LOGINAkala ni Emery nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae—ngunit nagkakamali siya. Sa loob ng limang taon, minahal niya si Weston kahit harap-harapan siyang niloloko nito. Tinanggap niya lahat kahit pa malaman niyang kabit nito ang bestfriend niyang si Ravia Salvador. Nang igiit ng lolo ni Weston ang pangangailangan ng tagapagmana, kumapit si Emery sa pag-asang mabuntis ng anak ni Weston, kaya tinanggap ang IVF at naniwalang iyon na ang simula. Naging matagumpay ang procedure, at nabuntis si Emery ng kambal. Ngunit gumuho ang lahat nang marinig niya ang lihim na usapan nina Weston at Ravia. Ibinunyag ni Weston na kay Ravia umano ang egg cell na ginamit sa IVF. Agad na hinarap ni Emery ang doktor. Doon niya nalaman ang buong katotohanan: kanya ang egg cell, ngunit nagkamali sila ng semilyang ginamit. Nagmula iyon sa isang anonymous donor, si Zion Laurent del Fierro—isang billionaire, makapangyarihan at ang… ex-boyfriend niya! At malala pa roon, hindi pala sila legal na mag-asawa ni Weston. Pineke nito ang kanilang marriage certificate para maagaw ang mana ni Emery—ang Armani Group ng kanyang yumaong ama—para tuluyang maupo bilang chairman. Doon nagising si Emery. Nagpasya siyang maghiganti. Handa na sanang lumaban si Emery, nang matuklasan niyang ang kontratang pinirmahan niya noon ay naglipat ng lahat ng kanyang ari-arian kay Weston. Sa isang iglap, nawala kay Emery ang lahat. At nang akala niyang wala na siyang pag-asa, muling lumapit si Zion sa kanya. “Marry me instead, and I’ll give you the power to destroy them.” Marahang hinawakan ni Zion ang kanyang baba. “You’re carrying my twins, Emery. And if you want my power, there’s one condition…” Napakunot-noo si Emery. “What?” “Kailangan nating ituloy ang natitirang labing-isang embryo.” Handa ba si Emery sa kondisyong labing-isa pang dagdag sa dalawang dinadala na niya?
View MoreEMERY
“Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.” Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang narinig ko, Doc Hidalgo?” wika ko, halos hindi makapaniwala. Ngumiti ang doktor at tumango. “Yes, Mrs. Montenegro, successful ang IVF procedure. Malakas ang kapit ng mga anak mo at healthy sila.” Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Sa wakas. Sa loob ng limang taon, ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng pag-asa. Limang taon ng pagtitiyaga. Limang taon ng pagtitiis. Limang taon ng pagkapit sa isang lalaking paulit-ulit akong sinasaktan. Tinanggap ko si Weston kahit alam kong niloloko niya ako at ng bestfriend kong si Ravia Salvador At ngayon, heto na, may anak na kami. Hindi man sa paraang pinangarap ko noon, hindi man bunga ng pagmamahal na kusa niyang ibinigay, pero anak pa rin namin ito. Baka ito na ang simula ng lahat. Baka kapag nakita niyang kaya kong dalhin ang tagapagmana ng pamilyang Montenegro, tuluyan na niya akong piliin. “Pwede na po kayong magbihis,” magaan na sabi ng nurse. Tumango ako at marahang hinaplos ang tiyan ko kahit alam kong wala pang umbok roon. Mabilis kong kinuha ang phone ko mula sa bag at tiningnan ang screen. Walang tawag. Walang text. Huling mensahe pa rin ni Weston ang nakita ko, tatlong oras na ang nakalipas. From: Weston Sorry, hindi kita masasamahan sa clinic. Busy pa sa office. Napasulyap ako sa oras ng cellphone ko. Lampas alas singko na pala ng hapon. Sinabi ko kay Weston na ngayon ang follow-up scan ko. Sinabi kong gusto ko siyang makasama sa araw na ito. Pero gaya ng dati, wala pa rin siyang pakialam sa akin. Pinilit kong lunukin ang pait na bumara sa lalamunan ko. Ayokong sirain ang araw na ito. Hindi sa araw na unang beses kong narinig ang tibok ng mga anak ko. Kaya ngumiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko. Okay lang, Emery. Sabihin mo na lang sa kanya mamaya. Kapag nakita niya ang ultrasound. Kapag nalaman niyang kambal ang anak niyo. Baka matuwa siya. Baka yakapin ka niya. Baka— “Ma'am, may naiwan po kayo.” Lumingon ako. Inabot ng nurse ang brown envelope na dala ko kanina—nandoon ang copies ng laboratory requests, resibo, at ang maliit na gift box na binili ko kahapon. Isang pares ng puting baby shoes. Napakaliit, kasya lang halos sa palad ko. Siguro kailangan kong bumili pa ng isa para sa isa kong kambal. Ibibigay ko ang mga iyon kay Weston para surpresahin siya. Ngumiti ako at tinanggap iyon. “Thank you.” Paglabas ko ng fertility clinic, sinalubong ako ng malamig na hangin sa labas, pero hindi nito kayang patayin ang init na bumabalot sa dibdib ko. Huminto ako sa tapat ng building at muling tiningnan ang ultrasound printout. Muli akong napangiti. Isang mahina, marupok, at halos hindi ko na kilalang ngiti ang kusang sumilay sa mga labi ko. Hindi ko akalain makakabuo kami ng kambal. Sulit ang lahat ng sakit sa pinagdaanan kong procedure. Marami na rin akong natamong pasa sa katawan ko, mairaos lang ito. Mahigpit kong niyakap ang envelope sa dibdib ko bago ako sumakay sa kotse at tahimik na nagmaneho patungo sa Montenegro Grand Tower. Doon ang opisina ni Weston. Siya ang CEO ng Montenegro Group. Hawak rin niya ang kompanyang iniwan ng daddy ko—ang Armani Group. Kailangan ko raw muna magpahinga at mag-focus sa pagbubuntis kahit gusto kong magtrabaho. Ngunit ngayon na alam kong kambal ang dinadala ko, ipagliliban ko muna ang paghawak sa kompanya. Sa Montenegro tower kami madalas maghapunan ni Weston kapag hindi siya “busy,” kapag nagkakaroon siya ng kahit kaunting oras para gampanan ang papel bilang asawa ko. Ilang beses ko nang sinubukang kumbinsihin ang sarili kong sapat na ang mumunting sandaling iyon—ang mga hapunang bihira, ang maiikling usapan, ang malamig niyang pagtingin sa akin. Pagdating ko sa penthouse floor ng tower, pamilyar na pamilyar na sa akin ang katahimikan. Napatingin si Secretary Lydia sa akin at agad na tumayo. “Ma’am Emery, good evening po. Kanina pa po kayo?” “Kararating ko lang. Nasaan pala si Weston?” tanong ko. Bahagyang nag-atubili ang babae. “He’s inside the lounge, ma’am. May kausap po.” Ngumiti ako. Alam kong sa ganitong oras, tapos na ang trabaho ni Weston. Siguro kausap lang nito ang kliyente niya. “Ayos lang, Lydia. I’ll surprise him,” excited kong sabi. “Uhm, okay po,” may alinlangan sa sabi ng secretary. Napayuko ito at hindi na nagsalita. Saglit akong natahimik sa nakita ko, doon ako nanghinala. Ngunit abala akong hawak-hawak ang maliit na gift box at ultrasound envelope sa dibdib ko, parang batang sabik ipakita ang regalong matagal ko nang itinago. Tahimik akong lumapit sa private lounge. Bahagyang nakaawang ang pinto, at mula roon ay lumalabas ang malamig na ilaw mula sa loob. Mahigpit kong hawak ang maliit na gift box at ang ultrasound envelope. At bago ko pa man tuluyang maitulak ang pinto, narinig ko na ang boses ni Ravia. Napahinto ako. Parang biglang nanigas ang buo kong katawan sa kinatatayuan ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi na rin ako nakagalaw. “Sure ka bang wala talaga siyang alam?” tanong ni Ravia, may bahagyang tawa sa dulo. Humigpit ang hawak ko sa envelope at sa maliit na kahon. Kasunod noon ang boses ni Weston—malamig at kampante. “Emery believes whatever I tell her.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko, inaabangan ko rin ang sunod nilang sasabihin. “Hindi ba ito risky?” muling sabi ni Ravia. “Paano kung malaman niya ang tungkol sa egg cell?” Hindi ko alam pero parang tumigil ang tibok ng puso ko. Egg cell? Napadiin ang mga daliri ko sa pinto. Tapos narinig ko ang mahinang pagtawa ni Weston. “Don’t worry, I’ll tell her the truth kapag nanganak na siya.” “Na anak natin ang dinadala niya?” sunod sa sabi ni Ravia. “Of course. At ano namang magagawa niya? She’s already pregnant,” dagdag pa ni Weston. Umiling ako. Hindi. Mali lang siguro ako ng narinig. Hindi puwedeng ang mga batang nasa sinapupunan ko na ilang taon kong ipinagdasal, iniyakan, at pinangarap—ay basta na lamang gawing laruan sa maruming lihim nilang dalawa. Hindi ko matatanggap iyon.Hi, Readers! 💖Let’s wrap things up!Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa kuwentong “Marry Me Instead.” Naiiyak ako, huhu. 🥹 Grabe, ilang buwan ko rin itong isinulat. Maraming puyat, pagod, at stress ang pinagdaanan ko—hanggang sa nagkasakit pa ako. Haha!This is my first book on GN, at sobrang saya ko dahil hindi ninyo ako iniwan hanggang sa dulo. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, pagbabasa, at paghihintay sa bawat update. 🥰Sana samahan ninyo rin ako sa susunod kong kuwento na “Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy,” ang entry ko para sa contest. Alam kong medyo delayed na tayo, pero lalaban pa rin! Haha. 💪 Sisimulan ko na po ang updates next week. May cameo pa rin sina Emery at Zion doon, kaya abangan niyo. 💖Gusto ko rin pong malaman ang inyong thoughts tungkol sa “Marry Me Instead.” Ano ang masasabi ninyo sa buong kuwento? Sino ang paborito ninyong character? Ano ang pinaka-hindi ninyo makakalimutang eksena?Please leave your
Iniabot ni Emery ang tseke sa babae.“Tanggapin mo ito. Tulong na rin para sa mga gamot at pagpapagamot ni Ashley.”Hindi agad gumalaw si Senna. Tulala lamang itong nakatingin sa tseke bago mabilis na umiling.“Naku, Ma’am, ang laki po nito! Hindi ko po puwedeng tanggapin. Hindi naman po ganoon kamahal ang damit ni Ashley. Malalabhan ko pa naman po ito.”“Hindi iyan bayad sa damit,” mahinahong sabi ni Emery. “Para kay Ashley iyan.”“Pero, Ma’am…”“Please, tanggapin mo na. Alam kong hindi nito masasagot ang lahat ng kailangan ninyo, pero sana makatulong kahit paano.”Napatingin si Senna sa anak. Nakita niyang pilit na nakangiti si Ashley kahit halatang pagod na ito. Unti-unting napuno ng luha ang mga mata ng babae.“Hindi ko po alam kung paano ko kayo mababayaran.”“Hindi mo ako kailangang bayaran,” sagot ni Emery. “Ang mahalaga, maipagpatuloy ninyo ang treatment niya.”Nanginginig ang kamay ni Senna nang tanggapin niya ang tseke. Agad siyang napayuko habang tahimik na tumutulo ang kan
Limang taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Emery at Zion. Sa loob ng mga taong iyon, marami ang nagbago sa kanilang buhay. Mas lumawak ang Del Fierro-Armani Group, dumami ang kanilang mga proyekto, at mas naging matatag ang pagsasama ng dalawang kompanya.Ngunit ang pinakamalaking pagbabagong dumating sa buhay nilang mag-asawa ay ang pagsilang ng kanilang kambal.Isang lalaki at isang babae ang isinilang ni Emery isang taon matapos ang kanilang kasal. Pinangalanan nilang Zayne Del Fierro ang kanilang anak na lalaki, habang Elara Del Fierro naman ang kanilang anak na babae.Parehong apat na taong gulang na ang kambal. Si Zayne ay masayahin, malikot, at mahilig magtanong tungkol sa lahat ng bagay. Si Elara naman ay matapang at madaldal, ngunit madalas nitong ipinagtatanggol ang kapatid kapag napapagalitan. Kahit magkaiba ang kanilang ugali, halos hindi sila mapaghiwalay.Nang araw na iyon, puno ng bulaklak at maliliit na ilaw ang malawak na garden ng kanilang villa sa Forbes Park.
THIRD PERSON POVKinagabihan, sinundo ni Zion si Emery mula sa Armani building. Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta. Kahit ilang beses magtanong si Emery, ngiti lamang ang sagot nito.Nang mapansin ni Emery ang pamilyar na mga kalsada, agad siyang napatingin sa labas ng bintana.“Papunta tayo sa Forbes Park?”“Secret.”“Zion, huwag mo akong lokohin.”Napatawa ang lalaki. “Malapit na tayo.”Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang kanilang sasakyan sa harapan ng isang malaking villa. Nanlaki ang mga mata ni Emery nang makita itong tapos na.“Akala ko under construction pa ito?”“Pinabilisan ko ang kaunting renovation,” sagot ni Zion.Napailing si Emery. “Hindi naman kailangang madaliin iyon, Zion.”“Kailangan dahil mag-asawa na tayo. At dito na tayo titira simula bukas.”Napatingin si Zion sa kanyang relo bago bumaba ng sasakyan. Umikot ito sa kabilang bahagi at pinagbuksan siya ng pinto.Pagkababa ni Emery, agad siyang sinalubong ni Zion na may hawak na malambot na piring.Na
EMERYPagdating ko sa mansyon, diretso akong umakyat sa kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sandaling sumandal doon, pinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang inilabas ang bigat sa dibdib ko. Ngunit kahit anong gawin ko, nariyan pa rin ang kirot.Dahan-dahan akong
EMERYHindi ko siya tinignan agad. Ayokong makita niya kung ano man ang mababasa niya sa mukha ko.“Sa una, ayoko,” dugtong niya. “Pero no’ng sinabi niya na mahal niya ako…”Huminto siya sandali. “…parang naisip ko… baka okay lang.”Doon ako tuluyang napatingin sa kanya. Natigilan ako sa sinabi n
EMERY“Kanina ka pa ba d’yan, Emery?”Tumango ako. “Opo, Lo. Narinig ko ang usapan n’yo. Ayos lang naman sa akin na hindi na i-celebrate ang pagbubuntis ko. Sapat na sa akin na gawin ang obligasyon ko bilang asawa ni Weston.”Agad na nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.“Anong sinasabi mo, h
EMERY“Anong nangyari sa sperm ng asawa ko?”“Hindi po naging viable ang sample ni Mr. Montenegro dahil sa mababang sperm count at poor quality nito. Wala pong embryo na nabuo mula roon na maaaring i-transfer sa inyo. Noong kinuha ang egg cell ninyo sa cryopreservation room, nadampot ni Nurse Joy a












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore