Share

KABANATA 3 (B)

Author: hnjkdi
last update Last Updated: 2023-05-24 08:44:38

“DZAI. Sure kang ipapadala mo lahat ‘to sa Nanay mo?” ang tanong ni Lily kay Danica isang hapon. Nasa isang remittance ang dalawa para magpadala ng pera sa mga magulang ng huli.

“Syempre nagtira rin ako para sa sarili ko.”

“Oy baka kung saan ‘to galing, huh.”

“Bigay nga ‘yan no’ng apo na muntik na makabangga sa akin.“

“Sila ba ‘yong naghatid sayo kanina?”

“Oo. Nakita mo?”

“Hindi. Ikaw lang naman ‘yong nakita ko.”

Kaninang umaga lang nakalabas ng hospital si Danica. Inihatid pa siya ng mag-Lolo sa tinitirhan niya para raw alam ni Dylan kung saan siya pupuntahan. Maging sa kung saan siya nagtatrabaho ay inalam rin ng binata bago ito bumalik ng Manila.

Binigyan si Danica ng bunos na day-off ng amo para makapagpahinga. Eksakto namang rest day rin ni Lily kaya nagpasama siyang lumabas.

“Oh, ayan tapos na. I-vc natin si Mama,” pagkaraan ay wika ni Lily na kinuha ang cellphone. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa harap ng kamera. “Hi ‘Ma! Nagapadala po ako para kay Nanay Rosanna. Pasuyo na lang po. Sayo ko po kasi ipinangalan.”

“Sige, ‘Nak. Musta si Danica?”

Noon naman ibinigay ni Lily ang telepono kay Danica.

“Hello po, Tita! Pasuyo na lang kay Nanay, huh. Saka kumuha ka na lang po ng pang-meryenda at pang-ulam na rin. Pakisabi kay Nanay okay lang ako.”

“Naku huwag na. Mas kailangan iyan ng Nanay mo. Oo sige makakarating.”

“Oy ‘Ma, maya naman. Gogora na kami para mamasyal,” singit ni Lily sa harap ng kamera.

“Osya sige. Ihanap mo nga ng boyfriend ‘yang si Danica nang magkabuhay naman ang mukha. Ang tamlay-tamlay, eh.”

Natawa si Danica sa tinuran ng Ina ni Lily at napailing na lamang.

“Yaan mo, ‘Ma. Kapag-kauwi namin diyan ni Danica may mga mga apo na kayo ni aling Rosanna.”

“Ay Diyos ko huwag naman ganoon Anak!”

Muli ay natawa si Danica at maging si Lily ay napahagikhik na rin.

NAGPASYANG gumala ang dalawa bago umuwi. Una nilang ginawa ay nagshopping. Sumunod ay pumasok sila sa isang play store. Sumakay sila ng rides at kung ano-ano pa ang nilaro roon.

“Nag-enjoy ka?” ang tanong ni Lily kay Danica. Palabas sila ng play store.

“Sobra. Salamat, huh.”

“Hindi kaya mabinat ka? Hindi ba pinagpahinga ka ng amo mo?”

“Okay lang ako. Saka first time kung mamasyal simula no’ng dumating ako rito.”

“Nga naman. Tara doon tayo!” bigla ay turo ni Lily sa isang fastfood chain.

“Sandali..!”

“Bakit?” tanong ni Lily kay Danica na noon ay seryusong nakatingin sa isang malaking monitor. “Sino ba tinitingnan mo?” dag-dag pang tanong nito na tiningnan ang tinitingnan ng dalaga.

“Bagay sila,” wala sa loob na sambit ni Danica na awtomatikong naglandas ang mga luha sa mata. “Hindi na ako magtataka kung bakit niya ako ipinagpalit.”

“Tara na nga! Hindi niya deserve pag-aksayahan ng oras.”

ISANG malaking pizza hot at dalawang coke float ang in-oder ni Lily. Hindi nito alam kung paano aaluin si Danica gayong hindi ito matigil-tigil sa paghikbi kanina pa.

Si Andrie ang nakita ni Danica kanina na i-f-in-eatured sa isang magazine kasama ang Asawa nito.

“Diyos ko, dzai move on na. Maawa ka naman sa sarili mo.”

“Sobrang yaman pala talaga ng Asawa niya, noh at nakikita pa talaga sa t.v.,” sumisinghot-singhot na wika ni Danica habang pinupunasan ng tissue ang namumugtong mga mata.

“Malamang. Anak ba naman ng businessman. Pero Diyos ko huwag na nating pag-usapan ang siraulong pinsan kong iyon.”

“Mabuti pa siya masaya na.”

“Eh, ikaw lang naman pumipigil sa sarili mong maging masaya! Dzai hindi lang si Andrie ang lalaki sa mundo. Ang dami-dami diyan sa gilid-gilid oh, mga blue eyes pa.”

“Puro ka biro. Aanhin ko naman ‘yang mga blue eyes kung wala namang gusto sa akin.”

“Walang gusto kasi ayaw mo. Paano naka-pokus ka lang sa isang tao. Paano mo makikita iyong iba?”

Hindi makaimik si Danica. Totoo naman kasi ang sinabi ni Lily.

“I-try mong i-let go ‘yang feelings mo kasi inaamag na. Baka ikamatay mo ‘yan.”

“Maghahanap ako ng iba ganoon?”

“Why not? Iyan ‘yong dapat mong ginawa a year ago. Huwag kang marter. Wala nang nabubuhay na marter.”

“Parang ang hirap naman yata.”

“Alam mo dzai para sabihin ko sayo maganda ka. At pwede, kung gusto mong makahanap ng lalaki ayusin mo iyang sarili mo. Iwan mo ‘yang pagka-ignorante mo sa Leyte.”

“Aray ko Lily ang sakit, huh.”

“Totoo naman. Kita mo ‘yong sumakay tayo sa escalator kanina pinagtitinginan tayo ng mga tao. Tumalon ba?”

“At least nagawa kong sumakay. Hindi na ako takot,” pagmamalaki ni Danica.

Pinaikot ni Lily ang mga mata bago nagsalita. “Isa pa, bawas-bawasan mo iyang pag-conservative mo. Magugunaw na ang mundo virgin ka pa. Landi-landi rin kapag may time.”

Doon ay natawa si Danica. “Siraulo ka Lily puro ka kalukohan. Gagawin mo pa akong si Magdalena.”

“Dzai seryuso ako. Pero in fairness ngumiti ka na rin.”

“Luh, bahala ka.”

---

MADAlING lumipas ang araw. Lunes na naman at balik trabaho na naman si Danica. Si Lily at si Sheila ay kanina pa pumasok, 8:00 Am - 8:00 PM ang oras ng trabaho ng dalawa kaya maaga pa lang ay umaalis na ang mga ito ng bahay. Tuwing gabi naman ay sinusundo siya ni Lily sa pinagtatrabahoan niya.

Dahil sa alas Kwatro pa ang pasok niya ay minabuti niyang maglinis na muna na ng bahay; nagluto nang makakain pagkatapos para sa pananghalian at para mamayang gabi.

At bago nga mag-alas Kwatro ay pumunta na siya ng Café.

“Oh beh, kaya mo na?” ang agad na bungad ng kaniyang amo.

“Opo Ma’am,” sagot niya na inilapag sa isang mesa ang sling bag at tumulong kay Ellen sa pag-aayos ng mga upuan.

“Oy alam mo ang daming naghanap sayo kahapon at no’ng isang araw.” Si Ellen. Nangingiti ito habang sinsabi iyon. “Lalo na ‘yong si Ralph ang kulit.”

“Talaga?” tuwang tanong niya. Hindi niya maiwasang hindi pag-isipan ‘yong mga sinabi ni Lily. Sabagay hindi naman na masama kung susubukan niya.

Ilang sandali pa ang lumipas ay isa-isa na ring nagsidatingan ang mga kustomers. Gaya ng dati hindi na naman siya magkanda-uga-uga sa pag-iihaw. Sunod-sunod ang orders kaya naaabotan ang ibang nauna. Medyo nasanay na rin siya kaya nagagawa niya naman.

“Dan ito pa, oh. Saka request no’ng nasa table 5 ikaw raw magdala ng order niya.” Nilapag ni Ellen ng papel.

“Okay,” sagot niya at hindi nag-abalang tingnan ito. Alam niyang abot tenga ang pagkakangiti ng huli basi na rin sa tono nang pagkakasabi nito niyon. Ang weird.

Matapos niyang makompleto ang lahat ng orders ay binit-bit niya ‘yong panghuling tray na i-si-serve niya sa table 5.

“Here is your order, Sir!” magalang na wika niya sa matigas na puntó. Inilapag niya ang tray at inisa-isang s-in-erve ang mga order. “Enjoy Si---luh!”

Gulat siyang napatitig sa mukha ng kustomer, si ATM boy. Hindi niya inasahan ang pagdating nito.

“Teka, ngayon ba ‘yon?” tanong niya pa at umupo sa harap nito. Tumingin ito sa suot na relo. Noon niya lang napansin ang suot nitong black suit. Nakaayos ang buhok at umaalingasaw ang panglalaki nitong pabango.

“Yeah. It’s almost eight. Hanggang anong oras ka rito?”

“Hanggang hating gabi pa, eh,” napakamot sa ulo na sagot niya.

“What?” kunot ang noong wika nito sa mahinang tinig. Sa pagtataka niya ay tumayo ito at akmang papasok sa loob. Ang amo niya marahil ang pakay nito.

“Teka lang. Ano ang ginagawa mo?”

“Ipapaalam kita sa boss mo.”

“A-ako na,” presenta niya. Mahirap na at kung anu-ano pa ang sasabihin nito.

HINDI mapakaling pinagkiskis ni Danica ang mga palad habang kausap ang amo. Nahihiya siya na baka isipin nitong umaabuso siya kaya ipinangako niya sa sariling huli na ‘to.

“Talaga ba, Dan boyfriend mo ang gwapong ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Ellen na pasulyap-sulyap kay Dylan. Babasagin ang mga ding-ding kaya kitang-kita ang mga tao sa labas.

“O-oo,” napangiwing sagot niya na hindi makatitig sa amo.

“Siya ba ‘yong tinutukoy ng matanda doon sa hospital?” tanong pa nito.

“O-oho,” sagot niya. Narinig nito lahat nang sabihin ang mga iyon no’ng Lolo ni Dylan.

Napangiti ang kaniyang amo. “Kaya naman pala hindi ka maka-move on.” Tumingala ito kapagkuwan at bahagyang kumurap-kurap. “Hays, bakit parang nalulungkot ako. Pakiramdam ko may mawawala na naman akong waitress.”

Hindi nagsalita Danica. Hindi naman kasi mangyayari ‘yon. Pansamantala lang naman ‘tong pagpapanggap nila ni Dylan. At isang hindi pagkakaunawaan ang narinig nito sa hospital.

“Sige na at mukhang naiinip na ‘yong boyfriend mo,” makaraan ay wika ng kaniyang na nakatingin sa labas. Napatingin din siya. Nakabusangot si ATM boy at panaka-nakang tumitingin sa suot na relo.

“Salamat po,” wika niya at iniyuko ang ulo bilang paggalang.

SA baba ng Café kung saan nakaparada ang sasakyan ni Dylan ay naghihintay sa labas ang isa sa mga tauhan ng Lolo nito. Agad nitong binuksan ang pinto pagkalapit nilang dalawa.

May inabot na paper bag si Dylan sa kaniya pagkasakay nila sa loob. Nagbilin din ito ng mga dapat niyang gawin at sabihin.

SUOT ang itim na besteda at sapatos ay muling sinipat ni Danica ang sariling repleksyon sa salamin. At nagustuhan niya naman ang nakikita niya. Malayong-malayo sa dating Danica.

Sa isang magarang hotel siya dinala ni Dylan kung saan gaganapin ang ceremony para sa death anniversary ng Lola nito.

Muli siyang umikot upang suriin ang kabuuan bago lumabas ng banyo.

Sa hallway ay natanaw niya si Dylan na abala at may kausap sa telepono. Nagsimula siyang maglakad palapit rito na hindi ito inaabala. Tila naman nahimigan ng huli ang presensya niya dahil sa bigla nitong paglingon. Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagkailang na hindi niya maintindihan.

“You’ve really changed a lot,” komento nitong ibinulsa ang telepono. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito.

“Kinakabahan ako Dy---.”

“It’s babe. Call me babe,” pagtatama nito.

Sus Ginoo! usal niya sa sarili. Parang ang hirap niyon bigkasin at isuhestiyon na PANGGA na lamang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
pangga hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 21

    “CONGRATULATIONS, Mrs. Monteverde! You are 13 weeks pregnant!” kompirma ng ob-gyn na tumingin kay Danica isang umaga. Talagang hindi siya tinantanan ng kaniyang ama hangga’t hindi sila maihatid ng kaniyang Nanay Rosanna sa isang pribadong clinic sa lungsod ng Hilongos.Gamit ang isang modernong aparato ay kitang-kuta niya sa monitor ang maliit na pigura sa loob ng kaniyang sinapupunan. Bukod pa roon, rinig niya rin ang malakas na tibok ng puso ng kaniyang munting anghel.“Ay Diyos ko! Congrats, anak!” tuwang bulalas rin ng kaniyang ina na sinamahan siya sa kwarto para ma-ultrasound.Wala siyang makapang salita, at tanging mahinang paghikbi lamang ang nagawa niya sa mga oras na iyon. Hindi mapagsidlan sa tuwa ang puso niya dahil sa nakompirma. Magkaka-baby na sila ni Dylan. Magkakaroon na siya nang matatawag niyang kaniya mula sa katipan. Pero sa kabila no’n, may isang parte ng puso niya ang nalungkot. Alam niya kasi sa sarili na malabo nang magsama pa sila ni Dylan.MAS lalo pang sum

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 20

    HINDI magkamayaw sa tuwa ang mga magulang ni Danica nang makita ang pagbaba niya mula sa tricycle. Mula sa maliit nilang tindahan ay napatakbo palabas ang kaniyang ina para salubungin siya, ganoon din ang kaniyang itay na nagwawalis sa kanilang bakoran.“Anak, bakit naman hindi mo sinabing uuwi ka?” ang masiglang tanong pa ng kaniyang Nanay Rosanna.“Oo nga naman, anak. Nakapagluto sana kami ng nanay mo ng mga paborito mong pagkain,” wika rin ng kaniyang Tatay Ernesto.“Eh, hindi na po sorpresa ‘yon.” Dunukot si Danica ng limang daan sa bag at ibinigay iyon sa tricycle driver. “Iyan na po ba ang bahay natin?” tukoy niya sa isang konkretong bungalow sa harapan. Dati sa bundok at maliit na kubo lamang sila nakatira, ngayon ay nakikita niyang mas maganda na ang kalagayan ng mga magulang niya sa baryo. “Oo, anak. Dalawa ang silid diyan. Pinasadya talaga ang isa para sayo,” tugon ng kaniyang ina na hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi. Alam niyang nasasabik din itong magkit

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 19

    “HELLOOO?! Ang sabi ko, give Papa Dee a space, hindi ko sinabing mag-alsa-balutan ka!” Bahagyang nailayo ni Danica ang cellphone niya sa tenga dahil sa pagtaas ng boses ni Lily sa kabilang linya.“Por Diyos po santo naman, dzai! Anong sasabihin ko kapag hinanap ka sa ‘kin ng asawa at in-laws mo?”“Nagpaalam naman na ako kay Mommy,” tugon niya na muling ibinalik ang cellphone sa tenga. “Pinayagan ka?” “O-oo,” aniya na hinawi ang kurtina ng bintana para sumilip sa labas. Sakay siya ng isang bus pauwi ng Samar.Pinayagan naman talaga siya, basta’t magpaalam lang daw siya kay Dylan which was ‘di niya ginawa. Hindi niya rin sinabing uuwi siya ng Samar, ang paalam niya ay magbabakasyon siya panadalian kina Lily.Isa pa, para namang may pakialam si Dylan sa kaniya. Sa ngayaon ay lango na ito sa sarap sa piling ng iba.Hindi niya napigilan ang pagngilid ng mga luha sa mata nang maglaro sa isipan ang eksenang nadatnan niya kahapon.Limang araw na rin ang lumipas matapos ang launching ng DM.

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 18 (B)

    PALIHIM na hinanap ni Dylan ang asawa. Hinayaan niya muna ito kay Lily kanina habang abala siya sa mga kausap niya. Matagal na hindi nagkita ang dalawa kung kaya’t gusto niyang sulitin ng mga ito ang oras na magkasama. Isa pa, alam niyang walang ka-amor-amor si Danica pagdating sa usaping negosyo. Baka mabagot lamang ito. Hindi siya nabigo. Nakita niya si Danica. Pero bukod kay Lily naroon din ang mag-asawang Francine at Andrie. At hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Hindi pwedeng magsama ang dalawa, aniya. Nakaramdam siya ng pag-aalala nang mabanaag ang lungkot sa mukha ng asawa. At sa tingin niya ay si Andrie na naman ang dahilan niyon. Kaya nang tumayo si Danica at umalis ay hindi na siya nagtaka. Marahil ay magtatago na naman ito sa isang sulok para umiyak, at naiinis siyang isipin iyon. Pero ang hindi niya inasahan ay ang ginawa ring pagtayo ni Andrie. Lihim siyang napamura. No way! Agad siyang umalis sa kumpulan para sundan si Andrie. Ni hindi na siya nagpaalam pa sa

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 18 (A)

    DUMATING na rin ang gabi ng grand event ng DM’s Apparel makalipas ang tatlong buwan, ang launching ng mga bagong designs nito with Venice. Naging matagumpay naman ang naturang event. Sa katunayan, mas dumami pa ang potential investors sa dalawang kompanya. “Hoy dzai, hinay-hinay lang, mukha kang dead hungry!” histerikal na saway ni Lily kay Danica. Nakadalawang plato na ito ng pagkain at mukhang magkakaroon pa ng pangatlo.Pero imbes na sumagot ay isang irap ang isinukli ni Danica kay Lily bago sumubo ng steak. Inimbitahan niya ito at si Sheila para hindi siya ma-out of place kung sakali pero hindi nakarating ang huli dahil sa may importante itong lakad.“Hay, Diyos ko naman! Hindi ka ba pinapakain ni Dylan?”“Hindi,” maikling sagot ni Danica para lang matigil ang kaibigan. Wala siya sa mood kanina pa at sa kinakain niya ibinubuhos ang sama ng loob.“Joke ba ‘yan? Hindi kasi halata.”Tumigil si Danica sa pagkain at napahalukipkip. Gusto niyang batukan ang kaibigan dahil sa kadaldl

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 17

    MAY paghangang pinagmasdan ni Danica ang walong palapag ng DM’s Apparel. Tunay ngang napakaganda nito.Ang dahilan kung bakit siya napasugod ay sa kagustuhang sorpresahin si Dylan. Ipinagluto niya ito ng pagkain bago siya nagpunta ng salon kaninang umaga.Dahil sa kadal-dalan ni Aida kahapon ay napa-stalked tuloy siya sa I*******m ng ex-wife-to-be ni Dylan. Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng panliliit sa katotohanang wala siya ni sa kalingkingan nito.Jeanie Ferrer ang buong pangalan nito. Galing sa isang sikat, mayamang pamilya, at nag-iisang Anak. Nagtapos sa kursong nursing sa abroad. “Tatawagan ko lang po si Sir.”“Ay, huwag!” Naibulalas ni Danica na nilingon si Jenard.Nagtataka man ay tumango ang bodyguard at saka isnukbit sa bulsa ang cellphone.“M-maganda na po ba ako kuya Jenard?” Nahihiya pang tanong ni Danica sa bodyguard kapagkuwan.“Maganda naman po talaga kayo, Ma’am.”“Ibig kong sabihin, kumusta po hitsura ko?” giit niyang tanong. Tatlong oras ang ginugol niya

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 16

    IHINATID muna ni Dylan at Danica sina Lily at Sheila sa kanilang trabaho kinabukasan bago sila bumyahe pabalik sa Manila.“Ahm, Dylan..,” untag ni Danica sa katipan. Wala itong imik kanina pa at sa manebila lamang nakatuon ang atensyon. “Bakit?”Pinagmasdan lang ni Danica si Dylan. Gusto niyang pag-usapan ang tungkol kagabi subalit nahihiya siyang itanong iyon. Baka kasi, iba lang iyong pagkakaintindi niya.Ang totoo, binabagabag siya sa tinuran nito. Magdamag siyang hindi nakatulog nang maayos. Gusto niyang isiping may nararamdaman ito sa kaniya, pero wala naman itong sinasabing ganoon. Sa kaso ni Dylan, hindi ito mahirap mahalin. Mabait ito at magalang, nakikita niya iyon sa kung paano nito tratuhin ang mga magulang niya noong nasa mansyon pa ang mga ito. Pinagawa rin sila ng bahay nito nang hindi niya alam. Suplado si Dylan kung minsan pero lagi naman nitong pinaparamdam na espesyal siya sa mga simpleng paghalik nito sa kaniyang noo at sa kung paano ito mag-alala. “W-wala..,” u

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 15

    NAGISING si Dylan dahil sa tunog ng alarmed clock. Nakapikit niyang inabot iyon para i-off saka bumangon. Nakaramdam siya ng pagkahilo. Sinapo niya ang mukha gamit ang dalawang palad at nagpahinga. Kagabi pa mabigat ang pakiramdam niya at para siyang lalagnatin. Tuluyan na siyang bumaba ng kama makaraan matapos makapagpahinga. Tinungo niya ang banyo at dinusta ang sarili. “ARE you okay, Dylan?” puna ng kaniyang Daddy. Kasalukuyan siyang kumakain ng agahan kasama ang mga magulang at kaniyang Lolo. Tinaponan niya ito ng tingin at tipid na sumagot. “Yeah.” “No, you don’t look like one, baby. You looked pale. Are you sick?” puna rin ng kaniyang Mommy Cassandra na noon ay nakatingin sa kaniya maging ang kaniyang Lolo. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala. “You’ve dealt with Venice successfully, Grandson. It’s okay to take a break. Si Enrico na muna ang bahala sa kompanya for the meantime,” anang kaniyang Lolo. Hindi siya nagsalita. Tahimik niyang nilalaro ang pagkaing nasa harapan

  • DYLAN’S OBSESSION (Tagalog)   KABANATA 14

    DAPIT hapon na nang magising si Danica. Eksakto ring naulingonan niya ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang pinto.“Bakit ho?” ang tanong niya nang pagbuksan ang landlady.“Baka kako di ka pa kumain. Dinalhan kita ng pinangat,” anito na tinutukoy ang laman ng dalang tupperware. Napangiti si Danica na kinuha iyon. Matagal na rin siyang hindi nakatikim niyon. Simula kasi no’ng tumira siya sa mansyon ng mga Monteverde hindi na niya nakakain ang mga pagkaing nakasanayan na niya. “Salamat po.”“Pwede kang mag-stay muna sa bahay habang wala pa ang dalawa,” pagmamagandang loob pa ng landlady.“Ay okay lang po, te. Darating na rin ho sina Lily at Ate Sheila maya-maya,” tangging wika ni Danica.“Ganoon ba. Osiya sige. Nasa bahay lang ako kapag may kailangan ka.”Muli ay ngumiti si Danica. Likas talagang mabait ang kausap kahit na noong dito pa siya nakatira.“Sige po. Salamat ulit.”INIHANDA ni Danica ang hapagkainan, ininit na rin niya ang mga pagk

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status