Rain arrived near the building where Nahara was brought. Kung hindi pa siya nakipagbasagan ng bungo kay Hawk, hindi pa nito sasabihin kung ano ang naging plano nito. He frustratedly combed his hair. Fighting with his alters is much more difficult than fighting opponents physically.Wearing his safe gears together with his guns and knives, bumaba na siya ng van kasama ang mga tauhan niya. Never in his life did he imagine he'd be doing a rescue operation for a mere woman. Lihim siyang napailing.'This isn't about Nahara. Gagawin niya ang bagay na ito dahil kailangang mapasakamay niya si Mattias. He needs to get a hold of everyone who is connected to Equilibrium.' Kumbinsi niya sa kanyang sarili.They climbed through tall gates. Pagdating palang nila sa loob, agad ng nagkapalitan ng putok ang mga tauhan niya at tauhan ni Mattias. His men threw a series of smoke grenades to cover their existence and took advantage of the situation."The entrance is five meters east and two meters forward,
Hindi siya nakasagot sa naging pahayag nito at nanatiling nakatulala habang nakatitig kay Rain na seryoso ang ekspresyon."If you're worried about a place you can stay then I will provide you one. Sabihin mo lang kung saan mo gusto. I will give it to you right away. I will give you money so you can start a new life Nahara—a new life away from the chaotic world you're in right now."Lumunok siya ng ilang beses para mawala ang bikig sa lalamunan niya bago napuko. Pakiramdam niya may mainit na kamay ang humaplos sa kanyang dibdib dahil sa mga katagang narinig niya mula kay Rain. Hindi sinasadyang nasulyapan niya ang kamay nitong namamaga at may bahid pa ng dugo. Even when she's nothing to him, palagi parin siyang nasosorpresa sa mga ginagawa nito para sa kanya. Pwede na sana siya nitong iwanan pero heto parin ang lalaki at lagi siyang inililigtas. At hindi niya aakalaing bibigyan siya nito ng pagkakataong makapamuhay ng tahimik.Pero kahit na nakaka-akit ang alok nito, bakit hindi niya m
Payapang nakaupo sa kanyang hospital bed si Nahara. Ilang oras na rin magmula ng umalis si Rain at hanggang ngayon hindi parin ito bumabalik. Mabuti na lang at mabait si nurse Phoebe na naka-assign sa kanya. Hindi niya matukoy kung bakit pero talagang magaan ang pakiramdam niya sa babae."Aalis muna ako Nahara. Ikukuha kita ng sopas sa cafeteria tsaka dadaanan ko pa sandali ang asawa ko," paalam ni Phoebe sa kanya."Sige po nurse Phoebe tsaka salamat po sa pag-aalaga niyo," malumanay niyang tugon."Ano ka ba. Trabaho ko ang alagaan ka dahil pasyente ka ng ospital," magiliw naman nitong ani.Nang makaalis na si Phoebe, agad niyang inayos ang kanyang kumot at puwesto na ng higa. Akmang ipipikit na niya ang kanyang mga mata para magpahinga nang bumukas ang pinto ng kanyang silid. Sa pag-aakalang si Phoebe ang pumasok, nakangiti siyang lumingon sa pinto pero agad na napawi iyon nang nakitang hindi ang inaasahan niya ang naroon kundi si Julie.Taas noong naglakad ang babae patungo sa gawi
"Po?" Hindi makapaniwala niyang tanong."Are you that deaf, Nahara?" Tila naiinis niyong tanong.Mabilis naman siyang umiling. "Naninigurado lang po ako kasi sabi niyo po—""At sinabi ko rin ngayon-ngayon lang na nagbago na ang isip ko kaya hindi ka na aalis. That's final," matigas nitong wika."Pero kasi…""No buts! Bakit ba ang kulit mo? Ilang beses ka bang pinanganak ng magulang mo?!" Naiiling nitong asik.Hindi na siya nakasagot pa ni makipag-argumento sa lalaki dahil mukhang kotang kota na siya dito. Agad din naman siya nitong tinalikuran at walang paalam na lumabas ng kanyang silid. Ilang sandali siyang nakatulala habang pinoproseso ang sinabi nito. Ayaw nitong umalis siya pero hindi rin naman siya pwedeng manatili pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Julie.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at napatitig sa sopas na nasa kanyang harapan. Wala na siyang nagawa kundi kumain lalo pa't unti unti ng iyong lumalamig. Nasa kalagitnaan siya ng pagsubo nang bigla siy
Mabilis na umakyat si Nahara sa taas para kunin ang pera na itinabi niya. Nagmamadali din siyang bumaba ng hagdanan para huwag ng paghintayin ang matandang Don subalit nang akmang lalabas na siya ng bahay ni Rain, natigilan siya at hindi napigilan ang sariling lingunin ang pintuan ng silid nito. Hindi man lang siya makakapagpasalamat dito pero di bale na. Alam naman ng Maykapal kung gaano siya ka-thankful kay Rain at sa kabutihan nito."Hija, saan ka pupunta?" Tanong ni Manang Petra na kakalabas lang ng kitchen.Natigil siya sa paghakbang at nilingon ang kasambahay. Alanganin siyang ngumiti sa babae. Kahit sandali lang niya itong nakasama, masasabi niyang maganda ang pakikitungo nito sa kanya at magaan ang loob niya dito. Magaling magluto si Manang Petra, kagaya ng ymao niyang ina. Humakbang siya palapit kay Manang Petra at niyakap ito ng mahigpit."Mamimiss ko po kayo Manang…" Malungkot niyang anas.Natigilan ang matanda sa kanyang naging turan at humiwalay ng yakap sa kanya. Kunot n
Few hours ago…"Where have you been these past few days, Rain?" Nagtatakang tanong ni Isaac sa kanya pagkarating niya sa condo nito."In the house," kaswal niyang sagot.Naglakad patungo sa minibar ng lalaki. He chose an expensive wine at nagsalin sa kopita bago umupo sa isa sa mga stool ng bar counter. Isaac sat across him at nagsalin din ng sarili nitong wine."Really? Should I expect something special is going on with you and your little maid," makahulugan nitong pahayag.He scoffed before drinking his wine. "Idiot! We aren't like that." "Oh, okay. If you say so," natatawa nitong tugon. "Anyway, Mattias is dead now. What are you planning to do?" Isaac asked.Pinaglaruan niya ang wine na nasa kanyang kopita. Even when Mattias is dead, he's sure that everything isn't over yet. Mattias is nothing but a mere pawn in the chess board. If the pawn is dead, another pawn will come to continue another bùllshit game."I'll wait for another movement from the enemy. You know it's the best thin
Umangat ang isang kilay ni Rain habang nakatitig sa kanya. "Malia? Who was that?" Kunot noo nitong tanong sa tinawag nitong Lolo Herman."You might haven't seen her but she's Nicolo's friend and Terrence's wife's friend too. Believe me they really have a lot of similarities. I thought it's her when the two of you came in the front yard but then this woman was way smaller than Malia and she had pale blue eyes while this one got a black one," sagot naman ng matanda."What's her real name?" Muling tanong ni Rain kay Lolo Herman."Malia Rodriguez.""Where is she now? Can I see her?"Napatitig siya sa reaksyon ni Rain. Napansin niyang interesadong- interesado ito sa babaeng pinag-uusapan nilang dalawa ng matanda. Lihim siyang napahawak sa kanyang dibdib dahil bigla na lamang iyong sumikip at sumama ang kanyang pakiramdam. Akala ba niya ayaw nito sa mga babae? Bakit ngayon bigla na lang itong naging interesado kay Malia?"You can't Rain. Malia has been missing for a while now. My apo is loo
Mabilis siyang tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Rain. "Ano pong nangyari?!" Natataranta niyang tanong.Kahit na nakita na niya ito sa mas malalang kondisyon, hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng takot ngayong narito ang lalaki sa harapan niya at sugatan pa. At kahit ilang beses pang mangyayari ang bagay na katulad nito, hinding hindi siya masasanay."This is nothing. We had just a little discussion with my friends that turned into a shootout," kaswal nitong sagot bago naglakad patungo sa kama ng silid.Sinundan niya ito ng nag-aalalang tingin. "May mga kaibigan po ba at discussion na magbabarilan?" Hindi niya napigilang itanong.Pero imbes ba seryosohin ang reaksyon niya, tinawanan lang siya nito at saka tamad na humiga sa kanyang kama. "Just let me rest, Nahara and stop nagging like a worried girlfriend."Hindi niya mapigilang mapasimangot. Kita niyang pumikit na ito at mukhang wala talagang planong kausapin siya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago inili