Share

9

"Hey!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hanggang ngayon ay nandito pa din sila. Ang mga kaibigan ni baliw. Hindi ko sila nakakausap ng madalas dahil natatakot ako sa kanila. Mukha kasing papatayin ka nila oras na gumawa ka ng hindi nila nagustuhan.

"H-Hi, b-bakit? G-Gising na ba siya?" tanong ko dahil abala ako sa pagluluto.

Umiling siya kaya tumango ako. Mga ilang araw na akong nag-aalala kay baliw dahil hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising simula ng nagpakita siyang may tama ng bala.

Uuwi na lang kasi pag-aalalahanin pa niya ako. Paano kaya kapag wala ako dito? Eh, 'di mamamatay na siya? Paano kapag tumakas na ako? Paano siya? Sino ang hihingi ng tulong? Sino ang tutulong sa kaniya?

Natigilan ako ng mapagtanto ko ang iniisip ko. Bakit naman ako mag-aalala sa kanya? Eh, hindi ko naman siya kaano-ano. Hindi ko siya kamag-anak, pamilya, kaibigan, at iba pa.

Tang ina! What if nahuhulog na pala ako ng unti-unti sa baliw na iyon? No way!

Hindi pwede! Hindi!

"Hmm, may problema
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status