Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

Dangerous Man Series 1: Edwyn Patterson

last updateÚltima actualización : 2024-01-20
Por:  gurlxmiloEn curso
Idioma: Filipino
goodnovel16goodnovel
No hay suficientes calificaciones
21Capítulos
2.5Kvistas
Leer
Agregar a biblioteca

Compartir:  

Reportar
Resumen
Catálogo
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP

Sinopsis

Kwento ito ng dalawang tao na kung saan ay magtatagpo sila ng landas dahil lang sa isang dare na naganap. Si Raine ay walang ibang iniisip kundi ang makaahon sa kahirapan upang makabawi sa kaniyang pamilya ay binuhos jito ang kaniyang atensyon sa pamilya ngunit niloko siya ng kaniyang nobyo. Wala na ulit sa isip niya na pumasok ulit sa relasyon ngunit. Isang araw ay bigla na lang siyang kinuha ng isang lalaki na lingid sa kaniyang kaalaman na ang lalaki palang kumuha sa kaniya ay hindi isang mabuting tao.

Ver más

Capítulo 1

prologue

"Bruha! Ano na? Shot na!"

Napairap ako sa pagsigaw ng kaibigan ko sa akin. Nasa bar kami ngayon at walang ginawa kundi ang magsayang ng pera ngayong gabi. Alam kong may tama na kami ng alak pero ayaw pa din nilang tumigil sa kakainom.

May mga pasok pa kami bukas pero sige lang sila ng sige kakainom.

"Oo nga! Shot puno ka ulit!" sigaw ni Des at inabutan na naman niya ako ng isang basong punong-puno.

"A-Ayaw ko," anas ko dahil nahihilo na ako. Baka hindi na ako makauwi nito kapag sinagad ko pa.

"Bawal killjoy, bruha!" sigaw din sa akin ni Cad.

"Sige na, inom ka na ulit. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita-kita at mag-inom ay tatanggi ka pa," pamimilit pa ni Abi.

Tumango-tango din si Sab. "Tama!"

Wala na akong nagawa pa kundi ang tanggapin iyon dahil sa pamimilit nila. Apat silang namimilit sa akin at isa lang akong tumatanggi, kaya talo ako. Napaupo ako dahil mas lalo kong maramdaman ang pagkahilo ko samantala ang mga kaibigan ko ay nagsasayaw sila. Sinasabayan nila ang tugtog na pinapatugtog ng dj.

"Mga bruha!"

Napatingin kaming lahat kay Sab ng bigla niya kaming tawagin.

"Laro tayo? M-May nakita ako sa tiktok 'yung clown na filter ba 'yun?" sabi niya na para bang hindi pa siya sure. "Tapos may nakasaad doon na p-parang utos at g-gagawin niya iyon kapag sa kaniya tumama ang c-clown na filter?"

"Aba, e-ewan namin sa sinasabi mo. I-Ikaw ang nakapanood no'n, eh," saad ni Abi.

Kaya tumango kami. Pinakita sa amin ni Sab ang sinasabi niyang tiktok. Sumang-ayon silang gawin iyon kaya kahit na umayaw ako ay wala akong magagawa.

Tinakpan na muna namin ang aming mga mukha gamit ang palad namin. Tapos nagbilang si Des ng hanggang tatlo lang at doon namin inalis ang palad namin sa mukha. Naghiyawan sila ng sa akin tumama ang clown na 'yun. Nahihilo ako sa sobrang pagkagaslaw nila lalo na't niyuyugyog pa nila ako.

"R-Rai, kailangan mong mag-sent sa random guy na, 'I like you. Do you like me too?' Then sent ka ng picture mong sexy sa lalaking iyon," lasing na sabi ni Sab at napangisi pa.

At dahil sa kalasingan ay hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. Basta ang alam ko lang ay kaagad kong kinuha ng cellphone ko. Pumili din ako sa mga ka-friend ko sa f******k na kung saan ko pwedeng i-sent ang sinasabi ni Sab.

Expandir
Siguiente capítulo
Descargar

Último capítulo

Más capítulos

A los lectores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sin comentarios
21 Capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status