LOGINMalakas ang naging dating ng paglulunsad ng robotics ng MK Group, parang isang alon na biglang umangat at umagaw ng pansin ng buong industriya.Sa loob ng ilang sandali, tila kaya nitong pantayan ang prestihiyo at impluwensya ng kumpanya ni Mr. Valerio. Marami ang humanga, marami ang na-curious, at higit sa lahat, marami ang naghintay kung hanggang saan ito aabot.Ngunit gaya ng inaasahan, hindi nagtagal ang liwanag na iyon. Mas malaki ang kapital, koneksyon, at impluwensya ni Mr. Valerio. Sa isang iglap, tila natabunan ang MK., parang isang maliit na bituin na nilamon ng mas maliwanag na araw.Ngunit hindi si Mayumi ang tipong sumusuko. Hindi siya naniniwala na ang tagumpay ay nabibili lamang ng pera. Para sa kanya, ang diskarte, tiyaga, at tamang oportunidad ang tunay na sandata. Kaya sa halip na gumastos nang malaki para sa marketing, pinili niyang siya mismo ang lumaban sa laban. Harapin ang mga tao, kausapin ang mga posibleng partner, at buuin ang pangalan ng MK gamit ang sarilin
Lahat ng mata sa loob ng marangyang bulwagan ay sabay-sabay napalingon kay Mayumi.Para bang sa isang iglap, huminto ang oras. Napalitan ng bulungan ang musika, at ang bawat titig ay punong-puno ng sorpresa, pagkabigla, at maging inggit.Ramdam na ramdam ni Mayumi ang bigat ng atensyon na iyon. Para bang bawat hakbang niya, bawat paghinga, ay sinusukat ng mga matang hindi kumukurap.Sandali siyang natigilan. Sa dami ng emosyon na nagsasalpukan sa kanyang dibdib, tila nawala siya sa sarili. Ngunit bago pa siya tuluyang malunod sa mga iniisip, bahagyang lumapit si Xavier sa kanya... Masyadong malapit.Sa isang boses na malamig at walang emosyon, isang boses na para bang walang kahit katiting na lambing. Mahina itong nagsalita, sapat lamang para silang dalawa ang makarinig.“Hintayin mo ako sa lounge pagkatapos nito.”Walang paliwanag. Walang tanong. Walang pag-aalinlangan... Isang utos.At bago pa man makapagsalita si Mayumi, bago pa man niya maiproseso ang kahulugan ng mga salitang iyo
“Sigurado na akong maghihiwalay na sila.”Mahinang boses iyon, ngunit sapat para umalingawngaw sa maliit na grupo. Nakasandal si Patrick sa bar counter, hawak ang baso ng alak habang nakatitig sa likidong umiikot sa loob nito.“Pero kung kailan at paano… nakadepende pa rin kay Xavier.”Napailing ang ilan. May mga napairap, tila hindi kumbinsido.“Grabe, Patrick. Ganun ka kalapit kay Xavier pero hindi mo pa rin alam?” may bahagyang panunuyang sabi ng isa. “Ibig sabihin, hindi pa talaga tapos ang lahat?”“Sa totoo lang,” singit ng isa pa, “parang hindi na rin naman siya ang may kontrol kung matutuloy ang hiwalayan o hindi.”Napakunot ang noo ni Patrick. “Anong ibig mong sabihin?”Bahagyang lumapit ang lalaki, saka ibinaba ang boses. “Ang lola ni Xavier… pabor na pabor kay Mayumi.”Agad na natahimik ang grupo.“Kung hindi siya sang-ayon, sa tingin mo ba gagawin ni Xavier ang isang bagay na makakasakit sa kanya? Kilala mo siya. Hindi niya kayang suwayin ang lola niya.”Saglit itong tumigi
Gabi na nang tuluyang mapuno ang buong hotel. Isang engrandeng lugar na eksklusibong ipinabook ni Ginoong Valerio para sa espesyal na okasyon.Ang unang tatlong palapag sa itaas ay nakalaan para sa mga regular na bisita bilang mga lounge. Samantalang ang mga susunod na palapag ay hinati-hati para sa mga pribadong lounge ng iba’t ibang pamilya. At sa pinakatuktok, nandoon ang lounge ng pamilya Valerio.Tahimik, elegante, at puno ng kapangyarihan. Sa isa sa mga silid doon inilagay ang gown na inihanda ni Xavier para kay Mayumi, isang gown na tila simbolo ng isang relasyong unti-unting nagiging komplikado.Paglabas ni Mayumi mula sa elevator, agad niyang napansin si Kiel sa hallway. Nakasandal ito sa pader, naka-cross ang mga braso. Ang isang kamay ay sumusuporta sa kanyang siko, habang ang hinlalaki naman ay bahagyang nakadikit sa kanyang labi... isang pamilyar na postura.Matagal na niyang hindi nakikita si Kiel na ganito. Ganito lang ito kapag may mabigat na iniisip, kapag may problem
Nagulat si Andra nang bigla siyang tawagin ni Xavier sa lounge, lalo na’t napakaseryoso ng tono nito. May kakaibang bigat sa boses ng kanyang kuya na hindi niya madalas marinig.Pagpasok pa lamang niya sa loob, agad siyang napahinto. Malamig ang ekspresyon ni Xavier, parang pinipigilan ang galit.Si Ysabel naman ay tahimik sa gilid, ngunit halatang tensyonado, ang mga mata ay may bakas ng pag-aalala at kaba.Biglang kumabog ang dibdib ni Andra. Matagal na niyang hindi nararamdaman ang ganitong klaseng atmosphere... yung mabigat, nakakasakal, at tila may sasabog anumang oras.Naalala niya ang mga panahong hindi pa naghihiwalay sina Xavier at Ysabel. Hindi man madalas ang kanilang pagtatalo, pero sa tuwing mangyayari iyon… ganito palagi ang hangin, punong-puno ng tensyon.Anong nangyayari? Nag-away na naman ba sila?Ngunit agad niya ring itinanggi iyon. Sa mga nakaraang araw, maayos ang lahat sa pagitan ng dalawa. Mas naging malapit pa nga sila. At doon… may isang pangalan na kusang s
“Sige,” marahang tumango si Mayumi, ngunit ang kanyang tinig ay matatag at walang bahid ng pag-aalinlangan.Walang kahit anong pahiwatig ng biro sa kanyang mga salita, parang matagal na niya itong pinag-isipan, parang matagal na niyang inihanda ang sarili para sa ganitong sandali.Saglit na natigilan si Chrstian. Hindi niya inaasahan ang ganoon kabilis at kaseryosong sagot.“Hindi mo ba kailangang pag-isipan muna?” tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo ngunit may nakapirming ngiti sa labi.“Kakahiwalay mo lang kay Xavier,” dugtong nito, bahagyang pabiro ang tono pero may halong pag-aalala. “Tapos ngayon, papasok ka agad sa relasyon… sa akin pa. Hindi ka ba natatakot sa sasabihin ng mga tao?”Mahinang natawa si Mayumi, isang tawang may halong pagod at pagtanggap. “Pagkatapos ng diborsyo ko kay Xavier, pag-uusapan ako ng mga tao kahit ano ang piliin ko. Kapag nanatili akong mag-isa, may masasabi sila. Kapag nakipag-date ako agad, mas lalo silang magsasalita.”Bahagya siyang napatingi
"Don’t cry, Yumi. Konting tiis lang, dadalhin kita sa ospital. Hindi na ‘yan sasakit mamaya.” pag-aalo nito sa kanya. Maingat ang paghawak ni Kiel na parang takot itong masaktan siya muli.Tahimik siyang tumango. Napag-isip-isip niya.... tama na ang pagpapahirap sa sakit sa kanya. Hindi na niya hah
Magsasalita pa sana siya nang makitang pababa na si Xavier kasama ang amang si Lucio.“Grandma, minsan hindi ko na talaga alam kung ako ba ang tunay mo na apo o si Mayumi.” wika nitong parang may pagtatampo at pagseselos habang nakatingin sa kanialng dalawa ni grandma na magkahawak kamayTiningnan
XAVIER'S POV:Sa library… prenteng siyang nakaupo sa sofa, marahang tumatambol ang mga daliri sa ibabaw ng tabletop.Sa tapat niya ay ang kanyang amang si Lucio Valerio na tahimik at kanina pa nagbabasa ng mga dokumento ng kompanya.“Dad, hindi mo naman ako pinatawag para lang panoorin kang magtrab
DONYA CORAZON POV:Pagkaalis ni Mayumi ay maingat niyang binuksan ang regalo nito sa kanya. Sa loob nun ay isang lumbar pillow.Napangiti siya nang makita ang regalo ni Mayumi, matagal nang masakit ang kanyang likod, marahil dahil na din sa katandaan. Madalas niya itong hilutin lalo na kung matagal







