""Ba't ka naman magdidiet eh hindi ka na naman nagmomodel pa. Sakto lang naman yang katawan mo," nakangusong sambit ni Phoebe."Hey, I still need to maintain my figure para kung may panibagong Avery na darating ay may panlaban ako."Agad naman itong iningusan ni Phoebe. "As if naman papatol ang asawa mo sa iba. Kung di lang nagka-amnesia yun, malamang sa malamang, di yun papatol kay Avery.""Kahit na," pairap na tugon ni Malia.Tahimik naman siyang kumakain habang nakikinig sa dalawa. Sobrang ganda na ni Malia pero may mga kaisipan parin itong ganun, paano nalang kaya siya?"After nating kumain, kailangan mong malinisan Na
"S—son?" Pag-uulit niya kasabay ng pamalisbis masagana niyang mga luha.Buhay ang anak niya! At tinupad ni Xavier ang kahilingan niya na Hurricane ang ipangalan sa anak niya—anak nilang dalawa ni Rain! Walang pasidhan ng tuwa sa puso niya sa nalaman niya ngayon. Akala niya ay puro unos nalang ang mangyayari sa kanya. Hindi pala. May ginhawa din pala.Masuyo namang ngumiti si Raven sa kanya. "Yes. Maraming naghihintay sayo Nahara at maraming tao ang gusto na gumaling ka so don't lose hope and stop thinking about death. Don't make the people who's here for you shed tears dahil hindi ka masaya na nakabalik ka na. Don't think you're a burden. You are loved Nahara," seryoso nitong wika na mas lalo lang na nagpaiyak sa kanya.Hindi niya aakalain na marami palang naghihintay sa kanya. Napadako ang kanyang tingin sa dalawang babae na nasa sulok ng silid. Ngayon ay nakaramdam siya ng hiya sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba bigla niyang naisip ang bagay na iyon?"I'm sorry," mahina niyang samb