LOGINSi Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala. Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo. Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan. Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire. Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’. Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin? Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig? Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?
View MoreNakatitig pa rin si Locklan sa pinto.Sa loob ng ilang segundo, nanahimik ang kwarto, pero walang kahit anong payapa doon. Mabigat ang tensyon, halos maramdaman sa hangin, parang pinupuno nito ang bawat espasyo sa pagitan nila.Huminga nang malalim si Eloise, pilit inaayos ang gulo sa loob niya. Pero sa tuwing magsasalita siya, mas nangingibabaw ang sakit kaysa kontrol.Dalawang bagay ang napansin ni Locklan nang sabay:hindi titigil si Eloise… at nandun pa rin ang anino sa labas ng pintoSapat na iyon para kumilos siya.“What the hell…” mahina niyang sabi, hindi nagtataas ng boses. “Kaya ayoko talagang mag-asawa.”Mababa ang tono niya, matigas, at kontrolado.Walang sigaw. Walang panginginig.Yung lamig ng boses ni Locklan, halatang galing sa matagal na pagpipigil at pagiging matatag.“Kakagaling ko lang sa nakakapagod na biyahe, tapos sasalubungin ako ng ganitong reklamo, parang kailangan kong i-explain bawat galaw ko.”Ngumiti siya nang bahagya, pero walang init. Hindi
Habang maingay at magulo ang hapag-kainan sa ibaba, ang silid sa itaas ay balot ng mabigat na katahimikan.Isinara ni Locklan ang pinto sa likod niya nang may diin. Ang tunog ng pag-click ng kandado ay parang hudyat na nasa lugar na siya kung saan pakiramdam niya ay siya ang may kontrol.Lumayo si Eloise ng ilang hakbang, parang kusa siyang umiwas. Huminto siya malapit sa bintana, nakayakap sa sarili, na parang iyon lang ang kaya niyang gawing panangga.Tumingin siya kay Locklan. Mabilis pa rin ang paghinga niya, pero matatag ang tingin.“Okay. Ayan. Private stage mo na ito. Now talk, husband.”Saglit na hinawakan ni Locklan ang doorknob, parang doon siya kumakapit para hindi tuluyang magpadala sa galit. Pagkatapos, lumayo siya at dahan-dahang lumapit kay Eloise. Masyadong kalmado ang mga hakbang niya, halatang pilit.“You’re overreacting,” panimula niya, maingat ang bawat salita. “Hindi ito ang tamang oras para sa—”“Don’t use that tone with me, Locklan,” agad siyang pinutol ni
Parang nanatiling nakabitin sa hangin ang sinabi ni Eloise.“Akala mo ba talaga tatanggapin ko ‘tong sitwasyon na ‘to, Locklan?”Tinitigan siya ni Locklan nang ilang segundo, pero parang mas matagal pa iyon kaysa sa totoo. Nakahawak pa rin siya sa braso ni Eloise, mainit, mahigpit, parang pinipigilan siyang umalis. Nakaigting ang panga niya, bahagyang gumagalaw ang muscle, senyales na pinipilit niyang kontrolin ang sarili.Bumaba ang tingin ni Eloise sa kamay nitong nakahawak sa kanya, saka muling umangat sa mukha nito. Nagsalita si Locklan, mababa ang boses, diretso, walang puwang para sa pagtutol.“Sa kwarto tayo mag-usap.”Walang lambing sa tono. Hindi iyon pakiusap. Utos iyon.Napatawa si Eloise nang maiksi, isang tawang mas galing sa sakit kaysa sa saya.“Ano bang problema kung dito tayo mag-usap, Locklan?” balik niya, tinaas ang baba, nagliliyab ang mata sa galit. “Kilala ka ng pamilya mo. Wala ka namang tinatago, di ba?”Bahagyang humigpit ang hinlalaki ni Locklan sa bra
Tahimik si Felix hanggang sa sandaling iyon. Itinaas niya ang tingin mula sa kubyertos at pinagmasdan ang apo. Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumingin kay Valleraine. Sa huli, ibinalik niya ang tingin kay Eloise.Si Daphne, halatang hindi na kayang pigilan ang sarili, bahagyang yumuko pasulong. Ang ilaw sa silid ay tumama sa mga mata niyang ngayon ay seryoso at matalim.“Bakit hindi kasama si Eloise sa trip mo?” diretsong tanong niya. “At bakit, exactly, ikaw Kuya at si Valleraine ang magkasama sa jet pabalik?”Dahan-dahang itinaas ni Locklan ang tingin at sinalubong ang mata ng kapatid. Sa loob ng isang segundo, isang mabilis na segundo, parang nawala ang lamig niya.“It's business, Princess,” sagot niya, may bahagyang ngiti. Iyong klase ng ngiti na si Daphne lang ang nakakakuha kahit sa pinakamasamang timing. “Nothing more.”“Business,” ulit ni Daphne, tuyo ang tono. “Of course. Laging very professional.”Hindi niya gustong makipag-away. Gusto lang niyang makita ni Locklan kung
Parang biglang tumigil ang ingay sa buong hall room. Nagkamali ng isang nota ang string quartet. Ibinaba ng mga photographer ang kanilang mga camera. Naputol ang usapan ng mga bisita. Si Locklan Reed Herrera, isa sa pinakamayayamang CEO sa mundo, ay naroon, hawak sa baywang si Eloise. Para sa karami
Isang linggo na ang lumipas, pero para kay Eloise, parang hindi tuwid ang takbo ng oras. Para itong isang maze na paikot-ikot, at sa bawat liko, bumabalik siya sa iisang gabi na tuluyang nagpabago ng lahat sa kanya. Pira-pirasong alaala lang ang naiiwan sa kanya. Mga malabong flashback. Isang pami
Dalawampung araw na ang lumipas mula nang gabing iyon na, hindi niya alam, naibigay ni Eloise ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Mula noon, hindi na siya kinausap ni Pascal. Ang mga message niya ay walang sagot, at ang mga tawag niya ay diretso sa voicemail. Ang katahimikan ay naging ma
Sa mansyon ng pamilya Herrera, nakaupo si Felix sa kanyang malaking upuan sa dulo ng hapag-kainan. Kahit halata na ang edad at ang sakit na unti-unting kumakain sa lakas niya, tuwid pa rin ang tindig niya. Ang mga mata niya ay matalim pa rin, parang kayang kontrolin ang buong silid. Sa tabi niya, si












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews