Pasig City Regional Trial court Branch 101...
10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga. Nang lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direksyon ng kaibigan niyang si Louise habang ito ay seryoso lang na nakatingin sa kanya. Kakat’wang nagawa pang makipag titigan ni Denice sa mga mata ng kanyang matalik na kaibigan. Paraan niya ito upang ipakita sa lahat ang kanyang paninindigan, na totoo ang anumang salita na lalabas sa kanyang bibig. “Sinungaling! Hindi totoo ‘yan! Nagsisinungaling ka, Denice, sabihin mo ang totoo.” Nanggagalaiti sa galit na pahayag ni Mrs. Melody Howard, dahil nasasaktan siya sa pagdi-diin nito sa kanyang anak. Mabilis na pinakalma ito ng kanyang asawa at nang kanilang abogado. Hanggang nagsimulang umugong ang ingay sa loob ng korte. Nang marinig nila ang pagpukpok ng Judge sa kanyang gavel ay biglang natahimik ang lahat. “Proceed.” Ani ng Judge, kaya muling natuôn ang atensyon ng lahat sa unahan ng korte. Nang tawagin sa unahan si Louise ay ibayong kabâ ang nararamdaman ng kanyang mga magulang ngunit naroon ang tiwala ng mga ito sa kanilang anak. Dahil iniisip nila na ang anak nila ay may paninindigan, she’s smart para maunawaan ang tama sa mali. “Ms. Louise Howard, gaano mo katagal na kakilala si Ms. Denice Melendez?” Tanong ng kanyang abogado. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Louise kaya natigilan ang lahat ng tao sa kanyang paligid. Dahil ang awra ng dalagita ay masyadong kalmado na parang walang ginawang kasalanan na tulad ng ibinibintang sa kanya. Siya ay larawan ng isang inosenteng teenager. “I have known her since grade five. Classmate ko na siya mula grade five until now na third year college na kami.” Nakangiting sagot ni Louise, nahawa sa kanyang ngiti ang abogado, kaya maging ito ay nakangiti rin habang marahang tumatango. Muling nagtanong ang abogado kay Louise. “Ano ang pagkakakilala mo kay Ms. Melendez?” Sa pangalawang tanong sa kanya ay seryoso na ang mukha ng abogado. Diretso namang tumingin si Louise sa mga mata ng kanyang kaibigan bago matamis na ngumiti dito. Tila nakunsensya naman si Denice dahil nagbabâ ito ng tingin na para bang hindi niya kayang makipag titigan sa kanyang kaibigan. “She's a good and very supportive friends. There’s a lot of time na nagtutulungan kami sa mga problema namin specially when it comes to studies.” Diretsahang sagot ni Louise, kampante itong sumagot dahil para sa kanya ay napakasimple lang ng tanong. Pagkatapos na magsalita ay lumipat sa mukha ng abogado ang kanyang tingin. “I see, ngayon, Ms. Howard, may isa akong katanungan at sana ay sagutin mo ito ng maayos na walang halong kasinungalingan. Sino ang nagmamaneho ng sasakyan ni Ms. Denice Melendez ng araw na mangyari ang aksidente?” Seryoso, ngunit may diin ang bawat pagbigkas ng abogado sa katanungan nito. Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng trial court. Ang bawat isa ay kabado sa magiging sagot ni Louise. Nang muling tumingin si Louise sa mga mata ni Denice ay naroon ang matinding pagsusumamo mula sa luhaan na nitong mga mata. Maging ang ina nitong Si Cynthia ay tila nakikiusap rin sa kanya. Hindi ito naka ligtas sa matalas na pakiramdam ng ina niyang si Melody Howard dahil tila nahuhulaan na niya kung ano ang nangyayari sa pagitan ng pamilya ni Denice ng kanyang anak. Nakaraan... “Tell me, anong maitutulong ko sayo, Denice?” Alanganing tanong ni Louise kay Denice na kasalukuyang nakaluhod sa kanyang harapan. Lumunok muna ito upang alisin ang barâ sa kanyang lalamunan bago ito nagsalita. “Gusto kong aminin mo sa lahat na ikaw ang nagmamaneho ng kotse ko noong araw na ‘yun, Louise.” Matatag na pahayag ni Denice na labis na ikinagimbal ni Louise. “What!? No! No! Hindi ko magagawa ang nais mong mangyari Denice! Batid nating pareho na ang nobyo mong si Rhed ang nagmamaneho ng sasakyan! Kamuntikan na nga tayong mamatay ng dahil sa walang kwentang lalaki na ‘yun! Tapos ngayon, handa ka pa ring pagtakpan s’ya? Pasensya na, pero hindi ko kayang gawin ang nais mong mangyari!” Galit na sagot ni Louise. Ang mga mata nito ay kakikitaan mo ng matinding pagkamuhi para sa nobyo ng kanyang kaibigan. “Louise, alam mo na hindi lang si Rhed ang may hawak ng manibela ng mga oras na ‘yun. Tinakot ako ng pamilya n’ya na sa oras na siya ang ituro ko ay sisiguraduhin nila na kasama akong mabubulok sa loob ng kulungan!” Umiiyak na paliwanag ni Denice. Hindi makapaniwala si Louise sa kanyang mga narinig dahil sagad sa buto ang sama ng ugali ng lalaking iyon. Matitiis nito na makulong ang kanyang mag-ina dahil lang sa pagiging makasarili nito!? “Alam ba ni Rhed na buntis ka?” Seryosong tanong ni Louise na sinagot naman nito ng isang marahang pagtango habang patuloy itong umiiyak. “Hayop s’ya, napaka walang kwenta niyang tao!” Galit na turan ni Louise. “Sa oras na akuin mo ang lahat, maaaring mabalewala ang kaso dahil minor de edad ka pa lang. At pagkatapos ng anim na buwan, sa pagtuntun mo sa tamang edad ay kukuha si Mommy ng magaling na abogado para sa ating dalawa. Pero sa pagkakataong iyon ay aaminin ko sa lahat na kaming dalawa ni Rhed ang nagmamaneho ng sasakyan. Handa kong gawin ang bagay na ‘yun Louise, dahil sigurado ako na bago pa lumabas ang hatol ng korte ay nai-panganak ko na ang anak ko.” Kasalukuyang sitwasyon... “Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidente. Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Louise na labis na kinabigla ng abogado nito. Bagsak ang mga balikat ng abugado at ang ekspresyon ng mukha nito ay kakikitaan mo ng matinding disappointment. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Howard dahil sa walang takot na pag-amin ng kanyang anak. Halos mamutla ang mukha nito habang paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga katagang, “No, Louise! Hindi mo alam ang ginagawa mo anak...”Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!
“Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga
“Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog. Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking
“Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh
Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya
“Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko na