LOGINCloud Serravalle, 34, is the eldest among the Serravalle brothers. Being the eldest, he doesn’t have any choice but to manage their real estate company and make sure that it will stay on top of the business no matter what. Despite growing up with a strict parents, Cloud still has happy memories from when he was a child, primarily because of his childhood friend Seren Evangeline Del Valle, 29, who happened to be his first love and almost became a wife, not until they discovered the things Seren’s parents did to their company. Despite his love for her, Cloud decided to break off their engagement and push Seren away without knowing that she was carrying his secret baby. Four years later, when Cloud finally decided to get engaged again to his new girlfriend Sienna Valmonte, for the sake of their business ventures, that is also the time when he met Seren again on the same island where the engagement was supposed to happen. Fueled with anger because of their past, Cloud Serravalle decided to punish her ex-fiancé Seren Evangeline Del Valle by having sex with her on the island and by leaving her once again to continue his engagement with Sienna, without knowing that for the second time around, Seren is carrying his baby secretly until the truth behind their past is finally untold.
View MoreSeren Evangeline Del Valle
"Hey baby, why are you crying?" nag-aalalang tanong ko sa tatlong taong gulang kong anak nang pumasok ito sa maliit na apartment na aming tinutuluyan dito sa America.
"The kids don’t want to play with me… They said I don’t have daddy," patuloy ang paghikbing paliwanag nito na lalo namang dumurog sa aking puso.
Hindi ko naman ginustong lumaki ang anak ko na walang ama, pero ano nga bang magagawa kung ang mismong lalaking kasama kong bumuo sa kanya ay siya rin namang parehong taong nagtulak sa aming mag-ina para lumayo sa kanya.
Nanatili namang tikom ang aking labi at mahigpit na lang na niyakap si Cyrus, ang tatlong taon kong anak hanggang sa tuluyan na siyang kumalma.
"Mama… is Cyrus bad, kaya wala akong Papa?" mahinang tanong pa niya sa akin habang ang kanyang maliit na kamay ay mahigpit lang ring nakayakap sa aking leeg.
Marahan ko namang itong binuhat bago kami naglakad papunta sa maliit na sofa sa aming tinutuluyan. Hinaplos ko rin ang kanyang kulay tsokolateng buhok na namana niya sa kanyang ama bago itong malungkot na pinakatitigan.
"You’re not bad, baby. It’s just happen that not all kids has their Papa while they are growing. Some kids they have Papa but they don’t have Mama," pilit na paliwanag ko naman sa kanya kahit pa alam kong sa murang edad niya ay hindi pa niya lubos na mauunawaan ang lahat.
Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap ng aking anak sa akin at mas lalo ring isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg habang pilit na pinipigilan ang kanyang paghikbi.
"But… Cyrus wants a Papa. I want a Papa, Mama," muling umiiyak na sabi pa nito.
Sa ganoong tagpo naman kami nadatnan ni Daddy na galing sa kanyang trabaho sa isang maliit na factory malapit sa aming tinutuluyan.
Agad itong lumapit sa aming mag-ina at kaagad na kinuha ang aking anak upang siya naman ang umalo dito dahil maging si Daddy ay batid rin ang sobrang kalungkutan ng bata.
"Bakit malungkot ang apo ko, ha? May nang-away ba sa apo ko?" ani pa ni Daddy.
Kahit naman dito ko na sa America isinilang at pinalaki ang aking anak, sinigurado pa rin namin ni Daddy na maituturo pa rin sa kanya ang sarili naming wika. Dahil kahit siguro ilang beses kong itanggi sa aking sarili, patuloy pa rin akong umaasa na balang araw ay makakauwi rin kami sa sarili naming bansa.
Kagaya ng sinabi sa akin ng aking anak ay ganoon rin ang kanyang sinabi sa kanyang lolo, kaya naman habang nagkukwento si Cyrus kay Daddy ay hindi naman nito maiwasan ang hindi mapatingin sa aking pwesto na tila ba ang awa sa kanyang mga mata ay hindi lang para sa aking anak kundi maging para rin sa akin, sa sitwasyon na meron kami sa ngayon.
Si Daddy na rin ang nagpatulog kay Cyrus habang ako naman ay nagluto na lang rin ng aming hapunan. Kailangan ko rin kasi pumasok sa cafe na aking pinagtatrabahuhan kaya naman pagkatapos kong magluto ay agad na rin akong nagtungo sa aking silid para makapagbihis na rin.
Sa aking muling paglabas sa sala ay naroon na rin si Daddy na naghahain sa maliit naming mesa ng mga pagkaing aking inihanda kanina.
"Kumain ka na muna rito Seren, at baka mamaya ay maraming tao sa pinapasukan mo at hindi ka pa makakain nang tama sa oras," pag-anyaya pa sa akin ni Daddy.
Hindi na rin naman ako tumutol pa sa kanyang sinabi at agad na rin siyang sinamahan sa pagkain dahil gaya nga ng sabi niya kanina, hindi ko sigurado kung ano ang aabutan ko mamaya sa trabaho. May araw kasi na madalang ang mga customer namin pero may mga pagkakataon rin naman na ni ang umupo at umihi ay hindi namin magawa dahil sa dami ng aming trabaho.
Ilang sandali ring nabalot ng katahimikan ang pagitan namin ni Daddy hanggang sa hindi na rin siya nakatiis pa at marahan niyang ibinaba ang kanyang hawak na kubyertos at saka hinawakan ang aking kamay dahilan upang mapalingon ako sa kanyang dako.
"Why you don’t go back in the Philippines, anak? Mas magiging maayos ang buhay ninyong mag-ina roon at baka sakaling magkaroon ka rin ng pagkakataon at lakas nang loob na ipakilala ang apo ko sa mga Serravalle. Kahit naman hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ng landas ni Benjamin ay alam ko namang hindi siya masamang tao. Alam kong oras na malaman niya ang tungkol sa apo ko ay hindi naman niya ito ipagtatabuyan," nananatyang paliwanag ni Daddy sa akin habang ang kamay ay nananatiling nakahawak sa aking kamay na tila ba iyon ang kanyang paraan para pakalmahin ako.
Suminghap naman ako bago siya nagawang tugunin. “Dad, alam nating pareho na hindi tayo puwedeng tumuntong muli ng Pinas. Baka nakakalimutan mo na block listed tayo roon at sa oras na tumapak tayong muli sa Pilipinas ay sa kulungan agad ang deretso natin,” pigil ang inis na paliwanag ko naman sa kaniya.
Muli ko na naman kasing naalala ang pamilyang iyon. Ang pamilya na akala ko ay tunay na nagmamalasakit sa amin. Ang pamilyang pinakamalapit sa pamilya ko at akala namin noon ay kasangga namin sa lahat ng bagay. Pero sa bandang huli ay sila rin palang pamilya na magdadala sa amin ng labis na pasakit sa buhay.
“Seren, anak, ako lang naman ang hindi puwedeng umuwi sa Pinas. Pero ikaw at ang apo ko, malaya kayong makababalik sa bansang pinagmulan mo. Kung ayaw mong ipakilala siya sa mga Serravalle ay wala namang kaso. Ang sa akin lang ay mas magiging maalwan ang buhay ninyong mag-ina kapag umuwi kayo. May mga kaibigan pa rin naman ako na puwede nating lapitan para makapagtrabaho ka sa kanila,” patuloy pa rin ang paliwanag ni Daddy.
Hanggang sa makaalis ako ng aming tinutuluyan ay patuloy pa ring tumatakbo sa aking isip ang mga sinabi ni Daddy sa akin kanina. Doon ay unti-unti kong naunawaan ang bawat punto niya. Magsisimula na ring pumasok si Cyrus sa eskuwela at kung mananatili kaming mag-ina rito at magtitiis sa kakarampot na sahod sa mga trabahong pinapasukan namin ni Daddy ay malabong mapaaral ko siya. Kaya naman bagamat may takot pa rin sa aking sistema, napagpasyahan kong sundin ang payo ni Daddy sa akin. Bahala na pagdating sa Pinas, ang mahalaga lang sa ngayon ay kahit papaano, mabigyan ko ng magandang buhay ang anak ko. Ang tanging yaman na mayroon ako.
Cloud Serravalle“What happened here?” kunot-noong tanong ko pagkapasok ko sa coffee shop ni Mika. Dito ko kasi iniwan si Seren kanina bago ako pumunta sa opisina para sa ilang dokumento na kailangan kong pirmahan. Mabuti na nga lang at wala doon si Daddy kanina dahil kung nagpang-abot kami ay baka magkasagutan na naman kaming dalawa.Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Mika bago nito iniabot sa akin ang isang fresh mango shake na kanyang ginawa.“Wala naman, may asungot lang na dumating kanina,” taas-kilay na sabi pa niya, dahilan upang mapadako ang tingin ko kay Seren na nakaupo sa aking harap. Muli ring bumalik si Mika sa kusina kung kaya naman ay malaya kong natanong si Seren ang tunay na nangyari kanina.Pagdating ko kasi sa coffee shop ay kakaibang katahimikan na kaagad ang bumungad sa akin at maging ang mga staff sa shop ay tila ba natatakot din, kaya naman hindi ko na rin naiwasang magtanong kung ano ba ang kaganapan noong wala ako.“Anong nangyari sa kai
Seren Evangeline Del ValleKapalubog na ng dilim nang umalis si Tita Carlita. Ayaw pa nga niyang umuwi noong una dahil nalilibang siya sa pagbabantay at pakikipaglaro kay Cyrus, ngunit nang tumawag na sa kanya si Tito Benjamin ay wala na rin siyang nagawa.Inihatid lang din namin siya ni Cloud sa may labas ng aming bahay at bago umalis si Tita ay nangako pa itong muling babalik sa amin.“Mama, umalis na si Lola?” inusenteng tanong ni Cyrus habang sinusuklay ko ang kanyang buhok.Kakatapos lang din kasi niyang maligo at ngayon ay naghahanda na rin kami sa aming pagtulog.“Yes, anak. Kailangan kasing umuwi ng Lola dahil may sarili siyang bahay, kagaya nina Ninang Mika at Ela,” mahinahon kong paliwanag sa kanya.Kapansin-pansin namang gumuhit ang kakaibang lungkot sa kanyang mukha dahil sa aking sinabi.“Hindi siya pwedeng dito sa bahay na lang natin, Mama? O ako na lang po ang pupunta sa bahay nila? Gusto ko pa po kalaro si Lola eh,” malungkot na tanong pa niya.Sakto naman na kakalabas
Cloud Serravalle“Seren… Cloud?” magkasabay kaming napatingin ni Seren sa aming likuran dahil sa pagtawag ng kung sino sa amin.Sa aking paglingon ay ganoon na lang ang aking gulat nang makita si Mommy habang tulak-tulak pa ang cart sa kanyang harap.Nang masiguradong tama nga ang hinala niyang kami ang kanyang nakita ay mabilis niya ring iniwan ang kanyang mga dala at kaagad na lumapit sa aming pwesto.“What are you two doing here? Saka bakit kayo magkasama?” magkasunod na usisa niya sa amin habang marahan kaming hinihila sa pinakasulok na bahagi ng department store kung nasaan kami.Binilinan din niya ang kanyang bodyguard na si Kuya Raul na siyang pinakapinagkakatiwalaan ni Mommy, na pigilan ang mga kasamahan niya na puntahan ang lugar kung nasaan kami. Nang sa gayon ay makausap niya rin kami nang masinsinan nang dalawa.“Anong ginagawa niyong dalawa rito?” muling tanong ni Mommy.“A-ano po kasi T-tita—” uutal-utal na ani ni Seren at tila ba hindi niya rin alam ang kanyang sasabihi
Seren Evangeline Del Valle Magdadalawang linggo na mula nang makalabas ako sa ospital dahil sa pagbe-bleed ko noong nakaraan. Mula noon ay halos hindi na rin umalis si Cloud kasama namin. Ni hindi ko na nga siya nakikitang pumapasok sa opisina kaya naman hindi ko na rin maiwasang mag-alala.“Mahal…” pagkuha ko sa kanyang atensyon.Kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng kanyang buhok dahil kakatapos lang niya ring maligo kani-kanina lang. Mabilis siyang lumingon sa kinaroroonan ko at bahagya pa akong kinawayan gamit ang kanyang kamay para lang palapitin ako sa kanyang pwesto.Nang wastong nasa harap na ako ay kinuha ko naman ang maliit na tuwalya na kanyang hawak at habang nakatayo sa pagitan ng kanyang mga hita ay marahan kong pinupunasan ang kanyang buhok.“Mahal…” muling pagtawag ko sa kanya habang patuloy lang sa aking ginagawa.“Umm…” simpleng tugon naman niya sa akin bago niya ako marahang kinabig palapit pa lalo sa kanya.“Hindi ka ba papasok sa kumpanya ngayon?” nag-aalinlangan kon
Cloud SerravalleHalos magkadugtong na ang aking mga kilay dahil sa dami ng trabahong nakatambak ngayon sa aking mesa. Hindi ko na rin alam kung alin ba ang aking uunahin dahil sa magkakahalong mga dokumento na ngayon ay nasa aking harapan na mas lalo pang nagpainit sa aking ulo.Dalawang linggo na
Seren Evangeline Del ValleIsang linggo na rin mula nang bumalik ako sa Pilipinas kasama ang anak ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na matinong trabaho kaya naman napaisip ako kung tama bang desisyon ang ginawa ko.Mula sa kusina ay muli naman akong pumunta sa sala matapos kong
Cloud Serravalle"Sir… ito na po ang mga dokumento na hinihingi niyo kanina," My secretary says in a flirty way while she is handling all the documents that I need for today.Bahagya ding nakataas ang kanyang palda na tila ba sinadya niya itong iangat bago pa man siya pumasok sa loob ng aking opisi
Seren Evangeline Del Valle"Hey baby, why are you crying?" nag-aalalang tanong ko sa tatlong taong gulang kong anak nang pumasok ito sa maliit na apartment na aming tinutuluyan dito sa America."The kids don’t want to play with me… They said I don’t have daddy," patuloy ang paghikbing paliwanag nit












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore