Dahil sa pagsisisigaw ni Isaac, nahimasmasan na rin si Storm at parang mga batang nakikitalon. He shut his eyes out of annoyance. Now he's regretting that he told them his problem. Sana nagtanong na lang siya sa iba na hindi siya lubusang kilala nang sa ganun maiwasan niya ang mga bagay na tulad nito."Tangína! Seryoso ka ba dyan Velasquez? Kilala ba namin yan?" Usisa ni Storm.Mabilis namang itong sinapok ni Isaac bago inakbayan. "Kailangan pa bang itanong yan? Of course kilala mo. May iba pa bang babaeng kasama yang kaibigan natin bukod doon sa babaeng ipinangangalandakan niya na maid niya lang?" Sarkastiko nitong tanong bago umiling. "Maid pala ha."Storm blinked a couple of times before smiling like an idiot. "Yeah right..."He heaved a deep sigh as he stood from his seat. "I gotta go. Mukhang dadagdagan niyo lang ang problema ko eh," dismayado pa niyang sabi."Nah! It's my expertise Velasquez. Kung dimo naitatanong, ako ang nagturo kay Terrence kung paano niya ligawan ang asawa n
Mabilis na tumayo mula sa kanyang kinauupuan si Nahara nang matanaw niya si Rain papasok ng bakuran. Palingon-lingon pa ito sa paligid na para bang may humahabol dito. Dahil nasa mataas na parte siya ng mansion, tanaw niya ang daan sa unahan at nakitang wala namang ibang tao doon maliban kay Rain. Hindi nagtagal, pumasok na ang lalaki sa loob ng bahay. Agad siyang bumaba ng terasa para salubungin si Rain subalit nang makita niya ito, bigla na lang siyang nakaramdam ng hiya at agad na nagtago sa likod ng dingding malapit sa pinto.Pinalipas niya ang ilang segundo bago dahan-dahang sumilip para tingnan kung naroon pa ba si Rain pero laking gulat niya nang eksaktong pagsilip niya, mukha nitong nakangisi ang bumungad sa kanya. Dahil sa labis na pagkabigla, hindi niya maiwasang mapasigaw. Narinig pa niyang tinawanan siya ng lalaki. Nang mahimasmasan siya ay tiningnan niya ito ng masama."Bakit po kayo nanggugulat?" Nakasimangot niyang tanong.Nagkibit balikat naman ito. "Kasalanan ko ba ku
Sandali siyang natahimik habang pinagmamasdan ang larawan na nasa kanyang harapan. Miranda had a daughter but why do they didn't know about it? Isa pa, kung totoo ngang may anak ito, sino naman kaya ang ama. Pero sa kabila ng nalaman niya, hindi siya nagpahalata kay Alexie na interesado siya sa impormasyong hatid nito. This cunning devil can't be trusted.Nagkapawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago kaswal na sumanddal sa couch na kinauupuan niya. "And so what if she's Miranda's daughter? Black Rose is dead a long time ago."Alexie shrugged his shoulders and picked up the picture. "Miranda may be dead but aren't you curious about her lover?""Marcelo died together with his men at the mansion."What he said made Alexie chuckle, and it annoys him because it feels like this man knows a lot more than he should have known. "And you solely believe that?"His forehead creased. The topic is getting more interesting. "What are you talking about, Volkov?"Alexie sighed before light
"You ready?"Napalingon si Nahara kung saan nakahilig si Rain sa hamba ng pintuan. Tumango siya at umalis na mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na kanyang ikinaasiwa."Nagsuot na po ako ng bra," nakanguso niyang ani.Sandali itong natigilan pagkuwa'y natawa at napailing pa. "Damn. You're so funny."Hindi niya napigilang mapasimangot. "Ano po bang nakakatawa?"Nagpakawala ito ng isang buntong hininga bago umiling. "Nothing. Let's go," aya nito at inakay na siya pababa ng hagdan.Nang makarating sila sa bakuran, dinala siya ni Rain sa isang magarang motorsiklo. Nilingon niya ang lalaki na abala sa pag-aayos ng helmet nito. "Diyan po tayo sasakay?""Yup. Have you ridden a motorcycle before?" Tanong nito.Marahan siyang napailing. "Hindi pa."Lumapit si Rain sa kanya at sinuutan din siya ng helmet. "Then you will experience riding a motorcycle today. Pwede mong sabihin sakin lahat ng bagay na hindi mo pa nasusubukan Nahara. I will le
Ilang beses siyang kumurap habang titig na titig sa kanya ang lalaki. Kahit anong pigil niya sa kanyang sarili, nakaramdam parin siya ng labis na tuwa nang marinig ang sinabi nito. Subalit naputol ang kanilang pagtitigan nang bigla na lang tumunog ang cellphone ni Rain. Mabilis niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa unahan. Nakarinig naman siya ng ungol protesta mula rito bago hinugot ang cellphone nito."I told you not to call me today, didn't I?" Masungit na bungad ni Rain kay Calder sa kabilang linya.Bago siya umalis kanina, binilinan na niya ang lahat ng mga tauhan niya na huwag siyang istorbohin. Infact, he didn't bring any bodyguards with him. Nais niyang mamasyal ng normal kasama si Nahara. Minsan lang din siya kung magliwaliw for fúcksake kaya hindi niya maiwasang mayamot nang makitang tinawagan siya ni Calder."I know Sire, but I guess I need to report this news to you," may himig na pagkabalisa nitong ani.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "What is it?
Kabado si Nahara habang binubuksan ang sulat na iniabot sa kanya. Wala siyang ibang maisip na magpapadala sa kanya ng sulat maliban na lang kay Fabian dahil ito lang naman ang bukod-tanging nakakaalam na may isa pang katulad niya ang nabubuhay sa mundo. Nanginginig ang kanyang mga kamay pero pilit niyang tinatapangan ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng magpatalo. Hindi siya magpapadaig. Nais niyang malaman kung alam na ba nito kung nasaan siya at bakit ito nagpadala ng sulat.Unti unti niyang inilabas ang laman ng envelope pero imbes na sulat ang tumambad sa kanya, mga larawan ang naroon. Mga larawang hindi niya inaasahang makita."Hindi..." Halos pabulong niyang usal.Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang luha. Pakiramdam niya, buong mundo ang dumagan sa kanya ng mga oras na iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan masaya siya? Wala na ba talaga siyang karapatang sumaya?"Ayos ka lang ba, hija?"Napakurap-kurap siya at nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Manang Petra. Ilang b
Marahas siyang napahilamos ng mukha gamit ang kanyang dalawang palad at aburidong napatitig sa gitgitang traffic sa unahan."Listen Manang, dalhin niyo si Nahara sa pinakamalapit na ospital. Magpatulong ka kay Adler. Kapag may nangyaring masama sa kanya, malilintikan kayong lahat sakin!" Galit niyang asik."O—opo Sir!"Pinatay niya ang tawag at napalingon sa passenger's seat. Gabriel came out. Maybe he felt he was agitated and afraid at the same time."Are you alright, Rain?" Puno ng pag-aalala nitong tanong.Sunod-sunod siyang tumango bago ito nilingon. "Please Gabriel, gate keep Hawk so he won't come out," puno ng pagsusumamo niyang ani.Tumango naman ito. "You don't have to worry about him but...""Ask help from Avira and Damian if you feel that you can't handle it anymore. I can't let Azrael take over the body this time too. Not now Gabriel..."Muli itong tumango. "Loosen up Rain. You will trigger him more kung lagi mong aalalahanin ang nangyari noong gabing yun. Forget it for now
WARNING: The following story has mature contents, sexual abuse, violence etc. that are not suitable for young and sensitive readers. Please be guided and read at your own risk.Year 2003—Dahan dahang naglakad paakyat ng hagdanan ang pitong taong gulang na si Rain. He was playing with his toy cars in the hall when he heard a commotion upstairs. Silang dalawa lang ng kanyang mommy ang naiwan sa mansion kasama ang ilang bodyguards.His dad was on a business trip while his twelve years old sister, Rianna was in her school. Tumayo siya sa tapat ng pintuan ng kanyang mga magulang kung saan nagmumula ang kakaibang tunog. Gamit ang kanyang maliliit na palad, itinulak niya ang nakaawang na pinto.Bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha. It was his mother Rachel and she was on top of Marcello—their trusted bodyguard. Nagtatakang nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng mga ito. Tumigil na rin ang kakaibang tunog na narinig niya."Are you playing