Thank you po sa patuloy na pagsubaybay sa story!
CHAPTER 61: SINGHAP AT PAGKABASAG 'Di ko alam kung uutusan ako ni Victoria ngayon na maglinis pero mas guto ko na lang sumama kay Vladimir kaysa mapagod sa gawaing bahay. Quota na ako sa pagiging alila! "Maraming bathing suit dito, ma'am!" ramdam ko ang excitement sa boses ni Dessa nang ibalita niya sa akin iyon. Hinatak niya ako sa walk-in closet at isa-isa niyang inilabas ang mga summer vibes na skirts at magkakaibang disenyo ng one hanggang three piece na swimsuit. Itinapat niya ang issng set ng two peice sa akin. "Ito ma'am, pula, bagay sa 'yo! Sexy ka rito!" namamanghang bulalas niya kaya naalala ko si Erica. Siya pa naman ang mahilig sa mga sexy na style ng damit. Iyong seductive ang atake! "Ito na lang, ate!" Kaagad kong kinuha ang kulay yellow na three piece. Pares ng swimwear at skirt. Pakiramdam ko ay papatungan ko pa ng damit ang pang-itaas. Nahihiya ako! "Ayan, cute rin 'yan, ma'am!" nakangiting sang-ayon niya at iniligpit ang mga inilabas niya. Nagpahinga ako sagli
CHAPTER 61: SWIM WITH ME "What happened to your hair, Reina?" kunot noong tanong ni Vladimir nang makabalik siya sa kwarto ko. Nagbihis pa kasi siya. "I just noticed it by now," pagki-kwento niya at sinubukang haplusin ang buhok ko. Mabilis ko iyong hinawi patalikod para itinago. Hindi na kasi pantay ang dulo ng buhok ko dahil ginupit iyon ni Victoria gamit ang kutsilyo. "Ginaya ko lang 'yong sa trend," pagsisinungaling ko at itinali na ang buhok para maging ponytail. "Tara na! Gutom na 'ko!" anyaya ko para palitan ang topic at hinila siya palabas. "Good morning po, Sir Vladimir!" siya ang kaagad na binati ng mga kasambahay nang makababa kami. Nakangiti sila at magalang na yumuko. Bumitaw na ako sa braso niya nang hawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya pa akong bumaba ng hagdan. Binawi ko agad ang kamay ko nang hindi niya ako agad pinakawalan. "Is our breakfast ready?" wala mang lang ngiti na tanong niya sa mga kasambahay. Seryosong seryoso ang mukha niya, hindi
CHAPTER 60: I JUST WANT TO... Nakahiga na ako sa kama nang lumabas si Vladimir. Kaagad kong naamoy ang preskong bango ng milk at strawberry. Gano'n kasi ang amoy ng sabon at shampoo ko. Sobrang tumatagal pa ang kapit no'n. Bumangon ako para tignan siya at kaagad na napalunok nang makitang itim na shorts lang ang suot niya. "Bakit wala kang damit?" reklamo ko at muling lumobo ang labi ko. Ang lamig kaya rito! "It's in my bag, Reina. Don't worry, I'm not planning to sleep topless," depensa niya at dumiretso siya roon sa couch kung nasaan ang bag niya. Pinanood ko siyang magsuot ng itim na sando at hindi ko mapigilang mapakagat labi nang bumaba ang titig ko sa mga bitak sa dibdib at tiyan niya. Nakakainis! Bakit pakiramdam ko, sinasadya niyang ibalandra ang sexy na katawan niya? Napakurap ako at kaagad na nag-iwas ng tingin nang tumikhim siya. "Let's sleep," aniya sa malalim na boses at pinindot ang switch ng ilaw na malapit sa kanya. Binuksan ko ang lampshade na nasa tabi ng kama
CHAPTER 59: CHECK ON YOU Mabilis akong umiling nang may mapagtanto. Hindi pa ako dinadatnan! Pero hindi naman porque naduduwal ako ay buntis na agad 'di ba? Malakas ang pakiramdam kong pagkain ang dahilan kaya ako nagkakaganito ngayon! "Thank you po," mahinang sambit ko nang subuan ako ni Dessa ng crackers. Inunti unti ko iyong kainin para hindi mabigla ang tiyan ko at kalaunan din ay nakatulog na ako dahil sa pagod. Hindi na ako nagtanong sa kanya tungkol sa kung ano ang mga sintomas ng pagbubuntis dahil baka mag-OA na naman siya at magtawag bigla ng doctor. Naalimpungatan lang ako ulit nang mahirapan akong huminga. Napatakip ako ng bibig ko at nagtalukbong ako gamit ang comforter bago ako tumakbo papunta sa bathroom. Isinarado ko ang pinto at binuksan ang exhaust fan para mahigop no'n ang kung ano mang usok na makakapasok dito. Binuksan ko ang shower curtain at inilapag ko sa bathtub ang comforter bago ako humiga. Hinayaan kong nakabukas ang ilaw at isinarado ko ang shower cu
CHAPTER 59: GAMOT Halos hindi ako nakatulog kagabi kaya nang gisingin na ako ni Dessa para magbunot na naman ng damo sa malawak na Garden ay sobrang sakit ang ulo ko. Damang dama ko ang pintig ng ugat sa sensitido ko! "Ma'am Czarina, gusto mo ba ng tubig?" alok niya sa akin kaya mabilis akong tumango at matamlay na nagtrabaho. Nakakatamad dahil inaantok na rin ako! Gusto kong magreklamo kay Victoria para matulog na lang! Kailanman kasi, hindi ako pinagtrabaho ni mama ng ganito kahit palagi siyang nag-uutos sa akin noon. Alam kong galit talaga sa akin si Victoria kaya ginagawa niya 'to sa akin. Ang sabi niya, pinahirapan ni Daddy Dimitri ang anak niya kaya papahirapan din niya ako. Sinong anak ang tinutukoy niya? Si Czarina ba o si Vladimir? Napabuntong hininga ako nang maalala ko si Vladimir. Gusto kong tumakas dito! Pero baka kapag ginawa ko 'yon, hindi ko na siya makikita ulit. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang tela ng damit ko sa balikat dahil marumi ang kamay ko. Pinainom
CHAPTER 58: BANTA Pinakatitigan ko siya at halatang nag-aabang siya sa sasabihin ko. Ngumisi pa siya at binitawan din ako kalaunan. "Anyway, it's okay if you don't want to! I'm just curious why Dimitri wants you to be Czarina when in fact, he can introduce you as 'you'!" Nagkibit balikat pa siya at muling umayos ng upo. Sana nga gano'n na lang iyon. Sana p'wede akong ipakilala ni Daddy sa lahat bilang anak niya... sa ibang babae. At hindi 'yong anak niyang matagal nang namamahinga! Pinanood ko siyang sumubo ng pagkain at tumingin sa phone niya na may latest brand. "Reina Andrada ang totoong pangalan ko..." panimula ko para kunin ang atensyon niya. Tumango naman siya at ibinaba ang gadget. "Tell me more!" utos niya, parang atat pa. "I just turned eighteen," dagdag ko pa at tumingin sa gilid niya para mag-isip ng kung ano pa ang p'wede kong i-kwento sa kanya. "Yeah, I can tell!" komento naman niya na parang alam na niya iyon. "You looks more like a teen not an adult like Czarina'