“Louise...” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata.
“Denice!” Natutuwa kong tawag sa kanya at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?” Pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngayon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you, Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital, dahil konting pilay lang naman daw ang natamo ko. Sana sabay tayong lumabas sa hospital na ‘to. Hindi ko na kasi matagalan ang amoy ng mga gamot dito. Nasusuka na ako”- bigla akong natigil sa pagsasalita. Napansin ko kasi na tahimik lang si Denice sa harap ko habang nanatiling nakaupo sa kanyang wheelchair. Kapansin-pansin din ang namamasa nitong mga mata na tila anumang oras ay iiyak na ito. “D-Denice, may problema ba? Nag-aalala kong tanong. Nagbago ako ng posisyon, ibinaba ko ang aking mga paa sa sahig ngunit nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama, kaya ngayon ay may kalahating dipâ ang layo namin sa isa’t-isa. Ngunit, hindi ko inaasahan ng hawiin ni Denice ang apakan ng wheelchair bago siya lumuhod sa aking harapan. “T-Teka, Denice, ano bang ginagawa mo? Tumayo ka d’yan! Bakit ka lumuluhod sa harapan ko?” Naguguluhan kong tanong. Ano ba ang nangyayari sa kaibigan kong ‘to? Mas lalo akong naalarma ng humagulgol na siya ng iyak kaya kahit mahirap para sa akin ang lumuhod ay ginawa ko pa rin. Lumuhod ako na halos may dalawang dangkal lang ang layo mula sa kanya. Niyakap ko siya bago hinagod ito sa likod upang pakalmahin. “Tahan na Denice, huwag ka ng umiyak, magpasalamat na lang tayo at buhay tayong nakaligtas mula sa aksidenteng nangyari.” Malumanay kong saad habang patuloy na hinihimas ito sa likod. “H-Hindi mo naiintindihan, makinig ka, Louise, ngayon ko higit na kailangan ang isang kaibigan. Pakiusap, tulungan mo ako.” Ani nito habang patuloy na umiiyak. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at diretsong tumitig ang luhaan nitong mga mata sa aking mga mata. Ang paraan ng tingin niya sa akin ay puno ng pagsusumamo na kahit sino yatang makakita sa hitsura ng kaibigan ko ay siguradong maaawa dito. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya dahil sa nakikita ko ay maayos naman ang kalagayan nito. Maliban kasi sa bendang nakabalot sa kanyang ulo at ilang sugat at pasâ sa mukha ay wala na itong iba pang pinsala. “Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong habang palipat-lipat ang tingin ko sa mga mata nito. “Kritikal ang lagay ng lalaking sakay ng kotseng nakabanggaan natin. Mayaman ang pamilya ng pasyente at gusto nila na mabulok ako sa bilangguan. L-Louise, pakiusap, tulungan mo ako, hindi ko kayang tumira sa loob ng kulungan.” Pagmamakaawa pa nito sa akin. Binalot ng matinding awa ang puso ko at maging ako ay tutol na mangyari iyon sa kaibigan ko. “You don’t need to worry about that, Denice, you know, kayang-kaya ni tita na kumuha ng magaling na abogado para sayo.” Nakangiti kong sagot na ang tinig ko ay puno ng pag-asa upang maging panatag ang loob nito. Lumalim ang gatla sa noo ko ng paulit-ulit na umiling si Denice. “Hindi ganun kadali ang lahat Loui, sigurado na makukulong kaming dalawa ni Rhed, pero ako, hindi ko kayang makulong kasama ang anak ko! Parang awa mo na Loui, buntis ako, at ngayon ko lang nalaman na dalawang buwan na pala akong buntis. Hindi ko masikmura na isisilang ko ang aking anak sa loob ng kulungan!” Anya na sinundan pa ng malakas na hagulgol. Ang kaalamang buntis ito ay parang dinurog ang puso ko, maging ako ay hindi ko kayang makita na lumaki ang isang inosenteng anghel sa loob ng kulungan. “Tell me, anong maitutulong ko sayo?” Alanganin kong tanong dahil iniisip ko na hindi naman kami kasing yaman ng mga ito. Isa lang akong estudyante kaya batid ko na wala akong kakayahan na tumulong financially. Lumunok muna siya upang alisin ang barâ sa kanyang lalamunan bago muli siyang nagsalita...” “Louise, tell me, ano ang sinabi sayo ng mag-inang iyon?” Seryosong tanong ng aking ina, kaaalis lang nina Denice at tita Cynthia ng dumating naman si Mommy. Nagtataka ako kung bakit tila galit ang aking ina kina Denice, dahil very close si Tita at ang Mommy ko. “Wala Mommy, kinamusta lang nila ako at nagsabi sa akin si Denice na aabutin pa nga daw siya ng isang linggo dito sa hospital.” Pagsisinungaling ko sa aking ina bago matamis na ngumiti dito. Ngunit, may pag-aalinlangan sa mga mata nito na halatang hindi siya naniniwala sa akin. “Mom, gusto ko ng umuwi, ayoko na dito.” Naglalambing kong wika na binalewala ang pagdududa nito sa akin. Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago lumapit sa akin at masuyo akong niyakap. “Bukas ay uuwi na tayo, anak, makinig ka, huwag na huwag kang maniniwala sa kahit na anong sasabihin ng pamilya ni Denice. Makinig ka sana sa akin, Louise, dahil sa pagkakataong ito ay kami lang ng daddy mo ang masasandigan mo. Hm? Maliwanag ba?” Madamdaming pahayag ng aking ina, nauunawaan ko kung ano ang mga sinasabi niya sa akin ngunit ang hindi ko lubos na maunawaan ay kung bakit? Dahil ramdam ko na ang bawat isa sa kanila ay may itinatago sa akin.”Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!
“Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga
“Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog. Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking
“Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh
Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya
“Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko na
“Ahhhhh!” Crash! Nilamon ng malakas na sigaw ni Felma ang buong silid ng kanyang opisina. Malakas niyang ibinato ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nabasag sa sahig ang babasaging nameplate kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. “How dare you ruin my career!? Papatayin kita Louise! I swear, mapapatay talaga kita!” Halos mapatid ang kanyang mga litid dahil sa malakas na pagkakasigaw niya sa mga salitang ito. Habang sa kanyang isipan ay paulit-ulit na minura niya ang babae na siyang naging dahilan ng unti-unti niyang pagbagsak. Hindi niya alam kung paanong mabilis na kumalat sa social media ang tungkol sa kinakaharap niyang problema. At ngayon ay pinuputakti siya ng publiko.Lampasan ang tingin sa salaming pader ng kanyang opisina habang nakatitig sa kawalan. Dahil sa pagkakasiwalat ni Louise mula sa mga taong nadehado ng kanyang mga project, maging ang mga kontrata na hindi dumaan sa maayos na proseso ay marami ang nagalit sa kanya. Dumagdag pa ang galit
“Will the jury foreperson, please stand. Has the jury reached a unanimous verdict?” “Yes, your honor.” Narinig kong sagot ng Jury sa tanong ni Judge Cabrahim. Kahit na hu-hulaan ko na ang magiging hatol ng korte ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng trial court upang pakinggan ang magiging hatol sa akin ng hukuman. Napangiti ako ng pisilin ni Alistair ang kanang kamay ko. Wari moy nais nitong sabihin na okay lang ang lahat at hindi mo na kailangan pang mangamba. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago inilipat ang tingin sa aming paligid. Sa kabilang panig ng silid ay nakatayo ang aking biyenan habang sa unahan nito ay ang kanyang mga abogado. Sa bandang likuran nito ay si Felma na tahimik lang sa kanyang kinatatayuan. Kapansin-pansin na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nawala na ang dating closeness ng mga ito, malayo na rin sila sa isa’t-isa na di tulad ng dati na mukha silang mag-ina dahil lagi silang magka
“Atty. Thompson, maaari mo bang sabhin sa amin kung paanong napunta sayo ang kopya ng kontrata gayong pribadong pag-aari ito ng biktima. Isa kang abogado at alam mo na pwede kang kasuhan ng Contract Trespass.” Nagpatuloy ang hearing at ngayon ay inuusig na ako ng abogado ni Mamâ. “I’m aware about that, at handa akong harapin ang anumang consequences ng mga naging hakbang ko. Nang huling araw na nagpunta ako sa opisina ng aking biyenan ay aksidente kong nakita ang confidential folder na naglalaman ng kontrata. I was there to court my mother in-law, para maayos na ang conflict sa pagitan naming dalawa hindi para lasunin siya. I have a valid reason kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na ‘yun. Kahit ilang beses man akong isuka ng aking biyenan ay hindi na nito mababago ang reyalidad na isa kaming pamilya. She’s not my enemy here, I am fighting for the sake of my family.” Matatag kong pahayag bago diretsong tumitig sa mga mata ng abogado. Marahil ay nabasa nito sa