MasukMababa at paos ang boses ni Xavier, at sa ilalim ng bawat salitang binitiwan nito ay naroon ang isang bagay na noon pa man ay hindi kailanman naging bahagi ng kanyang pagkatao... kawalan ng kumpiyansa.Ibang-iba iyon sa lalaking nakilala ni Mayumi.Sanay siya sa Xavier na laging matigas ang tindig, malamig ang mga mata, at nagsasalita na parang lahat ng bagay sa mundo ay kayang mapasunod sa isang utos lang. Sanay siya sa mapagmataas nitong tinig, sa tiyak at walang alinlangang paraan ng pagsasalita nito.Ngunit ang Xavier na naririnig niya ngayon ay tila estranghero. Mahina, nag-aalangan at tila… takot.Bahagyang napatigil si Mayumi. Bihira niya itong marinig na kausapin siya nang ganoon. Sa katunayan, halos hindi niya maalalang nangyari na iyon noon. Mas lalong hindi niya maalalang nagtanong ito tungkol sa kanyang damdamin.Kailanman, hindi naging interesado si Xavier sa nararamdaman niya. Hindi nito kailanman tinanong kung nasasaktan ba siya, masaya ba siya, pagod ba siya, o galit
Walang napansing kakaiba si Ysabel. Tahimik lamang siyang kumilos habang isa-isang binubuksan ang mga lalagyan ng pagkain. Maingat niyang inayos ang bawat putahe sa ibabaw ng mesa.“Xavier, kumain ka muna.”Napatingin si Xavier sa lamesa, inaasahan niyang magigising ang gana, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Biglang kumulo ang kanyang sikmura at napaduwal. Para bang bawat amoy ay lalo lang nagpapabigat sa kanyang pakiramdam.Ang mga chef sa cafeteria ng Valerio Corporation ay pawang mga kilalang eksperto sa larangan ng pagluluto. Ang mga pinakamahusay ay ang kinuha para sa kumpanya, mga kusinerong hinahangaan dahil sa pambihirang talento sa pagluto at elegante nilang presentation. Maraming empleyado ang nag-aabang araw-araw sa kanilang mga putahe.Ngunit sa sandaling iyon, walang halaga ang reputasyon ng mga iyon kay Xavier. Ang tanging nais ng kanyang katawan ay magsuka.Namutla ang kanyang mukha. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipilit na manatiling kalmado.D
Hindi na binuksan ni Mayumi ang buong larawan. Hindi na niya kailangan pa. Kahit thumbnail pa lamang iyon, sapat na para hulaan niya kung ano ang gustong iparating ni Ysabel.Hindi ito simpleng litrato lamang. Isa iyong tahimik ngunit malinaw na pahayag, isang paraan para ipakita kung gaano sila kalapit ni Xavier at kung sino ang kasama nito ngayon.Bahagyang tumigas ang kanyang panga. Kung dati ay baka nasaktan pa siya, ngayon ay pagod na lamang ang naramdaman niya.Walang pag-aalinlangan niyang binuksan ang contact ni Xavier at isa-isang pinindot ang mga opsyon.Delete contact. Block number.Saglit siyang napatitig sa screen bago ibinaba ang telepono.Pinanatili niya noon ang contact nito para sa mga usapin tungkol sa shares, legal matters, at kung sakaling magkaroon ng problema sa kanilang post-divorce arrangements. Ngunit ngayong umabot na sa ganito ang sitwasyon, pakiramdam niya ay wala nang dahilan para mag-iwan pa ng kahit anong koneksyon.Kung may kailangang pag-usapan, maaar
Matapos ang halos isang minutong katahimikan, nagpakawala ng malalim na hininga si Mayumi at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan niya.Sandali niyang pinagmasdan ang maliliit na bahay sa ibaba na tila mga laruan lamang mula sa taas, at ang mga taong kumikilos na parang mga langgam sa malayo. Sa ganitong kalayuan, parang napakaliit ng mundo, at pansamantalang nawawala ang bigat ng mga problemang pasan niya.Mahina siyang napangiti.“Napakaganda talaga ng tanawin mula rito sa itaas,” bulong niya.Iniunat niya ang isang kamay at idinikit ang palad sa malamig na hangin, hinahayaang dumaloy iyon sa pagitan ng kanyang mga daliri. Nakakagaan ng pakiramdam ang simoy, parang unti-unting tinatangay ang pagod at pagkalito sa isip niya.Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang ilang segundo upang namnamin ang katahimikan.Ngunit bigla na lamang umangat ang kanyang katawan mula sa lupa.Napatalon sa kaba ang kanyang puso. Agad siyang napadilat, at doon niya nakita na tumayo pala si Christian nan
Walang ideya si Mayumi kung ano ang nararamdaman nito sa sandaling iyon, o kung bakit bigla itong umakyat sa rooftop sa ganoong oras.Ngunit isang bagay ang malinaw sa kanya... napakapanganib ng ginagawa ni Christian ngayon.Basa na ng pawis ang kanyang mga palad dahil sa kaba. Maging ang paghinga niya ay hindi pantay. Gusto niyang tawagin ang pangalan nito, gusto niyang sigawan ito na bumaba roon at lumayo sa gilid, ngunit hindi niya magawa.Natatakot siya, isang maling sigaw lamang, isang saglit na pagkabigla, at maaaring mawala ang balanse nito. At sa taas na iyon, wala nang pangalawang pagkakataon.Dahil doon, mariin niyang pinakalma ang sarili. Huminga siya nang malalim, pinigilan ang panginginig ng kanyang katawan, at dahan-dahang humakbang palapit.Mahina, maingat, halos walang tunog. Pinipilit niyang maging magaan ang bawat yapak habang papalapit sa dulo ng rooftop.Ngunit makalipas lamang ang dalawang hakbang, nagsalita si Christian. Parang may mga matang nakakakita kahit nak
Nag-atubili si Alden bago nagsalita. Halatang pinag-iisipan muna niya kung paano ihahatid ang balitang alam niyang maaaring makapagpabago ng mood ng kanyang amo.“Mr. Valerio,” maingat niyang simula, “nabalitaan ko po sa security ng night shift na dalawang oras na raw pong nandoon si Miss Ysabel.”Bahagyang nag-angat ng tingin si Xavier mula sa hawak niyang dokumento.“Sinubukan po nila siyang pakiusapang umuwi na, pero nagpumilit siyang tapusin muna ang trabaho niya.” dugtong ni AldenPagkasabi niyon, maging si Alden ay napailing nang bahagya. Akala niya noon, wala nang hihigit pa sa sipag ni Xavier, isang taong kayang magpuyat, magtrabaho nang walang reklamo, at kalimutan maging ang sariling pahinga para lamang matapos ang mga kailangang gawin. Ngunit hindi niya inakalang may isa pang taong kayang sumabay, o baka’y higitan pa iyon... At ang taong iyon ay si Ysabel.Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng kaunting hiya. Kung tutuusin, siya mismo ay minsan nang nagreklamo sa simpleng
Nang mabuksan na ang pinto ay nanguna siya sa pagpasok. Nakahinga siya nang maluwag nang wala namang kakaiba doon sa loob. Iniimagine niya kasi na nakahandusay na si Mayumi doon at puno ng dugo... wala naman pala.At kabaligtaran iyon ng kanyang iniisip... ang silid ni Mayumi ay malinis. Maayos ang
Agad siyang nagkaroon ng pag-asa kaya napangiti siya nang malaki.“Set an appointment. I want to meet them in person,” saad niya kay Alden. “Sabihin mo rin sa kanila na kung mayroon silang mga kondisyon, basta kayang tuparin ng Valerio Group ay ibibigay natin.”“Yes, sir.” mabilis na tugon ni Alden
“Hindi na kailangan,” malamig niyang sabi. “At burahin mo ang kahit anong bakas na pumunta ako rito sa apartment!”Hindi niya hahayaang makaramdam ng tagumpay si Mayumi sa kanilang silent fight. Kung gusto nitong maglaro, maglaro itong nang mag-isa. Pero hindi niya sasakyan ang kabaliwan nito. Gust
Hindi na siya nagpumilit pang pumasok. Sa halip, kalmado niyang ipinaliwanag,“Hindi ko kailangang pumasok, pero may mga naiwan akong gamit sa loob ng mansyon. Pakikuha na lang, please.”Sinabi niya kay Nora kung ano at saan nakalagay ang mga gamit na gusto niyang kunin, pati na rin ang ilang paso






![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
