DYLAN’S OBSESSION
KABANATA 3 (A)NASA harap ng kwartong may numerong 204 si Dylan sa isang private hospital sa Pampanga. He doesn’t know why his Grandfather wanted him to come all the way from Manila. Gamit ang isang private jet ng kanilang pamilya ay ipinasundo siya nito kanina para lang makita ang taong nasa loob. Napaka-importante naman nito at kailangan pang kanselahin lahat ng appointments niya para bukas.Sa edad na 27 isa na siyang CEO ng DM’s apparel, isa sa kilalang clothing line sa loob at labas ng Pilipinas. DM initials stand for Dylan Monteverde. Dahil sa nag-iisa siyang apo kaya isinunod ito sa pangalan niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang pinto.“Ma’am Jean..!” ang masiglang sambit ng isang babae. Nakangiti ito na kalaunan ay tila naging pilit.No way! Is this for real? Naguguluhang tanong sa isipan ng binata.Hindi niya alam kung paano magreact. That was a year ago. Sino ang mag-aakalang magkokrus uli ang mga landas nila?Sa ikalawang pagkakataon ay nasilayan niyang muli ang mukha ng babaeng nag-ala-knight in shining armor no’ng araw na ‘yon.Siya ang taga-pagmana ng DM kaya responsinilidad niyang panatilihin ito sa itaas gaya nang tinatamasa nito ngayon, at isa sa mga iyon ay magpakasal sa Anak ng chairman ng El-D****e corporation.Labag man sa loob ay napilitan siyang sumunod. Hanggang sa isang estranghera na galing sa kung saang lupalop ang dumating at iniligtas siya.Nagsinungaling siya sa kaniyang Lolo, na girlfriend niya ang estranghera. At ang masakit pa ay dahil sa nangyari, nalaglag ang sanang magiging Anak nila. Lagi niyang sinisisi ang kaniyang Abuelo, at ipinapakita rito na talagang nasaktan siya sa nangyari. Sinubukan niya ring magkulong ng bahay sa loob ng ilang buwan. Naapektohan ang kompanya kaya naalarma ang matanda maging ang kaniyang mga magulang. Ginamit niya ang taktikang iyon para matigil na ito sa pagmamanipula. Besides, pwede namang mapanatili ang DM sa kung nasaan ito ngayon nang walang kasalang nagaganap.Biglang tumikhim ang babae na nagbalik sa huwesyo ni Dylan.“See, I have found her.”D*mn! Piping buga ng binata sa isipan. Mukhang alam niya na ang susunod na mangyayari.“ANO?! Siraulo ka, para sabihin ko sayo virgin pa ako!”Naihilamos ni Dylan ang mga palad sa ginawang pagsinghal ng babae. Kahit naman sino magiging ganoon ang reaksyon.“I am sorry, okay?” mahinahong usal pa niya sa babae. Nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap ayon na rin sa pakiusap niya sa kaniyang Lolo. At lahat nga ng mga kasinungalingang ginawa niya a year ago ay ikinompesal niya na. Hindi niya naman aakalaing sa dinami-dami nang madidisgrasya ng Lolo niya ito pa. “Wala akong pagpipilian. I know it was not right but that was the only way I could escape for being manipulated. Ipakakasal at ipakakasal din ako ni Lolo sa iba.”“Ang akala ‘yong Lolo mo ang may sayad sa utak. Eh, mas malala pa yata toyo mo sa ulo.”Dylan looked at the woman in disbelief. Kung kilala lang nito ang kaniyang Abuelo hindi ito magsasalita nang ganoon. Pasalamat ito at wala ang huli kung hindi tiyak na wala na itong dila.More patient Dylan. Kumbinsi niya sa sarili.“Kasalanan mo rin naman. You were the one who got involved yourself in the picture. Masisi mo ba ako kung sakyan ko ‘yon?”Biglang natahimik ang babae. At kapagkuwan ay nagpakawala ito nang malalim na buntong hininga, tila may iniisip.“Okay na, bayaran mo na lang ako.”Kunot ang noo ay napatingin ang binata sa palad nito pero kalaunan ay naintindihan niya rin ang ibig nitong sabihin. Tumalima naman siya at mabilis na kinuha ang wallet. Ni hindi niya na binilang ang laman at ibingay na lamang ang lahat ng iyon.“Seryuso ka? Ang dami nito.”“It’s fine,” aliw na tugon niya nang tila hindi ito makapaniwala sa nakikita. She was still that innocent stranger a year ago. May nagbago nga lang sa hitsura nito. “Teka, nag-make-up ka? Okay ‘yan mas bumata ka. Hindi ka na mukhang tagabundok.”Sandaling huminto sa pagbibilang ng pera ang babae at inirapan siya.“Hey, I was just wondering why you left me that day without saying a word,” kapagkuwan ay pag-iiba niya. “I had not have the chance to even know your name.”“K-kasi..”Sa nakikita ni Dylan ay biglang hindi naging komportable ang babae na hindi niya maintindihan. Ang weird.“Ahm, k-kuwan..”“Whatever your reason was, it’s okay.”“S-Salamat..!”“By the way, what is your name?”“Kailangan pa ‘yon?”“But of course. Alam mo bang isang taon ka nang tinatanong sa akin ni Lolo? Like your name and address pero wala akong maisagot. Kasi hindi naman talaga kita kilala.”Muli ay bumuntong hininga ang babae bago nagsalita. “Danica, Danica Dela Cruz.”“Nice. Ako si Dylan. So paano, wala na akong utang sayo. Patas na tayo.”“Sige. Pero paano ‘yong Lolo mo? Ano sasabihin mo sa kaniya?”“Ako na bahala do’n. For the meantime pwede sumakay ka muna sa kwento ko? Hanggang sa bumalik ng Manila si Lolo.”“Ano ang ibig mong sabihin?” nakakunot ang noong tanong ng babae.“Death anniversary ng Lola ko sa makalawa. And my grandfather gonna stay here until the ceremony end.”“Oh tapos?” tanong pa nito na bahagyang umarko ang kabilang kilay. Sa ekspresyon ng mukha nito mukhang hindi nito magugustuhan ang sasabihin niya.He sighed. Naipanalangin niyang sana ay pumayag ito. “Magpanggap kang okay tayo habang nandito pa kami. After that hindi na kita guguluhin.”Hindi nagsalita ang babae at nanatili lamang nakatitig sa kaniya.“Oh come on, hindi kita type. Napasubo lang ako sayo.”“Ang yabang mo.”“Deal?” tanong niya nang mukhang masaid ang pride nito.“Sige,” sa wakas ay sang-ayon nito sa mahinang tinig.He smiled. As matter of fact, his whole family is supposed to come the day before the ceremony, nauna nga lang ang kaniyang Abuelo. Napangiti si Dylan sa iisiping makikilala na rin ng lahat ang babaeng iniyakan niya kuno. At least mabibigyan na rin ng hustisya ang pagluluksa niya sa loob ng isang taon.“CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum
HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit
“HELLOOO?! Ang sabi ko, give Papa Dee a space, hindi ko sinabing mag-alsa-balutan ka!” Bahagyang nailayo ni Danica ang cellphone niya sa tenga dahil sa pagtaas ng boses ni Lily sa kabilang linya.“Por Diyos po santo naman, dzai! Anong sasabihin ko kapag hinanap ka sa ‘kin ng asawa at in-laws mo?”“Nagpaalam naman na ako kay Mommy,” tugon niya na muling ibinalik ang cellphone sa tenga. “Pinayagan ka?” “O-oo,” aniya na hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip sa labas. Sakay siya ng isang bus pauwi ng Samar.Pinayagan naman talaga siya, basta’t magpaalam lang daw siya kay Dylan which was ‘di niya ginawa. Hindi niya rin sinabing uuwi siya ng Samar, ang paalam niya ay magbabakasyon siya panadalian kina Lily.Isa pa, para namang may pakialam si Dylan sa kaniya. Sa ngayaon ay lango na ito sa sarap sa piling ng iba.Hindi niya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa mata nang maglaro sa isipan ang eksenang nadatnan niya kahapon.Limang araw na rin ang lumipas matapos ang launching ng DM.
PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito. Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya. Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon. Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon. Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie. Lihim siyang napamura. No way! Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa
DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya. “Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl
MAY paghangang pinagmasdan ni Danica ang walong palapag ng DM’s Apparel. Tunay ngang napakaganda nito.Ang dahilan kung bakit siya napasugod ay sa kagustuhang sorpresahin si Dylan. Ipinagluto niya ito ng pagkain bago siya nagpunta ng salon kaninang umaga.Dahil sa kadal-dalan ni Aida kahapon ay napa-stalked tuloy siya sa I*******m ng ex-wife-to-be ni Dylan. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng panliliit sa katotohanang wala siya ni sa kalingkingan nito.Jeanie Ferrer ang buong pangalan nito. Galing sa isang sikat, mayamang pamilya, at nag-iisang Anak. Nagtapos sa kursong nursing sa abroad. “Tatawagan ko lang po si Sir.”“Ay, huwag!” Naibulalas ni Danica na nilingon si Jenard.Nagtataka man ay tumango ang bodyguard at saka isnukbit sa bulsa ang cellphone.“M-maganda na po ba ako kuya Jenard?” Nahihiya pang tanong ni Danica sa bodyguard kapagkuwan.“Maganda naman po talaga kayo, Ma’am.”“Ibig kong sabihin, kumusta po hitsura ko?” giit niyang tanong. Tatlong oras ang ginugol niya
IHINATID muna ni Dylan at Danica sina Lily at Sheila sa kanilang trabaho kinabukasan bago sila bumyahe pabalik sa Manila.“Ahm, Dylan..,” untag ni Danica sa katipan. Wala itong imik kanina pa at sa manebila lamang nakatuon ang atensyon. “Bakit?”Pinagmasdan lang ni Danica si Dylan. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kagabi subalit nahihiya siyang itanong iyon. Baka kasi, iba lang iyong pagkakaintindi niya.Ang totoo, binabagabag siya sa tinuran nito. Magdamag siyang hindi nakatulog nang maayos. Gusto niyang isiping may nararamdaman ito sa kaniya, pero wala naman itong sinasabing ganoon. Sa kaso ni Dylan, hindi ito mahirap mahalin. Mabait ito at magalang, nakikita niya iyon sa kung paano nito tratuhin ang mga magulang niya noong nasa mansyon pa ang mga ito. Pinagawa rin sila ng bahay nito nang hindi niya alam. Suplado si Dylan kung minsan pero lagi naman nitong pinaparamdam na espesyal siya sa mga simpleng paghalik nito sa kaniyang noo at sa kung paano ito mag-alala. “W-wala..,” u
NAGISING si Dylan dahil sa tunog ng alarmed clock. Nakapikit niyang inabot iyon para i-off saka bumangon. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Sinapo niya ang mukha gamit ang dalawang palad at nagpahinga. Kagabi pa mabigat ang pakiramdam niya at para siyang lalagnatin. Tuluyan na siyang bumaba ng kama makaraan matapos makapagpahinga. Tinungo niya ang banyo at dinusta ang sarili. “ARE you okay, Dylan?” puna ng kaniyang Daddy. Kasalukuyan siyang kumakain ng agahan kasama ang mga magulang at kaniyang Lolo. Tinaponan niya ito ng tingin at tipid na sumagot. “Yeah.” “No, you don’t look like one, baby. You looked pale. Are you sick?” puna rin ng kaniyang Mommy Cassandra na noon ay nakatingin sa kaniya maging ang kaniyang Lolo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. “You’ve dealt with Venice successfully, Grandson. It’s okay to take a break. Si Enrico na muna ang bahala sa kompanya for the meantime,” anang kaniyang Lolo. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang nilalaro ang pagkaing nasa harapan
DAPIT hapon na nang magising si Danica. Eksakto ring naulingonan niya ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang pinto.“Bakit ho?” ang tanong niya nang pagbuksan ang landlady.“Baka kako di ka pa kumain. Dinalhan kita ng pinangat,” anito na tinutukoy ang laman ng dalang tupperware. Napangiti si Danica na kinuha iyon. Matagal na rin siyang hindi nakatikim niyon. Simula kasi no’ng tumira siya sa mansyon ng mga Monteverde hindi na niya nakakain ang mga pagkaing nakasanayan na niya. “Salamat po.”“Pwede kang mag-stay muna sa bahay habang wala pa ang dalawa,” pagmamagandang loob pa ng landlady.“Ay okay lang po, te. Darating na rin ho sina Lily at Ate Sheila maya-maya,” tangging wika ni Danica.“Ganoon ba. Osiya sige. Nasa bahay lang ako kapag may kailangan ka.”Muli ay ngumiti si Danica. Likas talagang mabait ang kausap kahit na noong dito pa siya nakatira.“Sige po. Salamat ulit.”INIHANDA ni Danica ang hapagkainan, ininit na rin niya ang mga pagk