Share

DESIRES OF A WICKED MAN
DESIRES OF A WICKED MAN
Author: WannaReadMyStory

PROLOGUE

"Let me go, Azazel!"

Pilit na ipiniksi ni Richy Lane ang kaniyang braso ngunit walang makakapantay sa lakas ng binata. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya at pakiramdam niya, anumang sandali ay kayang-kaya iyong baliin ng binata.

Halos makaladkad siya sa ginagawa nitong paghatak sa kaniya. Kulang na lamang ay madapa siya sa sarili niyang mga paa.

Today is this guy's wedding. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit kinakaladkad siya nito ngayon, imbes na nire-recite ang vow nito sa simbahan.

"Ano ba! Bitawan mo sabi ako—"

"Shut up, Richy Lane!" Galit na wika nito.

Napapitlag siya sa lakas ng boses nito. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng binata at halos manuot sa balat niya ang lamig ng mga mata nito. Maging ang panga nito ay nanggigigil.

"You do not want to test my patience right now."

Halos malunok niya ang sariling laway dahil sa takot.

Natameme na lamang siya, at nang muli siya nitong hatakin ay wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang dito. More like, magpakaladkad nang kusang-loob.

Dinala siya ng binata sa isang malaking kuwarto.

"Wear this." Marahas siya nitong binitawan sa harapan ng isang mannequin pagkatapos niyon. At ang mannequin na iyon, suot lamang naman ang isang napakagandang wedding dress.

Ngunit hindi lamang iton basta wedding dress, kilala niya kung kanino iyon; kung kanino dapat iyon. Sa kaniyang kakambal. But Richy Lou is nowhere to be found.

"I..." Natitigilan siya, hindi mahanap ang tamang salita. What is the meaning of this? Where is Richy Lou? "I don't understand..."

"You will, soon." Bulong ng binata sa gilid niya na halos magpabilis ng kabog sa kaniyang puso.

Ngunit dahil iyon sa kaba. Nanunuot sa kaniyang laman ang lamig ng boses ni Azazel. At kinakabahan siya dahil ramdam niyang galit na galit ito.

Something's definitely wrong. Richy Lou, what have you done?

Ilang kababaihan ang pumasok sa kuwarto pagkatapos niyon. Iba't ibang stylist na ang mata ay sa sahig nakatutok, pare-parehong takot na mapagbuntungan ni Azazel. All of them are avoiding eye contact with the guy as hard as they could.

"Make sure that she'll be at the church within 15 minutes!" Galit na sigaw ng binata bago binalibag ang pintuan ng kuwartong iyon.

Lumikha nang malakas na alingawngaw ang pagkakasara nito, at tila ba iyon na ang cue ng mga stylist upang mangagsigalaw at gawin ang trabaho ng mga ito. Pagkaalis na pagkaalis ng binata ay halos hindi mapakali ang mga stylist.

Hindi magkandaugaga ang mga babae roon na hubaran siya at pagkasyahin sa wedding dress na dapat sana ay kay Richy Lou.

Her twin is tall and thin, possessing a body similar to a supermodel's. Her's is voluptuous. Curvaceous. Hindi siya makahinga sa sikip ng dress na iyon sa katawan niya. Kaya naman kailangang i-modify ang wedding dress on the spot, at manu-manong ayusin kahit na nakasuot na iyon sa kaniya

Kung sinu-sino ang humahawak sa mukha at buhok niya, madala lamang siya sa simbahan sa loob ng kinse minutos. Ngunit ang mas nakakagulat ay tulala lamang siya roon habang nakatayo, at hinahayaan ang mga ito sa ginagawa.

Kaya kahit natusok na siya ng karayom, at kahit ilang ulit na humingi ng paumanhin ang nakatusok sa kaniya ay tulala pa rin siya. Hindi nagsisink-in sa utak niya na siya ang ikakasal kay Azazel ngayon.

What the fūck is going on?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status